EMOTIONS

Sumapit na naman ang autumn season, at siempre kakambal nito ang tindi ng boredom ko. At asahan nyo rin na may matutuklasan na naman ako. This time, alam nyo ba ang tinry ko? Nagpaint ako using acrylic paints. Mix-mix lang ng basic colors tapos nung mabuo ko na yung desired colors ko, nag-imagine nako ng subject. Ang napili ko ay ang beach sa Boracay, wala nga lang puno ng niyog na may nakahang na duyan. (Wala din sila ate na nakabikini at si kuyang naka-trunks na magkahawak-kamay habang nagtatampisaw ng tubig sa dalampasigan)
Pero okay lang, perstaym ko naman e so kung mabobored ulit ako, baka subukan ko pa ng ilang beses at makompleto ko na ang ganung subject.

 
EMOTIONS

Akalain nyong may resulta at tinawag ko syang EMOTIONS kasi naglalarawan sya ng aking naghahalong emosyon. O diba?!

Bago ko pala ginawa ito, ipinasyal muna ako ni Pedro sa Gurvika beach, ilang kembot lang ang layo sa amin. At sa beach pa talaga on a stormy weather?! Anyway, pagdating namin dun, agad na nagcart wheel ako patungo sa malapit sa tubig. Naupo ako sa bato habang hindi ko nilalayo ang tingin sa paparating na fierce at exciting na paghampas ng maputing alon sa dalampasigan. Ng biglang, "ewwe" wet pala yung batong naupuan ko kaya standing position nalang ako habang pinapanood ko ang eksena na parang blockbuster movie ni Jolina at Marvin. Oo nga pala, balita ko balik tambalan na ulit sila... Oiiiiiiiii! Asows, ang showbiz lang!

Anyway, sana'y nasa maayos kayong kalagayan dyan. Kung may konting aberya, huminga ng malalim at relaks lang. Sabi nga, "ang buhay ay weather-weather lang yan". Ciao!





Comments

  1. wow bago ngformat ng screen. Nice to see you posting again day

    ReplyDelete
  2. wow.... na miss ko tuloy ang mag beach.... musta na.... ingat lagi.....

    ReplyDelete
  3. Ganda ng painting mo MarG, ipunin mo ang mga yan at papa auction natin ha :)

    Kaloka ang mga bato at alon sa Gurvika beach, parang kung may gusto kang dispatchahin ay pag swimmingin mo lang dyan at mategi na sya haha :)

    ReplyDelete
  4. Ang astig!! ang ganda ng gawa mo super linisssss!!

    ReplyDelete
  5. Natawa naman ako sa fierce at exciting na alon. Parang mananakit ms. gracie! hahaha.

    ReplyDelete
  6. Marami ka pa palang hidden talents Gracie. Veldig fint maleri. And still you can make us smile although you are going through difficult battles:)

    ReplyDelete
  7. malamang si ate at kuya ay nasa ilalim na ng water may kiss don! chos! hahahaha i miss u ate gracie. malaking sorry kasi itong si kat nakuh abangan nalang yong vlog namin daming kulang nakuh hahaha ganda iframe din yang painting mo na yan. hmmm hehehehe

    ReplyDelete
  8. galing naman girl, ganda na nga ng mga photos, pati sa painting maganda rin. sana lang pwede i-share talent para makahingi kahit kapiranggot man lang,di lang zero ako eh, negative pa tsk!

    anyway, gawa ka pa gurl tas bigyan mo ko pag-uwi mo at ng magkaron ng maganda dine sa aking lungga hehe. paint pa more! ;)

    ReplyDelete
  9. hi Gracie dear, kumusta? balik ka na dito sa lungga mo at ng makapagkwentuhan ulit tayo...

    ReplyDelete
  10. Haha diko alam online pa blog ko, buti nalang nagmessage ka Glen!

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?