Kamusta?



"Kamusta?" Yan lang naisulat ko kahapon sa FB wall ko pero galing sa puso ko yun ah. Kaso wala man lang may pumansin. Ay meron pala, as usual ang pinakamasipag kong kaibigan online at offline, si Senyor. snickering emoticon

Bitaw oi, gimingaw man ko ug blogging karon, Ga-bloghopping ko, ga-comment sad ko sa uban unya ga-backread sad ko sa akoang kaugalingong blog, wa man guy lingaw. Gimingaw ko ug sulat, labi na kadtong mga short stories, kilig-kilig kunuhay, katawa-katawa gamay, ungo-ungo pud usahay, hahay saons.

Oops, napa-bisaya lugod ako. Hmm puyde liwat mag-waray2x nala total blog ko man ine. Balitaw, balik nala kita to taglish bangin waray na lugod magbasa, agidaw lugod. toothless chuckle emoticon



Anyway, pagkatapos ng aking madamdaming pagsisiwalat noong nakaraan tungkol sa aking karamdaman, marahil ay nagtataka kayo kung "Kamusta na nga ba ako?". Well, sa ngayon okay ako awa ng Diyos. Ang totoo, minsan okay ako, minsan hindi. Hindi, sa dahilang nagsa-suffer kaming lahat na dumadaan sa chemotherapy. Nagsa-suffer kami sa mga side effects na dulot nito katulad ng pananakit ng katawan, kasu-kasuan (joints), allergies, nausea, headache at fatigue. itching emoticon

Pero hindi lahat ng nagki-chemo ay pare-pareho ang nararamdaman, merong iba na ilan lang o sobra pa sa mga nabanggit ang side effects nila. Siempre, iba-ibang klase ang sakit na big C, iba't iba rin ang level nito tsaka iba't iba rin ang klase ng chemo ang binibigay sa kada-pasyente, depende sa edad din at laki ng katawan din binabase. Yung iba nga, walang gana kumain kaya karamihan pumapayat at buto't balat sila. about to vomit emoticon

Ako, nagpapasalamat pa ako na may gana akong kumain, oo madalas, kasi at least kaya kong pumili kung ano ang gusto kong kainin, siempre dapat healthy at kung ano ang makakabuti sa katawan ko. Kumakain ako pagnagutom ako kasi pagnalipasan ako acid reflux ang aabutin ko. Di bale ng lumalaki ako basta malakas ang immune system ko. Saka ko nalang iisipin pumayat paghealthy na ulit ako. Ayokong maospital ng wala sa oras, tama na yung madalas na pagpunta ko sa clinic para sa blood tests at kung anu-ano pang ek-ek na nakakapagod physically, mentally, psychologically tsaka financially.

Nakakapagod talaga as in to the point na di ko maiwasang mapatanong kung "Kaya ko pa ba?". Siempre walang ibang makakasagot nyan kundi ako pa rin kaya ang sagot ko, "Kaya ko!" Kaya nga lumalaban ako at nagpapalakas ako kasi gusto kung bumalik sa dati, yung wala akong iniindang sakit, yung wala akong worries at takot na nararamdaman. Nakakamiss yung healthy at masayahing Gracie. Yung may buhok na Gracie. laughing out loud emoticon



heart plant emoticonBy the way, kamusta naman ang lablayp? Siempre, lumalablayp todo max pa rin tayo. Dahil kung walang lablayp este LOVE, mabigat at baku-bako ang pagdadaanan. Kaya thankful ako na may tatlong L ako, yun ay LIVE, LAUGH & LOVE! Importante ang tatlong sangkap na yan para magpatuloy ang laban ng buhay.


happy friends emoticonKaya kayo na nakakabasa nito, kung meron kayong mga pagsubok na pinagdadaanan kahit gaano pa kabigat ito, don't waste your time complaining and whining. LIVE a healthy lifestyle, have a daily dose of humor and LAUGHter, do good things to others and just spread LOVE 


good afternoon emoticon

Let me share to you some of our photos taken from my smartphone today. 20 degrees kanina kaya naisipan naming mamasyal at magdate dahil may time.                                                    


Sightseeing

Cozy talk over a cup of coffee and cake

= Satur-date with my love blow kiss emoticon


thumbs up emoticon

Comments

  1. Ate Gracie!!!! *cat hugs*
    Glad to know na you're doing fine at nakaka survive sa iyong chemo sessions :)
    Tama ka, good vibes lang dapat parati.... pero syempre, hindi rin naman masama ang konting dose ng ka-emohan paminsan minsan XD

    God Bless you always :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo di talaga maiwasan maging emosyonal lalo na kapag pagod ang katawan at isip pero patuloy lang, konti nalang at makakaraos na din, may awa ang Diyos. hugs!

      Delete
  2. nyatawa ako nung nagbisaya ka lolz.

    Hope maging mas maging maayos ang kalagayon mo everyday..

    ReplyDelete
    Replies
    1. E yung waray2x dialect, di mo naintindihan noh? hehe

      Oo nga hope and pray ko din talaga yan. Namimiss ko na ang normal at malusog na kalagayan.. hay sana Pasko na :P

      Delete
  3. Na mao na nangita ko sa imong blog sa wakas na ning balik na ka, miss u ms gracie

    Ayaw na bya ug wala ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you Josh, you made me smile. sa binisaya pa, salamat dong, gihatagan ko nimog "Colgate" :D

      Delete
  4. Replies
    1. ni-Colgate pud si Pedro nako ay, tusen takk kuno, naa na syay fan :D

      Delete
  5. Sending you a warm hug Gracie. Happy to hear that you are positive and inspite of your situation at you inspire. Take care and still trust our Mighty God💜

    ReplyDelete
  6. Ms. Graciieeeeee <3 hugsss!! magiging okay ka din! :))

    Tama yan, be positive lang saka live a healthy life pa din lagi... pray ka lang palagi... kaya mo yan :))

    "kung meron kayong mga pagsubok na pinagdadaanan kahit gaano pa kabigat ito, don't waste your time complaining and whining."

    tama ka diyan Ms. Gracie and dapat maging thankful tayo sa life natin hihi.

    PS. nabasa ko mga comments mo sa blog ko, nakakakilig hihi... I followed you back <3

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?