Sensya na, BC talaga...

Hay finally, nakabalik din ulit sa blogging. Ilang beses din ako nagpalit ng password, lagi kong nakakalimutan. Eng-eng much or sign of aging ba ire? Well makakalimutin talaga ako recently pero di pa ako ulyanin noh hehe tsaka sinulat ko na din sa papel para makikita ko nalang everytime magla-login ako. Ah basta i-blame nalang natin sa hormones at kay aleng anik anik! :P

Anyway it's 4:40 AM na, at this hour gising pa din ako. Nagising lang ako actually tapos after ko mag-WC di na ako dinalaw ulit ng antok. Kaya instead na magbilang ng pitumput-pitong puting tupa para makatulog, heto't magbababad ako sa computer! 

Sure, magkikwento ako, promise ko yun last time diba? Ok, brace yourself guys... (breathe in, breathe out...) Let's do this!

* * *

Peeps, pumunta ako ng salon kahapon, hindi para magpaganda kundi para magpakalbo. Tama ang nabasa nyo, nagpa-skinhead ako. Sobrang scary talaga, naiyak ako! 3 days ago kasi, nagstart ng maglaglagan yung hair ko, e dyahe naman tsaka nakaka-hair stress na so ayun pina-shaved ko na! Gosh, the moment na natanggal yung hair ko, para akong nabawasan ng ilang kilo, ang gaan ng feeling! Ni-hug ko nga yung ale na owner ng salon at personally na naggupit sa akin, libre e. 

Tanggap ko na dati pa, makakalbo talaga ako pero di ko akalain mas mahirap palang harapin yung moment kapag andyan na. Lakas loob kong tiningnan sarili ko sa mirror, kahit mas lalong pumanget, ako pa rin to e kaya wala akong magagawa kundi tanggapin ng maluwag. Temporary lang naman, soon tutubo din ulit to kaso kulot nga lang. Anyway, mura lang naman siguro ngayon magpa-hair rebond kaya keri na.
Medyo napaaga kasi I thought after ng second treatment pa yung side effects na ganun. Sa friday na ang 2nd chemo ko. Lapit na rin pala, kinakabahan na naman ako kasi yung una, severe headache at nausea ang kalaban ko nun. Anyway, on the positive side naman, e kahit sobrang weak ng immune system ko, I managed to stay away from influenza at infection. Tsaka kahit pasaway na fatigue ang umeeksena lagi, I make sure nalang na maglaan ng energy. Tsaka exercise din at gawing busy ang sarili sa kahit anong activities everyday. Gusto ko ding kinakain ngayon ang isda tsaka fruits and veggies (less poultry and red meat). And then minsan, pagmay mouth sore ako, porridge at oatmeal lang kinakain ko solb nako.

By the way, June 3 inoperahan ako sa right breast ko. Kailangan e, may bukol akong napansin dun. Minalas pa, sa dinami-dami ng araw e sa mismong birthday ko pa natuklasan, nung April 7. Grabe iyak ko that day. Naawa at nataranta si hubby pinacheck-up namin kaagad on that same day. Kaso napagkamalan lang ng personal doctor ko na cyst lang daw pero nagsent sya ng request for further breast exams sa breast center dito then after that pinauwi lang ako, no worries daw.

Ayun pag-uwi namin simple dinner with friends lang. Walang masyadong ganap pero nairaos din naman yung kaarawan ko. Pinilit kong kalimutan, balewalain yung worries ko pero andun pa rin e, may doubt kasi ako na di lang talaga sya cyst. Namana e. 

To make the long story short, pagkatapos ng lahat ng prognosis and diagnosis, inannounce sa aming mag-asawa nung May 16, breast cancer stage 2. BOOM!

Nashocked ako although parang expected ko na yun. Speechless pero di ako naiyak kasi wala na, naubos na siguro luha ko kakaiyak nung birthday ko. Nasa isip ko nalang "God, why me?" and then sumunod pinukol ko na yung medical teams ng maraming-maraming questions hanggang sa nganga na sila. 

Alam ko pagsubok lang lahat to, alam ko mahal pa rin ako ni God kahit anong mangyari. At alam ko di Nya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko kayang lagpasan. Kilala Nya ako dahil simula pagkabata Sya ang lagi kong karamay at hawak Nya ang kamay ko. Hindi Nya ito binitiwan kaya hangga't kaya ko di rin ako bibitiw sa Kanya....

Sa ngayon eto ang kwento ng buhay ko. Isang yugto na sadyang nakapagpabago sa buong pagkatao ko at pananaw ko sa buhay. Mas matapang kong hinaharap ang mga pagsubok. Patuloy na lumalaban para mapagtagumpayan ko ang minimithi ko - ang lubusang mawala ang sakit na kanser sa katawan ko. At higit sa lahat ang pagkakaroon ko ng malakas at matibay na pananalig sa Diyos.. 

Kakayanin ko to! I cancer-vive ang sigaw ko!!! Kaya nyo rin ba, suportahan ako? #TEAMGRACIE tayo! #i-cancer-vive


Comments

  1. Speechless. Cyber hugs!
    We can do this! You can survive! We'll pray for you! #TEAMGRACIE all the way!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan sabi mo magkwento, di mo tuloy kinaya..

      Pero happy ako, dahil suportado moko sa laban ng buhay ko!

      Cyberhugs din sayo Senyor!

      Delete
  2. *sniff*

    *sniff*

    *sniff*

    Ate Gracie, I dunno what to say...

    *HUGS na lng po kita ng mahigpit na mahigpit*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Enebe! Ka-Fiel bawal ang sad dito, lika nga... etong sayo, powerhugs!!!

      Bumalik ka, magspeech ka ng hindi malungkot ah. Kaya natin to!

      Delete
    2. *power hugs*

      yes #TeamGracie for the win!

      Wala yan si Big C, kayang kaya mo siyang talunin diba?
      Mabisang panlaban sa sakit na yan ang pagkakaroon ng positibong outlook sa buhay + tons and tons of prayers ^_^

      Delete
    3. Tumpak! Yez may laban tayo dahil walang puwang ang big C na yan sa katawang chubby ko, ika nga ni Rix hehe

      Delete
  3. a big huggggssssssss to you ate gracie. u can do it and ul survive, we will always be here for u ate. PRAYER CAN MOVE BIG MOUNTAINS!!! let's do that!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oi Lalah nasurprise naman ako sayo, napadaan ka dito. Maraming salamat sa pagiging positibo, gusto ko ang ganyang attitude. Natutuwa ako sa sinabi mo, salamat sa suporta, let's do this! ohlala :D

      Delete
  4. :( :( ;( ;(

    grabe, para naubos lakas ko habang binabasa 'tong post mo dear, can't help but ask why, too. :(

    be strong Gracie, with your faith and through God's mercy, matatalo mo ang big-c na yan. at paalala ko lang, akyat pa tayo ng Taal pag-uwi mo, di ba sabi mo yan kaya patumbahin mo na kagad yan big-c na yan.

    go lang gurl, fight lang, kaya mo yan! I'll pray for you Gracie, we'll pray for you. God bless you my dear. *hugs*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aww Glen, hugs! Siempre di ako papatalo big C lang sya, ako big GG (God and me) kaya i will survive!!!

      Thank you sa lahat ah. Basta pray moko always. Have a nice weekend ahead!

      Delete
  5. I know you can survive it. Wag kang masyado mag pakapagod. Stress can trigger it more. Be brave. God loves you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sa concern Dong. Tama, Kailangan kong iwasan ang maistress at sobrang mapagod. Ikaw din ingat lagi, at good health always. God bless!

      Delete
  6. At nagawa mo na rin mag kwento!!! Mas marami nang prayers mas mapapabilis na paglakas mo! #TEAMGRACIE !

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e, yung bigat nabawasan kahit papaano lalo nung naikwento ko na lahat, tas mas lumalakas ako dahil sa mga positibong reaksyon, prayers at well wishes nyo sa akin. Touch ako sobra!

      Delete
    2. tama #TEAMGRACIE tayo dyan!!! nuod ka ng law of attraction ate gracie yong sa "THE SECRET" na movie, meron don about sa pinagdadaanan mo at pano mo ito ma-conquer. kaya yan ate, nakaya ng iba, lalo na at nandito kami para sayo. GOD will never give you this if alam niyang hindi mo kaya! so ohhlala talaga let's do all this, let God move mountains! :)

      napadaan ako ate gracie kasi i decided na magbblog na talaga ako ulit hehehe

      Delete
    3. Magandang tips yan Lalah lalo ngayon kailangan ko talaga ng outlet, tsaka naguguluhan talaga di lang katawan ko pati isip, daming tanong, kaso kulang ng resources. Hahanapin ko yang movie at papanoorin. Teka, may dala ka bang popcorn? hehe. God bless Lalah!

      Delete
  7. powerhug! I admire your positive outlook in life you inspired me! aja!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you, ikaw naman ay nakakapagbigay ng "good energy" dahil sa sinabi mo. powerhugs!

      Delete
  8. Nakapag log inn ako b4 the next flight. I am so sorry to hear about your situation. I have no words just to say that keep on praying and trusting. I will lift you up in my prayers. Take care Gracie💜

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po, sige po kailangan ko talaga yan - positive thoughts, well wishes, prayers and a lot of prayers! Miss you Mommy Joy, klem.

      Delete
  9. Hi! if it is anything, alam ko mataas naman ang survival rate ng breast CA lalo na pag young and healthy ang patient. My mother died of it last year but take heart kasi iba iba naman ang plans ng Lord satin. Just let go and let God..live happy stay happy..Nice painting nga pala sa last post mo..

    ReplyDelete
  10. Ate graciee :(( hugsssss!! you can and you will survive!!

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?