Pano nga ba ulit magblog?



Pano nga ba ulit magblog?

Wala lang, may maitanong lang, matagal-tagal na din kasi akong di nakakadalaw dito sa mundo ng blogesperyo kaya parang na-amnesia na din ako pano ulit buksan itong blog ko at magsimulang magsulat. Password ko? Tama ka, di ko rin maalala hahay... Di lang yan, di ko na din alam kelan eksaktong anibersayo nitong blog ko. Sigurado di nyo rin maalala, pano tagal nyo na din di dumadalaw dito, hmm aminin...

May namimiss ako... Ikaw! Di siempre yung una, ang pagsusulat. Minsan di lang naman puro rants ang nilalaman nitong blog ko. Iba-ibang topic naman, kaya lang kapag sinusubukan ulit ng inyong lingkod na magsulat lalo na sa english, ay malaking peligro! Baka mas lalong manganib ang buhay ko kasi aabangan ako ng mga kriminal sa kanto. Joke lang pero ingat tayo dahil maraming nagkalat na grammar nazi sa paligid e lagot :P 

Pangalawa, siempre yung mga konting palitan ng opinyon at kuro-kuro na nahahantong kadalasan sa biruan at kulitan ng mga kapwa blogero. Yun yung parang reward e pagkatapos mong ibahagi ang mga karanasan mo, mga na-achieve mo sa buhay, o kaya mga talento o anu man yan na worth sharing ba, may mga dadaan, magbabasa tas magkokomento... diba ang sarap lang sa pakiramdam lalo na kung mga positibo? Sey nyo?

Last but not the least, nakakamiss yung mga naging kaibigan siempre. Kahit naman papaano may nabuo rin naman na pagkakaibigan, yun bang akala mo, ay eto na yun. Pero sabi nga ang mga kaibigan, they just come and go lang daw yan e. Yung matira, syang matibay. Yung matibay, e di syang tunay. Sauce meganun e!

Anyway, siguro naman e nairaos ko na din tong post na to noh na kahit walang kwenta. Basta ang alam ko... alam ko bitin ka pero I need to go na e, hanggang sa susunod nalang ulit. Next time, di ka na mabibitin, siguro magugulat ka lang or what basta. O sya panandalian ko munang puputulin sa kadahilanang... alas dos na po! Alam na... awooo! 


Good mornight! 


Comments

  1. Ate Gracie!!!
    Ahaha, buti ka nga nakapag-composed na ng new entry (kahit out of the blue lang eh)... samantalang ako... nga-nga... sabaw mode for over a month!

    Anywyas, nakakatuwa din na makakita ng new updates from you.
    Hope everything is well on your side!

    Have a great day~
    *meow*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ka Fiel uy isa ka sa namimiss ko, hug moko dali!!!

      Na-fiel mo siguro este na-feel mo siguro ang presence ko sa blog mo ano before ko to sinulat? Yah, I was there reading (silent reader hehe) your latest updates. Post ka na ulit soon ha, di ikaw yan na matagal di magpost e hehe. Have a great day to you din!

      Delete
  2. Grammar nazi ba kamo? Ahem... Hahaha.... Kapag ako ang matagal na hindi nakakapagblog namimiss ko talaga, so matagal na sa kin ang 2 weeks na katahimikan. I think nasa tao naman talaga ang willingness eh, minsan kasi kahit may time wala namang ideya na pumapasok sa isip, minsan naman maraming ideas wala namang oras. Ang pagbablog for me, magandang libangan, I do not earn from it, pero natutuwa akong balik-balikan kasi gustung-gusto kong nagseshare ng mga ganap sa life, regardless kung may nagbabasa or not haha...

    Yung blog anniversary mo, tignan mo lang date nung very first post mo, yun na yon haha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha oo nga dami nagkalat na kayo, dyahe... chos! Hehe aminado kasi ako mas nahirapan ako mag english mula nung matuto ako ng iba ibang linggwahe kasi. Kaya taglish nalang para safe hahaha!

      Agree, andaming factors na nakaka-apekto to continue blogging at siempre in real life din kaya ang susunod na tanong dyan, isara ang blog totally or not! :P

      Buti nalang ngayon ay sinusubukan ko ulit magbackreading at bloghopping so nakakatulong naman para manumbalik ang dating interes sa blogging. Btw, salamat dahil isa ka sa nagtyatyagang bumisita dito, isang karangalan yan ha dahil hinahangaan kita sa uri ng iyong pagsusulat. Ciao!

      Delete
  3. Konting click clock, basa basa, bloghop, maalala mo din kung kailan, saan at paano nagsimula ang pagmamahal mo sa blogosphere :) ako nga namimiss ko na magblog kaso wala lang akong time para iprocess nang maayos ang nasa utak ko. Masarap mahsulat, masarap magkaron ng mga kaibigan. Wag ka mag-alala, andito lang nman kami sa tabi-tabi. Hanggang sa muli!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Kat, yan ay isang payo na sinusunod ko ngayon at masasabing kong effective sya! Kasi unti unti nakong nagkakainteres ulit sa blogging. Pansin mo? :D Thank you Kat, di nyo ako nakalimutan... char drama anthology! hehe. Hugs sayo at kay tidiburrr!!!

      Delete
  4. kakabitin nga... abangan ko ung next na hindi nakakabitin ha... miz u

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo teka relak, iipon lang ako ng lakas ng loob... maraming lakas ng loob at enerhiya hihi... isa ka rin sa namiss ko Senyor, isa sa masisipag at mahuhusay na bumubuo ng PBO. Hanga ako sa dedikasyon mo!

      Delete
  5. And now you're back!!! Regular Programming na ba ulit ang network na ito :)... tuloy tuloy na dapat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siempre, the show este life must go on, he he

      Delete
  6. aba ako andito pa din ako, kaya matibay ako haha :)

    more chika sa next post Mar-G! dami mong ganap, mag kwento ka naman. Amishew! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e, wala kang kupas MarZ, para kang kanta ni Rihanna, "Shine bright like a diamond" :P

      Sure, chika kitz! Namiss din kita, hugs!

      Delete
  7. hehe parang pare-pareho tayong pahinga muna sa blog pero wag mo isara, hayaan mo lang andyan sya para kapag bigla ka sinipag, sulat kagad. kaka-miss din makipagkulitan sa comments pero limited na talaga time ko now, wala na natitira sa kakapiranggot kung utak after ng work kaya laro/basa na lang. hehe haba ng kwento ko. maligayang pagbabalik sa blogosperyo Gracie dear. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam ko marami kang time hehe, magdadaldalan pa tayo ah.. dito lang ako

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS