Blast From The Past: One Day - Part III

Pagkatapos naming kumain ay gumala muna tsaka hinatid ako sa boarding house. 

Masaya ang araw na yun, masaya kaming nagbibiruan at nagkukulitan hanggang sa... 

"Jam, namiss kita." Sinabi nya ito ng halos pabulong. Aktong inilapit ang mukha at tinitigan ako sa mga mata, "Mahal kita.. alam mo ba yun?"

Hindi ako nakatagal sa titig nya kaya't tumungo ako, hindi ako komportable sa ganong ayos, mas lalong hindi ako sanay sa mga katagang lumalabas sa bibig nya. Ano kayang ispiritu ang sumanib sa kanya at bigla itong nagkalakas ng loob magsabi ng kanyang saloobin at nararamdaman? 

"Umayos ka nga.. hindi tama 'to, sinisira mo pagkakaibigan natin."

"Bakit, ayaw mo ba? Jam, will you be my girfriend?"

"Hindi kita mahal.."

"Bakit di mo ako subukang mahalin?"

"Marami akong magiging karibal sayo."

"Heto na naman tayo."

 "MUAH!" Isang biglaan at mabilis na smack sa lips ang binigay ni Jerico. "So do you believe me na?"

"Sh*t ano yun?! Take advantage ka ha! Wag ganun! Kulang pa, more!!!" Eww no, joke lang!

"Haha gusto mo din pala e. Sige na bago ako umuwi please answer me... Will you be my girlfriend?"

"Sige na nga, oo na!" Bahala na si Batman!

Sa pagkakataong iyon ay niyapos nya ako't binigyang muli ng isa pang halik. Hindi ako tumutol. Ngunit para lang akong tuod, walang kibo, wala akong pakiramdam, manhid ako!

"Kala ko ba aalis ka na?"

"Ngayon pa e GF na kita hehe."

Ilang sandali pa syang naglagi dun pero napansin ko hindi sya mapakali. Ang manaka-nakang pagyapos at paghalik nya ay tila nakakailang na. Habang tumatagal ang dampi ng mga labi nya, nagiging malikot naman ang mga kamay nya! 

Aba! Hindi na ako nasisiyahan sa ginagawa nya. Hindi porke't pumayag na akong maging GF nya, ay basta-basta nalang nyang gagawin ang mga bagay na ito. Such a big NO!

I asked him to stop what he was doing pero inignore lang nya. So I had to push him away na talaga. Nasampal ko pa sya and asked him to go out of my room. Feeling ko kasi masyadong take advantage sya, konting respeto lang sana. 

"Go out of my room, now! Kakalimutan ko ang nangyari, kalimutan mo nalang din na sinagot kita!"

Pagkatapos kong magmoment, hindi na sya nag-effort na magsalita. Umalis na lang ito. 



Yun na ang huling pagkakataon na nakita ko sya. 



Ngunit ilang taon ang nakalipas, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Coincidentally, nagkita kami malapit sa bago kong nilipatang boarding house. Niyaya nya ako over a cup of coffee, nagpaunlak naman ako total ay naging magkaibigan naman kami so eager din akong kamustahin sya.


"So kamusta ka na? Btw, sorry sa ginawa ko sayo nun ha?" 

"Sorry san? Dun sa ginawa mo sa akin nung gabi?"

"Oo, masakit yung sampal mo ha!"

"Hahaha, walang anuman, kulang pa nga yun sa ginawa mo sa akin e."

"Tsaka sorry din kasi bukod dun meron pa akong ibang kasalanan. May GF talaga ako that time, nagkalabuan kami kaya kita niligawan."

"Naku, may kutob na ako kaya nga di ako nag-assume at nagpakatanga sa'yo."

"Ganun ba. Tsaka after nung nangyari sa atin, kung sino-sino nalang nililigawan ko. May mga instances pa nga na pinagsabay-sabay ko na silang lahat."

"Yucks, proud ka pa dyan manyakis ka talaga!"

"Hindi naman, pogi lang hehe!"

"Conceited, di ka pa rin nagbabago!"

"Uy, good boy na ako ngayon. Malapit na kasi akong maging daddy"

"Oh good for you. Congrats! Dapat talaga magpakabait ka na"

"Salamat, ikaw kamusta ka?"

"I'm good, happy naman with my boyfriend for 2 years."

"Wow, congrats to the lucky guy. Buti nakatagal sya sayo? Hahaha. 

"Sira! O sya, alis na ako, baka accidentally makita ka pa nun, sigurado masisira yang kapogian mo, mahal magpa-Belo."

"O bago ka umalis inumin mo muna kape mo, sayang naman."

"Hindi na, salamat nalang. Mamaya kung ano na naman ang binudbod mo dyan."

"Hahaha, okay ka rin noh? Anyway, nice meeting and chatting with you again Jam. Glad we cleared things out at most espec. napatawad mo ako."

"No prob, bye Jerico." 


So dyan nagtatapos ang aking One Day ♥ kwento.


10 comments:

  1. Nice story. Assholic guy though. Hahahaha! On behalf of all the male species (to which I really don't belong because my existence is anomalous, and that I don't usually do what normal guys do- douchebag acts), sorry because we usually think with our penises and not with our peanut of a brain.

    Why do they constantly need to have more than one girlfriend? Do they think that it makes them an alpha male? it should be punishable by stoning to death, pero hindi. Tapos ngayon, competition pa silang lahat. They make it a point to brag it with their fellow assholes. Nasasabi ko ito kasi, ang dami kong pinsan na babae, ang bunso kong kapatid ay babae, and I'm a loving uncle of two beautiful nieces. It irks me to think that some douchebag will try to woo them one day.

    ewan ko rin naman sa mga kababaihan. Bakit ba tumitigil ang inyong mga neurons sa mga pambobola ng mga lalaki? ewan talaga. DInudugo ang utak ko sa pag-iisip kung bakit ganyan ang state ng mga relationships. February pa man din.

    But it's nice that you both met again. It's good that he decided to straighten up his ways. Ngayon pa na magiging tatay na siya. Anyway, i wish you all the best with your boyfriend.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako dinudugo ang utak ko sa mga English mo TG lolz!

      Talaga? You're not one of them? Oh c'mon! :P

      Delete
    2. Haha.. ayus yung lalaki na yun ah.. at ang galing mo rin magpigil buti di ka nagpadala sa kanya.. ang talino mo.. dapat talaga lahat ng girls ganyan.. at sana lang hindi lahat ng boys ganyan...

      un lang..

      Delete
  2. Grabe naman sampal mo Gracie lagas ngipin lol. But that AH deserved that.

    Sa ganyang situation nakakahinayang lang yung friendship no? May mga relationship kasing ang ganda bilang magkaibigan nagtatagal then pag biglang nabahiran ng romance nasasayang lang kasi hindi pala pwede :( #nakakarelate

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm...ano kayang kwento sa nakaka-relate na hashtag? i-post na yan! hi msB! ;)

      Delete
  3. You were not meant for each other talaga. Si Kuya Jerico naman, kung maka-chansing, wagas! LOL

    ReplyDelete
  4. Parang ramdam na ramdam ko ang sampal lols!

    A-hole nga yung guy, sarap lagyan ng butas ang ulo hahahaha

    ReplyDelete
  5. Naku isa palang douchebag ang tinamaan ng lintik. Buti na lang din pinigilan mo siya that night.

    ReplyDelete
  6. tagal kong di nadalaw dito ah, dami ng post. totoong kwento 'to?

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.