Kvinnfolk!



Nung nakaraang taon, may eksena kami ng mga lolo sa elder institution na pinamagatan kong, "Lumalablayp din ba ang mga lolo?"

Basahin dito

Sa kabilang dako naman, meron ding di malilimutang eskrima ang mga lola na pinamagatan kong, "Kvinnfolk!" Alam nyo ang mga lalaki may expression silang "Hay ang mga babae talaga!" Sa mga norwegian men, simple lang... "Kvinnfolk!"

Night shift. Oras na para matulog kaya't isa isa na naming tinulungan ang mga lola sa elder institution na akin paring pinagtatrabahuan na pumunta sa kani-kanilang kwarto para magsitulog na.

Samantala, may isang lola na nakahiga lamang sa kama nya buong araw kaya't pinuntahan ko na at inusisa.

Ako: La, kamusta po kayo? Napansin ko, buong araw po kayong di lumabas ng kwarto. Ni hindi nyo po ginalaw ang pagkain nyo. Masama po ba pakiramdam nyo?
Lola1: Wala ako sa mood. Iwan mo na lamang ako...
Ako: Bakit nga po? 
Lola1: Ang kulit, di mo ba napansin masama ang pakiramdam ko, meron ako ngayon! 

Hala! Meron daw sya, si lola kaka-88 na kaarawan lang nya nung isang araw, hay niloloko na naman sarili nya hihi!

***

Mga ilang oras pa, isang lola na ang sumenyas at inaantok na daw sya pero di na daw nya kaya magwiwi sa kubeta, kaya't nagpahatid nalang diretso sa kanyang kama. Siempre ang peg sa xl nyang japer chumever! 

Ako: Lola, higa lang kayo tatanggalin ko po japer nyo, papalitan ko ng malinis para feeling fresh at mala-beybi kayong matulog ;P

Pagkahubad ko ng japer nya, yumuko at nakita ang sarili nyang &3#@&! Animo'y perstaym nya itong nakita, biglang... 

Lola2: *Napaigtad* Ay, ano ba yan! *Sabay lingon sa akin*
Ako: *Pigil ang aking tawa. Patay-malisyang nagtanong* Bakit po kayo nabigla lola?
Lola2: Mayabong. Kagubatan. *Tumingin sa akin na may nakalolokong ngiti*

Dyusko, akala ko naman kung ano. Hay, may PMS ata si lola. LOL!

***

Alas nuwebe, pinakahuling pasyente. Itong si lola, may routine na sinusunod araw-araw. Kaya kailangan gawin lahat bago matulog. Pagkatapos magsipilyo ng ngipin, nag CR. Pagkatanggal ko ng pang-ibaba, biglang komento nya:

Lola3: Apo, kumain ka ba ng hipon?
Ako: Po?! Hindi po. Allergic po kasi ako...
Lola3: Ganun ba, may naaamoy akong amoy-hipon e.
Ako: Naliligo naman po ako araw-araw. *Napa-smile ako* La, anong klase pong amoy? Yun po bang matagal ng naka-stock o amoy matagal ng di nahuhugasan? 
Lola3: Tseh! *Humagalpak ng tawa*

Toink! Akala ko babatukan ako. Kinabahan ako dun pramis.

Comments

  1. Baka yung ano ni lola ang amoy hipon. haha laughtrip! Nakakatuwa rin pala ang mga elders no :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, ako daw yun e. Isuli ko sila sa mga nanay nila, kapag di sila magbehave hahaha!

      Delete
  2. sunod sunod ang update... welcom back...

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa ang mga bloopers ng mga lolo at lola... for sure nakakawala ng pagod...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag ganitong bloopers, tanggal ang pagod kasi after kanya kanyang kwento na sa mga kolega, ayun tawanan portion na

      Delete
  4. Hahaha.. Ang kukulit ng mga lolang to, lalo na si lola number 3 and the amoy hipon bit hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Shock nga ako kay Lola hipon hehe siguro nahiya sya magask kung bakit amoy hipon sya, ayun napagbintangan tuloy ako haha

      Delete
  5. Hahahahahaha, laugh trip. Pero so nice, napaka moody nila lola.

    ReplyDelete
  6. Jeg kjenner meg igjen her gracie:) nakakatuwa talaga minsan mga elderly:)

    ReplyDelete
  7. As in tawa lang ako ng tawa sa post mong to Gracie. Grannies are fun but you need more patience in dealing with them. Di ako maka get over sa pag tawa hahaha. Pwede ka ding magsulat ng mga comedy post lols!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo at sabi nga ako daw ang pinakapasensyosa sa mga matatanda dun haha. Salamat naaliw kita kuya Jay

      Delete
  8. natawa ako sa lolang 88 yrs old at may buwanang dalaw pa rin LMAO

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Kwentuhan kita nung may gender issue? Lol

      Delete
  9. ha ha ha "ang mga babae talagah!". merong may period, may mayabong at may hipon! ano pang hahanapin mo lol!

    On a serious note - natutuwa naman akong sobra at may nababasa na ulet akong mga bago dito yey!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe thanks Balut. Well that's reality! 0:)

      Delete
  10. Ansaya cguro nila kasama wag lang sila mag inarte char! Imiss my grandparents tuloy na hanggang ngaun kya pang magsibak ng kahoy

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek, masakit sa lungs yung may mga nagtatruntrums o kaya susungitan to the nth power!

      Delete
  11. hi, i'm glad to be visiting here, may you always be healthy and happy, keep happy blogging always, greetings from Makassar - Indonesia :-)

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?