Blast From The Past: One Day

Gusto nyo ba magkwento ako ng isang karanasan sa past ko? Sige pag-iisipan ko, este sige magkikwento na, malakas kayo sa akin eh. Pero sekreto nating malupet ito ha, wag nyong ipagkakalat, promise? Papatulog na sana ako eh pero nangangati ang mga daliri kong tumipa at magshare ng isang karanasan na sadyang hindi ko malilimutan.

Well, ito ay isang kwento tungkol sa naging nobyo ko noon. Lumalablayp eh noh? Naks, blast from the past nga! Bakit pinamagatang, One Day alamin natin...

"Jam, kelan mo ba ako sasagutin? Ilang buwan na akong nanliligaw sa'yo pero hanggang ngayon di ko alam kung may pag-asa ba ako sa'yo?"

"High ka ba o lasing? Kala ko tropa lang turing mo sa akin? Aber, asan ang chocolates, asan ang flowers hmm?"

"Sus, di na uso yan. Anyway, ang sabihin mo manhid ka talaga. Kaya siguro di ka nagkaka-boyfriend..."

"Ouch. Hindi naman kasi ako si madam Auring noh, tsaka ayoko ring mag-assume na nililigawan mo ako. Oo madalas ka ngang pumunta dito pero malay ko ba kung isa sa mga kaboardmates ko ang gusto mo."

"OA mo naman. Magtatyaga ba akong pumunta dito para makita ka? Sus, mga babae talaga... pakipot!"

"Ngunit langit ka, lupa lamang ako hindi tayo bagay? Eh ano naman nagustuhan mo sa akin ha? Ampogi-pogi mo kaya dyan, kainis ka (sabay kurot sa mamula-mula at makinis nyang pisngi) at ang ambango-bango pa ayiiieee paamoy nga? (aktong itataas ang mga kamay at aamuyin ang kili-kili ng binata pero mabilis pa sa alas kwatrong umiwas ito palayo)"

"Puro ka naman biro eh. Basta bukas ha, aasahan ko sagot mo?"

"May deadline talaga? Ay naku sige na, magrereview pa ako eh, exam na namin next week... uwi ka na diba?"

"As if naman, seryosong magrereview sya ha. Sige na nga, alis nako. (Yuko ang katawan at umalis na matamlay, larawan ng isang natalo sa sabungan)

"Sige bye, ingat ka."

Sa totoo lang, nabigla ako sa ipinagtapat nya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang nanliligaw sya eh wala yata sa bukabularyo nya ang salitang "sweet" tsaka kung kausapin ka eh para ka lang ka-tropa nya, ang harsh!"

Anyway, totoo mabango talaga sya, na papadating palang ay amoy mo na ang kanyang pabango. Pag-uwi naman, umiiwan ang amoy (sumasakit tuloy ulo ko haha). Hindi sa pagmamayabang pero hawig nya ang nasa larawang ito.



Alam ko si Geoff Eigenmann yan. Hindi naman ako assuming teh, linawin ko lang itong angle nya lang hawig. May pagka bad boy ang dating, ang juicy nyang tumingin! Ang ayos ng kanyang hibla-hiblang buhok na laging naka-hair gel pero mukhang lagi namang bagong ligo. 

May mumunting balbas sya sa may baba at mapupula ang kanyang leps, ay nabisaya tuloy, lips pala aguy! Maayos manamit, sunod sa uso at kaya nyang dalhin na may sariling estilo kahit na medyo chubbygat sya.

Unlike Geoff ngayon, in fairness huling check ko sa Google ng pics nya, hot na sya! Di na kasi sya chubbilito tulad ng dati :P

Eh si Jerico kaya? Kamusta na kaya sya ngayon... yummy chubby pa din kaya sya? ;)


google

20 comments:

  1. Awww... Kagwapo man nyan! Badtrip yung mga guys na ganyan. Thumbs up sa di pag-assume.. Hihi

    ReplyDelete
  2. Wheeee!

    Ang lakas maka teleserye nung "Langit ka, Lupa ako" ^_^

    ReplyDelete
  3. hello ate gracie! kumusta naman? haha naninibago ako sa pag-comment tagal ko nawala eh hehe.. hmmm gusto ko yung "ang juicy tumingin"... ay nanliligaw na pala si kuya ng ganung lagay hehe.. pero sabi nila pag ganyan daw tapos naging kayo na sweet daw yan..ano pala nangyari? naging kayo ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga? Ba't ngayon mo lang sinabi? Joke. Diko kasi napatunayan kung sweet nga talaga sya sis kasi........

      Delete
  4. Haha naalala ko tuloy ung ex ko chos! Hawig din niya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, baka ex mo ang ex ko! Joke. Ah get it, hawig ni ex mo si Geoff E. haba ng hair!

      Delete
  5. Sweet naman ng past mo:)
    Baka langamin ang blog mo sige ka. Anyway, baka mabasa ni pogi:) sino kaya sa kanila? Past or present? Hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahehe, alam po ni hubby kaya okay lang. Trip lang magkwento mommy, para mapapangiti ako kapag binalikan ko ang past ko.

      Delete
  6. Almost perfect na nung guy Ms. Gracie.. LOLs. Ikaw ha, kili kili gusto mo. hehe

    ReplyDelete
  7. Ang cute ng kwento mo ha..nakaka kilig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat kinilig ka sa kwento ko. Tingnan natin kung kiligin ka pa rin kapag kinwento ko naman ang di kagwapuhahang ex ko hahaha!

      Delete
  8. kinilig ako sa lupa at langit na line. so ano na update? hehehe... ikaw ha, kurutin kita jan sa singit eh... kakilig!

    ReplyDelete
  9. Wow, walang ligaw-ligaw, parang tropa ka ituring tapos magtatanong kung kelan mo siya sasagutin? Hahaha... Mga lalaki nga naman oh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para-paraan hahaha. Anyway, madalas syang bumisita pero wala lang sa akin, kumbaga di ako nag assume na may gusto sya kasi nga astigin ayaw umamin, so kung mag usap at magkasama kami nun parang tropa lang. Nakakagulat lang talaga nung biglang tanong nya kung kelan ko sya sasagutin, ayun from that moment on parang natauhan ako, kinilig din pero...

      Delete
  10. Gumaganon dito?

    At talagang may sampol pic pa na may magandang leps **kilig**

    ... takbo na ako sa Part 2 excited much kung ano ang nagyari ha ha ha

    ReplyDelete
  11. at totoong kwento pala ito ng lablayp mo Gracie, huwaw! pero buti di mo pinatulan at di ka nadala ng magandang leps...hehe!

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.