Blast From The Past: One Day - Part II

Isang linggong di nagparamdam ang ating bida, ni text, ni email wala.

Nagpapamiss yata ang lolo. 

Bumalik ako sa pag-eencode ng aking ginagawang term paper.

"Ate, kanina ka pa nakatingin dyan sa term paper mo ah, hala baka magliyab na yan sige ka. Ang totoo, wala sa term paper ang isip mo diba? Tagos sa monitor e! Haha.."

"Tumigil ka nga Edward!" Hinabol ang kaboardmate at ng maabutan ay hinampas ito ng tsinelas. Pinaghahampas hangga't di na sya makagalaw at nilagyan ng busal ang bibig upang di marinig ng iba. Vinideo at talagang binaboy. Walang awang iniwan na nakahandusay at duguan. JOKE! Na-carried away ako dun sa panayam kay Vhong Navarro, Erase, erase!

Narinig kong may pumaradang motorsiklo sa tapat ng paupahang bahay. Dali-dali akong nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin bago dumungaw sa maliit na bintana. Ngunit pagtanaw ko, ibang adonis pala yun. Nalungkot ako bigla.. Ewan ko.

"Uyyy, si ate Jam di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa nya si Jerico ang laging nasa panaginip ♩ ♪ ♫..., kantyaw ni Lanie"

"Di na makatulog, di pa makakain... tagiyawat sa ilong, pati na sa pisngi! Sa kakaisip sayo ♩ ♫ ... oh Jerico! Gatol naman ni Jen"

Yun nga pinagtataka ko bakit nya ako nililigawan, eh puro nga ako tagiyawat? Imposible namang magkagusto sya sa gusgusing tulad ko.

"Hoy bakla, inlab ka aminin mo! Don't worry, you're not that pretty but believe me Jerico likes you! Si Davy, isang dalagang Filipino, seksing maton na kaklase at ka-boardmate ko din."

"Hindi ako inlab. Period! Alis nga kayo dito sa kwarto ko ang gulo nyo, alis na alis!"

Antitigas talaga ng ulo, sa sahig pa ng kwarto ko pa nagsipagtulog, grrrrrr! "Mahirap na ate Jam, mamaya baka magpatiwakal ka, mas okay na mabantayan ka namin..." Tawanan sila, umirap lang ako.

Hindi naman talaga ako inlove kay Jerico, dahil  hindi kami bagay  tropa lang turing nun sa akin. Natural lang mamiss ko yung tao kasi kaibigan ko yun.

"Weh kung ayaw mo sa kanya, amin nalang hahaha! sabat ng tatlo"

Lumipas ang isa na namang linggo wala pa ring anino ni Jerico ang nagpakita. Naiinip nako.

Isang araw...

"Ate Jam, may bisita ka nakita ko sa labas.."

"Huh, ss-sabihin mo maghintay sa baba at maliligo muna ako.., tarantang sagot ko."

"Kanina ko pa sya nakita eh, pinaakyat ko na te, ayun sya o nasa sala hehe".

Ermerged! Kung di ko lang lab tong isang ka-boardmate ko, kanina ko pa  to ginawang bopis.

Gulo-gulo ang aking buhok, gusot ang aking suot na pambahay... alas dos ng hapon, Linggo. Diba't nagsisiyesta ang mga karaniwang tao sa ganitong oras at araw? Bakit itong isang to, ay andito't umaakyat bahay, este ligaw?

"Hi! Bati ni Jerico, nakangiting kumakaway"

Oh no! Dyahe naman ng ayos ko.... P*ste di man lang nagtext na pupunta sya!

"Andyan ka pala, sino hinihintay mo?"

"Ikaw. Alam ko kasi namimiss mo nako. Btw, di kapa naghihilamos noh? Hehe.."

Speechless. Hay dyahe talaga! "Uhm di pa, di pa nga din ako kumain."

"O sige na maghilamos ka na't mag-ayos, kain tayo sa labas. Wag mo ring kalimutang magtoothbrush."

"Sus hehe, sige dyan ka muna ha."  Agad kong sagot. I'm die, I'm die! Yun lang at sa tuwa ko, napa-moonwalk ako pabalik sa kwarto ko then papuntang banyo para maligo ;) Kaloka ha, pinapahilamos lang pero maliligo pa talaga. Anong petsa ka matatapos nyan teh?

google


Comments

  1. Wow nagpamiss talaga ah, nawalan ng isang linggo. Sarap sakalin haha...

    ReplyDelete
  2. ahh! kakilig naman sobra! that exciting feeling :*

    Ongoing giveaway here: Blossoming Wallflower

    ReplyDelete
  3. ano naaaah???

    buset ka Gracie tapusin mo na to "I'm die I'm die" sa excitation ha ha ha

    ReplyDelete
  4. buti na lang, nabasa ko na ending...haha, pabaliktad lang daw ang pagbabasa ko.

    pero sows Gracie..valentine na valentine ang post mo ng Feb ha. ;)

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?