3 Things To Be Thankful For in 2013

Hindi man ako masyadong naging aktibo sa pagba-blog noong nakaraang taon, hindi ito naging hadlang para hindi ako makatanggap ng blessings sa pamamagitan ng Blogging kaya naman thankful ako dahil:

3. Nakatanggap ako ng christmas card at Panda bear galing kay Mommy Joy <3 (Dec.)

Kung gaano ko sya nasurpresa dun sa ipinadala kong token of appreciation ng PBO (here), ganun din ang aking pagkasurpresa nung makatanggap ako ng isang kahon sa mismong araw ng Pasko mula sa kanya. 

Nais ko lamang ipaabot noon ang taos-pusong pasasalamat sa suporta at tulong na binigay nya sa mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte, kaya't hindi ako nag-expect na ako'y muling makakatanggap ng napakagandang regalo ngayong taon mula sa nag-iisang Ina ng Blogesperyo na si Inang Ligaya (Mommy Joy). Maraming-maraming salamat po, Sa mismong christmas eve ko po talaga binuksan ang regalo nyo at naluha ako sa tuwa. More blessings po sa inyo at sa family nyo ngayong bagong taon ng 2014!!!

2. Napabilang ako sa grupong Pinoy Bloggers Outreach <3 (Jan.)

Isang karangalan ang mapabilang sa grupong ito, ang maging bahagi at makapalitan ng ideya at kuro-kuro sa mga iniidolo kong mga blogero ay isa sa mga nagbigay sigla simula palang ng pagsibol ng taong 2013. Bagama't hindi pa ako nakikita ng sinuman sa blogesperyo ng personal, at wala pa rin akong napapatunayan sapagkat alam ko na ang pagtulong ay hindi lamang nasusukat sa salita at sa mga bagay na kaya mong ibahagi, ito ay dapat may kawanggawa, andun ang presensya at personal na partisipasyon, kumikilos at nakikibaka. Balang-araw ka-PBO, magiging maayos din ang lahat at makakauwi ako. Di ko palang tiyak kung kelan pero uuwi ako at personal na tutulong para ako'y maging ganap na miyembro ng grupong ito. 

Maraming salamat sa walang sawang sumusuporta ng grupong ito, marami man ang dumaan na pagsubok pero nanatiling matatag at patuloy pa ring itinatayo ang magandang adhikain - ang magbahagi ng tulong. Pero higit sa lahat, mahalaga ay nandyan pa rin kayo, umulan man o bumagyo patuloy na nagsasabing "Go PBO, kaya natin 'to!"

1. Nakatagpo ako ng kaibigan sa Blogesperyo <3 (Jan-Dec.)

Gaya ng sinabi ko dati pa, isa sa mga dahilan kung bakit ako nagba-blog ay upang makatagpo ng mga kaibigan. Sa kagandahang-palad ay may isa naman akong maituturing na kaibigan na natagpuan ko sa mundo ng blogesperyo, oo yung tapat at tunay na maaasahan. Akalain mong nag-eexist pala sya! 

Alam mo yung nagkatampuhan man kayo minsan, pero pagkatapos nun, okey na ulit at simula na naman ng walang humpay na kulitan at tawanan. Pero siempre di madali ang lahat, kelangan pa ng konting drama at pagkahaba-habang eksplanasyon hehe. Ngunit alam nyo ba na mas lalo pa palang pagtitibayin ng panahon ang inyong nabuong pagkakaibigan, instead na tuluyan itong mawasak at maglahong parang bula? 

Well, kahit ako namangha dahil hanggang ngayon tuloy pa rin ang aming komunikasyon, di man masyadong aktibo sa blogging at di rin madalas online, kung magchat naman ay wagas! Siguro kung mauubusan na kami ng jokes at kulitan, dun na siguro magtatapos ang lahat. Kelan yun? Yun ang ayaw kong problemahin dahil ang mahalaga ay kung ano ang meron tayo ngayon, kung sino ang mga taong nagpapasaya sa atin ngayon, yun ang dapat nating isipin. Pahalagahan ng husto ang mga taong ito, pagyamanin lalo ang relasyon na mga nabuo. 

Wish ko lang sana walang hanggan na pagkakaibigan, alam mo kung sino ka.. maraming salamat kaibigan! (Okey na yan wag ng pangalanan, pa-mysterious ka naman e lol)

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat mga idol! Maraming salamat sa magagandang alaala na naganap nung nakaraang taon, salamat at nariyan pa rin kayo nakakaalala at bumibisita po dito. Isang group hug naman dyan ;)

- Sana'y madagdagan pa ang aking circle of friends ngayong taon.
- Sana more volunteers, more projects at more success sa PBO.
- Sana makatanggap muli ng regalo (hehe just kidding) basta sana more blog blessings for the year 2014!!!

Comments

  1. Wow natutuwa naman ako at bumalik ka na rin sa pagba blog. Pang dalawang bagong entry mo na etong nababasa ko :)

    Ang cute naman ng panda ni Joy parang gulat na gulat ha ha. Congrats sa mga achievements ng PBO!

    at hmn... may mystery pa dito ha :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po, hehe hayaan nalang natin sya, anonymous daw sya e.

      Delete
  2. I am so happy na nareceive mo na. At least. Pareho na tayo may remembrance sa isat isa. Me din ay very happy to be a part of PBO.
    Good luck to us:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, delayed post lang. Good luck po sa outreach sa Feb., excited ako para sa inyo :)

      Delete
  3. sana tuloy tuloy na ang pagbabalik mo....

    Happy Happy New Year ^^

    Cute ng Panda....

    ReplyDelete
  4. Happy New Year ate Gracie!!! *hugs*

    Ang cute ng palitan ninyo ng gifts ni Mommy Joy hihihi XD

    Cheers to 2014!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang nag-exchange gifts lang e noh? Hehe. Happy New Year din ka-fiel! Cheers for more blog blessings this 2014!!!

      Delete
  5. More success to PBO! Let's own it! We love you Gracie!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree, we love you too Senyor ;) Power hug!!!

      Delete
  6. 3. Mommy Joy is really sweet. She's a shining ball of positive and perky energy. It would be nice to have tea with her one day. Humingi din ako ng wool shirt sa kanya. hahaha! Kapal lang ng mukha ko. hahaha!

    2. PBO is really something. PBO is an inspiration and the living proof that big things start from small beginnings, Kahit ako hindi naman ako makukuntento na nagaabot lang ng financial contribution. Gusto ko din maging part ng isang program. Hopefully sa pag-uwi ko sa december. And as long as there's desire in everyone's heart to reach out to the needy and give voice to the voiceless, PBO will live and go from one success to another, all for the sake of brotherhood and humanity, and for God's glory. Gosh I sound like a politician delivering a speech. hehehe!

    1. I did discovered interesting people here. One day may full disclosure na ako at magpakita na ng tunay kong hitsura. FOr the meantime wag muna kasi baka magliparan palayo sakin. hahaha!

    ReplyDelete
  7. Ang sweet sweet naman ni ate Joy, pinadalhan ka ng panda bear. Sayang di ko siya nameet nung bumisita siya dito.

    Proud din ako maging member ng PBO, at kahit hindi ka pa na min nakikita in person, dama naman namin ang pagsuporta mo. Sana balang araw makadaupang palad ka din namin.

    Happy new year!

    ReplyDelete
  8. Thank you sis for the friendship. Happy New Year! Alam mo naman kung san ako makokontak. hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?