Posts

Showing posts from January, 2014

Blast From The Past: One Day - Part II

Image
Isang linggong di nagparamdam ang ating bida, ni text, ni email wala.

Nagpapamiss yata ang lolo. 

Bumalik ako sa pag-eencode ng aking ginagawang term paper.

"Ate, kanina ka pa nakatingin dyan sa term paper mo ah, hala baka magliyab na yan sige ka. Ang totoo, wala sa term paper ang isip mo diba? Tagos sa monitor e! Haha.."

"Tumigil ka nga Edward!" Hinabol ang kaboardmate at ng maabutan ay hinampas ito ng tsinelas. Pinaghahampas hangga't di na sya makagalaw at nilagyan ng busal ang bibig upang di marinig ng iba. Vinideo at talagang binaboy. Walang awang iniwan na nakahandusay at duguan. JOKE! Na-carried away ako dun sa panayam kay Vhong Navarro, Erase, erase!

Narinig kong may pumaradang motorsiklo sa tapat ng paupahang bahay. Dali-dali akong nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin bago dumungaw sa maliit na bintana. Ngunit pagtanaw ko, ibang adonis pala yun. Nalungkot ako bigla.. Ewan ko.

"Uyyy, si ate Jam di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa nya si Jerico an…

Blast From The Past: One Day

Image
Gusto nyo ba magkwento ako ng isang karanasan sa past ko? Sige pag-iisipan ko, este sige magkikwento na, malakas kayo sa akin eh. Pero sekreto nating malupet ito ha, wag nyong ipagkakalat, promise? Papatulog na sana ako eh pero nangangati ang mga daliri kong tumipa at magshare ng isang karanasan na sadyang hindi ko malilimutan.

Well, ito ay isang kwento tungkol sa naging nobyo ko noon. Lumalablayp eh noh? Naks, blast from the past nga! Bakit pinamagatang, One Day alamin natin...

"Jam, kelan mo ba ako sasagutin? Ilang buwan na akong nanliligaw sa'yo pero hanggang ngayon di ko alam kung may pag-asa ba ako sa'yo?"

"High ka ba o lasing? Kala ko tropa lang turing mo sa akin? Aber, asan ang chocolates, asan ang flowers hmm?"

"Sus, di na uso yan. Anyway, ang sabihin mo manhid ka talaga. Kaya siguro di ka nagkaka-boyfriend..."

"Ouch. Hindi naman kasi ako si madam Auring noh, tsaka ayoko ring mag-assume na nililigawan mo ako. Oo madalas ka ngang pumunta d…

Quickie Post

Image
Just had to make a quickie post, para mema lang - mema-update! Isa sa maaaring gawin kapag mema ay ang pagpopost ng pictures, kaya eto uumpisahan ko na! Ilang weeks na mula nung mag-umpisang magsnow ulit. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon pero di sya nagparamdam, waley ang "I'm dreaming of a white christmas..." pero heto't ngayon ay masaganang pumapatak ang yelo araw at gabi kaya naman lagpas tao na ang mga gabundok na mga yelo sa gilid ng mga daan. Madulas ang mga kakalsadahan, foggy at di gaanong maaninag ang dinadaanan. Kaya naman importanteng maglagay ng "refleks" o yung mga bagay na makikinang na sinasabit o sinusuot para madaling makita ng mga nagmamaneho at maiwasan ang sakuna. Sya silipin natin ang iba't ibang mukha ng winter season ngayong taong ito dito sa Larvik, Norway. Parang poster/cover lang ng horror movie Rumi-raindoplets on a window pane ang peg, winurrr!  Nung biglang umaraw nung isang araw..
Gabi na.. hmm lamig lamiggg.. brrrr! O sya q…

Kvinnfolk!

Image
Nung nakaraang taon, may eksena kami ng mga lolo sa elder institution na pinamagatan kong, "Lumalablayp din ba ang mga lolo?"

Basahin dito

Sa kabilang dako naman, meron ding di malilimutang eskrima ang mga lola na pinamagatan kong, "Kvinnfolk!" Alam nyo ang mga lalaki may expression silang "Hay ang mga babae talaga!" Sa mga norwegian men, simple lang... "Kvinnfolk!"
Night shift. Oras na para matulog kaya't isa isa na naming tinulungan ang mga lola sa elder institution na akin paring pinagtatrabahuan na pumunta sa kani-kanilang kwarto para magsitulog na.
Samantala, may isang lola na nakahiga lamang sa kama nya buong araw kaya't pinuntahan ko na at inusisa.
Ako: La, kamusta po kayo? Napansin ko, buong araw po kayong di lumabas ng kwarto. Ni hindi nyo po ginalaw ang pagkain nyo. Masama po ba pakiramdam nyo? Lola1: Wala ako sa mood. Iwan mo na lamang ako... Ako: Bakit nga po?  Lola1: Ang kulit, di mo ba napansin masama ang pakiramdam ko, meron ako n…

Today's Recipe: Macaroni Salad

Image
Dahil naumay ako sa sandwich na lagi kong baon sa work (Oops, no offense kay hubby hehe sya kasi taga-gawa ng baon ko. Promise kahit di ako mag-ask pagbukas ko ng bag, andun na baon ko), ayan napaluto ako agad-agad.
So naisip ko gumawa ng macaroni salad! Bakit macaroni salad? Kasi kompletos rekados na - may meat, may vegetable at may fruits pa! Di mo na kailangan ng kanin dahil ang isang tasang elbow macaroni ay nagtataglay ng 80% carbohydrates, o diba!
Di lang yan, ito ay simple, mabilis at sobrang dali lang lutuin. Kahit si bunso pwede mong utusan kung tinatamad ka, kayang-kaya gawin 'to habang gumigiling sa tugtog na halukay ube. Kaya ano pang hinihintay mo, try mo na 'tong lutuin now na! 
Here's the recipe:
Macaroni Salad 
Ingredients:
Chicken breasts  Carrots Elbow macaroni Pineapple in can
Any kind of cheese - shredded; mozarella, eden or norwegia etc.
Mayonnaise Raisins
Sweet pickle relish  Salt
Pepper
Procedure: 
Boil chicken breast in water with salt and pepper until it's tend…

3 Things To Be Thankful For in 2013

Image
Hindi man ako masyadong naging aktibo sa pagba-blog noong nakaraang taon, hindi ito naging hadlang para hindi ako makatanggap ng blessings sa pamamagitan ng Blogging kaya naman thankful ako dahil:
3. Nakatanggap ako ng christmas card at Panda bear galing kay Mommy Joy <3 (Dec.)
Kung gaano ko sya nasurpresa dun sa ipinadala kong token of appreciation ng PBO (here), ganun din ang aking pagkasurpresa nung makatanggap ako ng isang kahon sa mismong araw ng Pasko mula sa kanya. 
Nais ko lamang ipaabot noon ang taos-pusong pasasalamat sa suporta at tulong na binigay nya sa mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte, kaya't hindi ako nag-expect na ako'y muling makakatanggap ng napakagandang regalo ngayong taon mula sa nag-iisang Ina ng Blogesperyo na si Inang Ligaya (Mommy Joy). Maraming-maraming salamat po, Sa mismong christmas eve ko po talaga binuksan ang regalo nyo at naluha ako sa tuwa. More blessings po sa inyo at sa family nyo ngayong bagong taon ng 2014!!!
2. N…