Posts

Showing posts from March, 2013

Photography: Waterdroplet Compo #2

Image

Lumalablayp Rin Ba Ang Mga Lolo?

Eksena sa aking pinagta-trabahuang elder institution. Pagkatapos ng pananghalian...
Ako: Lolo, tapos na po ba kayong kumain? Kukunin ko na po mga pinagkainan nyo.
Lolo1: (Biglang tayo sa kama, hinawakan ang kamay ko) Mahal, ang saya ko nagbalik ka... 
Hong pungay ng mata ni Lolo, gosh! At ang ngiti.. naku ha!
Ako: (Ows?) Lo, okay lang po ba kayo?
Lolo1: Mahal ko, ikinalulugod kong dumalaw ka rito sa akin. Antagal mong nawala, akala ko nakalimutan mo na ako.. (Hawak pa rin ang mga kamay ko at pinipisil-pisil pa). Upo ka muna magkwentuhan tayo..
Ako: Mamaya po magchikahan tayo lo promise, kakayod po muna ako hihi.
Lolo1: (Sa wakas at binitawan ang kamay ko) Sige bumalik ka ha? *kindat*
Si Lolo talaga, lumalablayp pa hihi!
***
Pagkatapos magligpit at mahugasan ang mga pinagkainan ay nagronda na ako para magcheck sa loob ng rooms ng mga patients. 
Ako: Lolo, halika na po matutulog na tayo.
Lolo2: *Nangingiti* Talaga, tabi tayo?! 
Ako: *Nganga* Hindi po, di tayo kasya dyan e. 
Boom! Basag si Lolo2 hih…