Music Moods

Malapit na ang kaarawan ng matalik kong kaibigan, gusto ko sana syang sorpresahin pero di ko alam paano...

Ang hirap, ang layo ko naman kasi...


Nung April 7 this year, birthday ko, sya yung gumawa ng effort na pasayahin at sorpresahin ako...

Nagchoreograph ng sayaw at nagcoach din ng birthday song para sa akin...

Nag-organize ng games, nagshopping at nagbigay regalo sa mga bata...

Pinasyal at nagpakain pa sa Jollibee...

Sya pa kumuha ng mga litrato pati gumawa pa ng videos...

Nahirapan at napuyat sa pag-upload...

Ang effort grabe, gugol pati sa oras...

Nagpagawa pa ng cake (wala sa plano) na ikinadagdag tuwa ko...

Nasorpresa talaga ako...

Kaya ngayon, ako naman ang gustong magbigay ng sorpresa sa kanya...

Ngunit paano nga ba?

Wala ako maisip...


Gusto ko ring maging masaya best friend ko sa birthday nya!


Habang trying hard ako mag-isip, kinig muna ako ng song na ito, "My Wish" ng Rascal Flatts.

Bukod sa ganda ng melodiya, ay napaka-meaningful din nya.

Para sa akin masaya ang pinahihiwatig ng kanta at angkop para sa kanya, siguro depende sa pagkaka-analisa ng kung sino ang nakikinig.

Karamihan kasi sa mga nagkokomento sa YT kung san ko kinuha tong music vid ay mga nalulungkot.

Ako di naman ako nalulungkot sa kasalukuyan, nakakamiss lang!


Comments

  1. gusto ko din yang rascall flatts :D
    for sure you can think of something for your bestfriend :)

    ReplyDelete
  2. mahilig ka din bang mag hand craft ng mga kung anik anik gaya ng mga crocheted items ni Mommy Joy? yun, gawa ka din ng personalized gift for your best friend ate Gracie :))

    kung marunong ka rin mag bake, kahit muffins lng, maappreciate nya na yun XD

    or gawa ka ng collage with all your pictures and happy memories in it tapos gawin mong slide show sa youtube :))

    balikan ko yang vid ng rascal flatts, ambagal na namans ng net ko >_<

    ReplyDelete
  3. ang sweet naman nun, never ginawa ng mga tropa ko yan skin ahhwell hirap kasi talaga mag isip para sa mga ganyan ee
    pero for sure magiging masaya sa sa bati mo palang

    ReplyDelete
  4. You are a very nice friend. I know you can find something to give her:)
    O ayan, dami ng tips ni fiel-kun:) mamili ka na lang:)
    Na extra pa ako. Thanks fiel-kun:))

    ReplyDelete
  5. Ayaw mag play ng vid sa mobile ko hmp!

    Hayan bumalik ako na naka-lappy at hoping na may mai-suggest ako para sa birthday ng friend mo but ala rin ako maisip eh he he. Napanood/napakinggan ko na vid maganda nga :)

    ReplyDelete
  6. Dahil malayo ka, sabi mo nga...

    1. ask someone to buy you the flowers and had it delivered to your friend's house.
    2. make a video recording of you singing a happy birthday song with some greetings
    3. same as fiel, make a slide show, same as what I did for my blogger friends
    4. call
    5. give her a gift certificate to buy something your friend wants
    6. skype!

    ReplyDelete
  7. Bumili ka nung malaking cake MarG, tapos pa deliver mo sa best friend mo, tapos bigla kang lalabas sa loog, icing lang ang suot! Bongga yan! Dati ko pa wish magawa yan kaya lang ang mahal ng cake, malaki kasi dapat para magkasya ako hihi! Seriously though, sana maka isip ka ng masayang way para mapasaya si best friend. I'm sure kahit ano naman yun ay ma-a-appreciate nya :)

    ReplyDelete
  8. Siguro simpleng pagsabi ng happy bithday maappreciate na nia un ung tipong ndi mo mklimutan... Pero kung gusto mo isurprise sya , hmmmmm magpadala ka ng simpleng token for sure mgugustuhan niya un o di kaya ung gusto niya tlga , pede din house n lot!

    ReplyDelete
  9. basta galing sa puso.... ma aapreciate na niya un.... pero mas maganda siguro ung gawa mismo... mga surprises... o mga bagay na ginawa.... kaysa sa binili....

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?