Kwentong Komento

May kanya-kanya tayong paboritong blogger o kaya naman ay mga blog posts mula sa mga batikan na mga blogero dito sa Pilipinas, nakakaantig, nakakatuwa, nakakamangha, nakakainspire at higit sa lahat nakakarelate tayo at nakakapulutan natin ng aral.
 
Pero ngayong pagkakataon na ito, nais kong ibahagi ang aking mga paboritong komento. Kanino galing? Siempre walang iba, mula sa akin. Love my own e no? LOL
 
Bakit ko favorite kamo? Sa dahilan kasi na "Good vibes" sa akin yung kwento matapos kong basahin (with emotions yan ha) o kaya yung tipong nagtanong lang, tapos sinimulan ko ng magsulat tas tuloy-tuloy na hanggang makabuo ako ng ilang mga pangungusap hanggang sa naging isang talata o higit pa. At ito pa, may feeling ako (may feeling talaga e no) na may punto rin naman ako sa mga sinusulat ko. Isa pa, mas nakakatuwang magkomento ng napakalalim na tagalog. Nakaka-proud maging Pinoy, pramis!
 
Simulan ko na. Mula sa mga iniidolo kong mga blogista ng taon, sa blog na pinamagatang:
 
Payasong Wala Sa Circus, inilathala noong Agosto 10, 2013
 
Ito ang aking komento:
Ituring na maswerte kapag ika'y nakatagpo ng isang kaibigan, kamag anak o kapamilyang handang dumamay sa iyo sa kalungkutan at kasiyahan. Ngunit sinuman sa mga ito na naturingang payaso ng ating buhay ay di mga laruan lamang, di sila mga bagay na sa oras na kailangan natin ay saka natin sila aariin o kakailanganin at pagnagsawa ay saka ipapasintabi sa isang sulok. Sila ang mga tinuringang payaso na wala sa sirkus, ibig sabihin sila ay makikita, mararamdaman at maririnig sa realidad ng ating buhay. Bagama't pawang nakangiti silang makikita sa anyo nilang panlabas, naroo'y sumisilakbo at naghuhumikbi ang kanilang kalooban dulot ng kanilang emosyon. Sa madaling salita, sila ay mayroon ding PAKIRAMDAM na tulad mo. Kaya't kung may mga payaso na nasa circus ng buhay mo, dapat ika'y maging SENSITIBO sa kung anuman ang kanilang nararamdaman. Ika nga nila, kung sino pa yung mga taong palangiti at masayahin, sila yung nagkukubli at may tinatagong kalungkutan. Di man marinig sa mga binibigkas ng kanyang mga labi, nakikita naman sa kanyang mga mata.. dahil ang mata ay di nagsisinungaling, ito ay ang sumasalamin sa ating buong pagkatao. Ito ang kusang nagsasalaysay sa kung ano ang ating tunay na nararamdaman.

At sa blog naman na pinamagatang:

Anong Say mo, "Pag-ibig o Pagkaen", inilathala noong Hulyo 25, 2013
sa panulat ni Kulapitot ng: http://www.kulapitot.com/2013/07/anong-say-mo-pag-ibig-o-pagkaen.html

Ito naman ang aking komento:
Gaganahan ka bang mabuhay kung alam mong walang nagmamahal sayo o wala kang pakiramdam, in short bato ka at dika marunong magmahal? Kahit siguro tambakan ka ng pagkain kung wala kang kasalong kumain, kakawala rin ng gana, nahaluan mo pa ng katas ng iyong maalat na luha at uh*g ang iyong kinakain. Eww.

Anyway, ang pag ibig o pagmamahal sa kapwa ay napakahalaga para magpatuloy na umagos ang yugto ng ating buhay. Ngunit kung wala rin naman tayong pagkain, at puro pag ibig lang, magkakasakit din tayo at sakaling bawian ng buhay. Ganito nalang, pawang ang dalawang bagay na ito ay magkaagapay, konektado sa isa't isa.

Ang pagkain makukuha kahit di tayo magtrabaho, pero kailangan natin ng pagmamahal. Magbigay tayo ng pagmamahal, susuklian ka ng pagmamahal kasunod ang mga bagay o makakain. Ang pagmamahal din, makukuha kahit kanino, pamilya, kaibigan o kahit yung mga tambay sa labas. Try mo, give them some love.. ano makukuha mo? Joke. Maaari ring pagmamahal sa iyong trabaho, kahit gaano pa kahirap at kabigat ng trabaho mo, kapag di mo subukang mahalin, ay talagang dika magtatagumpay tyak wala kang makakakain. Kung puro ka naman make love sa jowa mo at dika magtrabaho, tyak wala ka ring mapapala dahil dika matitiis na palamunin ka ever! Esep esep.

Mula naman sa blog na pinamagatang:

Amoy ng Sampaguita, inilathala noong Setyembre 21, 2012
sa panulat ni kuya Mar ng: http://www.unplog.com/2012/09/amoy-ng-sampagita.html

Ito naman ang aking naging tugon:
Nakikita ko ang isang tapat at mapagkakatiwalaang mamamayan pagdating ng panahon.. Sa palagay ko, hindi malayong manganak ng manganak ang kabutihan sa ating bansang Pilipinas, tulad ng isang pila, mahaba man ay sa patutunguhan pa rin ang tuloy. Ang mga nakapila ay syang mamamayang handang maghintay sa mabagal na sistema (hindi gagamit ng pera para mauna sa paroronan) ngunit tiyak na pagbabago ng bansa. Malamang, ang grupo ng kabataan, ang kanilang tinig at pwersa ang pupukaw at babago sa mga nagnanais sumakay sa agos ng pulitika maging ang mga mamamayang nagpapasuhol upang iboto ang mga trapo. Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.. muling babalik ang kasabihang ito kabayan, manalig tayo. Iboto sa pagka kagawad - Gracie! Hi hi

Ayan ilan lamang po yan sa mga naiwan kong mga tugon o komento sa aking mga iniidolong mga blogero pero paumanhin kung di ko mailakip lahat dito sa kadahilanang di ko na po sila ma-trace kahit ilang oras o araw akong magback read hehe. Ikaw na nakakabasa nito, may natatandaan ka bang komento ko na naging gusto mo o naging paborito mo? Ano o ano ano ang mga iyon at bakit? Kung wala o sakaling di pa ako nakakadalaw  sa blog mo, imbitahan mo ako at pakilagay ng link para mabisita kita.
 
"Sa panahong ika'y sabaw, backread backread din lamang kapag may time."

Time check: 14.00 PM

Signing off.

Gracie

Comments

  1. Best in effort ka talga sa komento... this time, you made a post po... magkasalungat tayo ng point of view sa pagkain o pag-ibig pero you made a point...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ko sayo may point ako! hehehe.

      Anong best effort? Wala ngang ka effort effort yan noh, kusa nalang kaya humahaba kala ko blog ko nagkikwento lang ako hehe. Minsan nga gusto ko nalang magkomento kesa magblog kasi mas may sustansya yata utak ko lol

      Delete
  2. Sa true lang Day, nganga ako sa sagot mo kaya nga ang sagot ko "very well said" kayong dalawa na ni Mr. Tripster ang bongga at wagas magcomment sa entry ahahaha... Thanks Day!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oi premyo ko? Haha pakontes? Anyway, salamat nagustuhan mo, nawa'y dika magsawang magsulat ng magsulat, isa ako sa nawiwiling magbasa sa mga akda at kaanik anikan mo hehe. Apir dong!

      Delete
  3. At naging blog ang mga komento:) Ang lalalim naman kasi, kaya it is really worth publishing. When it comes to comment ko, pag masyadong naka relate at gumagana ang old brain ko, nakaka comment ng mahaba:)

    ReplyDelete
  4. Agree ako sa pagkain at pag ibig may kunti pagkakaiba pero halos pareho tayo ng opinyon. At ramdam din kita sis sa minsan mas masarap magcomment kesa sa gumawa ng post. Haha pero minsan sa sobrang relate ko sa post di na ako nakakapagcomment dahil sobrang dami kong gustong sabihin di ko tuloy alam kung paano ko sisimulan. Hahaha

    Anyway eto pala ang bago kong blog. superjaid.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. Lahat naman ng comments nyo ate Gracie ay kapabo-paborito! Lalo na yung mga a la- makatang comments! :)

    ReplyDelete
  6. wow A for effort naman talaga sa comment!
    mejo mag kaiba tayo sa say sa pagkain haha pero ayun you makes a lot of sense naman at trip ko din ung post ni rix about payaso

    ReplyDelete
  7. Naalala ko yang comment mo sa Amoy nang Sampaguita, na tuwang tuwa si Ms B hahaha

    ReplyDelete
  8. Eto yung binabasa ko ng mawalan ako ng internet LOL!

    Tanda ko yung number 2 and 3 comments but ngayon ko lang nabasa yung kay Rix...

    Actually malaman ka lagi mag comment at halos lahat gusto ko at sabi nga ni Super M tuwang-tuwa ako dun sa isa na yun :)

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?