Update-update pag may TIME..

 
Sobrang ganda talaga ng weather namin dito sa Larvik these past few weeks, umaabot halos 26 degrees sa init, kung tutuusin ay maituturing na isa sa pinakatotoong summer na naranasan ko sa buong anim na taong pamamalagi ko dito sa Norge. Naaalala ko nung dumating ako dito at unang summer ko, kulog at kidlat ang naghello then sumunod ang pagbuhos ng napakalakas na ulan na syang yumakap bilang pagwelcome sa akin. Saklap naman anlamig ng welcome sa akin no? Literally, anlamig talaga ng summer dito noong 2007 pagdating ko kaya naman habang naka-singlet sila, ako naka-turtle neck na pinatungan pa ng jacket. Cool diba?
 
Alam nyo tuwing summer, napaka-busy talaga ng lola nyo. Bukod sa makulay ang aking calendar app (puno ng colorful working shifts), ay sinisiguro ko din na maenjoy ko ang summer before and after ng shift ko katulad ng pagtulog, pag-attend ng family reunions, pagswimming sa beach, go on road trips, mini-cruise, hotel staycations, magbabad sa pool, sauna at ang pinaka-dabest ang nakaka-adik na bubble bath hehe. Siempre naglakad din ako sa isang lugar sa unang pagkakataon at astig na nagstreet photograph. Mawawala ba ang food trip at saka shopping? Siempre hindi! Hay nakakabutas nga ng bulsa, ika nga nila mareng Joanne at Zaizai (marJ & marZ) ubos yaman ang peg. Pero kahit ubos yaman e enjoy naman tsaka pambawi siempre ng stress at pagod sa trabaho. Magkakasakit ako kung sakaling same routine lang palagi. Nakakasawa at nakakasira ng mood kapag same places nalang din lagi. Buti nga medyo okay na si hubby after his operation, at least ngayon nakakapagdrive na sya. For almost three months din akong naburo sa walang kamatayang routine bahay at trabaho na sinabayan pa ng napakalamig pang weather nun.
 
So ayan na muli ang aking blog update na maituturing, di man gaanong juicy at malaman dahil siempre nakikita nyo rin naman akong sumusulpot sa twitter paminsan-minsan at nagrarant o kaya'y nagkokomento ng kahit walang kwentang mga bagay-bagay. Basta alam nyong buhay pa ang inyong lingkod tsaka bumibwisita pa din naman sa inyong mga bahay-bahay pag may time :) Oo may time nga ako, iba lang talaga priorities ko sa ngayon. Kaya paumanhin kung medyo neglected ko tong blog ko, temporary lang naman to. In time, I shall return. O ha? LOL
 
Time check: 02:40 AM.
 
Signing off.
 
Gracie
 

25 comments:

  1. Yay! ang cute naman ng bagong blog layout mo Ate Gracie! Cartoon Network lang ang peg! XD

    Uyy summer na summer na pala jan sa Norway. Si Mommy Joy din ang daming photos ng kung anik anik na very summery ang theme :))

    Tama yan, give time to pamper yourself din kahit minsan. Nakaka stress ng sobra ang mga problema sa work. Kaya need mo talaga ng mahaba haba at masarap ng bakasyon paminsan minsan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yez, courtesy of Pao Kun yang napakagandang layout ko na yan hehe.

      Sa ngayon padgsa-dagsa ang ulan at soon ay autumn na naman..

      Thanks Fiel Kun!

      Delete
  2. Hay salamat nag-update!
    Lagi kong ginagamit yung Blog App mo dito na-memorize ko na tuly yung isang post bago eto lolz.

    Nice to know na ok na si hubby at nag-e-enjoy ka sa summer :) Ako rin medyo busy na ulet kaya baka bawas blog hop din ako sa mga sususnod na araw.

    Enjoy more!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku kung lahat ng bloggers na pina-follow natin magkaroon ng app tiyak puno ang ating smartphone haha, no more memory disk space agad ang peg.

      Oo sya rin naman ang nag iinitiate na maglabas labas kami which is good!

      Back to work kana ulit?

      Delete
  3. Enjoy mo muna ang summer ms gracie!!!! Andio lng kmi , at inggit na inggit sayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, ako nga itong inggit sayo e nasa Coron ka e! Dream ko pumunta dyan, magpost ka maraming pics ah hehehe

      Delete
  4. hurray to summer fun activities :) at for sure masarap maging clicker happy..hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hurray! hehehe.. kumbaga kasi dito pagsummer, wag sayangin ang magandang panahon, lahat halos nasa labas naggi grilling, nasa galaan, nasa park nagbabad lahat ng pwedeng gawin at ang mga beaches puno!

      Delete
  5. Replies
    1. Thank you! Muli, salamat sa pagdalaw dito.. ;) God bless

      Delete
  6. hindi ko napansin na may bago kang post... Nauna ung tweet ko na I mz u... so alam ko na...busy ka pag summer...

    Ang akala ko talaga is update dun sa new year's resolution eh... hehehe

    Sana marami pang photos ang ma-i-share mo next time... Miz u!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hong kulet sa NY resolution ha, makapag gym na nga ulet kulet! hahahaha.. na touch naman ako na namimiss mo din pala ako hehe, apir! Have a nice weekdays ahead Senyor!

      Delete
  7. I agree with you dearie, same here busy din summer ko, lalo na sa anak ko.heheh.Di ako nakaka-bubble bath, prone kasi ako sa UTI kaya bawal ang lola mo.It takes forewver yong donload ko sa app ko..iwan ko kung bakit ganun.hehhehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hanap ka pa ibang app maker, for sure marami dyan surf ka lang. Sayang di mo maeenjoy bawal ka pala.. Have a Nice day Ahead Mhie dear!

      Delete
  8. wow buti pa dyan dito salang mainit salang malamig, mabasa maaraw napaka unpredictable talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga kaya ingat at bawal magkasakit ;)

      Delete
  9. Salamat sa update MarG! Masayang malaman na busy ka at masaya dyan! More reunion more fun! Deadma sa ubusan ng yaman, kikitain din naman yan hehe! Alam mo enjoy ako sa update at post na ito kaya lang sana may dagdag na pics! Umay ako sa flower, wala man lang bird? Haha chos! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibang flower kasi nasa isip mo hahaha At kapag nilagyan ko ng bird mapapaluhod ba kita sa tuwa? hehe cheretz!

      Delete
  10. Ola Amiga Amigos :) I miss you sis! I love your sunflower photo tanim mo ba yan? Naku kamusta naman din ang weather dito sa amin minsan naulan din... Its nice to stopping by to your blog sis na miss ko kayo sobra.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss you too sis! Oo tanim ko sa garden yan.. Belated happy birthday pala ah, mwah!

      Delete
  11. O di ba ngayon lang ako nagcomment hehehe.. Kamusta naman ang comback at ang format ng page ay nagbago din ehehehe. Simple ng page pero rock... Doon talaga nag focus ang comment ko ahahaha

    ReplyDelete
  12. Wala bang maraming photos na kaakibat ang mga activities mo nang summer?

    Patingin! More photos pls! #demanding lang haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahaha demanding o! Sunod na, tinatamad pako mag watermark e lol

      Delete
  13. Dami mo palang ginawa sa summer. La bang picture ng mga pinangalingan mo?
    Nice to hear na magaling na si hubby:)
    Buti pa dyan, ganda sumner. Dito most ulan:)

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.