Posts

Showing posts from July, 2013

Update-update pag may TIME..

Image
Sobrang ganda talaga ng weather namin dito sa Larvik these past few weeks, umaabot halos 26 degrees sa init, kung tutuusin ay maituturing na isa sa pinakatotoong summer na naranasan ko sa buong anim na taong pamamalagi ko dito sa Norge. Naaalala ko nung dumating ako dito at unang summer ko, kulog at kidlat ang naghello then sumunod ang pagbuhos ng napakalakas na ulan na syang yumakap bilang pagwelcome sa akin. Saklap naman anlamig ng welcome sa akin no? Literally, anlamig talaga ng summer dito noong 2007 pagdating ko kaya naman habang naka-singlet sila, ako naka-turtle neck na pinatungan pa ng jacket. Cool diba? Alam nyo tuwing summer, napaka-busy talaga ng lola nyo. Bukod sa makulay ang aking calendar app (puno ng colorful working shifts), ay sinisiguro ko din na maenjoy ko ang summer before and after ng shift ko katulad ng pagtulog,pag-attend ng family reunions, pagswimming sa beach, go on road trips, mini-cruise, hotel staycations, magbabad sa pool, sauna at ang pinaka-dabest ang …