Monthly Updates - March & April

Alam ko late na to pero pagpasensyahan nyo na guys ha, yung iba sigurado ako alam naman nila ang dahilan kung bakit di ako nakapag-update. Yung iba naman, wag nyo na akong piliting mag-explain ha, sa madaling salita ay sabaw at tinamad ako hehe.

Anyway, heto ang outline ng mga konting kaganapan at pagtitipon sa loob ng dalawang buwan kasama ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan dito sa Norge.


March 09 - Umattend kami ni hubby ng ika-2nd birthday ni Nora sa Askim, apo ng 2nd cousin ko. Bale family reunion na rin naming magkakamag-anak ito dahil isa o dalawang beses lang kami magkita-kita sa isang taon.





 
March 17 - 65th birthday ni mama. Siempre nag-isip ng bonggang surprise party at naglaan ng malaking halaga para dito. Pero dahil na-stress si sis sa Pinas, dina naging surprise kasi sinabi nya, at siempre ayaw ng birthday celebrant ng ganun kaya ang ending nagswimming nalang sila para daw tipid. Itong mga taong to grasya na umaayaw pa. Kung ako ang tutuntong ng ganyang kahabang edad, aba di ako hihindi sa sorpresa at kasiyahan, isang beses lang mangyari yan at malaking biyaya na dapat ipagdiwang at pagkagastusan. Malay mo di natin alam, next year wala ng panggastos para sa pagdiwang ng kaarawan kasi kailangan ilaan para sa mas importanteng mga bagay naman. Anyway nangyari na kaya tanggapin nalang. 

Matapos ang pagdiriwang siempre ako'y nag-abang kahit litrato naman lang aming masilayan, ngunit ako'y nabigo sapagkat ni isang status update man lang sa facebook ay wala rin. Buntunghininga nalang ang aming tinuran... haaay!

March 30/31 - Spent Holy Saturday and Easter Sunday with my tita in Drammen.

 
Feeling ko ang holy ko hehe, twice kasi ako nagsimba nung weekend na kasama si aunt :)
 

Bonding namin ni aunt strolling, kumain sa resto tsaka magsine. Sulit ang aking Holy week!
 
April 2 - Naimbitahan sa dinner ng aking colleague na isang nurse at isang proud pinay. Di maikakailang proud yan dahil tuyo na may suka at kamatis tsaka bicol express ang inihain sa hapagkainan. Yan ang Pinoy kahit mapasaan ka man ipagmalaki mo kung ano at sino ka hehe, thumbs up!
 
 




 
 
April 7 - My birthday! click here
 

 
April 20 - Food trip with friends. 4 kaming mga pinay na nagkayayaang magbonding at kumain sa isang Chinese restaurant sa Sandefjord. Dahil wala ang pusa, nagsayaw ang daga hehe biro lang. Bihira lang talaga akong lumabas kasama ang mga kaibigan at kumain sa mga restaurant. Bukod sa magastos ang kumain sa mga resto dito ay hindi ko rin sinanay sarili ko dito na maglabas-labas mula nung mag-asawa na ako (maliban nalang kung sa nasa Pinas ako hehe).
 


 




Ayan kung mapapansin nyo walang mga kasamang tauhan dito (pribado daw kasi, sige na nga igalang nalang natin sila hehe mahirap na baka madiscover, joke) at karamihan ay mga pagkain ang nakaposte, wutizdameaningofdiz? Diko na iexplain ha, basta in short - sira ang diet ko!

Hanggang sa muli, ciao!


“If more of us valued food and cheer and song above hoarded gold, it would be a merrier world.”

19 comments:

  1. ginutom naman ako sa post na to!
    haha mejo late na nga ahh! pero oky lang yan kesa mabaon
    sa drafts

    ReplyDelete
  2. Ang cute nun pink doll cake sa bday ni Nora!! Inggit ako..
    Wow, 65 na si mama mo.. Sayang lang at walang picture..
    Kakagutom naman yan MarG.. sarap ng tuyo at kamatis!

    ReplyDelete
  3. Ang akala kong updates eh ung sa new year's resolution mo eh...hihihi...

    Same pala ng age mga mothers natin...

    Sarap ng bicol express....kakagutom tuloy...

    ReplyDelete
    Replies
    1. lol natawa ako sa new year's resolution update :P

      Delete
  4. Waah ang sarap ng mga foods nyo ate Gracie :))

    Ay remember ko yang tuyo at daing. Napagusapan natin sa twitter yan diba? ^__^

    ReplyDelete
  5. ang cute ng setup sa bday ni Nora :)

    baka naman phino-photoshop pa ang pics sa bday ni Muji kaya wala pang na upload hehe :)

    sarap ng food trip nyo! deadma muna sa diet! :)

    ReplyDelete
  6. such a lovely post Gracie. Gustong gusto ko na nag post ka ng mga pictures. at least na feel ko na parang andyan din ako at nakikain. At speaking of pagkain, parang konti yata. hi hi. I mean ang dami:)
    Sige gym na lang para di masira ang beauty:)

    ReplyDelete
  7. wow the photos are inviting. great update you did there!

    http://www.thegirlwiththemujihat.com/2013/05/can-i-get-hair-rebond-after-6-months-of.html

    ReplyDelete
  8. kagutum-gutom ang post na ito. haha! At natuwa naman ako sa feeling holy! :)))

    ReplyDelete
  9. sarap naman... lalo na ung tuyo.... nagutom tuloy ako.... nakaka miss ang ganyang pagkain....

    Smile always....

    ReplyDelete
  10. Ang dami namang palang ganap e. Iyun natuloy pala ang bday ni nanay kahit sa swiming. Updated naman ako sayo kaya nakarelate ako ng slight.

    Ciao ciao chu ka majulee chaya. hihi :P Good day sis :P

    ReplyDelete
  11. Naglaway ako sa tuyo! naalala ko Morocco days ko na nagluto din ako ng tuyo... kaso nabahuan ang kalapit na unit ng flat namin kaya kami ay kinatok! Sabay tanong ano daw menu namin at ang baho! Deadma, sabay sara ng pinto hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. abah nakikiamoy lang sya pake nya! lolz :P

      Delete
  12. Kagutom naman waaaah! :-D anyway..belated happy birthday sis.

    ReplyDelete
  13. enjoy ako sa updates at nakiki-emo dun kay mudra mo eh bigla akong namuhi sa mga pagkain hu hu hu... kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko sa paglayo sa pagkain.... hu hu hu

    ReplyDelete
  14. Bat ba ganito Ms. Gracie! kaen nga ako ng kaen..nag mumukha na akong food bloggers pero di pa rin ako immune sa pag kain at nakakagutom lahat ng kinain niyo.. ow em

    ReplyDelete
  15. aw buti pa sya may update hehe... minsan masaya rin talaga lumabas with friends or close relatives.. im glad na-enjoy mo ;) sarap ng mga food grabe..gusto ko na talaga jan hehe...

    ReplyDelete
  16. yung literal na napalunok laway ako sa kamatis at tuyo :p

    ReplyDelete
  17. As usual, late na nman ako, sensya na at bisi-bisihan sa work, malapit ko na kase silang layasan. ;P Pero ginutom naman ako dito sa update mo, sarap ng tuyo at kamatis, awww, makapagluto nga sa weekend. ;)

    Magkaiba tayo ng nanay, ako konting pilit lang at agree na sya kung anuman ang sabihin ko lalo ngayon na-try nya mag-travel, aba eh gusto naman byahe lagi, tinalo pa ko sa pagiging lakwatsera. Hehe...

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.