What I Got On My Birthday

Hello peeps, pasensya na medyo na-delay ako ng pagpost hindi kasi ako nakapaglaan ng time after nung birthday ko kasi naging busy ako sa pag-aasikaso kay hubby at pag-eempake ng mga gagamitin nya while nasa hospital sya. Then kahapon ang aga pa nilang umalis, sinundo sya ng taxi buti nalang nagkataon na best friend nya yung nagmamaneho kaya good vibes.

Sobrang thankful ako dyan sa best friend nya, ambait grabe. Nagka-problema kami noon sa sasakyan, pinahiram nya yung kotse nya ng two weeks since taxi yung minamaneho nya araw-araw. Then sinuli namin with full tank ng gasoline nung naayos sasakyan namin. Tapos last week lang nagluko yung cellphone ni hubby, dina nagrerespond yung touch screen so I had to lend him my old phone na ginagamit ko recently sa globe roaming sim ko. Then bumili pa si best friend nya ng phone para ipahiram kay hubby ko, bait noh? 

Update: Tagumpay at maayos ang operasyon nya sa tuhod kanina medyo natagalan lang kasi imbes na 3 hours lang ay inabot ito ng 5 hours. By the way, hindi ako pinasama kasi malayo ang hospital dito 3 hours away at very strict sila dito. Di katulad ng Pinas na buong baranggay bibisita at magpapalit-palit ng magbabantay. Dito asikaso lahat pati pagkain at kompletos rekados. Kaya lang sobrang ninerbyos ako for him, first time ko kasi na mahal ko ay naoperahan. Sa family namin wala akong natatandaang may inoperahan e.

After kong makausap yung nurse ay ilang oras lang tumawag na mismo si hubby. Naawa ako masyado, feeling ko ilang buwan kong di narinig boses ng asawa ko. Paghello palang naiyak na ako, garalgal ang boses nya, pagod na pagod daw sya at kahit andaming sinaksak na pain reliever at kung anik anik na medisina ay dama nya na yung sakit. Pero sobrang matatag yan, di basta basta sumusuko yan e, idol ko yang si Pedro ko dahil napakapositibo nyang tao, sobrang mabait at higit sa lahat maka-Diyos. Let's just help him nalang pray for fast recovery at ng bumalik kaagad sya sa normal routine, and maybe start a new and better lifetyle.

Anyway, eto na yung post dedicated dun sa mga nakaalala sa akin, mga bumati at mga nagpadala ng picture greetings noong birthday ko last Sunday. Iilan lang pero malaki yung impact sa akin, ang sarap ng feeling ng nakakatanggap ka ng mga bagay na binibigyan ng effort at time siempre. Di nyo alam kung gaano nyo ako pinasaya nitong kaarawan ko.

Heto na, umpisahan ko na..


Mula kay Fiel ng Fiel Kun, naks naman nag-abala ka pa hehe.
Maraming salamat Fiel at least may cake ako kahit sa picture nalang.
From mommy Joy of Joy's Notepad ayan kahit birthday ko feel ko parang Valentines pero
it symbolizes na full of love daw ako naks! Thank you so much po!
Eto ay galing sa grupo ng PBO na ginawa ni Senyor ng Senyor Iskwater, thanks a lot nagustuhan ko to maliban lang dun sa "Stay sexy" haha napi-pressure ako kasi feeling ko di pa rin nababawasan baby fats ko (charot) kahit naggi-gym ako hay!
Galing naman kay Ms B. ng BalutManila, yey thank you! Ang sabi nya seagulls + calmness of the bay, ay ako ang naaalala nya naks! na sinang-ayunan naman ni Lalahbells da new Asia Agcaoilli, ay hala ano daw?! Haha peace Lalah! Pero tama sabi ko nga kasi favorite subject ko yan, kung may swans pa, naku naku baka napupog kita ng halik at piniga sa yakap hehehe, agree sigurado si ate Leah :P
I also received a lot of flowers, a bouquet from my husband, another one from my brother-in-law, and another one from friends, also scented candles and stuffs from aunt. So yun, wala nga lang pictures pasensya na. Oh before I forget I also got myself a new lappy, maybe that is why feel na feel ko ng magkwento ek-ek dito sa blog ko haha pansin nyo ba? Siguro I'll make kwento about it next time masyado na kasi tong mahaba.

So sa lahat ng mga bumati via twitter at facebook, taos-puso rin akong nagpapasalamat dahil ang totoo kung wala kayo di makokompleto ang kaarawan ko at di ako lubos na masaya nung nakaraang araw ng Linggo. Love you guys, God bless!

 


 Update: 4-14-2013
 
May humabol tyarannn...
 
Thank you my dear lil' sis, sobrang na-touch naman ako. Okay lang kahit late, it's really the thought that Counts :) God bless you sweetie.
 

Comments

  1. buti nmn at ok na si hubby... ramdam ko pa ang iyong post bday blus...lol


    basta stay sexy.... it's from within noh!

    ReplyDelete
  2. Nsoperahan pala si hubby. Buti nakaraos na. I pray for both of you.
    Congratulation sa mga greetings and new lappy:)
    Anyway, good to have a friend nearby who really cares.
    Take care Gracie.
    About the love card, you know Gracie love is for whole year round and you are a lovable lady and with a good heart:)

    ReplyDelete
  3. Halo-halong emosyon naman ang ibinigay sakin netong post mo...

    Nakangiwi ako habang kini-kwento mo about sa operation ni hubby :( Buti na lang nakataos na salamat sa Dyos haaay.... Then kinikilig ako dun sa tawagan nyo sa phone hi hi hi

    Tapos nakangiti ako dun sa mga greetings he he ang saya saya no! at halakhak ako dun sa Asia Agcaoilli amg taray ng lola lalah koh!

    Tapos biglang ngisi ako sa bagong laptop! naknaman! nag-unboxing na naman sya! yey blow-out! :P

    ReplyDelete
  4. Happy Birthday MS. Gracie. LUcky that a lot of people remembers your special day kahit recently mo lang sila na meet o you never met them before. Such a joyful and overwhelming feeling right. But di mo sinabi kung ano bday gift na wish mo..

    ReplyDelete
  5. happy birthday po.

    Pag pray natin ang super fast recovery ng inyong asawa :)

    Godbless.

    ReplyDelete
  6. I'll pray for your hubby's fast recovery po.
    Ayaw nyo po ng stay sexy eh di stay beautiful na lang :p
    Happy Birthday po uli :)

    ReplyDelete
  7. Yey, belated Happy Birthday ate Gracie!!! Glad you liked the mini cake pic hehehe :D

    I am also glad na naging successful ang operation ni hubby mo :)

    Stay sweet and sexy!

    *hugs*

    ReplyDelete
  8. Sobrang bait naman ng best friend niya.

    Mabuti naman maayos na kalagayan ni hubby mo.

    Happy birthday sayo :)

    ReplyDelete
  9. sorry di ako nakapagbigay ng bday greeting ko haha
    i mean ung pic greeting, balak ko sana lahat ng nag bbday na blogger ee bigyan kso
    ayun nga stressful ang nakaraang mga linggo ko ehehe

    belated nga pala ulet!

    ReplyDelete
  10. naoperahan pala si hubby mo.. I'll pray for his recovery.. di na nakagawa ng pic greet for you busyness much..haaaay.. anyway gaganda ng mga pic greet lalo na yung kay ms. Balut nakakarelax tingnan.. happy birthday again big sis ;)

    ReplyDelete
  11. First time ko dito pero kahit na... I still wish you a happy birthday. hehe.

    ReplyDelete
  12. wow ang daming pangyayari. I'm so glad successful ang operation ni hubby mo.. ang hirap pala jan hindi pwede makasama ang love mo pag nasa ospital... pero at least alagang-alaga naman sila.

    so lucky you ang daming nagmamahal at nakaalala sa birthday mo! that's means you are one really nice lady ;-) Belated happy birthday po!!!

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
  13. Really happy to hear na success ang operation kay hubby! Na imagine ko how much you miss him, ang lungkot naman dyan strict ang visiting ekek sa hospital. Kasama mo ako mag pray na tuloy tuloy na ang pag okay ni hubby :) BTW ang swerte nyo kay best friend, isa syang tunay na..well, tunay na best friend :)

    Ang cute ng mga gifts nila, sorry wala ako. Pag nag kita na lang tayo live and in person tsaka na ang gift ha Gracie. Mwahs! :)

    ReplyDelete
  14. HAPPY BIRTHDAY ULET! SPREAD THE GOOD DEEDS AS ALWAYS!

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?