Langaw

Langaw! May nakikita ba kayong langaw dito? Andami noh? Nilalangaw sa kasabawan ang blog na ito haha! 

Sa muling pagkabuhay ni Hesus sana ay muling manumbalik ang aking sigla sa pagba-blog dahil marami akong namiss! 


Anyway napatambay lang talaga ako ngayon at napakwento dahil eto ang nangyari: Gumising ako ng alas sais ng umaga at pumasok sa trabaho ng alas otso pagdating ko dun ay mali pala ang schedule na nasa akin, yung schedule na akala ko para sa ngayon ay para bukas pa pala at ang akala kong para bukas ay para mamayang hapon pa pala. 

So ayun mega walkout ako, sabi ni boss at ang ilan dun sorry daw... 

"Sorry???!!! Di mababayaran ng sorry nyo ang effort ko, ang gasolinang ginamit back and forth at ang kapal ng fez ko..." Charot lang!

So eto ngayon balik sa bahay, nakabihis pa, inaantok pero keri lang. Medyo disappointed kasi nasa work mode na ako kanina then nung ni-double check ko yung schedule ay mali pala, yun pinauwi nalang ako este pinauwi ko sarili ko.

Anyway, anong petsa na pala? Diko pa naipost ang aking monthly update para sa nakaraang buwan. Diko alam kung may interesado sa pag-aupdate update ko na ito pero kung meron man ay humihingi ako ng paumanhin. I won't promise pero I'll try my best na mai-post yun kahit late na. Better late than never, 'ika nga.

Kayo naman kamusta? Buti di kayo nabiktima ng April Fool's Day kahapon? May isa akong kolega na naloko ng isang pasyente kahapon hahaha! Ako? Ngayon yata ako pinaglaruan ng mga boss ko, wawa naman ako noh! Balang-araw magtyatyanak ako (maghihigante ibig ko sabihin lol).

2nd of April na guys, sana ay tuloy tuloy na ang kasipagang ito o baka wala lang akong choice? Hehe wala kasing nagawa kaya nakapag-update ng blog, puro kasabawan naman. Sorry naman, bukod sa stress sa trabaho ay lately parang pagod na akong mag iisip, imbes na magblog ay tumatambay nalang ako lately sa twitter at nakikipagchat dun kaso wala namang pumapansin haha.

By the way, congratulations sa success ng 2nd Outreach activity ng PBO na ni-held noong March 30, 2013 sa Bahay ni Maria sa Laguna. Mula sa founders, 2nd batch officers and siempre ang mga volunteers mabuhay kayo! I saw a lot of new faces, new volunteers, and I received a new donor/sponsor din so sobrang appreciate nating lahat yan. Hindi ako marunong magspeech so ayan may God bless us all nalang, let's support PBO all the way! More projects coming kaya abangan nalang yan ka-PBOers! 

Ako nalang yata ang miyembro na hindi pa nakikita hay! Yung iba, solid na ang samahan at mega-bonding in and out of PBO pa. Well.. that's life buhay expat! Pero with or without my presence, ang PBO ay andyan yan at patuloy na aangat, mas kikilalanin at dadami ang proyekto dahil sa dedikasyon, moral support, dasal, suportang pinansyal at presinsya o voluntaryo na binibigay nyo.. in behalf of the PBO founders and officers, taos puso ang aming pasasalamat sa inyong lahat! God bless.

Comments

  1. awwww.... kakatouch ung last part about PBO... naku instant chemistry naman lagi kahit sa unang pagkikita... si mecoy ay nagpopost ng kanyang mga first impressions so ul get to know us more... we're excited na nga for october eh... hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaso ako lang pala uuwi sa October.. hmpp diko rin makikita yung ibang members.

      Delete
    2. lalo na ako mamimiss mo ko dahil wala ako. *wink*

      Delete
    3. Cyron isa kapa, umuwi kana wag kang magpapamiss masyado hihi

      Delete
  2. God bless!

    ... at hindi ka nag-iisa sa pagka-SABAW. running on 2 months na ako :( tiwala lang babalik din ang powers natin at palalayasin natin ang mga langaw na yan lolz.

    ReplyDelete
  3. Hahaha baka nga naApril Fools Day lang kayo ni Boss! :D

    Anyways, on October naman po kayo ang pupunta dito diba? Konti nalang! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kutob ko nga, pinagpalit yung sched ko napagtripan ako grrr!

      Tentative palang yung Oct., sana nga December nalang para makapag Christmas party ako at makapagcelebrate ng Foundation Day ang PBO ;)

      Delete
  4. Walang nakapansin sa mga langaw sa blog mo kasi busy pa rin ang lahat ng mga visitors sa pagbabasa ng iyong random updates.

    Di ka nga kaya na April Fool's Day hahaha! Ako nayari ng pag go good time tungkol sa retirement (kuno) ni Manny Pacquiao - being a boxing enthusiast and a solid fan na rin, at first sad face agad ang nakita ko sa salamin hahaha..pero when I reached the bottom line...BOOM! April Fool's Day pala - kasi naman the story was well written and the facts used were somehow convincing hahaha.

    Anyhow, I hope you'll regularly blog na - and by the way, pare-pareho naman tayong mga sinasabaw sa mga panahon ngayon haha..siguro dahil nadadala na din tayo ng init ng panahon sa Pinas - kelangan laging humigop ng sabaw to freshen up hahaha!

    ReplyDelete
  5. in fernes madami dami ang bloggers na kilala ko ang tinamad recently hehe, anyways, at least naka pag update ka na Gracie :) Btw kung sa akin nang yari ang maling sched at pinauwi na lang, cguro tumatambling ako sa tuwa, tambling na lang pauwi haha :)

    thanks sayo sa pagiging isa sa bumuo sa PBO, at sa tuloy na supporta. Bukod sa nakaka tulong tayo kahit paano, ibang level din ang saya na dulot nito sa atin. Thank you again Gracie! :)

    ReplyDelete
  6. Congrats dahil sinipag ka!

    Malamang baka na april fools day ka ng mga katrabaho mo. Hehehe

    Next time, sigurado, makakasama ka na sa PBO....

    ReplyDelete
  7. Natouch ako dito sa pasasalamat mo sa PBO. Hehe. Congrats ulit PBO :) Salamat sa update sis. Email mo lang ako pag need mo kausap ah. Di ako makaaccess sa twitter at skype e :)

    ReplyDelete
  8. Hay, makikisabaw na rin ako. la pa kong nagagawang entry since nag bakasyon ako pinas. Came home Sunday, slept the whole monday...almost and work today. So, maybe makagawa din ako ng entry in the near future:) Makikibasa na lang ng mga masasabaw na post...I mean touching post:)

    About PBO, sayang di ako nakaabot sa outreach, but very happy na nameet ko ang ilang members. Memorable:)

    ReplyDelete
  9. haha ang kulet naman ng nangyari sayo hahaha naku ok lang yan minsan lang naman pag madalas na ibang usapan na yan!

    ang saya nung PBO inspiring na enjoyable pa

    ReplyDelete
  10. akala ko kung bakit langaw ang title hehe..mukang na-delayed lang yung april fool's sau big sis! naku hindi pa nga pala kita na-update about sa outreach..sensya naman di pa rin ako masyado makaonline ng matagal.. sinasamahan ko kasi si momy sa lab at check-ups nya.. anyway excited na ko sa october.. may nagaaya saken ng out of town sa october sabi ko di ako pwede kasi may darating akong friend from norway hahaha! as if sa bahay namen ang tuloy mo.. ganyan ako kahanda sa pagdating mo big sis ;)

    ReplyDelete
  11. napaisip din ako bakit langaw ang title hehehe

    musta po!

    hangkulet nang nangyari.... buti nakaka pag update na.... ^__^ smile always....

    Congrats sa PBO!

    ReplyDelete
  12. Lahat naman yata may langaw ang blog nitong holy week vacation haha! Nasa vacation mode pa lahat. Wishing hindi na mag end ang weekend, parang ganun?

    ReplyDelete
  13. Ay tulungan na lang kitang bugawin ang mga langaw dito Ate Gracie :))

    *sabay dampot ng fly swatter*

    *swat* *swat*

    Naku owkei lang yan. Lahat naman tayo nakakaranas ng sabaw mowments. Relax relax lang. Wag paapekto sa mga negative vibes sa paligid.

    Just call my name lungs sa twitter and I'll be there :))

    *hugs*

    ReplyDelete
  14. andito pala ung langaw na hinahanp ko hahaha :)

    ReplyDelete
  15. Ayun pala ang ibig sabihin ng langaw, kung langaw dito, ano pa po sa blog ko, bangaw na :D dahil sa walang update ng ilang linggo. Congratulations ulit sa PBO! :)

    ReplyDelete
  16. ako din kaya ate graciey ndi pa nila nakita lol sabay na tayo hahaha chos.

    congrats sa PBO again. tuloy2x na talaga ito woottt woohoo

    at maligayang kaarawan po sa inyo ate sana masayang masaya kayo sa birthday mo! dapat lang magcelebrate. ang dami dapat icelebrate!! hehehe

    ReplyDelete
  17. He he napa smile naman ako sa title na langaw. Eh ganun nga ata talaga when were to busy about life ang hirap magsulat i can feel u. Anyway as long as we dont stress our self out have fun to it. Also congrats sa PBO till next outreach, bless all ur heart. pls let me know so i can share again sa abot ng aking makakaya.

    ReplyDelete
  18. sigurado ako na april fools day ka.. bawian mo ang boss mo next year. hahahhaha


    ako rin di p ko napapasama sa event ng PBO . lol

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?