JAM!


It's my birthday!
It's JAM's day!
 

Time check 8:00 PM of April 7, 2013

Kakaalis lang ng bisita, daughter ni hubby at family nya dumaan dito sa bahay para i-greet lang ako. Siempre na-stress ang bida, nakakahiya kasi hindi ako nagbake ng cake buti nalang madali at mabilis lang ang paggawa ng waffles kaya yun solb ang problema.
 
Sinadya ko talaga actually na hindi maghanda kasi nagtitipid ako, ni hindi nga ako nang-imbita ng mga kaibigan dito, ang sama ko noh? Next week kasi 5 or more days na wala si hubby kasi ooperahan sa tuhod nya kaya if ever lumabas o magwork ako lalo sa gabi siguradong gagastos ako ng malaki sa taxi palang, kung sa araw okay lang naman magbus.

Anyway, isa pang dahilan kung bakit di ako naghanda ng bongga ngayong kaarawan ko ay dahil inilaan ko ang pera para sa pagbibigay tuwa at sigla sa mga bata. Kung babalikan natin ang sinabi ko last year sa isang tweet, wish kong i-treat ang mga batang nasa lansangan sa mismong kaarawan ko.

Hindi ito natupad pero parang nagkaroon ng katuparan na rin dahil kamakailan ay nailunsad ang grupong PBO kung saan boluntaryo at taos-puso ang aming pagbibigay ngiti at tulong sa mga nangangailangan.

Masarap ang tumulong diba? Ang gaan ng pakiramdam kapag nakikita mo ang ngiting dulot ng iyong kabutihan. Kaya naman ngayong taon ay diko pinalagpas ang pagkakataong ito.

Dahil sa pagnanais na rin ng isa kong matalik na kaibigang gumawa ng makabuluhan at sabay surpresahin ako ngayong kaarawan ko, binigyan ko ng katuparan ito na pakainin ang mga mapipiling mga bata at bigyan sila ng konting regalo. Sa tulong nya natupad namin ito sa wakas kasama ng ilang mga kaibigan at kapamilya nya sa bayan ng Baybay sa lalawigan ng Leyte.

Heto ang mga litratong kuha nila at ipinadala sa akin thru facebook:

Hayaan nyong ang mga litratong ito ang magsilbing kwento sa mga kaganapan.

Da giveaways
 
Da cards
 
Da trip
 
Da kids
 
Da place to bee
 
 Da suprise (cup)cakes
 
 
and..
 
Da Bestfriends
 
 "I'm more than happy Bing, thanks for doing this for me and for the kids; thanks for the surprises, and most of all thanks for making my day so special. So Lucky to have you my bestfriend for life!"
 
 
*Maraming salamat sa lahat ng bumati at nagpahayag ng kanilang mga birthday wishes.. hindi ko inaakala na may magpapadala ng picture messages dahil hindi naman ako humingi o nagrequest pero lubos nyo po akong pinaligaya sa aking kaarawan. Sisikapin kong bigyan ng oras at espasyo ang aking mga natanggap sa mga susunod na poste.*

18 comments:

  1. awwww.... isa kang tunay na pilantropo... iba talaga ang feeling pag nakakatulong at nakakapagbigay ng ngiti... sobrang refreshing sa soul!

    that's you're so blessed din...

    PBO is so happy and blessed to have you! mwah mwah mwah!

    You deserve all the happiness!

    ReplyDelete
    Replies
    1. love ko talaga ang first commentator!

      Tama, isa nga siguro akong pilantropong diko inakala hehe, mas fulfilling lang sana kung malapit lang din ako...

      Delete
  2. Happy Birthday! isa ka sa mga generous na tao na na meet ko dito sa blog world. Nakakainspire at nakaka-challenge na rin. Sana magawa ko rin ito some day..

    ReplyDelete
  3. HAPPY BIRTHDAY again!

    You're such a blessing to the people that you share your blessings with. Continue the good works.

    ReplyDelete
  4. Awww Ate Gracie!!!! *hugs*

    Happy Birthday po ulet :)

    Nakakatuwa na pinili mong i-celebrate ang iyong kaarawan sa pamamagitan ng pag tulong sa mga less fortunate kids sa Leyte.

    Taga Leyte ka ba Ate? Taga Ormoc kasi yung nanay ko.

    God Bless!

    ReplyDelete
  5. Happy birthday Ms. Gracie! Masarap talaga tumulong lalo na kung alam mo sa sarili kung pano ang pakiramdan ng wala.

    ReplyDelete
  6. Soo happy for you! sa wakas natupad yung isang wish mo - yan naalala ko na tong wish na to pero kala ko talaga una sa line up yung homecoming :)

    HAPPY BIRTHDAY!

    ReplyDelete
  7. Happy Birthday po Ms. Gracie... kahanga hanga po talaga ang napaka buti nyong adhikain :)

    ReplyDelete
  8. Happy Birthday Miss Gracie!!!

    you know the drill meym.... enjoy the rest of the day dahil last birthday mo na yan!!!



    THIS YEAR!!!!!


    *BEAR HUGS*

    ReplyDelete
  9. ang saya naman at meaningful! ang sasaya nung mga bata ohh
    anyway happy birthday ulet!

    ReplyDelete
  10. naging makahulugan at naibahagi ang iyong mga biyaya sa mga bata, maligayang kaarawan po ms. gracie! :))

    ReplyDelete
  11. iba ka talaga Gracie, kahanga-hanga! at ang ngiti ng mga kids, regalong di mapapantayan di ba? happy birthday gurl (belated), sana ay marami pang kaarawan ang sumapit sa iyo at marami pang labi ang iyong mapangiti. God bless!

    ReplyDelete
  12. bakit pala 'JAM'? curious lang...hehe.

    ReplyDelete
  13. Ayan, dearie naligaw na ako dito, bakit operahan si hubby sa tuhod? Anywies I'll pray for the success of the surgery. Okay lang yan, kahit di ka nag-imbita, kasi u need to save some bucks ang importante is you're happy and healthy. I'm happy for you na natupad yong wish mo. You're one of a kind and you both lucky na bestfriend kaung dalawa.Happy birthday ulit.mwaaahhhhh...

    ReplyDelete
  14. Wow! Napakabait mo talaga MarG at talagang ikaw pa nagpasaya ng iba nun bday mo.. Bakit JAM yun nasa cake? Pakilamera lang, haha. Hope everything goes well sa operation ni hubby mo.. God bless you always

    ReplyDelete
  15. ngayon ko lang nakita eto. You are really a woman with a golden heart.Pinasaya mo talaga sila. God bless you much dear.

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.