Lumalablayp Rin Ba Ang Mga Lolo?

Eksena sa aking pinagta-trabahuang elder institution. Pagkatapos ng pananghalian...

Ako: Lolo, tapos na po ba kayong kumain? Kukunin ko na po mga pinagkainan nyo.

Lolo1: (Biglang tayo sa kama, hinawakan ang kamay ko) Mahal, ang saya ko nagbalik ka... 

Hong pungay ng mata ni Lolo, gosh! At ang ngiti.. naku ha!

Ako: (Ows?) Lo, okay lang po ba kayo?

Lolo1: Mahal ko, ikinalulugod kong dumalaw ka rito sa akin. Antagal mong nawala, akala ko nakalimutan mo na ako.. (Hawak pa rin ang mga kamay ko at pinipisil-pisil pa). Upo ka muna magkwentuhan tayo..

Ako: Mamaya po magchikahan tayo lo promise, kakayod po muna ako hihi.

Lolo1: (Sa wakas at binitawan ang kamay ko) Sige bumalik ka ha? *kindat*

Si Lolo talaga, lumalablayp pa hihi!

***

Pagkatapos magligpit at mahugasan ang mga pinagkainan ay nagronda na ako para magcheck sa loob ng rooms ng mga patients. 

Ako: Lolo, halika na po matutulog na tayo.

Lolo2: *Nangingiti* Talaga, tabi tayo?! 

Ako: *Nganga* Hindi po, di tayo kasya dyan e. 

Boom! Basag si Lolo2 hihi!

23 comments:

  1. :)

    Naalala ko ang kantang "Growing old with u"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha eto ba yung "Grow Old W You" ni Adam Sandler o iba nasa isip mo?

      Delete
    2. Haha. Iyan nga. Yun pala title nyun

      Delete
  2. literal naman na growing OLD with you... nauna nga lang si lolo...

    nakakakilig naman... naalala ko yung The Notebook... hihihi...

    ikaw na ang may mabentang alindog kay lolo... kung makapisil at kindat lang parang walang bukas...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahahaha ibebenta ko pa ba? Nakasanla na e hahahaha biro lang.

      Delete
  3. ahahaha, ang cute naman! lumalablayp pa si Lolo at his age :D

    baka naglalambing lang siya sayo Ate Gracie.

    ReplyDelete
  4. Hahahahahaha.. unang lines palang napangiti ako.. hahaha
    Parang nakakatawa reactiong mo nun Ms. Gracie? hahaha
    Maliit ba talaga yung kama? Dapat inoffer nya yung bed kung gentleman sya. hehe

    ReplyDelete
  5. Ka relate ako sa kuwento mo. Hi hi

    ReplyDelete
  6. Feeling teenager si Lolo, may pakindat-kindat pa siya ha. Hehehe!

    ReplyDelete
  7. ahaha si lolo humihirit pa!
    naku lo, try mo ung style ni boy pick up malay mo haha

    ReplyDelete
  8. more kindat, more fun!...hay... si lolo wagas sa paghihintay kay lola...

    ReplyDelete
  9. sa kindat ako natawa talaga, naiimagine ko si lolo na kumikindat :D

    ReplyDelete
  10. ha ha ha naka-tsansing na sa holding hands may pakindat-kindat pa.

    ReplyDelete
  11. nabasa ko 'to nung nasa byahe ako, natatawa ako at gusto ng mag-comment pero ang hirap mag-type dahil cp lang ang gamit. ^_^

    hahaha, ang kulit lang nila lolo pero mas ok na yan Gracie dear, kesa naman kinukurot ka nila di ba? sana ganyan na lang lahat ng pasyente mo, nagbibiro at masaya, pambawas stress na rin. :)

    ReplyDelete
  12. hahaha ang kulet ni lolo.. may pagkapilyo sa kindat, pisil at may patabi tabi pa tayong nalalaman ah in fairness ;)

    ReplyDelete
  13. hang kulet naman ni lolo... naaliw naman ako sa post na ito.... sabi nga kahit matanda ang mahalaga matigas pa din ang tuhod hehehe

    saka alam ko paraan na rin yan ng paglalambing nila hehehe....

    Napa smile naman ako ^___^

    ReplyDelete
  14. HAHAHAHAHA! Ang lupet naman ni Lolo! Nagkwentuhan ba kayo ni Lolo?

    ReplyDelete
  15. Na aalala ko tuloy ang lolo kong makisig...:)


    xx!

    ReplyDelete
  16. hahhaha,kakatuwa pala sa work mo dearie at napagkamalan ka niyang asawa or whatever.heheheh...pero sa totoo lang kawawa naman sya kasi longing for a love sya...

    ReplyDelete
  17. hahahahahahahahaha naiimagine ko ang mukha ni lolo hahahahahaha abah ha! nakakalimot na talaga si lolo hahahahahahaha dami kong tawa talaga dito hahahahaha

    ReplyDelete
  18. ahahaha. ang cute naman! haha... sweet nina lolo. :)))

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.