Salamin, salamin.. Sabihin sa akin..


Matagal-tagal na rin kung kailan ko huling kinausap ang aking sarili sa salamin. Thank God, normal ako! Marahil ay gusto na akong sikuhin o kaya kalabitin nito dahil sa totoo lang marami-rami na ring bagay ang dapat naming pag-usapan. Bagama't weirdo ang dating, sige na nga at gagawin ko ulit ito, now na! 

1 Kamusta ka naman, balita ko naggi-gym ka na, seryoso kaba talaga dyan? Mukhang di ka naman madalas pumunta dun e, pano ka papayat nyan? 

2 E sa trabaho, sinasaktan ka pa ba ng mga patients mo? O baka naman mga kolega mo na ang pilit kang sinasaksak pagtalikod mo?

3 Naks, nagpadala ka ng pambayad para sa processing fee ng mga magulang mo para sa tourist visa nila kahit di ka hiningan. Nagpupuyat at tumatawag ka sa Norge embahada sa Cebu para ma-ensure mong tama ang mga impormasyon na nababasa mo sa site nila at paulit-ulit mong tinatanong kung pwede ng doon mag-apply ng visa instead na pumunta pa ng Manila. Ito ay para di na mastress masyado ang mga parents mo, bagkus ay mag-enjoy sila habang waiting sila ng result. Basta't para sa magulang, ikaw na talaga.

4 Kelan mo ba aayusin ang paghahanap ng bagong doktor, aba'y kailangan mo na kasing magpacheck-up, may kutob akong lactose-intolerant ka.

5 Gusto mo ng bagong telepono? Ano to one-year installment na naman? Di ka pa ba nadadala dyan, pero sabagay nagpalit ka na naman ng network provider mo, so siguro give it a try. Pero teka lang, huling check ko ng phone mo, no enough space lang naman ang prob, bibili ka lang naman ng memory card, arti mo.

6 Uuwi ka kamo ng Pinas? Ang tanong, may pamasahe at pambaon ka na ba? Ay ikaw pala ang inaasahang sasabay sa mga magulang mo pauwi if ever magbakasyon sila dito, good luck ng malala. Wag kang bili ng bili ng kung anik-anik, magtipid ka.

7 Pansin ko lang ha, andalas mo sa twitter at ang ingay mo pa doon ha? Anyare sayo, doon ka pa nagsisiwalat ng rants mo. KSP! Buti nga wala namang pumapansin sayo. #angharsh

8 Wag ka ngang malungkot, di ka man nakapagdonate at wala ang presensya mo sa Outreach group na kasapi ka ay nakatulong ka din naman sa mga nangangailangan, kaya nga wala kang nai-donate diba kasi napunta sa kanila? Una, naisalba mo ang unang chemo ng batang may kanser kaya maging proud ka. Pangalawa, dahil sa ilang rolyo ng toilet paper mong binili nung kumatok ang iilang estudyante sa bahay nyo, may pamunas ka na ng... naisakatuparan mong makatulong para makapunta sila ng Poland sa unang pagkakataon para sa kanilang field trip.

9 Swerte mo kay hubby kahit di man sya perpekto at kahit malaki ang.. age gap nyo, swak! Eto pa, daig nyo pa ang strawberry jam sa ka-sweetan, yiii! Eehh kailangan talaga isingit to? Namen.

10 Malapit na birthday mo, dadagdagan na naman ng isang taon ang edad mo. Huling tambay mo na to sa kalendaryo, wala man lang bago sa buhay mo? Gawd! 


Ayan nagawa ko na, with feelings and emotions pa yan. Kamusta naman ang salamin? Ayun sa aking source ay medyo nag-crack ito sa gitna ng isakatuparan ko ang sampung kemberlou na itech. 

Anyway, kung ipapahiram sa'yo ang mahiwagang salamin ni tito Boy, matatakot ka ba? este ano-ano kaya ang mga sasabihin mo?

***
Greetings:

Thank you Senyor for inspiring me for today's post.

Last but not the least, congratulations PBOers for the success of the 1st Bazaar For A Cause which was held last February 24, 2013 at the Pasig Capitol Community Church. Laki ng kinita, guys you deserve an applause! 

All proceeds will be used for the 2nd Outreach Activity hopefully by March. Please keep visiting our PBO's twitter and facebook page for more updates! Thanks <3

29 comments:

  1. Ate Gracie, hindi totoo ung #7 ha. Pinapansin kaya kita sa twitter haha lol :D seriously, its alright to vent out your rants sa twitter. as long as wala ka naman nasasaktang ibang tao, go go go sago lang!

    Mahirap talgang maging ofw. I thought porke Nurse ka jan sa Norway eh masarap na ang buhay. Ang dami mo pa din pa lang mga kailangang bayaran >_<

    Yung sa #2, we already discussed it on twitter. Kaya learn the art of dedma na lang sa mga intregero/intregera haha.

    #10, uy kelan yan? dapat paghandaan ng bongga yang birthday bash mo hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe fave na kita fiel, sana ay mas makilala pa kita at more chikahan pa in the future. Tama, deadma nalang talaga, as in ma at pa! kelan? abangan hehe. hugs!

      Delete
  2. Nakakatawa itong post na to haha! mga moments na ang kausap mo ay sarili mo. Happy Birthday,Gracie! You're a good person. You love your parents and you show it to them. Nice bucketlist hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe thank you po at napatawa ka ng post ko. Medyo pasaway kasi ako, medyo lang naman yun bang sumasagot? :3 kaya ngayon bumabawi sa mga magulang na deserving naman talaga. Di porket matatanda na ay hanggang dun nalang iinog ang mundo nila katulad ng pag-aalaga sa mga apo, pagtatanim ng gulay sa bakuran, magtinda-tinda sa harapan ng bahay, ano yun? Dapat sa kanila, nagta-travel, ini-explore ang iba't ibang lugar, relak-relak ba, dahil kaya pa naman ng mga tuhod, wag nating antayin na sila'y uugod ugod :)

      Delete
  3. Gusto ko ting maggym!! Haaay sana maging ok na hassle free ang pagpasyal ng parents mo dyan at kapag umuwi ka dito penge pasalubong. Haha wag ka ng magpalit ng phone bili ja na kang muna ng memory card hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makakapag-gym ka din after mong makapaggraduate hehe, diba kasi busy ka pa ngayon e. Sana nga hassle free pero pasaway kasi ang flight ticket agents dito na pinay, nagpapabayad na magpapareserve pa nga lang ng ticket. Pano nalang kaya kung madeny yung visa application o kaya madelay diba? Sayang ang bayad, te di kami mayaman! Pero sana wag naman, yun lang talaga nakaka-stress sa amin ngayon. Haha obvious na natawa ka dun sa upgrade lang ng memory card superjaid? Arti noh? Dapat kasi nagtitipid daming temptations talaga hayst! O sya, anong gustong pasalubong ng superhero, keychain pwede na? haha inunahan na e

      Delete
  4. Subukin ko din kaya yan more often. Talk to the mirror:)
    Anyway, nice to hear na papunta dyan parents mo.
    Anyway, very touching ang mga deeds mo.
    About twitter, mostly, nag post lang ko fon. More on fb and blog ako. La na time eh.

    Me naman gym pa rin, pero minsan d rin nakapunta like yesterday, sinamahan ko ang isang bruker to watch a movie. Hope makadama ko sa outreach sa march:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I really need to watch a movie po, I miss it na going to the cinema. Gonna add it on my bucketlist pala.

      Actually, healthy naman ang pakikipag usap po talaga sa sarili (paminsan-minsan hehe) diba kasi it's a way na parang evaluation ba, or kapag kailangang gumawa ng descisions, need to weigh things out..

      Salamat po, inspired by the PBO and the people around like you.

      Great to hear you're going to the gym na din pala, enjoy lang po.

      Take the oppurtunity po na makasama sa outreach this March pag-uwi nyo po dahil mukhang majority ng gusto ay sa elderly institution, perfect po sa inyo (sa akin din sana kung andyan ako) since yan ang work natin. Makontento nalang ako sa pictures, tagal pa uwi e :(

      Delete
  5. ako kinakausap ko ang sarili ko kahit walang salamin... lakas lang ng saltik ahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. talent ba ito o ano? :D paturo nga, kasi ako kelangan ko pa ng salamin ni tito boy (sinong tito boy?)

      Delete
  6. NA imagine ko pumasok roomate ko tas me hawak akong salamin.. susme..anu iisipin nun.. uhmm since mirror is also almost synonymous to Reflection, nag rereflect na lang ako with God.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang masaklap nito June, imaginary mirror lang ito hahaha!

      Uy tamang tama lapit na holy week, marami ngayon yang gagawa ng reflection with God for sure ;)

      Delete
  7. hahahaha... talk to yourself talaga ang drama... kakatats naman na may mention ako...

    Mabuti kang tao. Gusto ko lang sabihin. Naki-evesdrop kasi ako sa kwentuhan nio ng sarili mo at sa tingin ko, hong sweet lungs na papapuntahin mo sila parents dyan... You are always felt naman whenever we do outreach. Sa tuwing laging napag-uusapan ang pinag-ugatan ngPBO, hindi pwedeng hindi mababanggit ang pangalan mo.

    Tama lang na sa twitter mo isiwalat ang ilang mga rants, 'wag kang mag-alala kasi 1st honor naman si Kamahalan sa pagiging emo kaya sisiw lang 'yung mga minor senti modemo.

    Kitakits sa iyong pagbabalikbayan! Ingat palagi!

    Kayo na ang uber sweet ni hubby... hahanap din ako ng ganyan... Malaki ba talaga... ang age gap? hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat, na-touch ako. Kaya lang di mo pa ako na-meet kaya wag kang mag-eexpect ng malaki sa akin, aside sa weight ko :D Simple lang talaga ako, may pagka-maldita minsan at saka may pagka-mahiyain din, in short bipolar! haha dyuk.

      2nd honor lang pala ako, sayang magpapalechon sana kung naging first nyahaha.

      Ay oo malaki, sekretong malupit natin yan ha. Dapat sila ang maghanap sayo Senyor, aba dalagang Pilipina remember? :D

      Delete
  8. hahaha parehas tayo nakipag-usap sa mahiwagang salamin ni tito boy abunda :)


    uso ata yan ngaun :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Binasa ko nga kanina, whatta coincidence! Pero pang Miss/Mr U ang mga tanong dun e, bagay sayo hihi

      Delete
  9. pakipasa dito ang salamin PLEASE! Emomg-emo na nga nga ako kahit sabaw na post di pa makapagsulay haist!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why, what's wrong MamaLut? Napapadalas po ata yan, you need to cheer up. Andami mo kayang ganap this Feb, dami mong kailangang i-share sa aming tagasubaybay, nakipag-EB ka! Di mo kami inintay nila Leah at Tal ;P

      Delete
  10. haha naku wait busy pa kasi si inner self dame nya iniisip kaya di ko makausap ng maayos haha
    sarap batukan ee
    anyways kakatuwa ang post na to gracie! naiimagine ko ginagawa mo talaga with matching hamd actions hahaha

    sa outreach dun na lang ako tutulong financially kasi wa talaga ko maitulong

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka lumalandi si inner self kaya wala sa focus? hehe batukan ng tinapay na yan.

      Nahiya tuloy ako, may 4th eye ka ba parecoy? Parang alam mo ang ginawa kong hand gestures hahaha.

      Kahit presence mo nalang po sa 2nd big outreach activity ng PBO, solb na!

      Delete
  11. Hi dear Gracie:) Dropping by again to say that I nominated you in my last post. Hope you find time to visit:)

    ReplyDelete
  12. Wow! Ang sweet mo namang anak. Papupuntahin ang parents dyan at don't forget my pasalubong ha pag sasabay ka pag-uwi nila dito. Hahaha! Feeling close lang.

    Ok lang naman mag-ingay sa twitter e. :D

    Advance happy birthday sayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige dahil nagdemand ka ng pasalubong empoi, gawan moko ng birthday pic greetings hahaha!

      Delete
  13. Hindi ko pa nattry kausapin ang sarili ko sa salamin. epektib po ba?

    And, kaw ate gracie ha, pinapansin ka naman namin sa twitter :)))

    Lately, hindi ako nakakapag jog, umuulan kasi (alibi) hahah! share lang :P

    and, napaka family oriented nyo po. Sweet nyong anak! And by the way,
    sana po kagaya nyo, makapag international travel din ako!^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Epektib Pao grabeh ikaw nalang ang natitira sa mundo na normal hahaha!

      Di malabong mangyari ang int'l travel na yan Pao, balang araw diba?

      Delete
  14. Minsan nag try ako kausapin sarili ko sa salamin kaso... wala ehh natatawa ako. Kaya ang ginawa ko yung gusto kong sabihin sa harap ng salamin para sa sarili, eh sinulat ko na lang at dinikit ko sa salamin. Para pag nananalamin ako may dapat akong tandaan at maalala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha genius! Kesa nga naman mega emote ka tapos nakakalimutan mo linya mo diba why nuts? Salamat nga pala sa pagbisita idol, keep on coming :)

      Delete
  15. ang bait mo namang anak.. pareho tau..hehe we want what can give happiness and comfort to our parents.. ang sweet nio nga ni hubby mo naiinggit talaga ako sa sweetness nio..

    kinakausap ko sarili ko sa salamin pero madalas kapag umiiyak ako.. pangarap ko kasing maging artista kaya tinitingnan ko kung kaya kong maging dramatic actress haha.. seryoso ako dun ;)

    im excited to see you na talaga big sis!

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.