Salamat...

Winter photowalk in Sweden, Feb 14, 2013

Isa sa mga kauna-unahang rason kung bakit ako nasa mundo ng blogging ay ang pagnanais kong makahanap ng totoong mga kaibigan sa mundo ng blogesperyo. Ang mundong para sa akin ay kakambal ng riyalidad ngunit pangalawa sa mundong tunay kong ginagalawan sa araw-araw. 

Ako ay isang taong simple at mahiyain pero palakaibigan ngunit dahil sa aking sitwasyon na malayo sa aking pamilya at itinuturing na mga tunay na kaibigan, ako ay nagpasyang mapadpad sa mundo ng pagsusulat, ang mundo ng blogesperyo. 

Ngayon nais kong maiparating sa mga bumibisita at nakakasalamuha ko dito sa aking maliit na topologo ang mainit na pagpapasalamat dahil kayo ay naging bahagi ng isang taon at mahigit na paglalakbay nitong aking munting tahanan. 

Bagama't matagal pa bago magdiwang ng anibersaryo ang blog na ito ay bukal sa loob ko ang pasasalamat sa inyong lahat dahil sa mga naibahagi nyong saya at lungkot, kwentong karanasan, nakakamangha man ito o nakakatakot, nakakaaliw o nakakabaliw, nakakainspire o anupaman ang mahalaga, kahit papaano ay naging daan ito upang mapasaya ko kayo ng konti at dahil na rin sa inyo naabot ko ang ganito katagal, hindi man katagalan ngunit isang taong mahigit ay hindi na rin basta-basta. 

Wala akong ideya hanggang kailan ako mananatili dito at hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kaya pang patakbuhin ito. Ang alam ko, minsan akong mawawala, minsan rin naman akong babalik. Minsan ko itong isasara, ngunit minsan ko rin naman itong bubuksang muli. Ganyan ang buhay e, 'ika nga "Ang blog este ang buhay ay weather weather lang!"

Ano nga ba ang puno't dulo ng kaemohang ito? Ang totoo marami pero di ko nalang isisiwalat. Mabuti pa, ito nalang gawin ko. Ang isiwalat ang mga gusto kong sabihin PERO di ko kayang sabihin ng direkta sa taong gusto kong sabihan nito. Intriguing? Eto yun..
***
1 Unang-una, naiinspire mo ako at masaya akong kahit mawala man ako sa mundo ng blogging, alam ko saan kita pwedeng hagilapin.

2 Gustong-gusto kitang pinapasaya kapag nalulungkot ka. Simple lang, ayokong nagkakaganyan ka. Gusto kong masaya ka palagi.

3 Ambait mo sobra. Isang tanong ko, sangkatutak na sagot ang tugon mo. Sobrang appreciate ko ang effort mo at time mo. 

4 Buti ka pa, naiisip mo ako, isinasali mo ako kahit feeling ko di na ako kasali dyan. Salamat sa pagmamalasakit mo, nakakataba ng puso.

5 Inaabangan ko ang mga komento mo sa blog ko at ganun din ang pagrereply mo kapag nagkokomento ako sa blog mo. 

6 Maraming salamat kahit sandali at papano ay na-feel kong naging close kita kahit di pa tayo nagkikita. 

7 Masaya akong nakakausap ka, totoo.

8 Mahirap ba akong kaibiganin? Dahil ba sa distance? Sa age or what? 

9 Nagkaroon tayo ng di pagkakaintindihan pero nagpapasalamat ako na nangyari yun kasi ngayon mas feel kong naging malapit at naging mas malalim pa ang pagkakaibigan natin.

10 Hanga ako sayo pero nag-iba ka na. Namimiss ko ang dating ikaw.

11 Akala ko potential friend kita pero lately di kana nagrereach out sa akin. 

12 Wala ka man sa network ko, asahan mong bumibisita at nagbabasa pa rin ako sa blog mo.

13 Hinahangaan na kita dati pa, di ko akalaing nagsusulat ka rin pala at lalo akong humanga sayo. Isa ka sa mga inspirasyon ko.

14 Nagpahayag ka ng isang hiling sa isang espesyal na okasyon, dahil mabait ka at palakaibigan wish granted kaso di mo pala nagamit. Okay lang at least na-appreciate mo yung effort ko.

15 Namimiss ko ang pagdalaw mo sa blog ko at ang makukulit mong komento. Kamusta ka na?

16 Maraming salamat sayo at nakilala kita sa blogesperyo, sana magkaroon ako ng lakas ng loob ma-meet ka balang araw. Ang problema wala akong gutts.

17 Na-appreciate ko sobra ang effort mong gumawa ng bagay na nakakapagbigay tuwa't sigla sa puso ko, isa na ako sa maswerte. Sana masorpresa kita balang-araw. 

18 Isipin mong di ka nag-iisa dito sa mundo na ganyan ang dinaranas sa buhay. Kaya mo yan, malalagpasan mo din yan. Kung gusto mo ng kausap nandito lang ako. 

19 Kahawig mo yung former classmate ko nung college, natutuwa akong nakikita ka kasi para na ring nakita ko na sya ulit.

20 Hanga ako sa pagkakaibigan nyo, nakikita ko ang dating ako at ang isang naging malapit sa akin noon. Dahil sa inyo, namimiss ko ang pagkakaibigan na yun.

21 Wag ka ng malungkot marami naman ang nagki-care sayo kahit ano ka pa, di mo maramdaman yun?

22 Mukhang may gusto ka sa kanya (at mukhang like ka rin nya), halata naman e. Ba't di mo subukan wag puro pakiramdaman lang, pareho naman kayong single? (Ako na echosera hehe)

23 Sana bago man lang ako maging inactive sa blogging, mahanap ko man lang magiging best friend ko, ikaw ba yun? Yun o!
***
Pasensya na kung hindi ko kayang pangalanan kung para kanino ang mga katagang yan basta ang gaan ng feeling na nailabas ko 'to. Happy weekend sa lahat!

18 comments:

  1. Wala pong anuman! :) <- Assumero! hahah jowk lang!
    Habang binabasa ko ramdam na ramdam ko ang feelings. Halo halo nga e. Ayun! Sana hindi po kayo mag inactive sa blog!!! :(

    Good morning ate Gracie!

    ReplyDelete
  2. Hello Ate Gracie,

    Alam nyo, sobrang thankful din ako na nakilala ko kayo sa mundo ng blogging. Although, halos wala pa yatang isang buwan tayong magkakilala pero I really feel at ease while visiting and reading your blog entries.

    Na intriga naman talaga ako jan sa mga "Blind Items" nyo at parang meron isa jan na patungkol sa akin :P

    Maraming salamat po pala sa very uplifting na mensahe ninyo dun sa latest blog post ko. It is highly appreciated. Napagaan nyo po ang pakiramdam ko.

    *hugs*

    ReplyDelete
  3. nakakaintiriga kung para kanino ang mga mensahe... I back read agad agad to know kung sa isang tao lang o para sa marami PERO walang clue... for sure kilala namin siya/sila...

    just like you madam, sobra ang pasasalamt ko sa daigdig na kapwa natin ginagalawan... it brings back the writer in us at may bonus pa, we get to meet people na pwedeng pwede talgang for keeps... sandalan, iyakan, takbuhan at hingahan ng lahat ng emosyon ang ating mga pahina...

    hyyyy... im really thankful that tru blogging, this time, we could also extend a helping hand to others... segue agad sa PBO na ikaw ang isa sa mga utak!

    Kudos to you madam...

    ReplyDelete
  4. Feel ko ako un hahaha :) thank u thank u! Ang pagbablog iba tlga ang nagagawa sa buhay ng tao!

    ReplyDelete
  5. madam ito pala ang ibig sabihin ng tweet pic mo last time.. yun pala yun. Anyway ayo ayo ka dyan madam..

    ReplyDelete
  6. 1. Na-inspire ba kita?
    2. Eto feel ko ako to kasi ako yata una mong binigyan ng noob sketch tapos yesterday may pusa pa (teary eyed)
    3. Err.. inde yata ako mabait? lol. at wala rin akong matandaang nasagot kita ng marami sa isaing tanong. meron ba?
    4. Hmn... saan ba kita naisali?
    5. Ganun din naman ako...
    6. teka lang bakit kahit sandali? medyo matagal na ang feeling kong close tayo? lol
    7. yey! totoo?
    8. Hindi. Hindi rin. Wag mo ng emphasize na di hamak na mas matanda ako sayo hmp!
    9. Meron ba? Parang hindi na ako to ha ha ha
    10. Thank you! Huh? di naman ako nagpagupit ng buhok di rin naman ako transformer?
    11. Sakin hindi lang akala feeling ko bff na kita! Huh? kahapon lang kausap kita sa twitter
    12. Ganun? tinannggal mo ako sa network mo? So silent reader ka lang ganun?
    13. Hi hi hi tenkyu kinikilig naman ako hi hi hi. Teka lang dati na akong nagsusulat ah? (ang gulo na talaga tsk tssk...)
    14. Hmn... ano kayang okasyon eto? Parang nagamit ko naman kung ano man yun lol.
    15. Regular pa naman ang dalaw ko. Oo alam ko makulet pa rin ako hi hi hi. Heto medyo malungkot namatay pusa ko eh :(
    16. You're welcome :) Ok lang ako naman eh maraming gutts so ako na lang mi-meet sayo :P
    17. Meron ba? hindi ko pa nga napapadala ang TY card ko sa pagsuporta mo sa blog ko ever (dyahi). Bakit naman balang araw pa? Now na!
    18. Alin yung mamatayan ng pusa? Oo nga di ako nag-iisa yung kapitbahay ko kanina namatay din pusa nila. Eh bambuhin ba naman at kinain daw yung ulam nila hayun patay si pusa! LOL!
    19. Kawawa naman nung classmate mo kung kamuka ko ang panget ko eh :(
    20. Teka lang, di mo pa naman kilala ang mga kaibigan ko ah???
    21. Talaga? Marami ba? Toucch naman ako... ala eh di ko ma-feel :(
    22. Teka teka intriga na eto! Echosera ka talaga! At hindi ako single! susmaryosep!
    23. Eh bakit ka naman kasi magiging inactive? umeemo ka na naman ha! Ako na nga yun eh sino pa ba hanap mo?

    HA HA HA Felingera ako eh bakit ba! :P #luvugracie!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Na-inspire ba kita? Oo
      2. Eto feel ko ako to kasi ako yata una mong binigyan ng noob sketch tapos yesterday may pusa pa (teary eyed) Ikaw na!
      3. Err.. inde yata ako mabait? lol. at wala rin akong matandaang nasagot kita ng marami sa isaing tanong. meron ba? Ma at pa.
      4. Hmn... saan ba kita naisali? Saling-pusa :P
      5. Ganun din naman ako... MU?
      6. teka lang bakit kahit sandali? medyo matagal na ang feeling kong close tayo? lol nyahaha!
      7. yey! totoo? Hindi, totoo.
      8. Hindi. Hindi rin. Wag mo ng emphasize na di hamak na mas matanda ako sayo hmp! Hahaha
      9. Meron ba? Parang hindi na ako to ha ha ha Ayan assuming ka kasi bleh!
      10. Thank you! Huh? di naman ako nagpagupit ng buhok di rin naman ako transformer? Dyusko, sakit ng tyan ko tumatalbog ako sa kakatawa!
      11. Sakin hindi lang akala feeling ko bff na kita! Huh? kahapon lang kausap kita sa twitter E namiss kita, kamusta ka?
      12. Ganun? tinannggal mo ako sa network mo? So silent reader ka lang ganun? Hindi, blindfolded reader.
      13. Hi hi hi tenkyu kinikilig naman ako hi hi hi. Teka lang dati na akong nagsusulat ah? (ang gulo na talaga tsk tssk...) Hahahaha!
      14. Hmn... ano kayang okasyon eto? Parang nagamit ko naman kung ano man yun lol. Baliw mwahahaha!
      15. Regular pa naman ang dalaw ko. Oo alam ko makulet pa rin ako hi hi hi. Heto medyo malungkot namatay pusa ko eh :( Hi hi. Condolence
      16. You're welcome :) Ok lang ako naman eh maraming gutts so ako na lang mi-meet sayo :P Sige share tayo.
      17. Meron ba? hindi ko pa nga napapadala ang TY card ko sa pagsuporta mo sa blog ko ever (dyahi). Bakit naman balang araw pa? Now na! Hahaha
      18. Alin yung mamatayan ng pusa? Oo nga di ako nag-iisa yung kapitbahay ko kanina namatay din pusa nila. Eh bambuhin ba naman at kinain daw yung ulam nila hayun patay si pusa! LOL! Gawd! ROFL
      19. Kawawa naman nung classmate mo kung kamuka ko ang panget ko eh :( Hikhikhik
      20. Teka lang, di mo pa naman kilala ang mga kaibigan ko ah??? Nagresearch ako bakit ba?
      21. Talaga? Marami ba? Toucch naman ako... ala eh di ko ma-feel :( Madami, isa na ako ayieee
      22. Teka teka intriga na eto! Echosera ka talaga! At hindi ako single! susmaryosep! Maghunos dili ka! Ampon ka lang
      23. Eh bakit ka naman kasi magiging inactive? umeemo ka na naman ha! Ako na nga yun eh sino pa ba hanap mo? Nakakapagod nga maging emo, buti na nga lang andyan ka! Hayyy

      Delete
    2. teka... ampon lang pala ako hu hu hu (ayaw umawat sa pag-assume LOL)

      Bwa ha ha ha in-assume ko na lahat para wag na mahirapan readers mo kaya lang lalo yatang gumulo lol :P

      Delete
  7. well may idea ako kung para kanino to pero di ko alam madalas ako mali hehehe
    anyways relate much ako sa post mong to,
    i mean yun din isa sa purpose ko ee makameet ng mga friends
    which happened na nga
    looking forward ako na makita din kita gracie
    go lng ang go gang sa anniversary

    ReplyDelete
  8. Tsk...tsk..tsk. Pinag iisip mo si mommy joy:)
    Anyway, hope di mo i give up ang blogging coz naka inspire ka sa mga post mo, photograpy, story telling and good deeds. I am so happy na nakilala kita through blogworld:)

    ReplyDelete
  9. nakakaintriga ang post na ito at hanggang sa nabasa ko ang #22...mas lalo akong naintriga. sino sya? hehehehe

    ReplyDelete
  10. hahaha... natuwa ako sa comment ni Ms. B! Inangkin na lahat hahaha!

    Bakit may pahaging na magiging inactive? Wag naman!

    ReplyDelete
    Replies
    1. natuwa naman ako na natuwa ka :P

      felingera at assumera much ba? hi hi hi

      Delete
  11. ate gracie para kanino yan? nagsisimula pala akong maganahan magblog, nagreresign na halos pinafollow ko.

    ReplyDelete
  12. hahaha, parang ako na parang di ako yun isa, may description kase na parang di bagay sa 'kin kaya di sigurado. ;P at dahil dyan, nahiya ako bigla. wag ka mag-stop, magpo-post ka pa ng tutorial sa photography eh saka gagawa ng marami pang kwento, pwede namang pahinga lang. pero teka, kaka-intriga yun #22, sino sila? ;)

    ReplyDelete
  13. Parang alam ko na kung sino:) Pero I hope maging ok ang lahat both for you and the secret blogger:)

    ReplyDelete
  14. Naintriga naman ako dito dami kong di alam ang hirap talaga nag absent lagi he he! Kaka intrigue ung #22 kilala ko ba yan? Y ka naman aalis ng blog mag mamaternity leave ka na ba sis kala ko ba sabay tau he he.. i will be missing u dont take too long bka masanay kmi na wala ka echos lang. Btw what happen to Archie?

    ReplyDelete
  15. na feel ko naman ang post na ito.... sarap basahin....

    thank you rin.... ramdam ko talaga....

    sana ako na lang ang maging best pren mo hehehe

    nakaka intriga nga ang number 22 hehehe.....

    Gusto ko talaga ang mga nakasulat..... thanks sa post na to...

    keep on blogging ^^ smile always ^^

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.