Monthly Update - February

Wala akong gaanong ganap ngayong buwan ng Pebrero pero masaya pa rin ako dahil kahit papaano nakapag-unwind kami ni hubby, yun bang out-of-the-country ka pero sobrang lapit lang, feeling at home ka pero you're away from home naman, yung feeling na may peace of mind ka, walang unexpected guests, walang iniintinding tawag sa telepono etc. Nakakarelax alam mo yun!



Sa Daftø Resort, Sweden kami nagstay for 3 days and 2 nights. Bukod sa malapit ito sa mga shopping centers ay mura din ang kanilang rates, yun nga lang magdadala ka ng sarili mong beddings pero okay lang. Perfect ang resort na ito sa families with kids talaga pero since winter dito, close yung kanilang children's park with different kinds of rides tsaka may malaking swimming pool pa. 




Ito yung cabin namin, sa #113 kami nagstay. Nasa gitna ng woods yung location nya kaya sobrang solemn kung gustong magnilay-nilay at nagustuhan namin talaga since medyo malayo sa city.



Nakapaglakad-lakad ako nung kinaumagahan ng second day namin, kahit sobrang lamig, keri lang nag-enjoy ako. Tapos eto binisita ko yung ibang cabins. Nakakatuwang tingnan na mukhang mga bahay-bahayan, para lang syang connected dun sa children's park sa kabilang side hehe.


Tamang-tama to sa mga solo backpackers, naku pwede rin ang couple without kids dito kasi one-room lang sya. 


Children's park


Ito yung side na malapit sa sea, dito nakapark lahat ng camping vehicles. Dito pwedeng maglagay ng camping tents, magfishing at magswimming during summer and fall.

Tiningnan ko muna ang map baka naliligaw ako :D



After half an hour na kakalakad, numb na yung mga kamay ko sa sobrang lamig, nalaglag kasi somewhere ang gloves ko. Nabusy sa kaka-explore ng place at kaka-take ng photos e kaya di ko na namalayang nahulog pala.

Konting lakad-lakad pa at nakita ko na ang reception area, doon ko na hinintay si hubby para magdrive kami papuntang Grebbestad, yung karatig town. 

Grebbestad Church, built in 1890.

Eto yung church ng Grebbestad, napuntahan ko na to dati pero sa di ko maipaliwanag na dahilan, di ko nakuhanan ng magandang anggulo buti nalang this time nagkaroon ng chance ulit at na-timingan. 


Turkey meat with mango chenes sauce + fresh salad

Pagkatapos ng sightseeing, nag-grocery lang saglit then bumalik na sa cabin. Since may kitchen naman, dun na kami nagluto ng dinner at pinagsaluhan ang simpleng putaheng aming inihanda.


Hulaan nyo kung ano okasyon to? Haha ang kulet kuhanan ko daw sya katabi ang wall painting (siya daw yan, nakagapos sa puso ko, haha tama ba yun? Ang corny lang.)

After 3 days, ayan linis at impake na ulit, then shopping ng konti tapos drive na ulit then sakay ng ferry boat pauwi ng Norway. 

Yan ang highlight ng February ko. Ordinary days ay trabaho-bahay routine lang ako madalas. Yung paggym, once a week pa rin at pili sa pagkain. Never akong lumabas to meet friends ngayong buwan, busy din kasi sila pero di naman nawala ang tawagan at text messages paminsan-minsan. 



Nahihilig nga pala ako ngayon sa figurine photography, kamakailan kasi ay nakakita ako ng Viking figurine na kamukha pa ni hubby haha, at ang maganda nito murang-mura lang. Balang-araw gusto ko ring magkaroon ng isang set ng dolls at kahit action figures, basta kung anu-ano lang from disney films, movies characters etc. 

Anyway alam nyo ba kahapon lang ay sinorpresa na naman ako ni hubby? Aba'y dala ang buong angkan ng mga Viking (figurines), next time nalang ang photos at kwento tungkol dun kasi di ko pa nakukuhanan ng litrato. 

Have a nice day ahead guys at salamat sa paggugol nyo ng time bumisita dito at magbasa, highly appreciated! God bless.

Comments

  1. Naku ate Gracie, bigla akong nilamig habang binabasa ko toh. Grabe ang dami pa din snow sa paligid. Hanggang kelan ba ang winter jan?

    Glad you and your hubby had a great time with your mini vacation.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun sa calendar, until this march 20 ganyan pero now ramdam ko na mainit sa umaga kasi nasisilip ko na ang sikat ng araw :) Oo fiel enjoy at relaxing yung mini vacation, perfect Valentine getaway.

      Delete
  2. wow! ang saya naman ng vacay nio ni hubby mo big sis.. kakainggit.. ang sweet sweet nia.. kinilig ako dun sa sinabi nyang nakagapos sya sa puso mo hihi.. exciting ang figurine photography.. gusto ko ng makita yung ibang photos :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makakahanap ka rin soon ng Prince Charming mo hehe.. yun bang igagapos pati paa at kamay literally hahaha joke!

      Delete
  3. Napakaganda, yun lang, walang budget para dyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Someday.. malay mo hehe. Salamat, naappreciate mo :)

      Delete
  4. HI Gracie!

    Grabe pictures pa lang nilalamig na ako, paano pa kung andyan ako, naging popsicle na siguro ang kempet ko haha :)

    Ang saya, hula ko anniv nyo no? Ang sweet naman ni hubby with flowers and chocolates, may gapos gapos pa sa puso mo effect :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mali, Valentines Day yan marZ. Soon ang aming 4th anniv :) haha kaloka ang kempet turned popsicle :D

      Delete
  5. Hay Gracie dear, nang-iinggit ka! :P Ikaw na ang napakaswerte sa lovelife, ang ganda pa ng lugar mo, konting drive lang, sakay ng ferry, ibang country na kagad, sarap! Wish ko na talagang manirahan sa lugar mo, pede paampon? Promise, magda-diet na din ako, 1 meal na lang ako sa isang araw, ampunin mo lang ako. Hahaha, adik ko noh? Epekto ata 'to ng 4 days na pagkakasakit at ng injection kaya nababaliw na, sensya naman...hehe!

    ReplyDelete
  6. Kala ko majinit na dyan. May snow pa pala. Nilamig ako at namiss ang Christmas. Pag snow talaga Christmas naiisip ko. Mukhang ang saya ng bakasyon nyo ni hubby :) Sweet. hihi

    ReplyDelete
  7. "Living in a post card" na naman ang arrive ng mga pic mo Gracie. Natutuwa ako dun sa pag gym yey!

    At talaga naman ang lover's peg ni hubby ha ha. Excited much tuloy akong makita yung Viking set! post na daliii!

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?