Masamang Damo

Babala: Ito ay pawang kathang-isip lamang. Naglalaman ito ng mga sensitibong salita na hindi angkop  sa mga bata ngunit pwede din naman sa mga feeling bata. Pakiusap na rin sa mga bibisita dito na may marka sa dibdib na "Wholesome Me" na wag na lamang basahin kung hindi bukas ang inyong mga isip. 

"Abby tara na, magdidilim na..." si Daniel, beinte singko anyos, matipuno, isang graphic artist at photographer.

"Opo kuya, magpapaalam lang ako kay Tatay..." si Abby, nakababatang kapatid ni Daniel pero kamakailan lang sila nagkatagpong muli, magkaiba ang kanilang ina at si Daniel ay  maagang bumukod upang hanapin ang sarili.

Umusal ng pamamaalam ang dalaga, mahina ang garalgal nitong boses, nakatayo ito sa paanan ng nitso ng yumaong ama. Patuloy ang daloy ng mga luha sa mugto nya nang mga mata dahilan sa walang sawang pagnguyngoy nito at pangungulila.

"Andaya mo naman Tatay, ilang buwan nalang magtatapos na ako, bakit di ka muna naghintay? Pero masaya na rin po ako't natuldukan na ang inyong paghihinagpis.. Ngayon ay kapiling nyo na ang Panginoon. Doon kung saan walang kalungkutan at pasakit. Ngunit Tatay paano na ako ngayong wala ka?"

"Nandito naman ako, kapatid mo ako.. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo?", ani Daniel.

Lumingon ang dalaga at tinugon ang alok na mahigpit na yakap ng nakatatandang kapatid. Kailangan nyang magpakatatag at magtiwala sa mga taong nariyan sasalo sa kanya. Mahirap pero kakayanin.

"Bukas na bukas lilipat ka sa bahay na inuupahan ko ha. Mas makakatipid tayo kung iisa nalang ang inuupahan natin. Ako na din bahala maghatid-sundo sayo minsan sa eskwela para safe ka. Sang-ayon ka ba?"

"Oo naman kuya, salamat.."

Kinaumagahan ay nag-empake na ang dalaga at lumipat ito sa inuupahan ng kapatid.

"Mang Simeon, si Abby, nakababatang kapatid ko, pansamantala dito muna sya. Ilang buwan na lamang ay malapit na ring magtapos sa kolehiyo, nursing ang kinukuha nyan." pagpapakilala ni Daniel sa kanyang landlord.

"Aba'y di mo nabanggit sa akin na may kapatid ka pala? Kamusta ka Ineng? Welkam na welkam ka dito." Sabay abot sa dalaga ng kamay nitong may bakas ng grasa.

Nag-aalangan man ay nakipagkamay na din ito sa kwarenta anyos na barakong mama. "Salamat po.."

Pagkatapos makipagkamay, "Maganda ka.. at makinis!" ngiting aso, tila nag-eenjoy sa tagpong iyon ang lalaki, lumabas ang manilaw-nilaw nitong ngipin.

Hinarap ng binata si mang Simeon, "Ako ang makakabangga mo..." mahina ngunit mariin ang pagkakabigkas ng mga kataga, nagbabanta, tila ramdam ng binatang natitipuhan ng mama ang kanyang kapatid. "Halika na Abby, iakyat na natin ang mga gamit mo ng makapag-ayos at makapagpahinga na din."

Naiwan si mang Simeon, tikom ang bibig sinundan na lamang ng tingin ang magkapatid.

Pagkaligpit ng mga gamit ay nakipagkwentuhan muna ang dalaga sa kanyang kuya sa may sala.

"Sa kwarto ka matutulog, ako naman ay dito sa sala. Pasensya kana medyo makalat, kung di lang nagkasakit si Ama ay tiyak maganda pa rin ang kalagayan mo ngayon." si Daniel.

"Ano ka ba kuya, may dahilan ang lahat kung bakit ito nangyayari, naintindihan ko yun. Hello 21 na kaya ako noh!" kulit ni Abby.

"Ah ganun, e di ikaw na!" sabay bungisngis bilang pakikisakay sa kakulitan ng dalaga.

"Gud nayt kuya, matutulog na ako maaga pa pasok ko bukas. Hatid mo ako ha?"

Tumango ang binata at saka iniligpit ang kanina pang hawak na kamera, nagpatay na rin ito ng lampara ng makapasok ang dalaga sa silid nya.

Isang buwan na rin ang lumipas buhat ng yumao ang ama at patuloy na pakikibaka ng dalaga sa buhay - buhay estudyante, buhay iskwater. Mahirap pero kailangang magtiis. Ilang buwan o baka abutin ng isang taon ay bubukod din sya sa kuya nya, maghahanap ng trabaho, magsasarili. Sa ngayon lahat ay nakadepende sa kanyang kuya, walang natira sa ipon ng ama maging ang kaisa-isang pag-aaring lupa't buhay nito ay naisanla para sa pagpapagamot noon ng matindi nitong karamdaman. Ngunit tila yata walang medisina ang kayang pumuksa sa kanyang karamdaman, bagkus naging mas malala pa ito. Huli na ang lahat sapagkat nasa stage 2 na noon ang kanyang kanser.

Kawawang matanda, mag-isang itinaguyod ang pagpapalaki at pagpapaaral sa mga anak. Nangibang bansa pa ito, ngunit natigil ng naging sakitin at naging mahina ito. Kawawang Abby, hindi ito sanay na naghihirap o nadudumihan ang mga kamay.

Isang araw, nadatnan ni Abby si mang Simeon sa labas ng bahay at mukhang inaabangan sya.

"Abby, may liham ka galing sa Amerika. May penpal ka bang puti?" usisa nito sa dalaga.

"O-opo, akina salamat." tugon ni Abby.

"Ah, so may balak ka palang mangibang bansa hija? Upo ka muna, kwentuhan mo nga ako." Inilapag sa mesa ang peryodikong binabasa at tinungo ang palamigan. "Gusto mo ba ng sorbetes?" alok ni mang Simeon.

"Wag na ho, salamat nalang ho. Darating na din si kuya at kailangan ko na ring magluto ng pananghalian namin." iwas ng dalaga.

"Sige. Isang tanong nalang.. Abby, kapatid mo ba talaga yang si Daniel?"

"Mang Simeon, aakyat na ho ako!"

Bago pa man nakatalikod ang dalaga ay hinablot na ng barakong mama ang kanyang bisig.. "Bakit mo ba ako iniiwasan? May ginawa ba ako para ganyan ang i-trato mo sa akin? Nakatira kayo sa pamamahay ko, kaya may karapatan akong mag-usisa hangga't gusto ko."

"Bitiwan nyo ako, masyado kayong naghihimasok at puro personal na mga bagay ang inuusisa nyo sa akin kaya may karapatan akong hindi ko kayo sagutin, maliwanag?"

"M-maliwanag, pasensya ka na..." paumanhin ni mang Simeon.

Magdidilim na ngunit wala pa rin si Daniel, nag-aalala na si Abby. Alam nyang subsob sa trabaho ito maghapon pero di naman sinabing mag-oovertime ito.

Tok tok tok!

Binuksan nya ang pinto, pero nahintakutan sya dahil si mang Simeon ang bumuluga, di nya mawari kung ano ang pakay nito. Alinlangan syang papasukin ito sapagkat nakapantulog na sya na sobrang nipis at ikli nitong shorts. "Anong kailangan mo?"

"Nakagat yata ako ng alupihan kanina habang nasa garahe ako at may hinahanap.. ito o!" Pinapakita ni mang Simeon ang akala'y kagat ng makamandag na nilalang.

Tiningnan nya pero mukhang malabo kaya't pinapasok na lamang ito para masuring mabuti. "Sandali kukuha lang ako ng panlinis dyan sa sugat mo."

Habang nakatalikod ang dalaga'y parang otomatik ang mga mata ng mama, nakatutok ito kung saan alam nya sya ay masisiyahan sa mga susunod na makikita.

Aninag nya kanina ang utong ng dalaga na natatabunan lamang ng manipis at kapiranggot na telang pantulog nito. Ang pang-ibabang sobrang iksi na sa bawat indayog ng kanyang beywang ay tataas at mapapasinghap ang sinumang hayok sa laman na makakamasid sa kuyukot ng inosenteng dalaga.

"Ito na po mang... mang Simeon? Paglingon ng dalaga ay wala na sa kinauupuan nya kanina ang mama. Nakatayo at nakadungaw ito sa bintana na tila naghahabol ng hininga.

"Mang Simeon... okey lang ba kayo?" takang tanong ng dalaga.

"O-okey lang ako medyo m-mahapdi lang ang sugat ko..." tagaktak ang pawis.

"Mukhang di kayo okey, pero wag kayong mag-alala di naman malala sugat nyo at di rin naman alupihan ang nakakagat sa inyo. Katulad ng ahas, makamandag ito kaya't ilang minuto lang ay pwedeng maging kritikal ang buhay nyo. Pero sa tingin ko wala naman pong dapat ikabahala, baka may nasagi lang kayo at nagkasugat."

"Sige hija, bababa nako... ako na bahala sa sugat ko, salamat at di naman pala mukhang kagat ng alupihan ito. Nag-alala lang ako, pasensya kana sa abala. Syanga pala, wala pa si Daniel?" usisa nito sa dalaga.

"Darating na yun kaya umalis kana... sige na po!" aktong pagtataboy ng dalaga sa lalaki.

"Abby sandali... napakaganda mo talaga... maswerte ang lalaking aangkin at lalasap sa katas ng iyong taglay!" bulalas ng barakong mama.

"Eww bastos ka, umalis ka na! Bago pa ako tumawag ng pulis!" Tinulak ang lalaki palabas at ni-lock ang pinto.

Nakahinga ng maluwag si Abby, buti nalang at hindi masyadong naging agresibo ang lalaki.

Tok tok tok!

"Umalis kana!" sigaw ni Abby ng di pinagbubuksan ang pinto. "Diyos ko, kuya nasan ka na ba, pls dumating ka na natatakot na ako..." usal ng dalaga.

Malalim na ang gabi, nakatulog sa sofa si Abby sa paghihintay sa kanyang kuya Daniel at takot na rin nitong baka pasukin sya ng hayok sa laman na landlord.

Tanging kuliglig na lamang at kahol ng mga aso sa labas ang maririnig. Marahan ngunit dinig ang mga hakbang ng kung sinong nilalang ang marahas na tutugis sa gitna ng gabi. Tunog ng metal ang maririnig, isang kopya ng susi ang ginamit upang lubos na mabuksan ang pinto at maisagawa ang pakay sa loob. Pinihit at binuksan ang pinto, saka nagpatuloy na pumasok sa madilim na silid.

Click!

Lumiwanag ang kanina'y madilim na apat na sulok ng silid.

"Si Abby... tsk tsk, ang inosenteng si Abby... ang kawawang si Abby..." Hinagod ng tingin ang mala-porselanang kutis ng dalaga, mula sa napaka-amo nitong mukha, pababa.. huminto at pinagmasdan ang hubog ng katawan ng dalaga, ang malulusog nitong dibdib.. "Oh.." Tila kung anong may kumislot sa kabuuan ng kanyang pagkalalaki... napasinghap.. napanganga.. muli nitong hinagod ng tingin paulit-ulit ang kanyang mukha. Pababang muli hanggang sa talampakan... maputi, mamula-mula at makinis ang mahahaba nitong binti. Bumalik sa pagkakatitig ang lalaki sa mala-anghel nitong mukha, ang makipot at mapupula nitong labi na malamang kahit na sinong kauri ni Adan ay sisilakbo ang kagustuhang siilin at namnamin ang mapanuksong labi nito.

"Abby... O Abby ko... napakaganda mo talaga..." yumuko ito at akmang ilalapit ang mukha upang ganap na gawin ang adhikain.



"K-kuya, kuya Daniellll?!" sabay tulak sa kapatid, nagising ito sa di nagustuhang amoy. Amoy alak at sigarilyo. "Lasing ka kuya..." bulalas ni Abby.

Lasing man ay agad na nakabawi sa pagkawala ng balanse, hinarap nito ang dalaga pinagmasdan.. ngumiti.. nilapitan at dinakma ang leeg saka inilapit sa kanya ang mukha nito!

Huli na para makaiwas ang dalaga, ngayon ay sakop na ng mga labi ni Daniel ang kanyang labi, siniil ito ng halik. Mariin, mahapdi - nariyang kagatin sya sa kanyang pang ibabang labi... nanggigigil itong hinahalikan sya, sabik at may pagnanasa!

Nagpupumiglas, gusto nyang kumawala sa pagkakahablot nito sa kanyang mahinang katawan ngunit sadyang kulang ang kanyang lakas kumpara sa matipunong lalaking kanyang inaakalang magpoprotekta sa kanya, ang kanyang kapatid!

Isang malaking pagkakamali... di nga ba't kapatid nya ito ngunit bakit ginagawa nya ito sa kanya? Lasing lang siguro ito kaya't sadyang nakalimot... Maya't-maya pa ay ramdam na nya ang isang kamay nito na tila ba may hinahanap, may nais marating..... napasinghap sya at sa gulat nya ay itinulak nya ito at tinadyakan.

Sa pagkakataong iyon ay nagsisigaw na si Abby... malakas, walang dudang hindi ito marinig ng mga kapitbahay!

Ilang sandali lamang ay pwersang bumukas ang pintuan, iniluwal nito si mang Simeon dala-dala ang kwarenta y singkong baril at ang kanyang teleponong de-kamera. Nadatnan nya sa aktong nakadagan si Daniel sa dalaga at pilit na pinaghahalikan at hinuhuburan ng saplot. "Click!" agad na kinunan ng litrato ang pangyayari saka isinuksok sa kanyang bulsa ang telepono.

Itinutok nito ang baril sa binata, "Walanghiya ka, anong tingin mo sa kapatid mo puta? Uuwi kang lasing at ano, biglang kakati yang bayag mo at di mo kayang kamutin? Mahiya ka sa ginagawa mo, sarili mong kapatid pinagnanasahan mo.. itaas mong mga kamay mo, at wag kang gagalaw!" si mang Simeon.

"Hindi kami magkapatid! sabi ni Daniel. Sa tiyempong iyon ay nagbitiw ng malakas na sampal ang dalaga..

"Pak!" Bumangon at nagtakip ng katawan, nagkubli ito sa likod ng barakong mamang may baril. Naiwang nakahiga sa sahig ang binatang si Daniel.

"Ampon lang si Abby at ang alam lamang nya ay magkaiba ang aming ina, namatay ang totoo nyang mga magulang sa aksidente kaya't kinupkop sya ng aking ama. Hindi ko nakagisnan ang aking ina at pagdating ni Abby ay lubha akong nagalit sa aking ama, naging sakim ako sapagkat ayoko ng may kahati. Si ama nalang ang karamay ko ngunit natuon sa kanya ang atensyon at pagmamahal na sana'y akin lamang noon. Naglayas ako at binuhay ang aking sarili, ilang beses na nadapa ngunit pilit akong bumangong muli. Nagbalik loob ako sa Diyos at unti-unting naging maganda ang buhay ko kaya't bumalik ako, hinanap ko sila. Humingi ng tawad... pinatawad ngunit winasak kong muli.." takip-palad na yumuko ito at subsob ang mukha, nahihiya, nanghihina, umiiyak, ngayo'y nagsusumamo...

"Abby, ngayon muli akong hihingi ng tawad... sana patawarin mo ako! Lalayo akong muli, magpapakalayo-layo ako pls patawarin mo lang ako at ipangako mong di mo ako ipapakulong..."

Sa mga sandaling iyon ay dumating ang mga pulis at dinakip si Daniel.

"Huli na ang lahat Daniel, ngayo'y babalik kang muli sa selda. Panibagong kaso, panibagong kasalanan. Dapat sa'yo i-selya elektrika ng maputol na yang sungay mo!"



"Hanggang sa muli, paalam kuya Daniel..."

¨¨W A K A S¨¨

Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy para sa kategoryang KWENTO | PLUMA.

Comments

  1. Replies
    1. My pleasure sir Bino. Manalo, matalo palagay ko'y sasapi ako kada-taon ng inyong patimpalak, gusto ko to challenging kasi :) Sana'y mas maraming pang lumahok at sumuporta this year, God bless!

      Delete
  2. Awww... so sad naman. Akala ko nung una si Mang Simeon ang hindi gagawa ng mabuti kay Abby, si Daniel pala na step brother lang nya. Buti hindi natuloy ang balak hehe.

    Goodluck po sa entry nyo Miss Gracie :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Compared sa entry mo, medyo common ang istorya ko pero di rin pala sobrang dali pag-isipan, pano buuin ang istorya na tanging imahinasyon lamang ang umaandar, plus first time kong ginawa na seryoso at medyo kakataas ng.. kilay ang ibang part hmmm.. Challenging part was pano isingit ang mga words na required ilagay haha, this may not be the best story but glad I made it myself!

      Yeah, thanks and good luck to both of our entries!

      Delete
    2. Naku sinabi mo pa Miss Gracie, real challenge din talaga sakin ung pag-gawa ng entry for this contest. Yeah, lalo pa at may mga required words na kailangan isingit sa story haha.

      Ngayon pa lang ay masasabi ko nang we're part of the history :)

      Goodjob to all of us participants!

      Delete
  3. Naiiba ang ending nito:) galing gracie! good luck!
    Makikibasa na kang ako mg mga entries, kasi d ako makai bento ng ganito:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tusen takk mommy Joy, I was thinking na baka di nyo basahin actually dahil sensitive ang laman hehe. Glad you like my entry then!

      Delete
    2. Akala ko si Mang Simeon ang sisira sa buhay ni Abby, si Daniel pa pala! Hayop! Affected ako no? Nice story Gracie, ang ganda ng twist sa huli.

      Good luck, I hope you win! :)

      Delete
    3. Thanks marZee bet ko ang mabagsik mong komento - Hayop talaga! FTW?!

      Delete
  4. Lapastangan si Daniel at hindi epektib ang kanyang 'forgive me' speech sa dulo dahil baboy siya!!! Hindi katwiran na nakainom siya! Pasalamat siya at wala ng parusang bitay! Nakakainis lang dahil magaan pa naman dugo ko sa kanila dahil Iskwater sila. Tapos gaganunin niya si Abby na wagas naman kung magmaikling shorts. Pamigay lang Abby?

    Mabuti na lang at si Mang Simeon ay gising pa at more more to the rescue kung nagkataon nakaiskor ang walangyang si Daniel!mBantay salakay!
    Hindi naman ako masyadong affected sa kwento madam noh? hehehehe

    Maganda ang kwento. Para siyang MMK episode. Gudlak sa iyo madam.

    Sana kahit walang patimpalak ay gumawa ka pa ng mga ganitong kwento.... Binabati kita sa mga tunay na malalalim sa salitang Filipino.
    Take note, nasa Norway ka pa niyan... Iba talaga 'pag truly blooded Noypi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Senyor, kinabahan ako kasi dika naunang magkomento ngayon :P Hahaha pamigay lang Abby? Langya, tawa sabay lubo sipon ako dito! Fulfilling pagkatapos gumawa ng mga ganito kapag nababasa mo ang iba't ibang uri ng reaksyon ng mambabasa, tulad mo ngayon normal yan. ibig sabihin lang di ka talaga nag i-skip read hehe. Kaya ayoko gumawa ng mga ganito pagdi patimpalak kasi walang challenge, walang deadline, walang words na kelangan gamitin para mabuo ang buong kwento at malamang walang magkainteres at magbasa :(

      Delete
  5. Nakakainis naman, akala ko si Mang Simeon ang total kontrabida dito, si Daniel pala. I hate them both, pareho pa rin silang manyak, hmp!

    MarG, goodluck sa entry mo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry marJ you hate the characters ng story ko :( you can hate me too for creating the twist hehehe, gawa pa ako more you like? :P

      Delete
    2. Galit lang aketch sa mga manyak talaga! Affected much naman kasi ako. Pero I can't hate you. Love na love kaya kita! :D

      Delete
  6. Mahusay... may konting twist ang kwento.. Good luck sa iyong gawa.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you :) Pano ba kita mabisita sa blog mo?

      Delete
  7. ang GAAAAANNNNNDDDAAAA..di dahil sa may kalaswaan ha..lol..
    ang ganda ng atake ng kwento.. It's all about trust...
    Kudos to the Landlord..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat June, okay lang pero mas hahanga ako kung may maglalakas loob na sasabihin nyang gusto nya yung part ng kalaswaan, dahil ako bilang babae na sumulat ng ganitong uri ng kwento ay talagang hindi basta-basta ang gumawa ng deskripsyon sa parte ng isang babae, nakakakaba nga e kung paanong atake ang gagawin sa isang rape scene :P

      Delete
  8. Huwaw may entry ka na rin Ms. Gracie - lume-level up na tayong lahat. Hangganda ng entry mo...Good luck sa ating lahat. Cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you kuya Jay, unang lahok ko ay last year tula ginawa ko 2 hours haha, ngayon ay maikling kwento naman ginawa ko for 2 days. Nakaka-challenge ang ganitong patimpalak, challenge sa sarili - pagnatapos ay masarap ang feeling na nagawa ko ito, yung feeling na, kaya ko pala.. Yey, cheers goood luck sa entries natin!

      Delete
  9. Ang ganda! Hindi sa kalaswaan pero yung twist. Dapat yang si Daniel eh mabulok na sa kulungan. Silya-elektrika!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di naman siguro literal na malaswa, tinatawag na art yun hahaha spice ng istorya kumbaga. Defensive talaga e noh? Salamat Anton at nagandahan ka sa likha ko.

      Delete
  10. Bitin!!!!!! Sana natuloy ang gahasaan portion hahahaha.... Ikaw na! Kala ko din si Mang Simeon ang salaula. Si daniel pala! Nice twist!!

    Good luck sa entry natin hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha alam ko, sinadya ko talagang bitinin yung part na yun, simple lang nagsisimula palang ako e hahaha! Actually, diko kaya ang part na yun kaya puro umpisa lang ako, parang foreplay lang, bahala na readers mag-imagine at tumapos toinks. Ikaw kaya try mo sige na? Haha ni-challenge? Good luck sayo, ehe kasali din pala ako? Kasali lang pero di pangkompetensya :P

      Delete
    2. Pag ako nagtuloy nyan, Gang rape aabutin ni Abby, yong tipong morbid ulit hahaha, wag kawawa naman si Abby! lol

      Delete
    3. Omg gang rape talaga? Hahaha saang floor ba ito isasagawa? Deym, naexcite ako dun ah, iba ka talaga mag-isip!

      Delete
  11. Nice galing sis. Wagas sa description ng kaalindugan si Abby. Talaga namang hindi bibitiwan ng mambabasa mo ang kagandahan nya. Kala ko magkapatid talaga sila na naganuhan. Ampon lang pala. Kawawa naman si kuya Daniel. T.T Muli syang babalik sa selda? dati na syang manyak?

    Good luck sa entry natin sis :D


    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede hehe! Hindi ko plinano ang takbo ng kwento kahit ang rape scene at kaalindugan ni Abby LOL, basta dala lang ng malikot na imahinasyon, sulat sulat then go with the flow pagkatapos insert the twist.. result = sad ending :P Good luck my bro! Bon voyage

      Delete
  12. hala si mang simeon pa ang naging hero sa ending!
    unpredictable ang ending
    nakakabitin naman haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maiba naman, lagi nalang kasing gwapo ang nagiging hero kaya ginawan ko ng twist :D ako na-predict ko na comment mo parecoy - bitin haha!

      Delete
  13. Heavu ng ending very unpredictable. Akala ko si mang simeon yung bad di pala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sad ending sis noh? Ganun talaga, hindi lahat ng istorya happy ending.. nangyayari sa totoong buhay, very unpredictable din ano alam natin sa mangyayari kinabukasan? Tsaka can we really trust all the people around us ba, hindi rin diba? Yun ang lesson.

      Delete
  14. Goodluck sa entry At Infairness May Laban!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you hehe Blogging May Laban ba ang peg?

      Delete
  15. Sabi ko nga sa comment sa entry ni senyor, bilib ako sa mga tulad nyo na nakakabuo ng ganitong mga kwento, ako ay hanggang basa na lang. Akala ko rin si Mang Simeon ang manyak, hindi pala. Good luck sa entry Gracie!! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try mo rin, alam ko kaya mo. Salamat...

      Delete
  16. bongga sa twist.. pesteng daniel. pag daniel ba tlga lapagstangan? hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat. depende, pero kadalasan oo haha.. ex mo ba sya? lol

      Delete
  17. yung gising na gising ang utak ko habang binabasa to.

    ayos to ibang flavor para sa pacontest ni bino.

    Akala ko tlga c mang simeon ang kontrabida. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayiii sorbetes ang peg? Flavor of the month hehe

      Delete
  18. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?