Happy 2013!


Happy New Year sa inyong lahat! Ipagpaumanhin nyo na kung late, ang mahalaga ay mabigyan ko ng pasasalamat ang mga taong nagpasabog (isa ako sa nasabugan) ng kanilang pagiging malikhain at generosity sa pagsalubong nitong year of the snake, taong 2013!

Embedded image permalink
Mula sa malikhain at kasinggaling kong magbake (hehe), Arline ng Pinkline.
Salamuch lil' sis at nagmana ka sa akin sa kasweetan ;)


Mula naman kay ser Jon ng jonDmur na kahit nasa peak sya ng kasikatan at kabusyhan
ay nag-off peak sya para pasalamatan at bigyan ng munting alay ang mga (silent) readers nya na tulad ko. Matsalam idol! :D

***

Ngunit bago pa man ako naputukan at nasabugan, nagcheck muna ako ng mailbox na kasinlayo ng Niagara Falls at kasindulas at lamig ng winter sa Canada. Hindi naman ako nabigo dahil sa kabila ng dinanas kong hirap para makarating ng kinaroroonan nito ay di ko akalaing tuwa at ngiti ang guguhit sa aking mga labi nung mga oras na iyon. Ibig kong pasalamatan si Leah ng Travelquest, isa sa mga idolo ko ito na sya namang nagpadala sa akin ng card  at madamdaming mensahe na talaga namang nagpakabog sa pagsalubong ng bagong taon! 

Sa penmanship mo pa lang sis, ulam na kita talagang napaka-generous mo :)))
At sa lahat ng mga nagparating ng kanilang pagbati mula sa facebook, twitter at maging dito sa aking tahanan, maraming-maraming salamat!

Sa mga dumadalaw dito at (kunwari siempre) nagbabasa, nagkokomento, nagiging kaibigan at nakakapalitan ko ng komento at kuro-kuro sa mga nabanggit na networking sites sa itaas, taos-pusong pasasalamat para sa inyo! Kayo ang idolo at inspirasyon ng GraciesNetwork kaya patuloy pa rin tayo sa taong ito at sana sa mga darating pang mga taon. Maki-baka!

Dahil sa inyo naging makulay, makabuluhan at mas masaya ang taong nagdaan at sinalubong ng buong tuwa at sigla ang bagong taon. Walang humpay na pasasalamat ang aking alay para sa inyong lahat!

At sa ngayon palang naligaw ng landas dito, ikaw na! Siempre mainit na welcome na welcome ka dito! Ateh i-bookmark natin ha?

"In the New Year, may your right hand always be stretched out in friendship, never in want." - Irish toast

Comments

  1. happy new year gracie! cheers to a blogmorefilled years!

    ReplyDelete
  2. @eArL... dahil sa wish mo, matutupad hehe cheers!

    ReplyDelete
  3. happy 2013! :) more post to come. haha :D

    ReplyDelete
  4. Happy New Year dear! balik naman ako,bongga ang post mo this new year dearie , you deserve it,I know you have a good heart as a friend.mwaahhh.Happy to be connected with you.

    ReplyDelete
  5. Happy New Year!!! Para sa mga susunod pang pakikibaka ng nagiisang Gracie ng blogospero! Iboto! More Blessings for you this year!

    ReplyDelete
  6. Hsppy New year to you too Gracie. Nakakatuwa talaga blogworld. Dami nating nakilala na wonderful people. So good luck to mote blogging this year:)

    ReplyDelete
  7. Happy 2013 too Gracie! Buti na lang binabasa ko talaga ang entries mo kaya di ako tinamaan sa kunwari nagbabasa hahaha :)


    Bongga naman nga ng penmanship ni Leah, ulam na ulam na!


    Go, ibongga pa ntin this 2013 Gracie! :)

    ReplyDelete
  8. Yung post card ko hindi pa yata natatanggap ni Ms. Leah. huhu.

    By the way, natanggap ko na ang iyong Christmas Card at ang sustento ko po galins sa inyo. dyuk! Mayaman na ko. yey!

    More powers sayo sis Gracie. Happy 2013 :)

    ReplyDelete
  9. @Anthony sana nga kasinggaling ko kayong magblog hehe

    ReplyDelete
  10. walang duda sayo talaga ko nagmana big sis!

    totoo ba yung nakaprint na graciesnetwork.com sa 5 cad? hehe amazing!

    happy 2013 ate!

    ReplyDelete
  11. @ZaiZai Mas bongga ka dahil na-feature ka sa vid ni Petra M haha, more on 2013 :D

    ReplyDelete
  12. @Archieviner DM mo nalang sana tong comment mo haha biro lang.

    ReplyDelete
  13. wow umuulan ng blessing sa pag pasok ng taon ahh!
    okie yan
    dame ko nakitang cupcake greeting aah

    ReplyDelete
  14. Happy Happy New Year...

    Nahiya naman ako sa kasikatan... ung busy busy lang ang totoo hehehe

    Sana marami pa kayong blessings na matanggap...

    Keep smilling ^_^ hugs ^^

    ReplyDelete
  15. Nakakaingit naman nakuha mo..enjoy the whole year round gracie!

    ReplyDelete
  16. ang gaganda ng mga pic greets!
    at ang ganda rin ng penmanship ni Leah...

    ako rin di sapul ng kunwaring nagbabasa, kahit magbigay ka pa ng quiz. hehe...

    happy new year Gracie dear, more blessings for you this 2013. :)

    ReplyDelete
  17. Mabuhay! Iboto! I-bookmark! Maki-baka! Maki-baboy! ehe!

    ahi hi hi ikaw kasi Gracie kung ano-anong mg side comments mo hayan tuloy namana ko na lolz

    ReplyDelete
  18. Mukhang ang sarap ng cupcakes! Happy 2013!

    ReplyDelete
  19. happynew year gracie!

    at nakita na din kita sa personal!

    ReplyDelete
  20. happy new year gracie! may God bless you and the PBO project. di ako sasali kasi hmmm yung budget ko sa family napunta. i have to support them (explain talaga ako ;-)

    ReplyDelete
  21. Salamat naman po ng marami sa pagcompliment ng sulat kamay ko ano bang klaseng ulam yan? Kare-kare o adobo he he. Luv yeah sis ^_^

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?