2013 Priorities


Ilang days nalang pala at papatak na ang pangalawang buwan ng taon, ang buwan ni Kupido - Pebrero. Naks, Araw ng mga Puso! Uy, eggsayted! Hala, maghinay-hinay na sa pagpaparamdam sa mga iniirog at hinahangaan hehe, malay mo maging kayo! Ey nahiya ka pa.. sige ka pag di mo ginawa mauunahan ka, baka magsisi ka sa bandang huli, kaya go na kapatid! Life is short :P Bukas baka di kana magising.

Pero teka, ang post na ito ay hindi tungkol kay Kupido o sa Araw ng mga Puso. Namention ko lamang, base sa aking titulo na "2013 Priorities" ang aking gustong talakayin dito. 

Para na rin itong "New Year's Resolution" kumbaga pero ginawa kong "2013 Priorities" para may diin sabay padyak! Tsaka hindi bagay kasi nga magtatapos na ang buwan ng Enero so eto pasok sa banga!

Ito na ang ilan sa mga priorities ko this year:

1. Health and Fitness - Una sa lahat, ang kalusugan at ang kondisyon ng aking katawan ay dapat kong pagtuunan ng pansin. Matibay at seksing malakas na katawan na may magandang kalusugan ang aking puhunan sa trabaho. Umaasa ang mga mahal kong pasyente sa tulong at pag-aruga ko. Liban nalang kung gusto kong vice versa. "Lo, la.. masama pakiramdam ko alagaan nyo nga ako.. alis dyan".

Ilang years ko na ring napapabayaan ang aking kalusugan kaya naman dagdag timbang ako to the nth level. Malapad at mabigat na pw*t ko haha pwede na isanla ala JLO? At siempre ang hindi ko rin pagkain ng healthy foods, pwede itong pag-ugatan ng sakit tulad ng diabetes at iba pa. Obesity, yan din kaya kelangan magreduce thru exercise and proper diet.

Fact: 4 years ago, nagba-bike ako everyday, I go for walking/running after ng work ko and during weekends. Good thing I had a Filipina neighbor who was my companion at lagi kong kasama magworkout. I did these in order to stay fit. 

2. Save M - M for men? Nah, that indicates Money, More Money! Siempre ito ay tungkol sa pera. Kailangan kong magtipid at mag-ipon. Last year kasi, hindi ako nagbakasyon ng Pinas kaya kapag dumadating na ang sahod ko, mini-cruise at mega relax kami ni husband during the long weekends sa neighboring country o somewhere lang. Nangyaring once a month na namin ginawa mula around March o April, natigil lang around November o December dahilan sa sangkatutak na gastusin ang kinailangang harapin. So isa yan na dapat ma-lessen muna, naniniwala ako sa kasabihang, "Less travel now, more travel later". :D

Fact: 2 years ago, I thought saving money was such that difficult. Sa umpisa lang pala, pero kapag nasimulan na at nakikita mo na ang resulta, tuloy-tuloy na. So ayun naging successful ang aking hermanidad noong pinahintulutan ni God na makauwi ako after 4 years working and staying dito sa Europa. 

3. Live life - Malayo pa naman ang gap ko sa paghihingalo pero ibig ko sabihin dito ay I need to accomplish more productive things and think more positive para good vibes ang dulot nito sa life ko. 

God-Family-Job-Friends * Importante dito ang time management, kailangang magfocus din ako dyan para naman mabigyan ko ng quality time yung mga importanteng bagay na gusto o kailangan kong gawin at ang mga tao na nasa paligid ko para di nila mafeel na ni-neglect ko na sila. Ikaw ba naman magkaroon ka ng friend na tulad ko, kapitbahay mo lang o kaya karatig place, years muna ang bibilangin bago mo sila kitain, ni hindi ka nagtetext, ni ha o he wala! 

"Gawd, you need to value your friendship with others! Not just being loyal to your bestfriend.." <insert hastag at ang ang pinagdikitdikit na - notetoself phrase>

Maraming factors actually ang nakapaloob sa phrase na ito kaya maiging talakayin ko ito next time ng mahaba-haba. 

Fact: Wala akong maisip na ikwento dito pero sometimes ako yung tipong, "You exist.. but hello where's the life out of your existence?" Like duh.

How about you, di kita nakitaan ng New Year's Resolution mo ha.. hiya ka o takot ka na di mo-fulfill? Hehe, sige how's lovelife? Joke. So ano na priorities mo this year? Bulong mo sa akin dali na! #feelingclose?


***

By the way, do you see that awesome PBO badge on the upper right of this page? Do you want it? You can have it. Would love to see it in your page too!

Want to know the latest projects/updates about PBO, but what is PBO really guys? 

Pls visit http://www.pinoybloggersoutreach.blogspot.com 
and be one of us!

Convinced? 
Kindly add us on twitter @iHeartPBO 

and like on facebook http://www.facebook.com/PinoyBloggersOutreach

22 comments:

  1. Lahat yata tayo yan ang tatlong pinakagusto nating ma-achieve....

    I think yung number 3 ang pinakamahirap sayo madam kasi nasa foreign country ka...

    ReplyDelete
  2. 1. Health and Fitness - haha want ko mag pamacho this year sana maachieve
    2. Save Money- haha well technically earn money ang sa case ko
    3. Live life- god above all pero xiempre more quality time din sa family, friends, and love life

    haha over all pareho tayo ng list!
    good luck satin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. let's do these! good luck din sayo parecoy!

      Delete
  3. isanla na yan para mdagdagdan ang behind ko hahahahaha :) sana matupad yung nasa list mo madam!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ipapa-auction ko, to the highest bidder haha!

      Delete
  4. Parang listahan ko na rin yong listahan mo:)
    Anyway, pano ba ilagay yan pbo icon sa website ko? Instructions please:)

    ReplyDelete
  5. gracie gayahin na lang din kita lalo na sa fitness and health :) may logo na din ako ng pbo sa blog ko :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, sa panahon ngayon bawal magkasakit :)

      Delete
  6. haha, di nga ako gumawa ng katulad na post, sobrang effort kase kelangan kung naka-broadcast ang new year's resolution, yan ang nangyari sa akin last year, mas nakaka-stress tuloy lalo na kung health and fitness ang usapan. hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ps: ngayon ko lang napansin ang commentators' widget mo, ang galing! sayang nga lang at iba-iba acct gamit ko, natalo tuloy ako sa bilangan...hehe! ;)

      Delete
    2. Yun nga e dapat i-broadcast para may pressure lagi ka mareremind sa mga priorities at goals mo, kailangan ma-accomplish ito hehe. Gawa kana din para sabay nating i-achieve ang good health and fitness na yan hehehe.

      Okay lang, panalo ka pa din sa top commentators! haha

      Delete
  7. wow nainggit naman ako sa cruise nyo ni hubby mo! pangarap ko rin yan eh ang mag-cruise kasama ang lovelife..haaay kelan kaya? hahaha!

    gusto ko yung live life! feeling ko ang tanda ko na pero ang dami dami dami ko pa rin gustong gawin sa buhay..kulang anbg 100 years para dun..

    anyways, alam ko naman na maachieve mo yan lahat big sis..ikaw pa! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Padating na yata sis :P Haha na-pressure ako sa Live life na kulang ang 100 years, isip ko hala ilang years nalang ang nalalabi toinks! lol

      Delete
  8. Pasok sa banga ang tatlong priorities mo this year!

    Kayang kaya yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha sana nga, wala namang imposible diba? Lahat pwede makamtan, basta may sipag, tyaga at determinasyon!!!

      Delete
  9. Nice post! (sabay mahabang comment :P)

    1. Health and Fitness - kudos! health is wealth kaya kahit magpatiwakal ang tao sa pagpapayaman tapos magkaka-sakit naku it's so ueseless.
    2. Save - kudos ulet at nagawa mo! medyo MI sakin eto :(. Ayos lang yang travel ng travel basta enjoy at happy sa travelmate ;)
    3. Live Life - "hingalo = LOL!" at may hashtag pa ha ha ha - #wakomasey

    How about me? Errr bakit ako nasali sa usapan? Post mo to ah? LOL!

    PBO - love and salute everybody behind this! I'm just around... As I've said, I had too much in my hand right now that I'm afraid that if I add even the most minimal thing, I'm afraid that I will not be to handle it. But rest assured that I'm behind you awesome people :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Btw, I love the pic sarap i-grab at gawing fezbuk status ;)

      Delete
    2. go grab it! i'll be happy if you do ;)

      Delete
  10. Pangarap kong makasakay sa cruise. Pero di pa this year.

    Priorities ko din tong mga list mo.

    Good luck and God bless sa lahat ng list mo sis :)

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.