Liebster Blog Award


Maraming salamat kay Balut ng BalutManila sa pag-tag sa akin.


      In order to accept this prestigious award, one must abide by the list of rules which are: 

> Each person must list 11 things about themselves.

> Answer the 11 questions that the tagger has set for you PLUS you must create 11 questions of your own for the 11 people you will nominate with this award.
> Choose up to 11 bloggers linking them to your post.
> Go to their page and inform them of the nomination 
> Absolutely NO tags back. Remember to ONLY tag bloggers with less than 200 followers.


    11 Things about me muna..
    1. Sensitive ako sa mga sasabihin ng mga taong close sa akin. 
    2. Madaling magsawa sa mga bagay at lugar pero faithful sa ultimate bestfriend ko at siyempre sa husband ko.
    3. Ayoko ng maingay na ibang lahi. Pero actually mas maiingay ang Pinoy kapag nagkita-kita pero keber ito ang lahi ko e.
    4. Hindi ko kayang magalit sa katrabaho ko, naiinis lang dahil minsan tinitira ako ng patalikod. 
    5. Tahimik lang ako tapos I'll do my best para mapatunayan ko sa mga katrabaho o ibang tao na nida-down ako na kaya kong gawin ito, na mali sila sa akala nila.
    6. Hindi ako madaling utangan, hindi rin ako madaling hingian pero nagbibigay ako kapag gusto ko.
    7. May nag-aalok sa akin ng negosyo, exporting goods. Hindi pa ako makadecide dahil wala akong trust sa kakayahan ko sa negosyo.
    8. I wish I have a guy bestfriend. Puro kasi beki, Oops sana lang di nila mabasa to balang-araw haha.
    9. I love long weekends and mini vacations.
    10. I'm a hugger.
    11. I always wish I have a younger sister.

    Here's Balut's 11 Questions:
    1. Why do you blog?
    - I think nasagot ko na to dati pero sige para maiba naman. Yung pagiging blogger, nananalaytay yan sa dugo namin, char namin?! I have an uncle kasi na mahilig magsulat, from Hubpages to Wordpress, From Wordpress to Blogger, name it. I tried googling his name and wow I was impressed about his writings and being active online at his age now.  

    2. What is your most memorable blogpost?
    - Memorable lahat. 

    3. What blogsite is your most favorite?
    - Marami, basta lahat ng nilalagay ko sa blogroll ko.

    4. Who is your favorite blogger?
    - Yung mga author behind the blogsites na nasa blogroll ko.

    5. Which blog design you like most? 
    - Yung sa akin, haha at last nakakita rin ako ng theme na feeling ko magtatagal, yung di ko muna papalitan. Madali kasi akong magsawa sa mga bagay-bagay kaya papalit-palit. 

    6. Blogger or Wordpress?
    - Wordpress, kasi hindi ako marunong gumamit until now, gumawa lang ako ng account dun pero wala blangko lang. Gusto kong matuto at gamitin yun balang-araw.

    7. Are you happy with your blog right now?
    - Siyempre naman pero hindi madalas. Kaya di rin ako madalas magsulat kasi di naman ako always happy.

    8. On a scale of 1 to 10 being 10 as the highest, how will you rate your own blog? 
    - Sa effort siguro 4, sa content 3 at sa design naman 2, yung blogger naman ay 1 so overall ay 10! Joke lang to diba?

    9. What positive contribution your blog can share to the blogosphere?
    - Siguro yung konting humor(kung meron man) at konting creativity(kung meron man ulit). 

    10. What unique feature your blog has versus other blogs? 
    - Unboxing(ni Manny Pookyaw).

    11. What can you say about my blog?
    - AWESOME tsaka very informative!

    Thanks to Mhie of Travelentz for tagging me also.
    Here's another 11 questions:
    1.Why do you blog?
    - Masaya sa blogesperyo dahil ang kukulit ng mga blogero.

    2. What do you love most about blogging ?

    - Aaminin ko yung pagkatapos mong pag-isipan lahat ng isusulat mo, na-publish mo na, isa-isa namang naaappreciate nung mga idolo ko yung mga saloobin at opinyon ko.

    3.What is your dream vacation?

    - Stress-free, worry-free at masayang paglalakbay sa Paris, France.

    4. What makes you happy?

    - My loveones.

    5. How do you spend your free time aside blogging?

    - Taking photos, net surfing, makipagkulitan kay hubby and going out with friends.

    6.What is your most memorable blog post. Please include a link.

    - Lahat, di kasya ang space e.

    7.What difficult decision had you done in your life that was worth it?

    - Good question. It was when I decided to get married despite the age gap, the culture differences and the language barrier of course. Oh, disagreement pa pala from relatives.

    8. What is your favourite song?

    - Hindi ko pa nako-compose e. Honestly, no particular song or wala akong maisip na paboritong kanta.

    9. What is your favourite food?

    - Adobo whether it's manok or mamoy.

    10. What positive contribution your blog can share to the blogosphere?

    - Yung pagiging happy and positive siguro, mabilis kasing makahawa kapag good vibes yung post pati comments ng mga idols e positibo din at masaya.

    11.Where do you see yourself five years from now?

    - Siguro susubukan ko namang i-pursue yung linya ko, IT career kung papalarin at kakayanin ng mga challenges sa buhay.

    Although hindi ako ni-tag, sinagot ko pa rin ang 11 questions ni Joanne ng jhoweiyne, pa-copy paste ha?


    1. Why do you blog? Or what made you start blogging?
    -Uso kasi ang e-diary :)
    2. What is the essence of being a woman (for girls)? a man(boys)? Or somewhere in between (bekis)?
    -To bear a child - alive, kicking and healthy.
    3. Who is your first crush? Why?
    -Elem. classmate kasi matangkad at cute. (Oo ang aga kong lumandi chos!)
    4. What is your most embarrassing moment?
    -Nung ako'y sumemplang habang nagba-bike gamit yung bike ng father ko, malalaking wheels at footbreak pa sya. Aabutin ako ng next year kung idetalye ko masyado :D
    5. How often do you get late for work?
    -Yes, I'm very open. Este madalas.. Pinoy e.
    6. What was the worst punishment you received at grade school? Why were you punished?
    -Included sa list of sweepers, kasi dipa tapos yung kantang "goodbye my teacher, goodbye.." nasa gate na ako some meters away from our classroom..
    7. What is the craziest thing you've ever done?
    -Stalked my hs crush (ssshh crazy days)
    8. What is your most favorite restaurant?
    -No particular resto e basta kasama ko either family ko or friends ko, worth remembering yung moment at place.
    9.  Have you ever cried watching a movie? What movie was it?
    -Yes, a lot to mention. Iyakin lang.
    10. Coffee or Tea?
    -Coffee in the morning, tea in the afternoon pls.
    11. Do you think I'm pretty and sexy? *Remember the Cybercrime Law..chos!
    -You've got the looks, say it again? Pretty and sexy marJ, kaw na!


    At hindi pa ako nakontento, sinagot ko din yung 11 questions ni Arline ng journeyofthepinkline, pa-copy paste din ha

    1. What do you think is the best thing about blogging?
    - Meeting new friends, though I haven't meet any one in person yet.
    2. Who do you admire in blogging and why?

    -Mostly those I leave my footprints on (comments).
    3. Whose blogpost you were always excited to read and why?

    -Those sites I mostly follow and linked.
    4. What is your dream job?

    -To work in a big and reputable IT company.
    5. Name 3 things you have or would have on your bucket list.

    -Own my dream (beach) house and lot. Luxury travel for days/months/years with PAY. Be a successful and happy business mom and wife. 
    6. Mountain climbing or island hopping?

    -Mountain climbing, reminds me of my hs days.. fun!
    7. What is your favorite movie quote?

    -"Fish are friends, not food." - Finding Nemo, 2003.
    8. If you're going to be half a billion richer by winning the lottery what's the first thing you would buy?

    -A diamond, it's kinda an investment huh.
    9. If you could live anywhere besides where you do now, where would it be?

    -Canada, at least some parts speaks English :D
    10. If given all the resources, what kind of business would you want to establish and why?

    -IT business.
    11. Describe yourself in 2 words.

    -Simple and dreamer.

    Again, maraming salamat sa award na ito. I'm open para sa magbibigay ulit ng mga panibagong awards (hahaha) pero pasensya na kung di ako mahilig magtag feeling ko kasi lahat na na-tag (palusot). Tapos dugo-dugo pa ang ilong bago maisakatuparan ang mga hinihinging panuntunan dahil talaga namang mahirap mag-isip ng isasagot pero kapag natapos naman ay enjoy naman pala.

    Ang award na ito ay iniaalay ko sa inyong lahat na nakakabasa, kung sino man ang nais sumagot alin man sa kanilang mga katanungan sa itaas ay maaari po lamang isulat sa ibaba o sa comment box, pwede ring gumawa ng sariling post at sundin ang lahat ng rules. Kung wala kayong time ay mag-iwan na lamang ng "Nice post!" 

    Happy Blogging!

    Comments

    1. Nice post. dyuk!

      Hung daming sinagutan ah. Sinisipag? Wish ko rin magkaroon ng younger sister dahil puro kami lalaki. May humor at creativity ang blog. Agree ako dyan. Di kana kumaing ng isda after mapanood ang Finding Nemo? lol Ilan na tayong gustong pumunta sa France? dami na.

      Masaya nga sa blogsphere dahil sa mga makukulit na bloggers. :P

      ReplyDelete
    2. hang bongga may "scroll" pa! Talagang pinagtyagaan mo tong post nato Gracie ah. At aliw na aliw ako sa 4 sets of questions na sinagot mo! Marami tuloy kaming nalaman about you - yan pwede ka na naming iwasan LOL.

      Sakin yung talagang humihila sakin magbasa dito eh yung humor. yung mga side comments mo na wagas. Actually para kang female version ni Super Mario, may similarities yung pagsusulat nyo na love ko basahin. Yung mga humor nyo tapos all of a sudden susulat ng seryoso - ANG GALING! mas lamang ka lang kay Super M sa rants LOL.

      Salamat sa pag acknowledge ng award/tag (na wala na yatang katapusan lol). At salamat sa nakaka-aliw na pagsagot mo sa iba pang may questions. Everytime na mata-tag ako ikaw lagi ang una sa billing sa list ng mga ita-tag ko ha ha ha

      ReplyDelete
    3. congrats sa awards! naaliw ako sa mga sagot mo... lalo na sa mga side comments...

      Uutangan sana kita kaso...wait na lang ako na kusa kang magbigay hehehe ^__^

      Ako din ayaw ko ng maingay lalo na kung ibang lahi... lalo na ung malalakas nilang tawanan... sakit kasi sa tenga hehehe

      ReplyDelete
    4. ui nakarating na sayo si pareng libster
      congrats gracie

      france din want ko puntahan ganda dun ee

      ReplyDelete
    5. congrats sa award...nakaka aliw ung mga answer....sayang mangungutang pa naman sana ako...chos lang!...hahaha


      xx!

      ReplyDelete
    6. congrats sa award gracie. sinagot mo talaga lahat ng questions nina balut,Mhie, pinkline, at joanne.

      ReplyDelete
    7. @Archieviner Talaga, andami nyo wala kayong babaeng kapatid? (buti nalang kundi kawawa sya hihi bantay sarado ang mga kuya). Oo nga e ang kulit mo rin :P

      ReplyDelete
    8. @Balut Nagtataka nga ako e, lagi akong una sa listahan mo. Sa susunod na may mangyari at nais mong magturo ng mga salarin, pwedeng wag mo nako isama? Haha katakot. Pero kidding aside, kinikilig naman kasi ako everytime nakikita ko name ko sa post mo o ng ibang idols, e nakakataba ng alams na.. ambigat ko na nga e.

      Wow talaga? Nakakahiya pero salamat sa tinuran mo, aba'y mahihiya na tuloy ako nito kay idol Mar, ipagkumpara daw ba ako sa idolo ko, female version naks!

      ReplyDelete
    9. @JonDmur Bigay nga ako ng bigay, sana ako naman ang bigyan magpapasko naman hehehe

      ReplyDelete
    10. @MEcoy Toink! Sino si pareng libster parecoy? kaw talaga, naniningkit na mata mo dyan, pahinga mo na yan hehehe.

      ReplyDelete
    11. @xoxo_grah sana nga lagi kitang maaaliw sis, wala naman talaga ako ipapautang haha.

      ReplyDelete
    12. @Phioxee Oo nga e, inipon ko yan sa draft ko kaya antagal bago napost hahaha, pero isipin mo nalang ilang butas ang dumugo sa akin arrgghh.

      ReplyDelete
    13. Pwede ba ko maging younger sister mo?? Echos! Kapal ng fes, haha! Hugger din ako, as in! Promise, naaliw ako sa mga sagot mo sa questions ko kaya keri ang copy&paste! At tama ka, pinaka-love ko sayo ang pagiging humurous ng mga posts mo, gusto ko yung ang mga malakas maka-good vibes na blog e!

      ReplyDelete
    14. 4. Hindi ko kayang magalit sa katrabaho ko, naiinis lang dahil minsan tinitira ako ng patalikod.

      --same here. ewan ko ba pero ganun siguro talaga. alam ko naman na pianguusapan din nila ako pero ganun din naman ako sa kanila, lol. Quits lang.

      3.What is your dream vacation?
      - Stress-free, worry-free at masayang paglalakbay sa Paris, France.

      --wow, Paris, France din? :)) nasa bucket list ko yan.

      ReplyDelete
    15. Ang sipag mong sumagot sa mga questions! haha

      Bago ang lahat, hi female version hahaha (salamat kay Ms B)mas lamang ka naman Ms G.

      Pinaka gusto ko yong last answer mo: Simple and Dreamer... dito masasabi ko na parehas nga tayo!

      ReplyDelete
    16. nice post...



      charot! haha..kaaliw ang mga sagot mo..may bahid talaga ng comedy at yun ang gustong gusto kong basahin na blog yung habang nagbabasa ako eh napapangiti at napapahagikhik..favorite ko yung answer on question #8 of ms. Balut..winner yun!

      I can be your younger sister..uu nagvo-volunteer na ko sa ayaw at sa gusto mo..parehas naman tayong hugger eh ;)

      sana makauwi ka next year..gusto talaga kita ma-meet in person Ate..hihi..

      ReplyDelete
    17. @joanne wow! flattered naman ako, salamat marJ, you made my day :)

      ReplyDelete
    18. @Anthony hi bro, ang tyaga mo namang magfollow at magbasa sa blog ko hehe salamat, dami kong ika-catch up sa mga posts mo, I visited today and backread at nakakatuwa yung mga sinulat mo kaya lang di ako maka-comment since fon lang gamit ko kanina. Baka sa Paris ang susunod na bloggers' EB haha kasi lahat yata gusto pumunta dun.

      ReplyDelete
    19. @Mar Unplog Speechless?! Hehe akalain mo yun may female version ka pala, at pumayag ka naman? Agree ka naman kay mamaLut na ako ang female version mo sa blogging? hehe. Mas lamang ka, Prince of Bloggers' EB kana kasi hehe peace idol!

      ReplyDelete
    20. @Pink Line Overwhelmed naman ako sis, isa lang hinihiling ko dalawa kayong dumating ni Joanne hahaha! hay pressured ako sa EB EB na yan ha, diba pwedeng ghost EB bwahaha, charaught lang siszling ha ;) buti nalang pala sinabi kong hugger ako kung hindi ayaw nyo akong maging big sister :D

      ReplyDelete
    21. kakatuwa naman mag basa ng about yourself gracie. Jeg liker å bli enda mer kjent med deg! Du er utrolig en snill, flink og har godt humør ung dame.
      Good luck sa mga dreams mo.
      Pag nakabili ka na ng beach, imbitahin mo ko ha?

      ReplyDelete
    22. @joy selfølgelig mommy Joy! tusen hjertelig takk ;)

      ReplyDelete
    23. By the way, di ko pala na reciev ang address mo. I sent you an email ng address ko. Na receive mo ba?

      ReplyDelete
    24. @joy Opo, check your spam folder baka naroon, nagreply po ako about sa address ko at hinihingi ko po yung mobil number nyo kung maaari.

      ReplyDelete
    25. nice to know more about you Gracie, salamat sa mga q&a portion na ito na nagpangap bilang awards :)

      hugger din ako, lalo na pag macho at gwapo, gustong gusto kong i-hug! chos!

      ReplyDelete
    26. wagi,Gracie! pareha tayo di ako madaling hingian,pero gusto ko lang magbigay.lol! yong kusang loob walang pressure.hehhe.Cge na pursue mo na yong pagiging IT mo para may friend na akong IT dito sa blogosphere.Gusto ko yong Paris,France mo,weeeehhh,isama mo ako kahit tagabitbit lang man oi..maawa ka sa pulubi.hehehe

      ReplyDelete

    Post a Comment

    A Penny For Your Thoughts?

    I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

    Popular posts from this blog

    EMOTIONS

    One of the Finest Church in Norway

    Pano nga ba ulit magblog?