Hiling Ng Isang Bata

"Mama, gusto ko po ng manika yung Barbie?"

Naalala ko, tuwing sasapit ang kapaskuhan, ito lagi ang hinihiling kong regalo mula sa aking mga magulang noong ako'y maliit pa lamang. Wala kasi akong nakababatang kapatid kaya ang tangi ko nalamang sinasambit ay magkaroon ako ng Barbie doll.

Pero kailanman ay hindi ako napagbigyan. Kailanman ay hindi naman ako nagtampo dahil alam ko, marami pang pasko ang darating, baka sa susunod malay natin ay magkaroon ako nito. 

Ngunit habang lumalaki ako't nagkakaisip, naiintindihan ko kung bakit hindi ko sya makuha. Bagkus ay naunawaan kong, kailangang isaalang alang ng aking mga magulang ang mga bagay na mas importante. 

Apat kaming magkakapatid, dalawa ang nasa kolehiyo ng pribadong paaralan, habang kami ng kuya ko ay nasa elementarya ng pampublikong paaralan. Mas magastos nga naman kung kaming lahat ay mapapagbigyan ng aming mga hiling. Sasakit ang ulo nila mama, mabubutas ang butas na nilang bulsa. 

Ang kapaskuhan ay tanging araw na makakatanggap kami ng regalo. Bagong damit o bagong laruan? Isa lang ang pipiliin. Hindi pwedeng sabay. 

Siyempre bagong damit, isang beses sa isang taon lang ako binibilhan kaya yun na pipiliin ko. Kailangan bago sa paningin ng ibang bata kapag rarampa ako sa kalsada at kakatok sa bahay-bahay para mamasko. Kailangan magara, kaaya-aya at di ako mukhang kawawa kahit di man ako makarami ng napamaskuhan. 

Isa ang aking ninang, dalawa naman ang aking ninong kasama pa ng aking mga tiyahin umabot ng isandaan at singkwenta pesos ang aking napamaskuhan. Ang saya-saya ko! 

Sa wakas ito na ang pagkakataon na makakabili ako ng laruang Barbie doll, yey! Magiging sikat ako sa mga kalaro ko dahil ako lang ang tanging mayroong mamahalin at napakagandang laruan. 

Binalot ko ang pera sa isang papel, isinuksok sa ilalim ng aking unan. Bago ako matulog ay sisilipin ko ang nakabalot sa papel, kukunin ko ito at bibilangin. 

"Andami kong pera! Umalis kaya ako rito sa bahay, para dina mahirapan sila mama sa akin. Pabigat lang siguro ako, dagdag pasanin at sa gastusin buti pang umalis nalang ako dito total di naman sila marunong makinig sa akin kasi bata pa daw talaga ako. Laging ako ang mali at pinapagalitan. Ako naman tong laging nasasaktan.. Siguro sapat na to mabubuhay na ako nito", ang aking murang isipan. 

Nag-ayos ako ng ilang gamit para sa aking pinaplano, bukas na bukas din ay lalayas na ako. Gusto ko ng makawala sa maingay at magulong bahay na ito, madalas kaming di magkasundong magkakapatid, nagbabangayan at minsan nagsasakitan. Ayoko ng ganun. 

Nakatulog ako sa ganung ayos, malalim ang iniisip, tila may tinik sa dibdib habang umaagos ang mga luha ko sa mga mata. Ang lungkot ko nung bata ako..


Kinabukasan ay dali-dali akong bumangon, diretso sa kusina pagkatapos maghilamos para tumulong sa paghahanda ng almusal. Masaya naman ang aming salo-salo, walang nagbabangayan, walang naghahampasan, sabagay pagkatapos palang ng pasko kaya behave ang lahat. Napagtanto ko pwede naman palang maging maaliwalas ang araw naming lahat. Hindi na ako maglalayas, ibibili ko nalang ng Barbie doll yung pera.

Natapos ang aking araw na masaya kahit pagod sa gawaing bahay. Gusto ko ng matulog pero naalala ko ang papel na nakasuksok sa aking unan, yung pera! 

Pagkapa ko sa ilalim ng unan, wala na. Hinanap ko kung saan-saang sulok ng kwarto namin, diko na matagpuan. Purnada ang aking planong bumili ng laruan. Umiiyak akong lumabas ng kwarto at nagsumbong kay mama na nawawala yung pera ko. Pinagalitan pa ako dahil baka naiwala ko lang daw, nahulog sa kung saan. 

Pumunta ako sa likod-bahay kahit medyo madilim, umiiyak pa rin. Pagkaupo ko, naaninag ko ang isang papel sa di kalayuan, katulad nung ibinalot ko sa kwarta. Ngunit pagbukas ko sa nakatuping papel, wala na yung pera, may kumuha!

"Ninakaw ang aking 'sandaan at singkwenta pisos ma..", hagulgol ako habang nagsusumbong kay mama. 

"Sino naman kaya ang kukuha nun? E tayo-tayo lang naman ang nandito kahapon maliban sa mga pinsan mo", alalang sagot ni mama.

Sya namang pagdating ng aking kapatid na lalake. "Ma, alam ko kung sino ang kumuha ng pera ni bunso.. Nakita ko kahapon si Tonio pumasok ng kwarto nung makita kong may hawak syang papel paglabas hinabol ko po sya pero ambilis nyang nakatago. Bunso pasensya kana diko nabawi yun, buti nalang din kasi baka nasaktan ko sya kung naabutan ko!" paliwanag ni kuya.

"Yaan mo na kuya, mukhang mas kailangan ng pinsan natin yung pera dahil tumatayo syang tatay sa kanilang pamilya, kahit papaano ay baka makabili din sya ng regalo sa nanay nya at laruan para sa kapatid nya.." malungkot ang aking tinig pero para na rin akong nabunutan ng tinik ng malaman ko ang katotohanan.

"Bait mo naman bunso, sana pala sa akin mo nalang binigay bibili natin ng remote controlled car!" si kuya ulit.

"Oist magtigil nga kayong dalawa dyan. Mali pa rin yung ginawa ng kuya Tonio nyo, bukas kakausapin ko sya tungkol dito", saway ni mama.

"Wag na kayong malungkot, bukas ay dadalhin ko kayo sa bayan, kakain tayo dun sagot ko, at bibili tayo ng mga laruan nyo!" boses ni tatay yun habang nasa di kalayuan pala at nakikinig lang sa mga pinag-uusapan namin.

Yey! Tuwang-tuwa kami ni kuya habang si mama napataas nalang ng kilay hahaha. 

Tanong: 1. Sa tingin nyo anong nangyari kay kuya Tonio?
             2. Natupad kaya ang aking kahilingang magkaroon ng barbie doll?
             3. May aral ba kayong napulot dito? Kung wala, pakilagay nalang sa
                comment box sa ibaba, "Ang haba naman ng kwento mo, bukas ko 
                tatapusin ha inaantok na kasi ako. By the way, nice post!" Joke
                lang po ha? :) 

Have a nice weekend sa inyong lahat! Wag nating kalimutang magdasal para sa mga nasalanta ng bagyo. God bless! 

35 comments:

  1. Nakakarelate ako sa kwento mo. Nung bata kasi ako never ako nagkaroon ng laruan na gusto ko. (syak! Naiiyak ako promise). Panganay kasi ako. Kaya mas uunahin kong magkaroon ng laruan ang mga kapatid ko. Pero lahat naman kami di rin nagkaroon ng bagong laruan nung bata kami. Maliban nalang yung nakatanggap kami ng regalo sa iba. Pero sa mga magulang namin hindi. Once a year lang kami nagkakaroon ng bagong damit. Twing darating din ang pasko. Sinisikap ni mama na bilan kami ng damit kahit ipangutang pa nya para maayos kaming makapamasko at marami kaming makuhang pera sa mga ninong at ninang. Halos lahat ng pera na napamaskuhan namin ay kinukuha nila mama. Naalala ko pa nga. Ang lalaki na naming magkakapatid pero ang magulang namin pilit parin kaming pinapapunta sa mga ninong at ninang namin para mamasko. Nakakahiya kasi nga malalaki na kami. Naalala ko yung binili ng kapatid ko yung napamaskuhan nya ng laruan, galit na galit si mama. Bakit di nalang daw kasi paglain ang binili.

    Naranasan ko rin yung mawalan ng pera. Napagbibintangan namin yung isa kong kapatid kasi minsan nahuli na namin syang nangupit. Kaya yung kahit di namin alam kung sino kumuha sya lang ang pagbibintangan. Naawa ako yung one time na pinapalo sya ni papa para ilabas yung pera pero wala talaga. iyak sya ng iyak. gusto ko nang awatin si papa nyun. Kaya ngayon na malalaki na kami di ko masisi ang mga kapatid ko kung bakit ganun nalang ang bili ng bili sa kanilang gusto dahil ngayon lang namin nakukuha yun. Kahit minsan ay luho na talaga pero naiintindihan ko sila. haha. Dami ko pang kwento. Eto na punas muna ako ng luha. :P

    ReplyDelete
  2. @Archieviner Hindi ako naiyak sa kwento ko pero parang ambigat kanina habang sinusulat ko ito then nung naipublish ko na parang guminhawa pakiramdam ko. Pero parang naguiguilty ako kapag masyadong personal ang kinikwento ko, muntik ko na ngang idelete ulit. Then nakita ko tweet mo sa akin.. Refresh ko yung blog ko wala naman akong makitang comment na sinasabi mo kaya dun sa email ko hinanap, pagkabasa ko tuloy tuloy na yung luha ko, mas naawa kasi ako sa inyo anlalaki nyo na gusto pa kayong papamaskuhin. Nakakahiya yun, kaya ako nagmatigas akong grade 5 titigil nako tangkad ko kaya nakakahiya. Kinukuha din nila mama yung perang pinaskuhan, utang daw tas nakakalimutan siempre pambili ng pagkain namin. Yung last lang talaga nagmatigas akong wag nilang utangin yung pera.

    Hindi nga talaga nagkakalayo karanasan natin, pero ako'y bunso.. lagi yung panganay ay nauuna sa mga bagong damit at laruan, bago pa mapunta sa akin ay dadaan muna yung mga pinaglumaan sa pangalawang kapatid minsan napupunta sa mga pinsan, pagnaluma ulit babalik sa amin ako yung sasalo. Sagwa ano? Pero C'est la vie, pinanganak tayong mahirap. Maswerte nga tayo nakapag-abroad tayo, at least andami nating natutunan sa buhay, mas maaga tayong nagmature at iniisip muna ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Kung bumili man tayo ng mga bagay na gusto natin ngayon, deserving ba tayo? Siempre oo. Saludo ako sa mga taong nagsakripisyo bago narating ang kanilang estado ngayon, isa kana dun Arvin saludo ako sa'yo! Isa ring pagpupugay para sa sarili ko, unti unti nagiging proud na rin ako sa sarili ko.. Thank you Lord sa blessings, kaso diko na kailangan ang barbie doll, iba na gusto ko :P

    ReplyDelete
  3. Actually yung naipost ko na yung comment ko dito. Tsaka ko lang naisip na dapat ba yung sinabi ko. haha. Nakaramdam ako nanghiya. Masyadong personal din kasi ang comment ko. Haha. Naisip kita.. gusto kitang damayan. C'est la vie <--- kahapon pa kasi yan.ang emo2 lang. dyuk! hehe

    Tama lahat ng sinabi mo. Dahil sa lahat ng mga dinanas natin kaya eto tayo ngaun. Iyan di ko na habaan :D

    Anyway eto talaga comment ko. dyuk

    1. Ginastos ni Tonio ang pera mo, pinambili ng laruan. lol
    2. Nagkabarbie ka. binilan ka ni daddy?
    3. Wala akong aral na nakuha. dyuk! Malamang meron at madami.

    Nice post. hahaha :)

    ReplyDelete
  4. @Archieviner parekoy, naiintindihan ko ang nararamdaman mo dito.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. somehow nakakarelate din ako
    well apat din kami at mejo salat peo
    naging masaya ung kabataan namin masagana
    dalawa pa lng kami ni kuya na mga ka sunod ang edad
    kahit nung dumating ang kapatid kong babae na 6 na taong mas bata sakin
    lumipas ang anim na taon humirit pa sina mama ng isa
    yun nga lang di na kaya ni papa mag work
    wala ng luho and nag hirap

    naawa ako sa kapatid kong bunso ksi di nya naransan ung naranasan namin
    kaya inispoiled na lng namin syang magkakapatid

    nakakahiya kasi ang hahaba ng comment netong sina achieviner at anthony hahaha

    ReplyDelete
  7. ay ambait mo gracie ;-) naiiyak ako sa pureness ng heart mo nong bata kapa. kasi kahit nakuha na nong pera dika nagtantrums. alam mo ganun din ako nong bata ako. magkapera lang, parang independence day ko nah. hehehe, tapos makakabili lang ako ng dapit OR laruan pag may honor sa school. sa mga ninang at ninong na yung xmas. pero okay lang yun, kasi di naman namumulot ng pera mga magulang ko. kaya siguro ganito ako ngayon, shopping hanggat me kaunting pera. hahaha mini-make up ko yung mga days na gusto ko talagang bilhin lahat ng loho ko.

    ReplyDelete
  8. Ang haba naman ng kwento mo, bukas ko tatapusin ha inaantok na kasi ako. By the way, nice post!

    HOHOHO! Dyok lang! :)

    Sa tingin ko....

    1. Sa tingin ko ibibili nya ng laruan ang mga anak nya.
    2. Hindi, kasi iba ang ipapabili mo? (maiba lang)
    3. Meron.

    Keep us posted! :D

    ReplyDelete
  9. Ang haba naman ng kwento mo, bukas ko tatapusin ha inaantok na kasi ako. By the way, nice post!

    Joke!!

    Ambait mo naman nun bata ka pa, ako nun bata pa ko, medyo spoiled ng onti, may pagkamaldita, haha!

    1. Ano nga ba nangari kay Kuya Tonio, ewan ko sa kanya, bad siya!!
    2. Sana. Sana naibili ka ng tatay mo
    3. Meron. Wag maglalagay ng pera sa unan! :D

    ReplyDelete
  10. Ang hahaba ng comment.. pang isang post na din! Kakaiyak naman usapan nyo ni Archieviner!

    Bunso din ako at masaya ko pag may pinapamana saken mga damit ni ate ko noon.. Feeling ko ang gaganda ng mga gamit ni ate kaya gusto kong napapasaken sila kahit luma na, haha!

    Sana magkapitbahay tayo nun bata pa tayo, share ko sayo barbie ko, kasi may barbie ako, wala naman ako kalaro.. kaya nga siguro may pagka-autistic ako minsan, nasanay ako kalaro sarili ko, haha!

    Hala, pareho kami ng eksena ni Pao Kun, haha!

    ReplyDelete
  11. 1. Sa tingin nyo anong nangyari kay kuya Tonio? Nakunsensya! Ibinalik ang pera!
    2. Natupad kaya ang aking kahilingang magkaroon ng barbie doll? Oo, pero hindi original na Barbie doll, yong manika lang na hawig ni Barbie (chuckie?) Dyuk!
    3. May aral ba kayong napulot dito? Meron naman, pag maglalayas, wag na ipagpabukas!

    Seryoso naman mga comments ni Archieviner at Anthony, di ako sanay. Saludo ako sa pag-si share nyo ng inyong saloobin!

    At required talaga na mahaba dapat ang comments...

    ReplyDelete
  12. Nice post! hehe..

    ang seryoso na-sad ako parang bumigat dibdib ko sa kwento mo tapos nabasa ko pa comment ni archie at anthony.. may nagreregalo saken ng barbie dati nung bata pa ako..pero hindi ko sya nilalaro mas gusto ko kasing maglaro sa labas ng bahay..

    noong bata pa ko madalas ko rin maisip na maglayas kasi nga panganay ako at nagiisang babae saken lahat ng gawaing bahay..kakainis noh! nung tumanda na ko saka lang ako na-spoiled hahaha baliktad...

    nakakatuwa lang na kahit alam mo na kung sinong kumuha ng pera mo eh hinayaan mo na lang sa kanya kasi mas kailangan nga siguro nya pero mali pa rin naman na nakawin nya yun..

    sagot sa tanong:
    1. feeling ko dahil kinausap sya ng mama mo eh ibinalik nya yung pera mo
    2. nagkaroon ka ng barbie dahil ibinili ka ni papa mo
    3. marami at relatable

    natawa ako sa aral na nakuha ni kuya mar hehehe..

    ReplyDelete
  13. hmmm, nabasa ko 'to nung ni-post mo pati conversation nyo ni Arvin sa twitter, gusto ko mag-comment that time pero dahil feeling ko na magiging very emotional ang comment ko, di ko na lang muna itinuloy. ang haba kase, inantok ako sa haba.... ng comment ni Arvin...hehe, dyuk lang Arvin.

    sa totoo lang, ala ako matandaan sa pasko nung bata pa ako. kung kayo namamasko para magkapera o magkalaruan, ako eh sa bahay lang, ala naman kase ko pamamaskuhan sa Mindoro, dayo lang kami dun ng tita ko, alang ibang kamag-anak. di ko rin matandaan na nagpabili ko ng damit o laruan kase di naman uso yun dun, parang lumilipas lang ang pasko na ordinaryong araw, pero nagluluto ng sinukmani ang tita ko, yun ang handa namin.

    pag-uwi ko ng batangas, dun mas malungkot ang pasko pero di ko na ikukwento, magiging post na ito sa haba at baka antukin din si Arvin sa comment ko..hehe!

    at para sa mga tanong mo, aabangan ko na lang ang sagot sa susunod na post mo Gracie. :)

    ReplyDelete
  14. "Ang haba naman ng kwento mo, bukas ko tatapusin ha inaantok na kasi ako. By the way, nice post!"

    ReplyDelete
  15. @Tal | ThePinayWanderer as in??? ordinaryong araw lang na dumaan sa inyo yung pasko? diko keri, sakit sa dibdib(sabay bato), hindi pala basta basta ang pinagdaanan ng mga bloggers.. grabe anlalim. Mas nakikilala ko kayo ngayon dito sa pagsishare nyo, sobrang appreciate ko yan. Thanks Glen, hugs!

    ReplyDelete
  16. @Gracie: Agree. Yung una nahihiya ako. Parang gusto ko nang burahin ang comment ko pero yung nag share sila. Di lang pala ako nag-iisa. btw who's Glen?

    @Ms. TPW: Shak! Ang lungkot ng kwento mo. T.T *hugs

    ReplyDelete
  17. @Pink Line buti kapa swerte mo sa barbie doll tas mas spoiled kana din ngayon. me, how i wish! ako naman nakakapaglaro sa labas pero may limitation, masaya ako pagnasa labas, ayoko nag istay ako sa bahay pero no choice. mga nilalaro ko nalang sa bahay yung empty bottles etc. o kaya nagdo-drawing ako ng girl tsaka boy partner sila tas bibihisan ko gawa sa papel ganyan. Gagawan ko sila ng script then dula-dulaan dun siguro nagsimula yung paggawa gawa ko ng kwento.

    ReplyDelete
  18. @Mar Unplog anlakas maka-psychic (tama ba yun?) sa #2, apir! hahahaha langya naman kala ko ay sesermunan mo ako idol na di maganda ang paglalayas, aba'y konsentidor pala iteklabo! kembot.

    ReplyDelete
  19. @joanne aba'y magpasalamat tayo sa Panginoon at di tayo pinaglapit, e kung sakali dalawa tayong aut--- ano yun hirap sabihin. kung maldita ka, e pano nalang ako? mara clara ang peg natin hellouerrr!

    ReplyDelete
  20. @Pao Kun Sure! Astig ng blogname mo tsaka magaling kang manunulat at artist, new follower mo ako!

    ReplyDelete
  21. @Phioxee independence talaga, hehe nice one sis. kaya work harder hehe para mas makamit ang mga luho, este makatulong siempre.

    ReplyDelete
  22. Syempre dyuk yung unang comment masunurin ako eh :P

    Sa totoo lang 3 balik na ako dito but hidi ako nagko comment kasi sa cell phone ko lang binabasa eh gusto ko mag-comment ng mahaba syempre ang hirap gawin nun using cp. Eh mukang may contest dito ng longest comment kaya heto GO ako! LOL.

    Seriously sharing now, siguro isa ako sa mapalad na bata twing pasko. I belong to a family of 6 & bunso ako and I experienced the real "bunso" feeling. the pampered family baby :) New shoes, new toys, my own money - I had them all, but that was before... (sa ibang venue ko na discuss yung malungkot na parte yung masaya na lang ang share ko dito haaay).

    Ang pinaka-ayaw ko talaga pag pasko eh yung namamasko. Kung yung ibang bata ay excited at nagbibilang ng napa-maskuhan, ako ayoko nun. Mas gusto ko sa bahay lang (at nagbabantay kung sinong gustong dumoble sa pamamasko sa tatay ko na parang si Santa Claus. lol dyuk). Anyway may dahilan kung bakit ayaw kong namamasko, hindi ko lang sinasabi sa tatay ko kung bakit (secret pa rin hanggang ngayon).

    Anyway, ang sabi ng tatay ko hindi naman daw sa nanghihingi kung hindi dapat daw akong "mag-mano" sa mga kamag-anak namin. Ang sagot ko naman, pwede ko naman gawin yun kahit hindi Pasko. Suko ang tatay ko sa katwiran ko at sabi lang nya "eto na naman ang anak kong future abogado, laging panalo sa argumento :P (the stubborn family baby).

    Nai-share ko lang naman kasi lalo kong na-realized na napaka-palad ko pala nung bata pa ako pag dating sa usaping pasko... BUT that was before the saddest moment :(...

    Nae-excite ako sa kasunod dali na Gracie wag paabuting ng Halloween neh? lol. Ngayon sa tanong mo..
    1. Palagay ko hindi ninakaw ni Tonio ang pera kung hindi kinuha nya para sya ang bumili ng ultimate wish mong Barbie Doll. Baka nakikita nya ang mga hinampo mo... ganun.

    2. Oo natupad dahil kay Tonio (grabe seryoso ako sa wild guess ko lol)

    3. Natutuna? Meron. Wag nyong pakinggan si Super M tungkol sa paglalayas - salbaheng bata yan ha ha ha

    At sa lahat ng mga nag-share ng kanilang mga hinagpis at lungkot sa kanilang mga karanasan, ayos lang yan. At least nagkaron tayo ng venue and we are learning from each other. Yun nga lang pinaluha nyo naman ako ng wagas... May you all have the wonderful things na hindi na-provide sa inyo noon. Good karma always come to those who deserves it...

    ReplyDelete
  23. @MEcoy na-pressure ka parecoy? sila kasi ang mga bagong hero ng blogosphere, hero sa pahabaan ng komento. Dyuk? (Si prince o dina makapagconcentrate yan sa work nya, antay lang comment ko hehehe)

    ReplyDelete
  24. @Anthony hanga ako sayo, (dina kita tatawaging bro, kasi ang sagot mo "sure bro") haha, anyway basta ipagpatuloy mo, yung success abot kamay mo na yan kaya tiwala lang, God bless!

    Sana lang dina bumalik, patay na kasi sya :(

    ReplyDelete
  25. @Archieviner #1 Oo, di ako makapaniwala until now nagawa ni mama ipakulong sya for a day kasi para daw magtanda, naawa ako sa pinsan ko nun. teacher kasi si mama, may pagka-strict.

    ReplyDelete
  26. @Balut MamaLut di ka rin nakatiis hehe, salamat nagshare ka rin sobrang naappreciate ko to sobra! Kanina lang iniisip ko kung wala ka bang mga kapatid, pabalik balik din ako sa new posts mo kasi phone lang din gamit ko. Buti namention mo dito, now talaga mas nakikilala ko kayo, ikaw, nakaka-overwhelmed hindi lang sa effort nyo ng pahabaan ng komento pero sa oras at kwento na worth sharing naman kasi kahit ano pa yan in the past, trust me nakakainspire. Di man kami singswerte ng childhood mo nung mga unang mga kapaskuhan, e may tinuturing din naman kaming swerte sa ibang bagay. Parang gusto ko ng group hug? Cheers! One year naba tayong nagkukulitan dito sa blogosphere? katuwa naman.

    ReplyDelete
  27. @Gracie & @Arvin: ngek, di pa nga ko nagkwento ng malungkot na pasko eh, yun sa Mindoro ay ok pa yun, ganon lang talaga buhay dun kase nga kami lang ng tita ko magkasama at magkapamilya. Di ko na kayo kukwentuhan ng malungkot para di na kayo maiyak pa. ;)

    ReplyDelete
  28. @Balut
    Uy, hindi naman ako salbahe hahaha... layas lang talaga ako noon haha

    ReplyDelete
  29. @Gracieakala ko nga nagalit ka nun sa "bro" ....

    ReplyDelete
  30. tingin ko hindi ninakaw ni Tonio ang pera. Tingin ko din hindi ka nagka Barbie kasi inagaw ko! :)

    ReplyDelete
  31. Hi Gracie, dalaw ulit ako, ni-tag kase kita *wink*, pls check here: http://talinggaw.blogspot.com/2012/12/random-food-posts-awards-etc.html

    ~Tal

    ReplyDelete
  32. @Talinggaw thanks gurl, di ako masyado excited ha kaya ginawan ko kaagad ng post hahaha.

    ReplyDelete
  33. True story mo ba to Gracie? Nakaka touch naman...

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.