Ang Laman ng Kahon

hits
"Do you have a wish?", hubby asked.

"Meron, bakit?"

"Aside from your wish that you want me to stay kind and nice forever, don't you think you need to wish another more?"

"Huh?! (Nganga!)

Kung makahirit 'tong asawa ko wagas, aba'y ilang words lang ang isinagot ko level up na ang kanyang tinuran! Iba ka dong!

Maya't maya ay naligo at nagbihis.

"Di ko yata alam na may date tayo?"

"I'm going out for shopping.."

"Shopping?! Without me???"

"Yes, relax! Do you need something?"

"Wala, sige enjoy shopping.."

"I'm asking you once again, what's your wish?"

"Peace on Earth (silence). Seriously? I want that thing I can use for baking.. (too hard to say 'coz I knew how much it costs!)"

"Yeah, you told me the other day. What brand then, Kenwood?"

"Oist grabe ka naman (sabay padyak ng right foot at suklay ng buhok gamit ang daliri) ang mahal nun ha! Forget it, let's just save for the future honey (kemedora!). 

"Bye sweetie, see you later. Muaah tsup tsup"

"Oh-k. Uhm.. seriously? Magkano ang napanalunan mo sa lotto?"

Silence..

After 20 years bumalik at may dalang bayong, biro lang. Malaking kahon ang dala nya, kwarta o kahon? Nakakamiss ang mga tv game show na 'to ah.

Ang kahon.
Ang laman ng kahon.
I was surprised! Hindi ko in-expect. Hindi ako sanay na nabibigyan o nireregaluhan ng mataas sa paybhanred.. Ni-try kong magsink in ang mga nagaganap pero in denial ako for hours. Haha oo kailangan kong titigan ng ilang oras ang kahon para lang magsink in na ito yun, ito yung wish mo nasa harapan mo na! Hello? Ano pa kaya kung isang milyon itong nasa harapan ko pero nooo! Erase erase. This is it!

So kinabukasan ay sobrang na-excited na ako kaya nagbake kaagad ako ng dalawang klase...

Macaroons

Butter Cookies
Marami yan inilagay ko lang sa boxes, inilalaan ko para sa mga bisitang pupunta ngayong magpapasko, yung iba ay panregalo ko kung saan ako nagtatrabaho.

At sa wakas tapos na din ako sa aking christmas shopping ng kahon-kahong regalo para sa sister at aunt ko. Yung sa mga kids hindi ko na nilakip dahil sa dami mapupuno ang aking post ng puro pictures baka mabored kayo pramis!

Coffee maker for my aunt
+ Assorted flavors
Muffin and Cupcake maker for my sis
So ayan sulit ang aking holidays dahil andami-dami kong pina-pack na gift maya't maya. Linis dito, ayos ng gamit dun, magdecorate at kung anik-anik pa. Ngayon nag-iisip na naman ako ng ibi-bake para leveling ang aking pagse-self learning ng baking. Mam, sir order kayo ha? 

Anyway, kapag nakatanggap kayo ng regalo o kahit man lang isang kendi, basta ano pa yan, tandaan:

"It isn't the size of the gift that matters, but the size of the heart that gives it."


HAPPY HOLIDAYS!

Comments

  1. Maganda talaga pag holiday.. maraming box dumating. lahat is good for the kitchen ... gamit na gamit yon, love the muffin and cupcake maker... enjoy

    ReplyDelete
  2. wow! Pumayag na buksan mo before Cristmas? Bait naman ni hubby. Palagay ko gusto ka lang nyang mag bake ng 7 sorter kake. Hi hi. Dyuk!
    galing mo naman mag bake dear at mamimigay ka pa:) You are really a nice lady with heart of gold.

    ReplyDelete
  3. @joy Yup, he told me I should open it. It was an early x'mas gift. 2 pa nga lang nabi-bake ko sabi nya tama na daw kasi dami na pala sya binili at itinagong mga cookies and bite-size cakes hahaha

    ReplyDelete
  4. @Pettit Mom Yeah, glad we have something to look forward to for christmas. Last year nasa Pinas ako zero, wala akong natanggap kasi silang lahat dun naghihintay ng regalo from us ng sis ko but it wasn't our tradition to have an exchange gifts e. Hope you got what you wish for also.

    ReplyDelete
  5. Ang haba ng hair ni Rapunzel! taraaaay! bumaba ka dyan sa palasyo ng masabunutan lang kita tse! ha ha ha hindi naman halatang naiingit ako neh?

    Inde naman ako naiinggit gusto ko lang ng cookie na bake mo tsaka macaroons sama mo na rin yung candy cane hi hi hi

    ReplyDelete
  6. @Balut hahaha! wala lang, nakakamiss ang mga hirit mo Balut, magblog kana ulit tsaka twitter hehe. O catch the cookie dali! hehe yummy yan.

    ReplyDelete
  7. Ang saya naman hehe :D Merry Christmas sa inyo :d

    Mica of http://www.senyorita.net

    ReplyDelete
  8. natakam ako sa Macaroons. peyborit ko yan eh.

    ReplyDelete
  9. Naku nakakatuwa naman, you got exactly what you wanted. Ang saya ng pasko mo!

    ReplyDelete
  10. Ang sweet naman. <*sabay padyak ng paa at suklay ng daliri sa hair*> Wala po akong alam sa baking pero mukhang masarap yung Macaroons at Butter Cookies sa itaas. :))

    ReplyDelete
  11. I LOVE that you got a mixer! I use mine basically all the time honestly! Such great presents. Its been nice visiting your blog, maybe you could visit mine?

    -Nico

    www.SatinAndsalt.com

    ReplyDelete
  12. ang sarap makatanggap ng ganyang kahon tapos more than paybhanred ang worth nung laman. wahhaha

    Happy holidays po :)

    ReplyDelete
  13. nakakakilig ang gift at lalong nakakakilig dahil sa paglalahad.. un bang napapangiti ka from start to end hehehe

    at nakakatuwa ang pag bake.. sana someday may mag bake sa akin.. sarap siguro sa pakiramdam.. lalo na kung galing sa mahal mo.

    ReplyDelete
  14. Wow! Pero satotoo lang po. Mas masarap makatannggap /magbigay ng regalo na sila/tayo mismo yung gumawa! kaya sure na sure akong maappreciate po nila ang mga ibibigay mong cookies:))

    Nakakatakam yung macaroon! :))

    ReplyDelete
  15. Ang saya saya ng gift! Super sweet ni hubby :) Sing sweet ng macaroons na ginawa mo :)

    You're passing on the joy to other when you give them gifts too, I'm sure matutuwa ang aunt and sis mo sa gifts mo for them :)

    Advance Merry Christmas Gracie! :)

    ReplyDelete
  16. ang sweet naman ni hubby oh,
    pero worth it naman pala tiba tiba say sa luto mo ooh
    ang sarap pang professional ee

    ReplyDelete
  17. Howaw totyal. ikaw na talaga. Patikimin mo kami nyang gawa mo ah. Ang sweet ni hubby. Mali pala ang hula ko sa box. kala ko talaga si dyalibi. :(

    ReplyDelete
  18. wow it felt like I was opening the gift with you... Bosch is not bad but I prefer Kenwood...hehehe...

    If I were your hubby I would have bought you the same since you do baking well... yummy...

    Haaayyyy gift giving na....

    Happy holidays

    ReplyDelete
  19. ang sweet naman. uu tama ka don gracie. kahit gaano pa yan ka mura basta gift it means naalala ka nya. especially pag di ka humingi.

    ReplyDelete
  20. @Senyor Iskwater Kenwood is way too pricey e, di nga ako makatulog kahit medyo ilang guhit lang ang difference ng price ng Bosch. Ok na ok na din to made in Germany, kesa made in China hehe, agree?

    ReplyDelete
  21. @MEcoy Iingatan ko to at lalong pagyayamanin ang aking natutuhan sa baking hehe

    ReplyDelete
  22. @ZaiZai Agree, at tama ka lalo't may two kids sis ko plus preggy sya so need nya like muffins and cupcake maker for the parties or ordinary day without any hassle. si aunt ko naman sosyal yan e hehe kaya perfect to, they can get different flavors of coffee together with her amigas :)

    ReplyDelete
  23. @Pao Kun Ay tama, that's the spirit of Christmas e. First time kong gumawa ng macaroons :)

    ReplyDelete
  24. @JonDmur kaya naman pagnagkaroon kana ng minamahal alam mo na kung ano ireregalo diba? hehehe

    ReplyDelete
  25. @Nico Saich yeah perfect, simply amazing. just visited your blog, love it. I'm sure I'll keep comin' back..

    ReplyDelete
  26. @Marjorie Gavan Oo nga sis bihira to e, next time hinay-hinay nako sa pagwiwish hehe

    ReplyDelete
  27. @Lawrence Talaga? Gumawa pako ng marami today, sana andito ka isang box na bibigay ko sayo pramis! ;)

    ReplyDelete
  28. @Myx thank you Mica, Maligayang Pasko din sa'yo! Hope you got what you wish for. Ingat

    ReplyDelete
  29. @GracieYes! Sana matikman ko din :)) Merry Christmas! God Bless!

    ReplyDelete
  30. Wow!! *inggitmode* hehe...

    Galing mo naman at marunong ka mag-bake, feeling ko kase isa sa mahirap matutunan yan eh, sakto lagi, di pwede pacham..hehe. ;)

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?