Travelogue: Bakasyon 2011 | Arrival in Cebu City


Isang paggunita mula sa aking bakasyon sa Pilipinas noong taong 2011.

Nobyembre nung nakaraang taon nang sa wakas ay nakapagbakasyon ako matapos ang apat na taong pakikipagsapalaran sa bansang aking kinaroroonan ngayon. 

Kabado akong magtravel mag-isa mula Europa hanggang Asya buti nalang at nagpasya ring magbakasyon ang aking kapatid kasama ang pamangkin kong babae. Napawi ang aking kaba, sa wakas makakauwi na rin ako ng wala ng halong pag-aalala kundi purong excitement na lamang.


Sis Cel and daughter Thea, busy on her iPad.

Maaga ang aming flight patungong Copenhagen, Denmark - 1st stop. 


Kuha sa Changi Airport, Singapore, 2nd stop.


Pagkatapos ng mahigit 2 oras sa himpapawid, narating na namin ang Cebu! Take note, ito ang kauna-unahan kong makarating ng Cebu kaya excited din ako. Hindi naman ako nabigo sa aking mumunting expectations dahil bukod sa stress-free ang arrival namin sa Mactan Cebu Int'l Airport, mababait at disiplinado ang mga empleyado dun, napakaganda at maaliwalas din ng panahon na sumalubong sa amin. 



Aerial view of Cebu City, kuha mula sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino

tabachingching me and niece Thea

Nang makapagpahinga na ay bumalik kami sa lobby at nagpakuha ng souvenir photo sa giant christmas tree ng hotel.




Then diretso na agad kami sa pool area ng hotel para magswimming! 

Kinagabihan ay gumala sa metro Cebu (ma-traffic!) kasama ng bro ko at family nya, then dinner sa Ayala center (Nakalimutan ko anong name ng resto pero okay naman sya, medyo mabagal lang ang service nila kaya siguro dina ako nagkainteres alamin at memoryahin ang pangalan, tarrray!)


Hindi ako masyadong nakatulog nung gabing yun dulot ng jetlag at marahil din sa share kami ng bed ng sis at niece ko dito sa hotel (arte lang, libre na nga ako e hehe.) Halu-halong emosyon, excited na makita ang lahat at yung feeling na sa wakas nakabalik na rin sa bayan kong sinilangan. Sa wakas, bakasyon na!


Kinabukasan pagkatapos kumain ng bonggang breakfast (na hindi naman naging pruweba ang litratong kuha) sa mismong restaurant na nasa loob ng hotel, ang UNO buffet restaurant ay naghanda ulit kami para naman maglakbay patungong Samar para magspend dun ng ilang weeks. Excited akong masilayan at makapiling muli ang aking mga magulang, dalawa kong kapatid, mga pamangkin at mga kamag-anak. Siyempre excited din ako na makipagbonding sa bestfriends ko, mga malalapit na mga kaibigan at former classmates ko. May nakalimutan pa ba ako? O sige, lubha akong nagagalak makasalo ang buong barangay! toink*
                           

I heart Cebu :)

38 comments:

  1. I love Cebu din. Dyan ako ng birthday last year. Nung nagkatsunami alert at 1st ko makarating dun. Kaya Di ko malilimutan ang Queen of South. Ang sosyal talaga sa Waterfront. 1st travel post mo ba to? Isang taon na pala ang nakalipas magmula nang magtravel ka sa Cebu :)

    ReplyDelete
  2. @Archieviner Oo nga e puro late post talaga, bukod sa kapos sa oras e tamad na din magsulat dulot ng stress sa work. Nasa Pinas ka din pala last year? Hindi ito ang una, meron akong ibang travel post naman.

    ReplyDelete
  3. whoa! Kala ko umuwi ka ngayon excited much pa naman akong ma-meet ka in front effect (saliwa ng talikod effect sa pics lol).

    mukang virginal pa ang fez natin sa mga pics natin dito ah ;) dyuk! (credits. But grabe 10 yrs ha antagal lang hindi ka talaga makakatulog nun sa excitement!

    Eh kelan ka ba ulet uwi?

    ReplyDelete
  4. @Balut Apat lang hindi sampung taon hahaha. Sana matuloy ako next year :)

    ReplyDelete
  5. waray pala kayo ms. Gracie ;-) ang totyal ng hotel. waterfront talaga. once lang ako nakapunta don. dipo kau uuwi ng samar this year? ang haba ng biyahi mo. 2hours talaga. para mabibingi na ako nya sa pressure sa tenga.

    ReplyDelete
  6. @Phioxee Pag nasa taas na yung plane at smooth na wala ng pressure so ok lang. More or less 15-17 hours lahat yung biyahe. enjoy naman ako magbiyahe pero mas enjoy nung ako lang mag-isa pabalik dito, medyo ayoko lang talaga pagwaiting o kaya delayed. Marunong din ako magbisaya kasi I studied somewhere in Leyte na yun ang dialect nila. Hehe ilang days nalang mag 2013 na hintayin ko nalang yun tsaka ipon din pamasahe mahal sobra.

    ReplyDelete
  7. At humarap ka na dito Gracie,hehehehe.Bakit di sumama si hubby mo noon pag-uwi mo..Ako noong umuwi kapagod kasi may bitbit akong koting-ay este anak ko..Para akong lumilipad sa hangin for 24 hours na walang tulog.

    ReplyDelete
  8. @Gracie

    next year Yey! pwede na mapagbigyan coffe/ice cream invite ni Super M :P

    ReplyDelete
  9. ayun! nakita ko na rin ang itsura mo hehe..iniimagine ko lang kasi nung magkausap tau sa fon eh..hehe.. taga-Cebu ka pala?...hindi pa ko nakakarating jan huhu!..sana soon mapuntahan ko na rin yan..

    at sana matuloy ka rin umuwi next year..ang alam ko may utang ako sau eh ;)

    ReplyDelete
  10. want ko din mapadpad dyan someday
    never pa ko nakapagtravel huhu
    dme ko naririning na magandang bagay about sa cebu

    ReplyDelete
  11. Want to visit cebu too:) at last nakita na kita gracie:) og takk for at deler dine reisen med oss. More later?

    ReplyDelete
  12. @Mhie Lee takot sya sa eroplano (chos) at feeling nya sobrang init daw sa atin OA nga sabi ko.

    ReplyDelete
  13. @Pink Line as if naman anonymous blogger ako? meron akong mga pics, backread lang katapat hehehe. I wonder kung taga Cebu nga talaga ako kasi first time ko dun diba? hehehe ulit. Awkward yung skype moments pero keber sis nastress aketch ng konti sa t-shirts e. Sige lista natin yung utang :P

    ReplyDelete
  14. @MEcoy Sige lang, kapag nagkawork kana for sure mas makakapagtravel kana at isa ang Cebu sa una mong bibisitahin ha :)

    ReplyDelete
  15. @joy at last now lang ulit ako nagpost ng pics ko dipo ba? tabachingching kasi kaya diko type magpost ng pics ko. parang wish ko din maggym pero ayokong mag-isa hehe dapat may kainggitan ganun. Next destination nyo po Cebu na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga gracie, kaso pH pumunta ako fon dami ko i treat dahil 3 ansk ko don with mga asawa, mga apo, mother, sisters. So cant afford ako:) batangas na lang uli next time. Plano uwi sa january with my sister here:)
      My sister ka din pala dyan.
      Very nice.
      By the way, cen we exchange address? Su kan sende t email addressen min. Syrin@tele2.no, then I will send you mine:)

      Delete
    2. Lahat po ba talaga kasama? Hehe. Parang big whole package. saccharin07@hotmail.com po email add ko.

      Delete
  16. malapit lang din po sa amin ang cebu...very nice na naka punta ka sa cebu...love ko din ang city na yan...:)


    xx!

    ReplyDelete
  17. Mali na naman spelling hi hi. I mean can and du :)
    By the way, you are sweet Gracie and seems so kind:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sweet and kind.. Hehe salamat po, mukhang magaling po kayo kumilatis ah

      Delete
  18. camotes cebu province ko pero ni minsan di pa ako nkapunta ng Cebu. Madalas kong marinig ang bantayan island at mactan sana makarating din ako dyan. Nice pictures sis Ganda babae mo naman :) natawa ako dun sa comment ni mamalut virginal fez ka raw haha.. loka talaga o sya i second the motion lol (peace) :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aba taga isla paraiso ka pala sis, swerte mo ganda ng lugar nyo. Kaw talaga sis lagi kang nanggagatong hehehe yan na pala ang bagong batayan ng magandang babae? Natawa tuloy ako, kakahiya :D

      Delete
  19. Hindi pa ako nakakabakasyon sa Cebu, at dahil sa nakita ko ay mapabakasyon na ako. My mind says go but my wallet says no. Lol.

    ReplyDelete
  20. Hindi pa ko nakarating ng Cebu, sana next year! Parang nabitin ako sa post mo, binitin mo ba talaga? Masaya ba naging bonding mo sa buong barangay?? :D

    ReplyDelete
  21. Dapat andun ako Cebu ngayong weekend na 'to, derecho din sana Bohol dahil long weekend pero dahil tinopak ako, keber sa ticket na nasayang, next time na lang ulit. ;)

    ReplyDelete
  22. @[ a n t h o n y ] hahaha kaw talaga, una mag abang ng seat sale promo ng cebupac. pangalawa, magcheck in sa mga abot kayang hostel then kumain sa mga eat-all-you-can resto marami yan sa Cebu, ganyan.

    ReplyDelete
  23. @Tal | ThePinayWanderer mukhang may pinagdadaanan ka ah.. chill! sayang ang ticket Cebu-Bohol pala destinasyon mo.. well, tara labas nalang tayo treat kita (parang kay lapit lang e no). Pero kung ano man yan, sana'y malagpasan mo yan.. be strong! hugs.

    ReplyDelete
  24. I heart Cebu too! Sya ang favorite ko sa mga napuntahan ko :)

    Ang saya naman at nakapag vacation ka pala a year ago :)


    Inggit ako kay Thea naka iPad! Talo pa ako haha :)

    ReplyDelete
  25. I wonder saan sa samar:) kc taga samar din ako:) while reading your blog entry I can feel the emotion and excitment::)

    ReplyDelete
  26. @ZaiZai ako nga rin na aunt nya talo hahaha! oo love ko yung post mo about Cebu trip nyo :)

    ReplyDelete
  27. @SunnyToast Sa western s. kami, nakakasabot ka hin yinaknan nga waray2x?

    ReplyDelete
  28. @GracieThanks gurl. may email ako sa 'yo re your question about banner, now ko lang nakita eh. sensya na. ;)

    ReplyDelete
  29. Anong ikaw rin? Bitin ka rin sa post? O nabitin ka sa bakasyon mo dito? :)

    ReplyDelete
  30. @joanne Haha tumfact! Masaya naman ang aking bonding with the kabarangays :D

    ReplyDelete
  31. @Tal | ThePinayWanderer Glen, nabasa ko na! Touch naman ako sa effort mo ha. Pa-hug nga! Kamusta ka na?

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.