Pocketbook Series

Pocketbook - isa sa mga kinaaadikan ko dati, dipa uso ang text messaging dahil mahal pa ang bagong labas na Nokia 3210 noon. MS-DOS pa ang kadalasang gamit na software na naka-install at makikita sa mala-dambuhalang monitor na may CPU case na sobrang heavygat. 

Wala pang internet noon kaya madalas masarap makihangout sa ibang studyante sa dormitory nung college. Palitan ng pocketbooks, english man o tagalog; romance man o kaya crime stories, patok! 


Kapag weekends at wala halos kalahati ng dorm students dahil nagsisipag-uwian, tumatambay ako sa ibang rooms, nakikikain, nakikipagdaldalan hanggang madaling araw at nakikipag-unahang makibasa ng pocketbooks. 

Linggo ng tanghali, pagkatapos kumain ay kanya-kanyang pwesto na para magbasa ng hawak na nobela. Excited akong magbasa kasi sisimulan ko palang basahin ang isang mala-enchanted romantic story.

Hindi ko binabasa ang prologue at lalong di ang lines and phrases na nakasulat sa likod, ayoko ring magskimming and scanning para may thrill!

So eto na, hay ano ito first page palang medyo inaantok nako? Ambigat ng mga talukap ko, bumabagsak na sya at kusang sumasara na halos blurd na at diko na halos makita binabasa ko.

Okay, this is it matutulog muna ako dina kaya ng aking sistema ang kaganapan. 


***

Pagkagising ko agad-agad akong pumanhik ng bahay, tila may enerhiyang nagtutulak sa akin para tahakin ang daan papunta sa lilblib ng kakahuyan. Naglakad ako papunta dun, akala ko malapit lang, mukhang masukal ang daan, madilim sapagkat nagtataasan ang mga talahib. 

Di kaya nawawala ako? Mukhang pinaglalaruan ako ah, kung sino man sya aba'y magpakita na dahil kakalbuhin ko talaga! Neknek nya lang dahil di ako maghuhubad ng t-shirt at isusuot itong muli ng baligtad hmp!

May naririnig akong umaagos na tubig! Hayun may liwanag, malapit nako! Tumakbo ako para mas mabilis kong marating ang liwanag, paghawi ko ng matatayog at makakapal na talahiban napasinghap ako sa aking nakita.

Itutuloy.


Tanong: Ano sa palagay nyo ang nakita ko? Gamitin ang inyong wild imaginations at magkomento sa ibaba. Hindi ko tatanggapin ang komentong - BITIN!


*****


Comments

  1. Mahilig ka pala sa pocketbook.... ngayon naman nauso na ang mga online stories...

    Siguro ung nakita mo -- wala na kasi nagising ka na... panaginip lang siguro hehehe

    ReplyDelete
  2. Alien!
    (joke lang teka lang mag-iisip muna ko)

    ReplyDelete
  3. ayoko na isipin kung ano nakita mo gurl, malamang sa alamang, horror na naman yan. hays, sana pasko na para lahat ng mga posts eh masasaya na ulit, di na mga horror. ;P

    ReplyDelete
  4. Diwata? Teka may premyo ba para mag isip pa ko ng husto :)

    ReplyDelete
  5. @JonDmur Mahilig dati yun ang trend e, now pwede nalang tumambay sa site mo at magbasa ng online stories hihi

    ReplyDelete
  6. @Tal Hahaha sana naman nagtry ka malay mo pang-valentines tong story ko!

    ReplyDelete
  7. @McRICH haha kelangan ba ng premyo para sumagot ka lang idol?

    ReplyDelete
  8. Unicorn?!

    Para cute, walang katatakutan!!

    O kaya.. ako na lang tas mapapasabi ka ng.. "ang ganda.."

    Chos!

    ReplyDelete
  9. Nakita mo si Edward at si Jacob, parehong topless!

    ReplyDelete
  10. May nagsesex? Sorry! Iyun ang naisip ko kasi pocketbook ang topic mo. Naalala ko kasi si mama ko mahilig din magbasa ng pocketbook. Tapos ang mga front cover ay mga hubad. Kaya yun naisip ko. Defensive?!!!

    ReplyDelete
  11. may umaagos na tubig, tapos may liwanag... hmmmm... ang nakita mo ay si JL, naliligo sa ilog na naiilawan ng lampara???

    ReplyDelete
  12. Isang makigising na guwapong-guwapong lalakiiii naliligo sa sapa! hindi pala romantic or scary ang kwento... titillating! hahaha :-D


    Spanish Pinay

    ReplyDelete
  13. ay ano ba yun.. makigising daw... makisig yan! :-D

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
  14. @Joanne Ano pa marj? Hehe mukhang marami kang naiisip dyan..

    ReplyDelete
  15. @Archieviner Hoist first page palang ako kuma-climax kana???

    ReplyDelete
  16. @Mar Ah ganun? Kala ko si JL nagwiwi LOL erase erase!

    ReplyDelete
  17. @Spanish Pinay Sis tuloy mo na part 2, kaw na magkwento mukhang may copy ka ng script e :P

    ReplyDelete
  18. love ko din yung pocketbooks hanggang ngayon.

    ano ba yung nakita mo?

    ReplyDelete
  19. @Phioxee Tanungin daw ba ako pabalik sis? haha

    ReplyDelete
  20. haha di ako mahilig mag basa peo dami ko nakilalalang adik sa pocket book

    ReplyDelete
  21. Haha. Kitams! cover palang kaya hubad na. :P

    ReplyDelete
  22. @Archieviner Wild nga imagination mo haist!

    ReplyDelete
  23. Binasa ko at naisip ko ay fox-or vampire.hehehe, kaso lang natawa ako sa comment nila..at naisip ko is your hubby waiting for you..O di vah mas romantic ang dating.hehehe

    ReplyDelete
  24. Nakapagbasa na ako ng ilang pocketbooks. Infairness, meron namang ibang totoong nakakakilig, kaso yung iba parang paulit ulit lang yung plot, nakakasawa. :)

    Meron ngayong nauuso, yung wattpad, madami ding kwento dun ala pocketbook :>

    ReplyDelete
  25. pareho pala tau mahilig magbasa ng pocketbook..

    nagising ka at nakita mo sarili mo kasi nag sleep walk ka at napaharap ka sa salamin..heheh

    ReplyDelete
  26. @Mhie Mapapasinghap talaga ako nun if nakita ko na magiging hubby ko haha kaso college palang ako nun

    ReplyDelete
  27. @Umi ay totoo yan, siguro may writer's block yung author kaya paulit-ulit nalang para maka-abot sa deadline ng publishing haha ano alam ko dun? Btw sis salamat sa unang pagkakataon mong mabisita ang aking bahay, welcome!

    ReplyDelete
  28. @Hash Hmm kaw ha, mukhang naranasan mo rin to a, lika samahan moko paparehab tayo haha joke sis!

    ReplyDelete
  29. May mga classmate ako noong high school na sobrang adik sa pocketbook.

    eto ang sa tingin kong nakita mo: Isang higanteng Leon na nakatitig sayo

    ReplyDelete
  30. Mahilig din ako magbasa and pag nagumpisa gusto ko tapusin. So against the rule " bitin"

    ReplyDelete
  31. Aba aba naman ilang days lang akong absent at meron na kaagad flower at laminate floor ang blogdesign mo he he! Ay naku sis, I love reading pocket books too nung single ako :) O sya I will continue reading your post ng makahabol sa review he he!

    ReplyDelete
  32. @Travel Questfave ko kasi yang flower at pangarap ko ang ganyang laminated floor haha kasi semento ang samen dito. Sa kakareview ng pocketbook walang naisagot sa exam :D

    ReplyDelete
  33. sorry now ko lang babasahin ang series mo..ayoko kasing mabitin hehehe...

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?