Pocketbook Series | Ikatlong Bahagi

"O bakit? Di kaba sanay makakita ng buong kaanyuan ng isang tulad ko sa mundo nyo?", takang tanong na nakangising si Hermes.

"H-ha?! Ah e, anong ibig mong sabihin?" Biglang iwas ko ng tingin -- Naku wag po koya, college palang po ako, makukurot ako nito ni mamang sa singit. O tukso langhiya ka, bakit ngayon ka lang? (pabulong na ratsada ng aking tulirong isip). 

Titig na titig ngunit hiyang-hiya ako sa aking nakita kanina - Pano bigla kasing nagtanggal ng kanyang saplot - walang tinira teh, kaloka! Ni sandata ng mokong jumajasking bieber ang peg! 

Tumingin ulit ako sa kanya, hindi nako nagulat kahit ganung ayos pa rin ang aking nakikita gaya ng kanina. H-aba honglande nasanay?

"Winner ang mga pandesal na humi-hello sa kanyang tiyan! Abs, yun pala ang abs kaka-G! Diyos ko yung muskel, muskel na muskel talaga.. hmm malaman na malaman!"

"Ehemm, binibini, may dumi ba ako sa katawan?" 

"Ay talong! Ay ibig ko sabihin, anak ka ng.. tipaklong long long (usal nito habang pahina ng pahina ang boses) este ng tatay mong si Machete at kapatid mong si Adonis. Paki-ulit ng tanong?" 

"Ano ba ang iyong pinagsasabi? Makaligo na nga.." 

Agad na lumusong sa tubig si Hermes at makailang ulit na nagpalangoy-langoy sa harapan ko. Pagkuwa'y sumisid pa ito sa ilalim..

Isa, dalawa, tatlo, apat.. limang minuto.. antagal nyang sumisid.. swerte ng jowa nito, magaling sa s.. swimming! 

"Go Hermes, sige pa.. sige pa!", tila cheerleader na may pataas-taas pa ng mga kamay.

"Boo!"

"Aaaaaaaahh!" napatili ako sa gulat, at paglingon ko bigla nasa likod ko pala sya dahil doon ay nawalan ako ng balanse at natumba.

Agad naman nya akong sinalo.. Para akong batang napakapit sa kanyang leeg,  habang ang kanang kamay ko nama'y napakapit sa kanyang mapipintog na bisig. 

"Hang--kisig mo Hermes..."

Ngiti lamang kanyang tugon ngunit tila yata ako'y matutunaw sa mga sandaling iyon, bukod sa kanyang matatamis na ngiti.. teh ang kanyang mga tingin uh-uh! 

"Haring araw ka ba? Kasi ako naman ay parang ice cream, tunaw na tunaw na!"

Palapit ng palapit ang mukha nya.. diko na sya mapipigilan pa sobrang lapit na talaga.. shet this is it! 

Itutuloy.. 



Itutuloy mo ba? Sige lapit pa Hermes at ituloy mo na..

Naglapat ang aming mga labi.. mariin ngunit damang-dama ko ang lambot ng kanyang mapupulang labi... bahagya nya itong ibinuka at ngayon ay dama ko ang mainit nyang hininga..


***

"Jam, gising na..!" tawag ng isang ka-roommate ko na nasa kusina.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.. napaigtad ako ng tila kitang-kita ko pa ang lalaki, nakaupo sa may paanan ng aking kama. Kinusot ko ang aking mga mata, sinipat ang aking mga labi pati leeg.. taas ng aking temp waahh goosebumps!

Dali-dali kong hinanap yung pocketbook, nasa ilalim sya ng aking unan. Binasa ko ang mga nakasulat sa likod -- 

Si Ramon ang bida, isa syang engkanto na umibig sa isang tao, sa napakayuming dalaga na si Amelia.. binasa ko pati ang nakapaloob na istorya, di ako makapaniwala sa aking nadiskubre - hindi nagkakalayo sa naencounter ko dun sa lovestory nila.


**w a k a s**

Maraming salamat sa muli ninyong pagbisita at pagsubaybay!

Pocketbook Series | Ikatlong Bahagi

Comments

  1. Hahaha, akala ko bibitinin mo pa e?! Pero bitin pa rin actually, pakilagyan nga ng part 4! At natupad talaga ang wish ko na i-describe ang abs! Haha.. winner! :D

    ReplyDelete
  2. @joanne Hahaha! yoko na enough na yun marj behave na tayo :D

    ReplyDelete
  3. ha ha ha BITIN!

    ikaw ang bitin Gracie! ha ha ha KJ yang nanggising sayo! dami mong punch line ha. ikaw na ang "Poket Book Queen" isa pa nga!

    Btw, inggit much ako sa new look ng blog mo, I want one too waaah...

    ReplyDelete
  4. @Balut Ahaha, yun ang nakalimutan kong punchline - Ako, ako ang nabitin hindi kayo!

    LOL sa Poket Book Queen! Last na yun, nakaka-pressure!

    Dali lang naman magpalit ng template, search ka lang sa net marami yan then download mo.. mahirap lang kasi yung sa may comments di sya katulad ng classic type, buti nalang nagawan ko ng konting changes at paraan kahit konti kanina.

    ReplyDelete
  5. Teka di pala ako pwede dito minor pa ako eh ha ha! Winner ang kwento mo girl , tagasaan ba yang si Hermes at ng ma-hunting ! :)

    ReplyDelete
  6. @Travel Quest Antayin mo sya sa iyong panaginip sis, dun sya dumadalaw e :D

    ReplyDelete
  7. @Mar Unplog Ahaha sume-second the motion ba? Pero di nga, binasa mo? :D

    ReplyDelete
  8. haha kala ko bibitinin mo kami sa climax eeh haha kaso ang girl nganga panaginip lng pla

    ReplyDelete
  9. this is unfair! walang climax..hanggang kiss lang?..hehe but i like the story tagos sa monitor ang kalandian ni girl..at naiimagine ko ang abs hihi... more more!

    ReplyDelete
  10. Hindi ko binasa ang Precious Heart Romance mo dahil menor de edad ako. Dyuk! :P

    Tulad nang inaasahan mo. BITIN eto. T.T more pa. Natuwa ako dito. Ang landi ni Hermes. dyuk! Pano nya kaya naachieve yung abs nya na malamuskel. lol

    Ganda pala ng new look ng blog mo. Kahit di ko na maopen sa opis T.T

    ReplyDelete
  11. ano ba yang si room mate! istorbo! tubig pa lang ang sinisid ni Hermes e! ay sorry haha :)

    ReplyDelete
  12. @Archieviner parang gusto ko nalang kwentuhan ang mga menor, at least sila makakatulog sasabihin pa tama na teh, tapos na! kayo bitin, hihi

    ReplyDelete
  13. @ZaiZai sige zai ano yun ano yun? ituloy mo mukhang nakarelate ka e hehehe atin-atin lang dali

    ReplyDelete
  14. ang kulet ng eksena... nakakatuwang basahin hehehe...

    Ayos! ^____^

    ReplyDelete
  15. @JonDmur Ayos nagustuhan mo hehe, btw nakita ko about dun sa book mo, pano ba maka-avail nun yung may pirma mo hihi

    ReplyDelete
  16. haha, binitin mo talaga sa huli ha? pero ang galing, you left us your readers wanting for more.
    so, kelan ulit ang kasunod nito? ;)

    btw, ganda naman ng bagong layout!

    ReplyDelete
  17. dami mong talent gracie:) Keep it up girl. Keep writing. Love reading!

    ReplyDelete
  18. nagkaroon rin ng problem,ilang bisita ko sa yo, wala yong website mo, puro blogs you follow lang. Buti nagbisita ako kay anney at through there nakapasok ako s asite mo. kaya ilan an pala di ko nabasa na post mo.

    ReplyDelete
  19. wala na talaga ito na talaa ang ultimate batis kalandian moment. kaso bitin. sanay dalawin ako ni ramon sa panaginip hihihi

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?