Pocketbook Series | Ikalawang Bahagi

"Wow, ang gandang tanawin 'to! Mala-paraiso. Kay sarap samyuhin ng amoy ng wild sampaguita.. May iba't ibang kulay ng rosas at kung ano-anong klaseng mga bulaklak na nakalambitin, nagsisilbing palamuti sa kapaligiran. Ang ganda talaga!"

Naglakad akong muli patungo sa tanawing iyon, dinig ko ang palakas na palakas na bagsak ng tubig, hinanap ko iyon paglingon ko sa kabila waterfalls! Sa baba nito ay may maliit na batis na animo'y kumikinang-kinang ang tubig sa linaw. Animo'y nanalo sa lotto, daop palad na napatingala sa langit habang abot tenga ang ngiti. 

"Whooo! Thank you Lord..", sigaw ko. Biglang nagsipatak ang ulan, mahina lang pero sapat na ako'y mabasa kaya agad-agad akong naghubad ng aking kasuotan, walang itinira dahil balak ko'y lumangoy at magbabad sa batis na yun. Anong pakialam ko, nag-iisa ako dun kaya pagkakataon ko ng tuparin ang isa sa mga nakalista sa bucket list ko, ang maligo ng walang saplot sa paraiso.

Malamig ang tubig na sadyang sumagad sa buto. Ngunit sa kailaliman nito ay medyo mainit at masarap ang dampi sa balat ko. Lumangoy ako ng ilang ulit, napaka-refreshing, ang linis ng tubig at ang linaw. Kitang-kita ko na ang mga makukulay na isdang umaali-aligid sa aking paa, naisipan ko tuloy, "Hello fins, pa-spa naman dyan!"

Nasa ganun akong ayos ng biglang may naglaglagang pulang rosas sa ibabaw ng tubig na nakapabulabog sa munting mga nilalang. Unti-unting naaninag ko ang isang repleksyon.. Pagtingala ko, muntik ng malaglag ang aking panga, este ang aking panty (erase, erase wala nga pala ako nun) puso sa pagkabigla.

"A-A-aadonis?!", utal-utal na sambit ko.

Hindi ako nag-iisa, may super macho at fresh gwapito sa aking harapan! 

Ngiting aso (pero cute pa rin). "Hindi yan ang pangalan ko."

"M-mmachete k-kaw ba yan?!", sinadya ko ng magsalita ng pautal-utal. Omg, kinikilig na talaga ako, obvious ba? 

"Ako si Hermes..", pagpapakilala nya. "Maaari ba kitang samahan dito?"

"Sure!" agad na sagot ko, sa sobrang excited ay dina ako nakapagpakilala. "Hay ang swerte ko naman..", bulong ko sa sarili, kumukurap-kurap pa.

Nang biglang --- "Ay, basto..", natutop ko na lamang ang aking bibig, ambilis ng mga pangyayari.. kaloka.

Itutuloy.


Tanong: Itutuloy ko pa ba? Di kaya ako madakip ng Cybercrime Law na yan at makulong? 
Malugod akong nagpapasalamat sa hindi nyo pagkomento ng - BITIN!

*****


Pocketbook Series
Pocketbook Series | Ikalawang Bahagi
Pocketbook Series | Ikatlong Bahagi

Comments

  1. ha ha ha Kakaiba nga eto Gracie!

    Langya ka hindi ako nagbabasa ng tagalog pocketbooks ngayon nae-excite ako! Ows? may mention lang ng mga hubadera na-excite na? LOL ituloy mo yan, wala akong pamasahe sa Norway para sakalin ka sa inis ng pambi" word not allowed" mo!

    Btw, naka-ilang balik ako dito nagbabasa ng mga comment sa Part 1, aliw na aliw ako sa mga sagot sa kung anong nakita mo. At wala ngang nag mention ng "word not allowed".

    Part 3 na! ano kaya ang "Ay,basto.."

    Baston ni Hermes? LOL!

    ReplyDelete
  2. @Balut HAHAHA! Whew, pambi--hira ka Balut lumubo tuloy sipon ko kakatawa sayo.

    ReplyDelete
  3. nagtamali ako akala ko leon ang makikita si Hermes pala,

    Ayos ang escape nito na ito a, ituloy na yan busy naman yung mga pulis kaya walang pandadakip na mangyayari haha

    ReplyDelete
  4. Magaling ka palang story teller. Keep it up. I am waiting:)

    ReplyDelete
  5. Pak! Tapos na nga ang halloween.. pasok na ang story sa malalamig na gabi! Hahaha.. Kaloka ka! Ang landi! Ang harot din!! Kamustasa ang abs ni Hermes? Paki-describe nga sa next post, hihi..

    ReplyDelete
  6. HungLandi. lol Climax naba to? Ambilis. Parang hermes bag lang ni nanay dionisia. Ikaw na talaga ang reyna ng bitin.

    ReplyDelete
  7. Okay ah! Super kilig hehehe natawa naman ako sa baston (comment ni Balut) hehehe

    Mukhang masaya ang next part ^__^

    ReplyDelete
  8. haha okay at talagang nagpacute pa ng naked landi ee haha kakatuwa nmn to tuloy na na dali dali

    ReplyDelete
  9. aha! ano kaya ang ginawa o pinakita ni Hermes?! excited na ako sa part 3!

    ReplyDelete
  10. homaygulay! teenager pa ako. bawal eto! bawal etong bitinin! nakakasama. hahahahah

    ReplyDelete
  11. Naku, na-iimagine ko na ang fresh na si Hermes. Looking forward to 'susunod na kabanata'

    ReplyDelete
  12. Aba, aba, ala-Bino ka na rin, gumagawa ka na rin ng nobela, ang galing! Ano kaya kasunod? Nag-ala-malakas kaya si Hermes? Hmmm...sige na nga, abang na nga lang ng susunod na kabanata? Basta yun twist wag creepy ha? Hehe...

    ReplyDelete
  13. @Inong On-going paba talaga? Nakaka-paranoid naman :D

    ReplyDelete
  14. @joy Sa personal ay medyo tahimik lalo kung mga kausap ay intsik :D

    ReplyDelete
  15. @joanne kaw naman marj, wag masyado excited di tuloy ako makapagconcentrate :D

    ReplyDelete
  16. @JonDmur Helf? Diko yata kakayanin ang next fart..

    ReplyDelete
  17. @MEcoy Nakalimot sandali pasaway na BAS--ton ni Hermes :D

    ReplyDelete
  18. Binasa ko ang part 1 para namn maintindihan ko kaya lang bitin din pala ang part 2. hehe!

    ReplyDelete
  19. haha i love your humor! exciting..next hehe..

    ReplyDelete
  20. @anney hehe, kasi po pagsinulat ko lahat sa iisang page sobrang mahaba, baka wala ng magbasa :)

    ReplyDelete
  21. @Gracie smart ka talaga sis, pinatapos mo muna lahat ng kabanata bago ka nagbasa, dika tuloy nabitin tulad nila haha winner!

    ReplyDelete
  22. dyusko. naloka ko ang landi lang talaga. ito na ata ang ultimate landian sa batis moment. haha

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?