de Nouvelle Caledonie

Got postcards etc. from a blogger friend in New Caledonia.

Kahapon pagkamulat ng mata ko, nasa tabi ng unan ko ay isang sobre. Makulay ito na nakapagbigay sa akin ng excitement pero dahil kagigising ko lang hindi ko naaninag kaagad kung galing kanino. 

May kutob akong galing ito sa aking matalik na kaibigan na nanggaling pa sa Pinas. Medyo makapal ang nilalaman ng sobre, so baka galing na naman sa isang admirer?! (ahehe feeling) Pagtingin ko, naimpressed ako sa sticker kung saan nakalagay complete name at home address ko hmm..

"de Nouvelle Caledonie", napabangon tuloy ako bigla at napabungisngis (ng malakas narinig kasi ni hubby).

Bebeh, er du våken? (Baby, are you awake already?)

Anong bebeh? Rustom pare. 

Har eksen din sendt deg en snail mail? (Nagpadala ba ex-bf mo ng sulat sayo?)

Deja vu teh? Narinig ko na tong linyang to, paulit-ulit lang?

Hindi, galing ng mafia pinadalhan ako ng pera.. 

Hehe, tumahimik na si hubby di na umimik.


Nagtungo kaagad ako ng office room ko at dali-dali kong binuksan ang sobre, ito ang laman o.. may picture pa ni pareng Archie (ay sorry, pera pala nila yan hehe).



By the way nagtataka kayo, bakit may lakip na pera? Ka-twitter ko kasi itong si Arvin o pareng Archie ng http://www.archieviner.com/ (follow po natin ang nag-iisa at dakilang prinsipe ng New Caledonia hehe) kaya napagkatuwaan namin ni sis Leah na mag-exchange ng foreign currencies. 

Actually ang una kong wish ay lakipan nya ng white sand kasi ako po ay dakilang kolektor ng stones and sands galing sa piling lugar na napuntahan ko na. Since di pa ako nakapunta dun (buti nalang) yung currency nalang nila dun sa New Caledonia, na original idea ni sis Leah. Nakigaya nalang ako kasi makapal naman daw yung sand kung yun ang ilalagay baka mapagkamalan pa daw na drugs :D

To pareng Archie, maraming maraming salamat! Napakasaya palang makatanggap ulit ng postcards, knowing na high tech na tayo ngayon iba pa rin talaga ang hatid tuwa ng klasiko at walang kamatayang "snail mail". Ikinagagalak kong makilala ang isang tapat at isa sa mahuhusay na blogero - mabuhay ka! Huling hirit, pengeng address? à bientôt!

32 comments:

  1. De rien mademoiselle Gracie!
    Nakatuwa din na may napapasaya ka kahit sa simpleng bagay lang :)

    whahaha. Makadugo ng ilong si hubby. lol. Iyan dumaan muna pala dyan lahat ng postcards. Susunod nyan dadaan pa kay Ms. Leah bago dumating ng Pinas. Mag-uuwi nalang ako ng white sand sa Pinas. Pagnagkita tayo bigay ko sayo. :)

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa naman ang pagkwento mo.. na excite ako habang binabsa ko. parang nakikita ko ung pagkagalak mo habang tinitingnan ang mga poster ... gandang araw..

    ReplyDelete
  3. Waha ha ha dami kong tawa sa side comments kay hubby 'rustom' at 'mafia' ahi hi hi

    Aba aba at walang mention sa kwartang manggagaling sakin! Pwes hindi ko na itutuloy abg aking plano pati post (hmp)! He he dyuk-credits to CDA :

    May address na ako ni prince archie gracie but hindi mo malaman kung saan send sa kastilyo ba sa cakedonia or sa mansion sa pinas? Hindi.pa sya pinapayagan ng boss nya belat lol.

    @archieviner
    nasan na yung sakin ha? Demanding lang lol.

    ReplyDelete
  4. @Ms. Balut: Hala di ko nasamahan ng kwarta yung sayo. Ikaw din ba? Di bale pag uwi ko nalang. Wait mo lang sis baka dumating na next week yung sayo :)

    ReplyDelete
  5. bumalik ako to check the new look of Gracie's blog naka-mobile kasi ako kanina di ko makita so ayan ngayon kita ko na - very nice Gracie!

    sensya sa mga wrong spelling ko ang liit kasi letters sa cell phone di ko pa suoot ang salamin dami tuloy errors lol

    @Archieviner
    Joke lang bro ano ka ba dali mo naman maguilty sarap mong kunsensyahin lol.

    actually ako ang magpapadala sa inyong tatlo nina Gracie & Leah di ba? kasi I stopped collecting. I'm supposed to make a post about it ang dami lang naka-line up but it's definitely coming :)

    pero kung mapilit kang bigyan ako ng currency gawin mo ng isang milyon ha ha ha. teka lang chat box ba eto? lagot tayo kay Gracie :(

    ReplyDelete
  6. wow dumating na yung sayo..na-excite ako..cant wait to have mine too! hehe..sana may kasama ring pera hehe (parinig kay archie)...

    ReplyDelete
  7. madalas ko makita to ha sikat ang pakulo ni pareng achieviner haha wow may pera pa nice nice sya naman

    ReplyDelete
  8. nakaktuwa naman to haha tapos ang ganda nung pakulo nyo na exchange ng foreign currency haha =D

    at tama si kuya archie lakas makadugo ng ilong ang hubby mo sis haha

    ReplyDelete
  9. yihiii... natanggap na nya yung kanya. agree ako sis, kahit din ako nung natanggap ko yung mail laking tuwa ko rin. yung ngiti ko abot tenga.

    ReplyDelete
  10. Hindi ko pa nareceive yun saken, sana may pera din, chos! Dami ko tawa sa side comments ni hubby, haha!

    ReplyDelete
  11. wow ang saya! gusto ko rin ng post card :) *inggitero?* na may limpak-limpak na salapi lol :)

    ReplyDelete
  12. Nice! At may pakulo palang ganito si Archieviner!

    Damang dama dito sa post mo ang tuwa at saya haha..

    At ganda ng bihis ng Gracie's Network!

    ReplyDelete
  13. Wow! I miss reading your post and nakakatiwa si hubby mo:) i can sense your good relationship.
    Oo nga ano since mauso internet ay di na rin ko nakatangap ng cards and di na rin ako nag send. So yong mga na recieve ko noon, naka album na:)
    Anyway, how sweet naman ni archie:)

    ReplyDelete
  14. Back again Gracie. Jeg bestiller materialer for kort laging fra Creativ company Norge!http://www.cchobby.no
    Lykke til:)

    ReplyDelete
  15. @joy salamat po mommy Joy, try ko anong pwede kong ma-create hehe hirap pag di creative tulad nyo po e. namiss ko din po kayo, nagka-prob lang ng konti yung blog site ko but i'm thankful naayos na. God helg!

    ReplyDelete
  16. @Mar Unplog talaga? nagustuhan ko din mas ok tingnan, dina muna ako babalik ng black theme hehe. ayos good vibes talaga tong pakulo ni prince :P

    ReplyDelete
  17. @jep buendia makakarating hehehe basta go ka lang sa blog site ni prince :)

    ReplyDelete
  18. @joanne ang kulit kasi ayaw nako tantanan sa tawag na "bebeh" kaya minsan sinasagot ko ng tagalog, alam nya naman about Rustom hahaha.

    ReplyDelete
  19. @Cyron Agustin galing no? kahanga-hanga si prince :D seems tayo palang 2 ang nakatanggap ng postcards, gandang regalo ah.

    ReplyDelete
  20. @Superjaid hehe kaya nilagyan ko ng translation para pati tenga di na dumugo hahaha. oo nga, first time makareceive ng ganito kaya i will treasure talaga.

    ReplyDelete
  21. @Pink Line sis naku pagmay lamang pera papunta dyan baka di dumating? kukunin ng mga nagtatrabaho sa post office, tsk sayang pero hope mga honest na ngayon.

    ReplyDelete
  22. @Balut The Lucky Blogger thanks naaappreciate mo new look ng bahay ko. Sorry, i forgot to mention ha, seryoso ka pala talagang ipamimigay mo na yung collections mo? Sige bilang parusa kay prince nalang :( charot!

    ReplyDelete
  23. @JonDmur naiimagine ko pa nga nasa isa ako sa mga isla ng n. caledonia ahaha, hongganda kasi!

    ReplyDelete
  24. @Archieviner Oo sobrang saya ko pati good vibes at may kasamang luck na dulot sya ha ;) sana patuloy at marami ang gumaya sayo hehe para mabuhay muli natin ang makaluma ngunit napakagandang paraan ng pakikipag-komunikasyon dulot ng snail mail. DM mo saken address mo ha

    ReplyDelete
  25. Ang saya naman nito :))) gusto ko din ng postcard, lol. Archie, ako din kahit pareho tayong lalake, haha! First time ko dito sa blog mo and natuwa ako sa post :D

    ReplyDelete
  26. Ayyyy inggit much! He he.. ung akin kaya ? Bka natabunan na ng snow? :P ganda naman oyy infairness Gracie talagang may isang salita si Archie ang hinihingi natin 1 dollar lang 500 ang pinadala galante ang kuya he he... di ko pa na checheck mailbox namin. At un ang una kong gagawin pag uwi n paguwi namin. At ng mkapag post na rin ako. :)

    ReplyDelete
  27. Ay kainggit naman, nagkokolekta din ako ng iba-ibang currency eh, siempre may kasama na rin postcard sana. @Archieviner, pwede pa ba humabol, hehe! kaya lang kung dito sa Pinas yan at isisingit lang sa sobre, malamang di na makarating sa 'kin yan. ;)

    alang anon/name/url ang comment, napa-login tuloy ako. hehe...

    ReplyDelete
  28. gracie lets be blog friends.
    come and visit me at mirrorofmyworld.blogspot.co.uk xxx

    ReplyDelete
  29. @Tal | ThePinayWanderer habol ka baka may natira pa sa mga postcards ni prince :)

    haha not allowed kasi yung anon dito kaya kailangan talaga may account ka at blogger ka hehe

    ReplyDelete
  30. @ Tal/ The Pinay Wanderer and Anthony: Padala nyo po sakin ang iyong postal add at name :)

    ReplyDelete
  31. Parang gusto ko na rin tuloy isama sa Christmas wish ko ang postcards... I never had one. Pero dahil dito, parang gusto ko na din! HAHAH! :) Merry Christmas po! :)

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.