All I Want For Christmas


Dear Santa,

I have been extra nice this year eventhough my 95 year-old patient pinched me so hard that left a mark on my right arm and my 102 year-old patient punched me on my upper lip that it made a slight swelling, gosh I didn't react at all promise! Ouch.

So here's what I really want for Christmas..


Outreach Activity 

- matagal ko ng wish ito, nung high school ako nagkaroon kasi kami ng outreach activity para sa less fortunate, yung mga walang makain, salat sa damit at yung mga nasa lansangan lang na walang tsinelas, unan o kumot. Bale nag-ambag-ambag kami tapos yun ni-donate namin. Pwede rin siyempre yung used clothings at kung anu-ano pa sa abot lang ng aming makakaya. Yun dun nagsimula, sabi ko sa sarili ko uulitin ko ito pero kelan? Di ko naman kayang gawin mag-isa, paano ba? Suhestiyon naman dyan.

Actually isa din ito sa mga birthday wish ng blogger na si Kulapitot, sabi ko sasali ako at inform lang ako sa plano pero hanggang ngayon mukhang wala pa. Layo ko naman kasi pero diba kapag gusto may paraan? Kung ayaw, maraming dahilan? Ikaw ano ba ang wish mo ngayong darating na Pasko? Ah, outreach din? E di tayo na, este tara na ano pang hinihintay mo planuhin na natin ito bago pa tayo abutan ng bagong taon.



Ang post na ito ay para sa "All I want For Christmas" tag game mula kay Zaizai. Sorry di ko nagawa yung instructions pero mapapatawad mo ba ako kung bibigyan mo ako ng home address mo? Bagong koleksyon ko kasi yan. 

Those who want to make their wishlist like marZai did, please follow these:

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.
2. List 6 things that you want to receive for Christmas.
3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).
4. Send me the link so I could check it out too.

Dear Santa, i-grant mo po please ang wish ko ha? Mamamasko po!


Love,

Gracie Bebeh

Comments

  1. ang bad naman ng patients mo sis!..pero hanga naman ako sa patience mo at nakuha mong hindi mag-react..kung pwede lang patulan noh? chos!

    gusto ko rin yang outreach program..suportado kita jan..

    hinihintay ko rin si kulapitot eh..pero busy ata sya ngaun..

    sana maisakatuparan naten ito..im really looking forward for it :)

    ReplyDelete
  2. @Pink Line mababait naman talaga sila, bale defense mechanism nalang nila yun since wala naman silang magawa kung ayaw nilang magpapalit ng damit at diaper o uminom ng gamot so yun bumabalik kasi sila sa pagkabata.

    talaga willing ka sis? sige 2 na tayo haha, kelan ka kaya pwede sa December? Don't tell kulapitot, pag di sya nabisita dito, di nya malalaman tong plan natin, para surprise hehe. sana matuloy na..

    ReplyDelete
  3. ang lalakas pa ng patients mo Gracie, paano kung mga 30 years old lang yan, baka binugbog ka! na kyutan siguro sayo kaya ka kinurot :)

    tungkol sa wish mo, pwede naman kami tumulong, ambag ambag din kami tapos kami mag bigay dito :) para kahit simpleng paraan lang matupad namin ang iyong wish at makatulong pa kahit paano :)

    address ko?! sige, wag mo lang bigay sa terorista baka padalan akong letter na may kalakip na anthrax lels! eto : 905 cristimar village, antipolo city 1870 :) pula ang gate haha :)

    ReplyDelete
  4. @ZaiZai wow, i-post talaga ang address marZai? baka nga may magpadala sayo nyan at ako sisihin mo? DM mo nalang sa akin pati complete name, asahan mong walang teroristang galing dito hehe.

    tumfact! sige buuin natin ang plano ha kahit wala ang presence ko.. bigyan nyo ko ng idea.

    nakyutan sa taba? haha. hay sinabi mo pa, maraming klase ng experiences ang Pinoy OFW/expats, sari saring karanasan kaya matiisin :)

    ReplyDelete
  5. Nakaranas rin ako ng mabato ng paso, shampoo, masipa at maduraan when I worked sa phychiatric avdeling gracie:) kaya dito na lang ko sa aktivitetsenter. Mas safe. Hi hi
    Gusto ko ang outreach wish mo. Me I am sending money to homeless children snd outreach for the prostitutes.
    Good luck to yours:)

    ReplyDelete
  6. Mare!! wala na ulet ang pop-up! :D

    Ar-ouch!! Pisikalan talaga ang mga patients? Hanga ako sa patience mo..

    Count me in din sa wish mo! I guess marami inaasikaso si Kulapitot..

    ReplyDelete
  7. @joy omg kaya di ako natuloy magtake up ng nursing e kasi may phobia ako bukod sa lasing at adik, ay yung may mga sakit sa pag iisip. naalala ko kasi kapatid ko sabi nya inaassign daw sila sa psychiatric dept kaya natakot ako. e sa town namin andaming mga nililigaw na may mga sakit sa pag iisip na palaboy laboy sa lansangan tas sinasakay nila then sa town namin napapadpad kaya tuloy takot na takot ako then feeling ko hindi safe maglakad sa gabi bigla kasi silang bubulaga sayo at pagtumakbo ka hahabulin ka.

    Anyway, kapag may activity sa vinterhage sa sykehjem then nakakasalubong ko yung mga nag oorganize dun ikaw agad naiisip ko mommy Joy hehe. Sana nga matuloy na ang plan, wish ko lang!

    ReplyDelete
  8. @joanne cool, apat na tayo marJ! san ba pwede, gimme ideas and tips..

    ReplyDelete
  9. hi gracie thanks for your lovely comment. come back soon
    ellie x
    mirrorofmyworld.blogspot.co.uk

    ReplyDelete
  10. Buti ang mga boss ko mababait. Takot sila saming mga pinoy e. kasi halos kami ang gumagawa ng project. Ang mararanasan mo lang dito ay yung pagsalitaan ka ng masakit. Tapos kailangan mong magalit pero kailangan in English. Minsan di pa nila maintindihan. Kaya wala epek. Mabuhay ka sis. Sabihan mo din ako sa wish mo na yan. Gusto ko din makatulong :)

    ReplyDelete
  11. @Archieviner Ah kasi mahina sila sa English? Dehado pala sila kasi nagmumurahan na kayo kala nila oo ka nalang ng oo kaya nasasabihan tayong sobrang bait kaya take advantage ang mga amo. well.. it exist talaga kahit saang lupalop ng mundo..

    talaga tutulong ka promise? ayos! excited na ako.

    ReplyDelete
  12. ay! tutuo yan. sabi ni kulapitot me ganun syang wish (babanatan talaga si kulapitot dito lol)

    gusto ko din ng ganyan. pero me naisip na aketch papano makatulong. diko muna sasabihin. sana malapit lang lugar namin sa inyu anoh, para masaya. masarap din kasing magbigay na naeenjoy mo yung each moment with the people you're helping at with friends pa.

    ReplyDelete
  13. napaka noble ng iyong hiling sa darating na pasko :))) tipong nakatulong ka na sa iba, eh nag-enjoy kapa na kasama ang iyong mga kaibigan. count me in if ever na matuloy or maisagawa ito, pwede akong mag story telling sa mga batang musmos at turuan sila ng kalokohan :D biro lang pero gusto ko din tumulong...

    ReplyDelete
  14. OMG, dearie di ko yata kaya yang patient mo.hehehe.uwi ako na umiiyak pag nangyari yan sa akin.I hope matuloy yang christmas wish mo..Ako myroon sa amin nag-paparty kami kasi kawawa yong mga bata doon at bumibigay kami ng mga soap, damit at laruan.

    ReplyDelete
  15. bilib ako sa pasyente mo kasi inabot nila ang age na yan.. un nga lang nasaktan ka nila... sana umokey na yan..

    magandang project yan... sana matuloy... Goodluck!

    ReplyDelete
  16. wagas sa intro nakunsensya si Santa LOL.

    may gusto akong sabihin sa wish mo but wag muna ngayon at talagang ang gulo ng schedule ko haist! Ang ganda ng wish mo...

    ReplyDelete
  17. haha sana my time ako para dito peo tatry ko haha since malamang random nanaman next post ko busy busy pa din ee

    ReplyDelete
  18. Aba! Pwede nga dito ang Piso Project ko...

    Selfless wish! Saludo talaga ako sayo Gracie Bebeh! More Power sa yo! At sana maging katuwang kami sa pagsasakatuparan ng wish mo...

    ReplyDelete
  19. Na ku cute-an lang siguro sayo mga patients kaya ka nakukurot at yung isa sobrang gigil siguro sa pagka adorable mo kaya matindi pa sa kurot ang binigay sayo lol! Pero sa totoo lang ha napaka patient mo at di ka man lang nag react. Sana matupad ang mga wishes mo!

    ReplyDelete
  20. @[ a n t h o n y ] salamat. pero ang mga ganitong event ay ginagawa hindi dahil gusto mo magpasikat, ito'y ginagawa dahil nasa puso mo ang pagtulong at dito ka masaya. ayokong "tumulong" sa mga nangungutang para sa ganito o para sa ganyan.. mas gugustuhin kong tumulong sa mga taong dapat talagang tulungan. yung talagang salat, yung para sa mga bata at Pasko ang mainam para sa kanila. Sali ka ha :)

    ReplyDelete
  21. @Mhie Lee Nagtataka nga ako san ko nakukuha ang patience ko pagdating sa trabaho, e samantalang wala naman akong patience sa ibang bagay pero sa matatanda at maliliit na bata haba ng pasensya ko grabe. San nga pala sa inyo Mhie?

    ReplyDelete
  22. @JonDmur Okay naman ako, di naman madalas mangyari, patience talaga ang dapat sa trabahong ito kasi pasyente mo sila e ha ano raw? hehe. Kidding aside, yun talaga ang totoo kung wala ka nito e siguro days palang wala na tsugi na sa work but until now kaya pa naman.. kaya pa, hanggang kelan naman kaya ang kaya pa? :P

    ReplyDelete
  23. @Balut Kaw talaga akalain mong napansin mo yun haha tama ka dun, konsensya effect nga ang tawag dun.. kaya sa sino mang santa dyan e sana maawa na para matuloy ang aking hiling hehehe, sige hintain ko yang pasabog mo este sasabihin mo ;P

    ReplyDelete
  24. @MEcoy sabihan mo lang kami kelan ka pwede parecoy.

    ReplyDelete
  25. @Mar Unplog Salamat, at kung papahintulutan mo akong tawagin natin itong "Project Piso" e di mas okay anong say mo? Kapag nagsuccess itong outreach, next year pag-uwi ko sasali na ako!

    ReplyDelete
  26. @anney Lahat sis natututunan ko nalang, sa hirap makipagsapalaran sa buhay OFW/expat. Ang di kaya, kinakaya, ang imposible, nagiging posible. May mga pangarap kasi ako e at ayoko ring tatamad tamad, isa pa lumalawak ang ating kaalaman sa mga eksperyensya kaya di tayo basta basta papadala sa emosyon at pang aapi o gawa ng iba laban sa iyo. Malawak na pang unawa at pagpapahalaga din sa trabaho at sa mga taong nakakasalamuha, kung walang challenge, petiks ang buhay. Aahh, pagkatapos ng mga paghihirap e may sukli naman yun nalang ang aking pinapagpapasalamat sa Diyos.

    ReplyDelete
  27. May pagka sadista pala yang mga pasyente mo sis ahihi! May all you wishes come true, and I hope hindi magpakita si Mr. Grinch ha ha!

    ReplyDelete
  28. @Leah I Travel Quest hehe kaw talaga sis. kung iisipin ano sa ibang bansa baliktad yung mga pangyayari dahil yung mga pasyente ang kawawa at ang mga empleyado ang sadista, tsk tsk :(

    ReplyDelete
  29. @Gracie

    sabi kasi "When you give to the poor, don't let your left hand know what your right hand is doing." ;-)

    ReplyDelete
  30. @Phioxee ganun ba sis? sige hintayin ko nalang yung time pagnafinalize na, on how you can be of help or how'd you wanna help.

    ReplyDelete
  31. @Gracie

    Agree ako dyan... Pwedeng - pwedeng gamitin yang Project Piso! Sige, pagplanuhan na natin... May mga piso na ko, pero wag mo nang palitan, dagdagan na lang natin, plus yong ibang magbibigay pa, para makalikom tayo. Oks ba?

    ReplyDelete
  32. @Gracie

    Agree ako dyan... Pwedeng - pwedeng gamitin yang Project Piso! Sige, pagplanuhan na natin... May mga piso na ko, pero wag mo nang palitan, dagdagan na lang natin, plus yong ibang magbibigay pa, para makalikom tayo. Oks ba?

    ReplyDelete
  33. @Gracie

    Agree ako dyan... Pwedeng - pwedeng gamitin yang Project Piso! Sige, pagplanuhan na natin... May mga piso na ko, pero wag mo nang palitan, dagdagan na lang natin, plus yong ibang magbibigay pa, para makalikom tayo. Oks ba?

    ReplyDelete
  34. @Gracie

    Agree ako dyan... Pwedeng - pwedeng gamitin yang Project Piso! Sige, pagplanuhan na natin... May mga piso na ko, pero wag mo nang palitan, dagdagan na lang natin, plus yong ibang magbibigay pa, para makalikom tayo. Oks ba?

    ReplyDelete
  35. @Gracie

    Agree ako dyan... Pwedeng - pwedeng gamitin yang Project Piso! Sige, pagplanuhan na natin... May mga piso na ko, pero wag mo nang palitan, dagdagan na lang natin, plus yong ibang magbibigay pa, para makalikom tayo. Oks ba?

    ReplyDelete
  36. @Mar Unplog Talaga idol Mar? Yesss! Ituloy na natin ito.. mukhang ikaw yata ang Santa ko sa darating na Pasko hehe. God bless you!

    ReplyDelete
  37. Sa Mindanao ako-General Santos City ako nakatira..Ang sarap ng feeling pag-December kasi yong mga bata look forward sila parati mag-4 years na namin ginagawa kasi yan.Last Year Jolibee Party sila-kasi preggy yong kapatid ko di nya kaya asikasuhin.Ngayon parang Jolibee pa rin kasi ganun din ang gastos ng pakain mostly 50 kids at para di mapagod yong kapatid ko.hehehe

    ReplyDelete
  38. Hi Santa Gracie, ang bait mo nman po! Pede po bang bahaginan mo naman ako kahit katiting na patience, kelangang-kelangan ko yan ngayong mga panahong ito, actually di kunti ang kailangan ko, maraming maraming patience sana. ;)

    Ang galing ng project nyo ni super m, join ako, yun nga lang katiting lang ang kaya kong I-share, abang na lang ako kung pano maibigay. Good luck sa project.

    ReplyDelete
  39. patience and good heart really pay off.... hayan at matutuloy an iyong wish... tomorrow na an BPO...yey... I am happy that I will be part of it...

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?