Room #206

Ito ay isa lamang sa mga kwentong kababalaghan na naranasan ko sa loob ng Sampaguita ladies dormitory. 



Second year college ako nun sa isang State University na ngayon sa Visayas. Nakatira ako sa room #206, 1st wing, 2nd floor ng Sampaguita ladies dormitory kasama ng pito ring mga estudyante. 


Dahil walo kami lahat, hati-hati kami sa mga gawain sa room #206. Kailangang naka-post sa wall ang schedule of classes ng bawat isa sa amin. Ito ay para malaman kung sino ang unang uuwi sa tanghali at sa hapon para sya yung magsasaing para sa aming lahat.

Isang araw, ako ang nakatukang magsaing para sa tanghalian. Pagkatapos ng last subject ko sa umaga, diretso akong umuwi sa dorm. Dumating ako mga 10:30 AM pa lamang pero may nauna na sa akin sa room, nadatnan kong nakahiga ang isa sa pito kong mga ka-roommates. 

Gigisingin ko na sana sya pero naisip ko mukhang ansarap ng tulog nya pagod siguro galing sa PE subject nya kaya hinayaan ko nalang syang magpahinga. Check ko yung schedule nya, absent sya sa last subject which was until 11:45 pa yun matatapos. Bakit kaya?

Pero nakapagsaing na ako't lahat-lahat di pa din sya gumigising, curious akong umakyat sa double deck para i-check kong humihinga pa ba kasi di man lang gumalaw o nag-iba ng posisyon mula pagdating ko. 

Nakatagilid sya facing the wall, sinipat ko ang kamay malamig at namumutla. Ni-yugyog ko ng ni-yugyog ang balikat nya. Nang wala pa ring response, pinatihaya ko na sya.. di naging madali para sa akin kasi antigas ng katawan nya parang may nakadagan o ano basta mabigat knowing na medyo payat sya so imposible naman. Then pagtingin ko sa lips nya amputla-putla! Tinapik-tapik, pinisil-pisil ko ang pisngi nya wala talaga. 

"Naku ate ha gumising kana, sanay na ako sa pagkukunya-kunyarian mo minsan, dika pa nakontento may props kapa kaninong white lisptick ginamit mo at nagmumukha kang nakahiga sa ataul dyan?"  

Kitang-kita ko di lang ito isang pagkukunwari. Di na sya halos humihinga! Ginawa ko na lahat, pinisil, kiniliti ang mga parte ng katawan na maaari syang makiliti at biglang magising at humalakhak kaso failed lahat.

Bumaba ako mula sa deck nya. Kalma akong nag-isip, dahil medyo malikot ang pag-iisip ko minsan kumuha ako ng asin. Oo tama asin! 

Bakit asin? Naalala ko dati nung kabataan ko, kapag di bumabangon kuya ko kapag inuutusan ako ni mamang gisingin sya, nilalagyan ko ng asin yung labi tas nalalasahan nya yun kaya napapabalikwas sya ng bangon sabay karipas nako ng takbo. Kaya siguro di kami magkasundo ng kuya ko dati hehe kasi ayaw nya sa ugali ko at lalong ayaw ko sa ugali nya. Naging magclose na kami nung medyo nagmature na.

Anyway, abangan nalang ang part II hinati ko medyo mahaba kasing kwentuhan to. Churi! 


*****

Room #206

Comments

  1. sabi ko na e, uulanin ako nito ng BITIN! hahaha

    ReplyDelete
  2. Nabitin si bestemor. Hi hi. Baka matakot ako ha. Magisa pa naman ako:)

    ReplyDelete
  3. @Joy ay sori po. Never ka naman po nag-iisa, kasama nyo po si God :)

    ReplyDelete
  4. abangan ko ang next part.... pero sa part na ito... napapaisip ako kung ano na mangyayari hehehe....

    ReplyDelete
  5. Graciue, dahil ako ay dakilang duwag, hindi ko muna to babasahin. Pag madami na lang akong kasama :)

    ReplyDelete
  6. @JonDmur sige aabangan ko rin ang muling pagdalaw mo.

    ReplyDelete
  7. @Zaizai wala namang nakakatakot sa part na to promise.

    ReplyDelete
  8. bakit asin?...bothered sa asin..hehehe i bet binabangungot si ate...but freaky talaga pag di na nag rerespond....aabangan ko ung next ending...hihi


    xx!

    ReplyDelete
  9. Mare naman!! Anubeh! Bakit ganyan.. Alam mong ayokong nabibitin, haha.. Ipost mo agad ang kasunod kung ayaw mong.. wala lang! Haha..

    ReplyDelete
  10. ala kakabitin naman haha
    peo nice idea ung asin ha

    ReplyDelete
  11. @xoxo_grah nice try :) e ayaw nga gumising kaya gagawan ng paraan, buti nga diko ni-mouth to mouth LOL

    ReplyDelete
  12. Hi Gracie dear, me comment ako pero actually di ko sya binasa, sa first paragraph pa lang kase eh napansin ko na H sya. Alam mo naman na isa akong dambuhalang matatakutin kaya nxt time na lang, palipas lang muna. ;)

    ReplyDelete
  13. alam mo, matakutin ako, di ko alam kung paano mo yan nakaya...kasi binasa ko na ang part 111 bago ang part 1.lol.

    ReplyDelete
  14. OMG! ano kayang nangyari kay ate?!..ok next na..

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?