Room #206 Part IV

Ito ay isa lamang sa mga kwentong kababalaghan na naranasan ko sa loob ng Sampaguita ladies dormitory.


Nakapasok na si ate Nelly sa room #205 pero kunwaring di kami nagpatinag, nangangatal man, naiihi at nanginginig sa takot ay patuloy pa rin kami sa pagdarasal.

Pikit kuno ang aking mga mata pero manaka-naka'y tumitingin-tingin dahil nakaharap ako sa pinto, kitang-kita ko ang bawat galaw ni ate Nelly. 


Lumilipad ang isip ko habang patuloy silang nagdarasal, nangangalay ang aking paa, nanginginig ang aking kalamnan at parang tambol sa bilis at lakas ng pintig ng aking puso. Hindi ko kakayanin itong nangyayari sa loob-loob ko, baka ilang saglit lang ay mahimatay ako o kaya atakihin sa puso! 

"Diyos ko tulungan mo kami, diko na kaya to!", sa isip ko.

Hindi ko na kayang pumikit at magwalang bahala, kitang-kita ko malapit na si ate Nelly sa isa sa amin, akmang hahawakan na sana nya ito ngunit sumigaw na ako't kumalas!

"Ate Badeth, nasa likod mo na!".

Sa tagpong iyon kanya-kanyang takbo na kami palabas ng room, may natumba, may naapakan, nadaganan at may tulakan! Hindi kalakihan ang pinto kaya't kung iimaginin mong anim ang nag-uunahang lumabas habang 3 ang nadadaganan, 2 ang natatapakan habang kumpol ang iba sa labas ng pinto, sige nga pano ka lalabas? Feeling ko ang isang minutong ganung sitwasyon ay isang oras tumagal. Habang pinapanood na lamang na parang naghahabulan ala zombie si ate Nelly at ang ilan pa sa loob. 

Yung ilan na naiwan ay patuloy sa pagdarasal at mahigpit na magkakahawak kamay pa rin(kahit naghahabulan, paikot-ikot sa loob ng room na di naman kalakihan, tanging working tables lang ang nasa gitna). Antindi nila! Kung iimaginin mo parang comedy sa pelikula ang eksena, haist! 

Malaki ang pananalig ko sa Diyos pero sa pagkakataong ito ay ililigtas ko na lamang ang aking sarili palayo habang nasa damdamin at isipan ko pa rin ang pagdarasal. Kesa piliin kong makipagtunggali sa kampon ng kadiliman na sumasapi kay ate Nelly. Sa lakas nitong tila 2 masamang ispiritu ang nakasanib ay baka tumilapon ako o kaya masakal, ano alam kong depensa? Karate? Taekwondo? Diyos ko, yun lang alam ko pero ano naman ang laban ko!

Hindi sapat ang aming pwersa para kalabanin at kontrolin ang masamang ispiritu, bagkus ay lumalakas pa ito. Marahil siguro ay ramdam nyang hindi lang isa, kundi karamihan sa amin ay hindi sapat ang pananalig sa Diyos. Kung sino man yun, sya o sila marahil ay puntiryang hiramin ang lakas at ariin  ang katawan at pag-iisip ng mga sandaling yun. Malay ko. Basta, tanging hiling ko na lang ay matapos na ang tagpong iyon na walang nasasaktan. 

Sa wakas, nakalabas din kaming lahat ng masakit ang kanya-kanyang parte ng katawan dahil sa tagpong iyon, isa lang naman ang naabutan ni ate Nelly at nasakal, nakawala rin naman ngunit kahit na dahil kawawa naman.

Pagkadating ng pari saka ginapos ang mga kamay at mga paa ni ate Nelly sa tulong ng kalalakihan sa ibang dorm. Dinala sya pabalik sa room #206 at dun nagsagawa ng pray over at kung ano-anong ritwal. Maraming beses na nakakalas yung pagkakagapos nya, tumatakas, nananadyak, at minsan pang nasakal ang pari habang may inuusal itong linya galing sa Bibliya. 

Natapos ang mahabang ritwal, hapong-hapo sa kawalan ng lakas ang kawawang si ate Nelly at sa wakas ay nakatulog sya sandali. Pagkagising ay tila galing sa mahabang paglalakbay, uhaw na uhaw sa tubig. Finally, wala na yung sapi. Tinanong namin kung may naalala sya sa nangyari sa kanya pero wala daw. 

Ayun sa pari, 2 masasamang ispiritu ang sumanib sa katawan nya, isang babae at isang lalake. 

Hindi kami nakapasok sa klase, hindi kami nakakain ng lunch at late dinner pa. Hindi kami nakatulog ng gabing yun, wag daw namin iwan si ate at baka balikan ulit. Hayyy! Isang linggong watak-watak kaming magkakaroommates, kanya-kanyang diskarte para makitulog sa ibang rooms, grabe ang epekto sa amin talaga. 

Gustuhin man naming isipin na panaginip lang ang lahat pero hindi e, masahol pa sa bangungot dahil pawang katotohanan ang nangyari. 


**w a k a s**


Maraming salamat sa mga nagbasa, nabitin at nagsubaybay!


Google photo

HAPPY HALLOWEEN TO ALL BLOGGERS!

Room #206 Part IV

Comments

  1. Ito ay isa sa diko malilimutang karanasan sa buong buhay ko, ang maka-witness ng sinasapian. Room #206 naging mas memorable ka dahil dyan, balang-araw ako'y bibisita't sisilip muli upang ika'y kamustahin ngunit sana wala na yung mga gumagambala sayo dyan. Ngunit kung nandyan pa din, aba'y sige exciting another horror adventure yan! LOL.

    ReplyDelete
  2. nakatakot naman ang exprerience na eto. Wala pa naman hubby ko. Buti na lang our God who is always with us is more powerful!

    ReplyDelete
  3. Ambilis part IV na pala sandali nagbackread read lang muna ko :)

    ReplyDelete
  4. nakakakilabot na karanasan yan... sana di na maulit....

    buti na lang nawala ang sapi... pray pray always para malayo sa ganitong kababalaghan..

    minsan mahirap paniwalaan pero nangyayari minsan sa tunay na buhay...

    ReplyDelete
  5. grabeh! horror nga hindi conedy, hindi na ako mamasahe sa norway lol.
    ang ganda ng pagkakasulat ng detalye ng kababalaghan at suspense - damang dama! ang hirap kayang mag sulat ng ganyan. effective ang sequel suspense. thumbs up!
    nakakatakot man pero gusto kong maka witness ng ganyan. basta wag lang ako yung sasapian ha. lol

    ReplyDelete
  6. @Joy Amen :) kaya don't be afraid, never be afraid po, God is always with us!

    ReplyDelete
  7. @McRICH haha buti nalang kompleto na lahat ng kwento at least maiiwasan mong ma-BITIN :D

    ReplyDelete
  8. @JonDmur Oo sa pagkakataong yun nawala, sana nga tuluyan na syang nilubayan ng masasamang ispiritu.

    ReplyDelete
  9. @Balut talaga lang ha MamaLut? Hehe salamat, ayan napangiti na ako. Di naman ako nahirapan medyo napressured lang haha! Sabi nga ni JonDmur sulat lang ng sulat, ayun ginawa ko nga kaya't himalang naisulat ko 'to, diko nga trip bitinin kayo sadyang mahaba o napahaba lang talaga ang pagkaka-kwento haha umabot pa ng part IV imagine! Di kaya... may kasama ako habang sinusulat ko ang kwento?

    ReplyDelete
  10. Kakatakot yun. Magpakita na sakin ang multo wag lang yung mga sanib.

    ReplyDelete
  11. di ko din alam gagawin ko sa pagkakataong yan baka tumakbo din ako shocks

    ReplyDelete
  12. uh-oh... creepy... ^^) well, lahat naman creepy sakin. duwag. haha. happy holloween!

    ReplyDelete
  13. @Archieviner Oo nga wala kang laban kasi di mo nakikita hehe

    ReplyDelete
  14. @Mecoy oo nga imbis na magdasal tumakbo nako katakot talaga mukha nya same nung nasa picture

    ReplyDelete
  15. @Virkky Mums Oo nga creepy.. ang picture ;)

    ReplyDelete
  16. skip read muna ako Gracie. Yung pag sta-stayan ko kasi sa Bicol trip ko sa January ay Sampaguita ang pangalan! Baka mabaliw ako dun! haha :)

    ReplyDelete
  17. Nakakaloka naman talaga to! Hindi ko siya gugustuhing ma-experience, kaloka! Kakaasar pag halloween ah, nagbabaliw baliwan na ako dito sa kwarto sa takot, haha!

    ReplyDelete
  18. So I read everything from part 1. Naiintindihan ko if you had to tell it in parts, mahaba nga naman yung story.

    It's creepy ah. Wala pa kong nakitang nasapian sa tanang buhay ko at sana naman wala akong ma-witness kasi siguradong di ko naman alam ang gagawin ko. Buti naman at naayos din ang lahat sa huli.

    ReplyDelete
  19. Scary! Yoko maka experience ng ganyan at medyo matatakutin ako e.

    ReplyDelete
  20. @Zaizai yung solo trip mo ba yun? Sampaguita tourist inn ba? I search on the internet medyo may nega remarks sya baka you can look for better place pa naman layo pa January.

    ReplyDelete
  21. @Joanne wag masyadong isipin mga yan hehe, si crush nalang isipin :P

    ReplyDelete
  22. @Marjorie Gavan Wow, natouch naman ako maraming salamat sa pagbisita at pagbabasa. Siguro okay lang maka-witness ang di kakayanin ay yung sasapian ka

    ReplyDelete
  23. @Bagotilyo wow dumalaw ang superhero, thank you at binigyan mo ng time dito ;)

    ReplyDelete
  24. @Anney hala matatakutin din ako e, pero naniniwala ako na kung sino pa ang matatakutin ay sya pa ang pinapakitaan totoo yan peksman!

    ReplyDelete
  25. Sinubukan kong basahin mula part 1 mula kaninang 3am, nang mag-isa sa kwarto. Wrong move! Di ako makatulog! XO

    Nice one pre.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  26. @Pareng Jay try mo ulit tanghaling tapat naman :)

    ReplyDelete
  27. waaah..katakot..ayoko ng ganyan..naka-witness na ko ng sinasapian sa school ko nung highschool. mga laman lupa daw na nabulabog namen nung nag-general cleaning kami..marami sila at halos 1 week kami walang pasok..pero hindi yun kasinglala nitong experience mo na nanghahabol at nananakal..grabe yan! buti kahit pano marami kayo...haaaaay....

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?