Room #206 Part III

Ito ay isa lamang sa mga kwentong kababalaghan na naranasan ko sa loob ng Sampaguita ladies dormitory.


Lakas loob na pumasok sa room #206 ang big sis namin, ito ay upang ipasuot ang rosaryo kay ate Nelly. Ngunit pagdampi palang ng rosaryo sa balat nito ay muli itong nagmulat ng mata at malakas na iwinaksi ang rosaryo na tumilapon palayo. 

Dinampot ang rosaryo ngunit naramdaman ni ate Irina (big sis namin) na bumangon si ate Nelly sa pagkakahiga at aktong bababa upang sugurin sya, pulang-pula ang kanyang mga mata at nanlilisik ito sa galit. Tila ipinapahiwatig nitong, ayaw na ayaw nya sa bagay na hawak ni ate Irina. 


Dahil sa tagpong iyon, dali-daling lumabas ng kwarto si ate Irina ngunit bago paman sya lumabas ng pinto, inihagis nya ang rosaryo patungo sa kinaroroonan ni ate Nelly. 

"Sa palagay ko, tila sinasaniban si Nelly ng masamang ispiritu, kailangan nya ng tulong..".

Ipinagbigay-alam ng big sis namin ang nangyayari sa aming dorm adviser at kaagad naman itong nagpatawag ng pari. 

Habang naghihintay ay nagkumpol-kumpol kami sa room #205, ini-lock namin ang pinto ng room #205 mahigpit na naghawak-hawak ng kamay, pikit ang mga mata at mataimtim na nag-usal ng dasal. Habang tinatawag namin ang pangalan ng Diyos, naririnig naman namin sa kabilang kwarto ang kalampag at kalabog ng mga gamit dun, paulit-ulit na sumasara at bumubukas ang pinto ng napakalakas. 

Iba-ibang boses ang tila naririnig mula kay ate Nelly, sumisigaw, nananakot at galit na galit! Nakakarindi sa pandinig, nakakatakot ang bawat boses na lumalabas sa kanyang bibig, nakakapangilabot ang bawat salitang kanyang binibitawan.

Nagtitilian at nagtatakbuhan ang mga ka-dormmates na nasa labas ng kwarto at nakiusyuso. Nakaramdam na din ang iba sa buong dorm, nakiusyuso, nakiramay at nakipaghiyawan sa takot. 

Si ate Nelly! Nakapikit itong naglalakad patungo sa kabilang kwarto kung saan kami nagdadasal. Nakapikit pero tila gising ang kanyang diwa, alam na alam kung saan sya tutungo. Patungo sya sa amin, susugurin nya kami! 

Mas lalong lumakas ang hiyawan at nagtakbuhan palayo ang mga nakikiusyuso sa labas. 

"Patuloy sa pagdadasal, walang bibitiw sa pagkakahawak!" Lalo pa naming nilakasan ang boses sa pagdadasal na lalong nakapagpagalit sa masamang ispiritu. 

Diyos ko! Nabuksan nya ang naka-lock na pinto sa di maipaliwanag na lakas nyang taglay ng mga oras na iyon. Napakaliit na babae, medyo payat ang pangangatawan, sino ang mag-aakalang mabubuksan nya ang pinto samantalang kahit 2 kalalakihan pa ang mag-attempt na buksan ito ay aabutin ng isang araw. 

Itutuloy. Promise last part na yung kasunod.


*****

Room #206 Part III

9 comments:

  1. Promise yan ha? Last part na lang hintayin ko! Lagot ka saken pag joke time ang ending, haha

    ReplyDelete
  2. Ayay! missed something here, hehehhe..buti naman at naka-concentrate pa kayo na mag pray kasi kung sa akin yan,iwan ko baka hinimatay na ako...

    ReplyDelete
  3. ha ha ha pareho kami ng feeling ni Joanne. Feeling ko talaga yung punch line kasing-lakas nung comment nya sa Sampaguita post ni super maryo - tawa ako ng tawa.

    Magkano ba pamasahe sa Norway pag nagkataon? ha ha ha

    ReplyDelete
  4. Bitin ulit! Nasasabit ako sa ending neto. Katakot. Baka joke ang ending ah. lol

    ReplyDelete
  5. shocks ang intense na eeh bitin katakot di ko naexperience yan

    ReplyDelete
  6. Hirap talaga pag may nasasapian... pero prayer talaga ang makakatalo... idagdag pa ang lakas ng loob...

    Mukhang kakaiba ang ending nito hehehe...

    Sa totoong buhay, kapag ikaw ang nakaranas ng ganyang kwento... nakakatakot talaga.. kasi di mo alam kung ano ang gagawin mo... minsan nakakalimutan mong mag pray...

    ReplyDelete
  7. @Mhie sila lang nakapagconcentrate noh maiihi ka halos sa nerbyos kapag naencounter mo mismo yun

    ReplyDelete
  8. nagtayuan ang mga balahibo sa left part ng katawan ko promise..buti na lang tanghali dito ngayon..

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.