Room #206 Part II

Ito ay isa lamang sa mga kwentong kababalaghan na naranasan ko sa loob ng Sampaguita ladies dormitory.


Nilagay ko ang butil-butil ng asin sa magkabilang labi nya, pero nakakadalawang patak palang ako, biglang bumangon si ate Nelly! 

Nanlilisik at pulang-pula ang kanyang mga mata! 

Hawak nya pa ang aking kamay! Nyaahh.. Inay ko po! 

Nagulat ako kaya tinabig ko ang mga kamay nya, umilag at kumalas sa pagkakahawak nya, diyos ko po! Muntik nakong mahulog sa gilid ng deck nya kung san ako nakaupo. 

Buti nalang naging alerto ako, bago paman nya nahablot ang pwede nyang mahablot sa akin, dali-dali na akong bumaba pero ambilis ng pangyayari biglang diko na namalayan kung paano nga ba talaga ako nakababa (kung nakalundag ba ako o sadyang nahulog) Kung nagkataong nahulog ako siguradong mapipilay ako o kaya baka mauntog at mabagok ulo ko sa semento mula sa pagkakahulog dahil medyo may kataasan yun. Siguro nga maayos at mabilis akong nakababa, hay iba talaga ang nagagawa ng adrenaline rush! 

Nakarating ako sa room #205 na humihingal parang anlayo ng tinakbo ko samantalang nasa kabilang room lang naman. Halos nandun na silang lahat na magkaka-roommates, pero sa room #206 ako at si ate Nelly palang, naiwan sya dun. 

Nagtataka ang lahat sa room #205, ano daw ang nangyayari bakit parang nakakita ako ng multo. Hirap akong makahinga, hirap akong mag-explain kaya sila na pinapunta ko sa room namin para malaman kung anong nangyayari. 

Dalawa ang pumunta para magcheck, sarado ang pinto pero tahimik naman daw yung room namin, nakahiga sa bed nya si ate Nelly at natutulog, di nila mahulaan kung ano talagang nangyayari at ganun nalang ang aking reaksyon.

Nang kumalma nako saka ko kinwento sa kanila ang nangyari. Sa wakas nagsidatingan na yung mga ka-roommates ko pati big sis namin pero walang naglalakas-loob na pumasok sa room #206. 

Napansin na din ng ibang rooms sa 2nd floor ng 1st wing na di kami mapakali kaya to the rescue na sila, yung isa nagsuggest na maglagay ng rosaryo sa tabi ni ate Nelly. 

Abangan ang part III hinati ko ulit sorry di magkasya mahaba talaga e. 


*****

Room #206
Room #206 Part II
Room #206 Part III
Room #206 Part IV

14 comments:

  1. Nakaka-pressure pala kayong bitinin, hayan mega dagdag-sulat kaagad ako kahit kakagising ko lang at dipa nakakapanghilamos haha!

    Yatap ako nito, si ate nilagay ko name nya.. diyos ko po, sana'y nasa mabuti sya ngayon.

    ReplyDelete
  2. Ikaw na ang reyna ng bitin. Kala ko di mo na kami bibitinin. hahaha. Nice post at pambibitin. :P Ipressure ka namin ulit para gawin mo na yung part3. haha

    ReplyDelete
  3. Talaga naman. Para kong nagbasa ng comics . Nakalagay: itutuloy
    Hi hi

    ReplyDelete
  4. Anobey Graciaaaa!
    Hindi na nga ako nag comment sa 1st post eh nambitin ka pa rin dito!

    Bitin! bitin! bitin! Pressure lol!

    ReplyDelete
  5. bitin na naman....parang installment lang...hihihi...moooore!!! Kidding!


    xx!

    ReplyDelete
  6. hihintayin ko muna yung last part bago ko basahin to para di ako mabitin hehehe...

    ReplyDelete
  7. nabitin yata ako hehehe pero dahil diyan inaabangan ko na ang next part...

    Minsan ganyan talaga.... may mga bagay na mahirap i explain... minsan nga mahirap patunayan na nakaka ranas ka ng ganyan.... lalo pat hindi naeexperience ng iba...

    Ano na kaya mangyayari sa kwentong ito hehehe abangan ko....

    ReplyDelete
  8. Exorcist ba ito? Ang tagal nman ng kasunod magpapasko na eh oh! ( demanding churi)he he

    ReplyDelete
  9. Puro kayo bitin :P Mukhang isa lang yata ang nagbasa.. hahaha

    ReplyDelete
  10. Sinapian si ate nelly? hindi pa ko nakakita ng ganun at ayoko rin namang makakita, di ko keri!

    ReplyDelete
  11. ala intriguing si ate nelly anu nga kaya nang yari?

    ReplyDelete
  12. @Joanne First time ko nga e, dati kasi di ako naniniwala sa mga sapi na yan until dalawang mata ko na mismo nakakita sa aktwal na pangyayari.

    ReplyDelete
  13. humaygash! hindi pa rin alam ang nangyari kay ate..parang pareho lang ng comment ko sa una hehe..next na nga ulet...katakot!

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.