Rant Post, Beware.

Sensya na guys medyo lutang ako sa sabaw kaya puro kasabawan 'tong mababasa nyo, ano pa nga ba e di ang takbuhan ng mga gustong may maipost ngunit walang masyadong maisip na topics o sabaw ang utak na tinatawag nila kaya kung anik-anik nalang tulad ng - random post o pwede ring tawaging rant post. 

Pero bakit random post na nga, ang hirap pa din mabuo? Hay...

1. 1 day nalang ang paghihintay ko na muli kong magamit ulit ang aking telepono. 6 days ago kasi nagpalit ako ng mobile network, from telenor to tele2 kaya isang linggong tiis, parang one week no mobile phone challenge lang ang peg! Tuloy sinisisi ko ang autumn/fall season sa aking pagkabagot at pagkalungkot sa mga panahong ito.

Matatandaang umorder ako ng smartphone last year at 12 months ko itong pinagtiisan, pinikitan habang pakonti-konti hanggang palaki ng palaki ang telephone bills ko na bihira naman akong magtext o tumawag gamit ito ngunit bakit ganun na lang kalaki ng bayarin ko? May limang beses pa nga na bago pa ako abutan ng maturity date ay nagbabayad na ako, pero pinapadalhan pa din nila ako ng notice kesyo di pa daw ako nagbayad at kelangan magbayad ng penalty. May mga proofs ako dahil bawat bills ay sinusulatan ko ng "paid" at corresponding date kung kelan ako nagbayad, lahat naka-dokumento kaya may laban ako if magreklamo ako. Pero pinili ko nalang manahimik, tiniis ang 12 months para sa isang makabagong telepono na una kong tikim at unang naging akin. LOL.

2. 1 year mahigit na akong nagwowork sa isang health institution, di man kalakihan ang aking porsyento at ang aking sweldo, medyo masasabi ko naman na malaki din ang naibabahagi ko. E ano ang problema ko? ID, yun lang naman ang kelangan ko. Ang hirap kayang pumasok ng wala kang "susi" lagi kang nakaabang kung bukas o may magbubukas sayo ng gate. Lalo na ngayong taglamig na, ang hirap kapag nakatayo ka sa labas at nagmamakaawang buksan, saklap.

3. Kapag may time ako, pinipilit kong lumabas kahit malamig, maglakad o kaya magbike, kumuha ng litrato o magnilay-nilay lang kaso totoo nga yata ang kasabihang "Autumn is depressing.." 

Conversations between me and a brasilian friend: 
Her: Not because it is gray and dying tress, you must not get sad.
Me: Yeah, thumbs up for liking the autumn.
Her: I'm just being sarcastic.. I don't like autumn either but I cope it up with coffee or tea, movies and books.. Besides xmas is fast approaching cheer up!
Me: Xmas? Oh com'on, that's way more depressing.. now I'm fainting!
Her: Shut up :D :X 
Me: No way :P :D

That's how our kulitan goes and we really miss the gang.

30 comments:

  1. 1. E bakit naman ganun yun mobile provider mo dati! Buti nakapagpalit ka na..

    2. Haggard nga pag walang id at walang access, haggard mag-wait in vain pag may snow na..

    3. Depressing ba talaga pag malamig na? Siguro nga.. Pero like ko yung colors pag autumn, kaya mag-pictorial ka nga lang at i-share mo samen..

    Cheer up my dear mare! Mwah!

    ReplyDelete
  2. Here's my GV. Autumn is depressing talaga? gusto ko maranasa ang autum wag lang ang depression :) Think Positive! Cheer up nga sabi ni Ms. Joanne :)

    ReplyDelete
  3. Yes, it can be depressing gracie, that is why i make myself busy with reading, handcrafting, hearing preaching from the internet. And blogging makes my life colorful. You are a cery good phitograher. Hope you shsre your pictures with us:)
    Hirap pala sa work mo no. Close ang pinto. Dito kasi binubuksan na pag datingan na. Anyway, may susi ako sa aktivitetstue where I work, so det er en fordel.
    Good luck to you Gracie. Dont be depressed. See the bright sides of life.

    ReplyDelete
  4. na kaka teleserye namn ang script unang tikim unang naging akin haha
    tama ung nka organize ung bill files mo

    ReplyDelete
  5. winter? wala ka pala sa pinas pano mo make-claim yung prize mo saken?

    anyways, i love winter and i dont know that it can be depressing hehe..pero keber na nga lang im sure there are more other ways to enjoy winter.. smile :)

    ReplyDelete
  6. Gusto ko naman ang autumn! Wish ko nga may autumn dito sa pinas e. I love the colors of fall!

    ReplyDelete
  7. ako rin ayoko ng autumn. =.="

    winter rocks! tsaka spring? hmmm...

    ReplyDelete
  8. 1. hassle naman ng pagpalit ng phone..sa Globe ka na lang, mabilis lang Gracie :)



    2. grabe ang tagal naman ng ID! Baka imported from Japan kaya katagal bago ka magkaroon!


    3. na imagine ko nga na nakaka depress ang autumn..pero imagine lang, di ko naman kasi sya na e-experience. ok lang yan, picturean mo na lang ang eksena ng autumn at share mo sa amin :)


    Hugs Gracie! Sending you warm love from the Philippines! :)

    ReplyDelete
  9. grabe yung dati mong mobile provider ah. super daya.

    medyo nakakasenti nga yung autumnk kahit na di pa ako nakarating sa isang lugar na may ganung season haha

    magdemand ka na ng ID sis. mahirap yung ganyan.

    ReplyDelete
  10. @joanne
    1. Ano pa nga ba, e parang aso't pusa lang yan, parang globe at smart, parang si.. echos stop na :D
    2. Di lang haggard dahil talagang puputi ang hindi puti sa katawan mo haha.
    3. Sabi ko sayo palit tayo e para maranasan mo hehe, pero hindi ang malamig ang depressing, saka mo makikita yun pagnagkalakas loob akong ipost autumn/fall photos ko.

    Thanks Marj for always putting a smile on my face, mwah!

    ReplyDelete
  11. @Archieviner Talaga, wala ba dyan san ka ba base?

    Ang autumn maganda yan.. sa simula at para sa baguhan palang. Sa photos maganda rin siempre colorful e. Pero Habang ikaw ay nakatira dito naglalaglagan yung mga leaves nakakalbo na yung mga trees kasi parating na yung winter. Since sobrang lamig dito, wala kang makikitang mga tao sa labas kaya sa bahay ka lang after o walang work, yung friends malalayo kasi here. Thanks ha, always positive naman ako e this time lang talaga medyo na-down.

    ReplyDelete
  12. @Joy
    Agree ka mommy Joy, actually marami akong gagawin at gustong gawin both sa bahay tsaka online, grabe buti nalang medyo busy ako pero pagmay konti akong time nag oonline ako checking emails at dalaw sa website ko. Bloghopping diko masyado nagagawa, jeg føler meg utslitt. Nag mase na ako about sa ID grabe lang. Thanks mommy Joy, klemmer!

    ReplyDelete
  13. @Mecoy Hahaha nagfocus ka dun. Yes under my table and drawers organized pero sa ibabaw ng table nagkalat ang ibang stuffs.. ako ang hindi organized LOL. Parecoy salamat.

    ReplyDelete
  14. @Pink Line ah autumn palang sinabi ko hehe, wala pa tayo sa winter sis. Oo tama daming dapat ienjoy at ilookforward pagdating nitong seasons lalo magpapasko nga sabi ng friend ko. After 5 years now ko lang naman naranasan to sis, so depende yun.

    Teka, ako nanalo? Wow. Pero sis try ko lang yun if tama sagot ko, siempre yung next saken syang winner mo kasi wala naman ako sa Pinas. Ingats

    ReplyDelete
  15. @anney oo nga e dapat maexperience mo yun sis.

    ReplyDelete
  16. @Zaizai
    1. Hehe Globe roaming akech.
    2. Oo nga e at naanod ito ng flood nung kasagsagan
    3. Sarap tignan siempre ang photos ng autumn kasi colorful.. pero pag gray at dying trees na ipakita ko ano kaya zey nyo?

    Thanks so much Zey hugs you so much!

    ReplyDelete
  17. Ahh phone naman pla ang salarin @Balut false alarm no need ng kiss-pirin ha ha! (Just kidding)

    1. I feel ur pain sis dito sa US network provider is the worst company to deal w/ next to cable. But we have no choice we need phone :(

    2. Ha ha mag apply ka na rin kcng security guard para u have the access. Ikaw rin magpapasko pa naman dagdag kita rin yan he he!

    3 Huwatttttttttt!!?? U hate fall season? Ano na lang ang winter sau summer he he! Above all i hate the winter more. Wearing 3 pieces of clothes +coat+ boots so heavy-gat kaya. Smile kna wear ur sweater na lang ang hug kay fafa para uminit pakiramdam mo he he.

    Question Mam Garci? Ang mga brazillian ba talagang mga sexy? As in vavaboom? Curious lng he he

    ReplyDelete
  18. @Leah kailangan bang itanong yan? sige abangan mo sa twitter nalang hahaha.
    Sis nag-uupgrade ang aking hateness haha, dati sa winter ako galit ilang beses ba namang ilampaso ang aking butt laging bopol di kasi marunong dati maglakad sa snow. Honga bat diko naisip yun, makapag-apply nga bilang security guard, sigurado di ako tanggap kasi wala namang secu sa work ko hahahaha. wala lang!

    ReplyDelete
  19. Nas New Caledonia ako. Parang Pinas lang din ang clima dito. Mainit nga lang ngayon. :)

    ReplyDelete
  20. @Archieviner oo nga tropical climate kayo dyan pero bongga french ang language gamit nyo? mukhang ang gaganda ng beaches dyan boarder ng pacific ocean..

    ReplyDelete
  21. oo. bonggang french ang language dito. Tama ka daming magagandang beach dito.:)

    ReplyDelete
  22. Buti dika nosebleed dyan hehe, dito norwegian ansakit sa dila hahaha. dito pa talaga tayo nagchat ane? may twitter naman friend kaya kita dun.

    ReplyDelete
  23. Sanay narin ako. At gusto ko duguin. lol Mukhang mas nakakadugo ang norwegian. Dugo hanggang tenga. lol
    oo malaking tunglong ang twitter pang alis homesick. Nagfollow back ako sayo :)

    ReplyDelete
  24. Pati uttak dugo-dugo e, as in lang after ng work ko imagine mag-oonline ako, minsan magrarant post sa wall ng fb o twitter kasi feeling ko maduduwal nako puputok na utak ko at lalabas ang dugo sa kaka-explain at chika ko in norwegian w the patients LOL, kaloka bloody topic ito pang halloween!

    ReplyDelete
  25. Tapos aagos ang dugo. Yung tipong isang timba na. puputok ang mga veins. Ilalagay sa freezer. gagawing dinuguan. Ewww.. lol Happy eating este halloween. lol

    ReplyDelete
  26. O my gas ka :D perfect topic sa madaling araw masarap yang breakfast LOL.

    ReplyDelete
  27. Ay sorry. Tanghali kasi dito kaya ang lakas ng loob ko. hehe. Good night

    ReplyDelete
  28. So eto pala ang pinag-uusapan natin sa chwirrer ni @Leah. Sensya naman at sa mobile lang ako nakisawsaw now lang nakabukas ng laptop at nadito pala ang rant lol.

    yung one year na hassle sa phone ok lang sakin. pero yung sa ID/susi hindi ko keri. malamang sundin ko yung advise na mag-apply ng sikyo ha ha ha genius ka @Leah!

    Naaliw naman ako sa chat nyo ni Archieviner - ang dugo! kumakain pa naman ako waaah :(

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.