A Glimpse of LOFOTEN

This year's highlight tour naming mag-asawa ay ang Lofoten. Sobrang espesyal bukod sa kami lang dalawa at walang kung sinong Pontius Pilate na kasama ay mas naenjoy namin sobra ang company ng isa't isa. Safe at masaya ako pagkami ni hubby ang magkasama sa biyahe at masayang nagliliwaliw sa ibang lugar, pero hindi ito basta-basta ibang lugar. Napaka-espesyal nito dahil nasilayan at naranasan ko ang mala-paraisong lugar ng aking si Adan, este ng aking si Pedro. 


Since wala nga akong camera - DSLR man o compact cam ay wala, tanging smartphone lamang na may 7 mpx na cam lang talaga ang aking sandata na pinagbabawal pa habang nasa himpapawid ka, nagkubli ako sa  malapad na likod ni Pedro, binuksan ang sabik na camera ng aking telepono at malayang itinutok sa napakagandang tanawin sa labas ng bintana. Click! Isang pindot lang ngunit ingat na ingat ako, mabuti nalang at walang tunog ang flash nito kaya safe ako. Solb!



Pagkatapos ng mahabang paglalakbay, more or less 7 hours eto't narating na nga namin pareho ang heaven este  ang paraiso kung saan ipinanganak itong si Pedro. Ang sarap pagmasdan mula sa himpapawid ang mga luntiang kapatagan; ang napakalinaw na karagatan at malapulbos sa puti at maninipis na buhangin na nakapalibot nito; ang matatayog na kabukiran na sa tuktok nito ay pwede kang maglaro ng basketball, patintero o kaya luksong-tinik; at ang makapigil hiningang tanawin ng matitirik at matataas na fjell na nababalot ng snow ang dulo.

Lofoten Airport
In Lekness, Driving To Ballstad.
Pagkadating namin ng Leknes, sinalubong kaagad kami ng anak ng pinsan ni hubby. Ang nakakatawa di nila kaagad narecognize isa't isa, ang dating mga macho ngayon ay mga machogagang tagapangasiwa sa bahay :D Okay kaba tyan? :P


Dito kami maninirahan ng ilang araw? Wow. Bungad pa lang ng tahanan na aming tinuluyan ay talagang maaliwalas at kaantig-antig na. Ano pa kaya sa loob nito? Nasa likod pa nito ang fjell na sadyang mapapabuntunghininga ka sa kakatitig, promise. 



2-storey ang bahay, napakalaki ngunit dalawa lang silang mag-asawa ang nakatira dito, sa taas sila at sa baba naman ay okupado namin - may katamtamang laki ng sala at may mga bintanang tila nagsisilbing frame ng obra maestrang likha ng Panginoon na makikita sa labas nito. 

Ballstad Slip


Pagkatapos ng masarap na hapunan at kwentuhan ay napagpasyahang maglibot-libot. Sa wakas nasilayan rin ng mapupungay kong mga mata (charot) ang mga tanawing dati-rati ay sa TV at film ko lang nakikita.

A house built and owned by Per years before he decided to transfer to Vestfold, Norway. 

At siyempre di mawawala ang pinaka-highlight ng gabi, ang ubod ng ganda at di malilimutang unang karanasan ng pagsikat ng araw sa hatingggabi o "Midnight Sun". 

O kayo, chika nyo nga yung first time nyo dali hehehe! Anyway, sana di kayo nainip maghintay sa Lofoten post ko pasensya sa sobrang delay.. hanggang sa muli po.

18 comments:

  1. Ibang level ang midnight sun, ang ganda! At naalala ko sa bundok yun alps sa heidi dati, haha.. ang cozy nun bahay.. inferness sa phone cam mo, ang linaw ah.. na-miss ko ikaw mareng gracie at ang mga banat mo, haha! part1 to so for sure may part2?abangan ko yan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yez mareng joweiyne may part 2 por syur, parang installment lang lol. Salamat sa walang sawang pagdalaw, sa susunod magdala ka naman ng snacks hehe.

      Delete
  2. wow ang ganda dyan :) salamat sa pics at nasilayan ng aking mapupungay ding mga mata (pareho tayo) ang Lofoten. Ang ganda ng midnight sun! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga mapupungay din ang iyong mga eyes? Ay so di pala ako nag iisa lols. Teka kelangan ba talaga sabay kayong magcomment ni marse mo hehehe, huhulaan ko magkatabi lang desk nyo sa work ano? Anyway san na tayo? Ah midnight sun, oo expectacular talaga! Ay spectacular pala. Fantastic nalang wag mo na itanong meaning ng spectacular :p

      Delete
  3. WOW! ang ganda ng midnight sun, wow talaga! sana ma-experience at makita ko din ang midnight sun na yan (nagpaparinig?!? hehe...). sulit ang paghihintay Gracie, ganda pala talaga ng lofoten, at tama ka nagmistulang frame nga yun window, ang ganda. at ang ganda din ng bahay ni hubby ah, binenta na nya ba yun? sayang, maganda sanang bakasyunan nyo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. O diba agree ka dyan hehe. Oo binenta nya lahat ng ari-arian nya before sya lumipat dito sa Larvik, sayang nga e. Kaya hanggang tingin nalang kami nung nandun kami. Sana nga biglang magkatotoo ang wishes mo at magkita at magkabonding naman tayo dito noh!

      Delete
  4. ang ganda pa rin ng kuha mo kahit cam phone lang. super ganda ng midnight sun super super super!=D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga salamat, mas maganda yan pagpinalitan ko ng lens hahaha biro lang po.

      Delete
  5. nakakabusog sa mga mata :) hangsaya siguro ng feeling pag nakapunta dyan :) very dramatic ang midnight sun :) hay... kung nakakalipad lang ako hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi mo pa di magkamayaw talaga sa sobrang saya, pero sa part 2 ako di mapakali diko alam kung maluluha ako o matutuwa.. hay basta hehe. Oi tara let's samahan moko lumipad hehehe may oil ka ba dyan na pwedeng ipahid? lols biro lang po. Salamat napadaan ka, daan ka ulit bukas ha dito kana maghapunan kung gusto mo :D

      Delete
  6. Wow at last, nabuhay ka uli gracie. Really miss your funny and exciting post. Nice to see lofoten. Di pa ko nakapunta dyan. Gleder meg til neste post. Kos deg med pedro og jeg med min roar. Hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha parang holy week lang ano, may pagkamatay at pagkabuhay hehehe, sorry po Lord! Hehe, hils til din Roar.. binyagan natin name nya mommy joy? ehehehe rawwwrrrr! lols

      Delete
  7. Ang ganda! Sulit ang paghihintay ng lahat sa post na ito! At ang midnight sun... Wow! Breathtaking talaga! More!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmp as if naman naghintay ka? Ahihi joke lang. Busy ka kaya sa adventure nyo, ikaw na ang may social life and everything.. idol!

      Delete
  8. Replies
    1. Saang dyan? Okay ka ba tyan? Ehehehe.. MEcoy, ang bago kong paboritong artista ehehe, la lang nabasa ko lang slumbookss mo na nakalagay gusto mo mag-artista - go!

      Delete
  9. again... you're living in a postcard :)
    grabe ang ganda sama naman dyan! super like ko yung "window portrait". kung ako nandyan siguro lagi akong nakatanaw sa bintana he he...

    at salamat naman at nag post ka na sa wakas. post na ang part 2 dalii! (he he demanding)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung pwede lang sama ko na kayo lahat dali kaso kelangan magbenta muna ng laman hahaha para malibre ko kayo sabi pa ni idol Mc. Ako nga e, gusto kong nakabukas lang yung bintana at nakaharap kahit matutulog na kami pero ayaw ni hubby kasi sobrang liwanag buong magdamag, e ako nakakatulog naman ako hanggang mapagod sa kakatitig sa labas ng bintana. Try ko hehe

      Delete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.