Geek Porn

Unboxing muna tayo guys. Teka bakit nga ba unboxing ang tawag dito? Kung nanonood kayo ng mga video sa youtube about sa mga nabibiling hi-tech gadgets o kung anik-anik lang na consumer products tapos kukunan ng video habang binubuksan, yun unboxing na yun. Unpacking o opening meaning nun. Ang makabagong label naman nito ay tinatawag na "Geek Porn".


Yung unboxing + review naman ay yung nagnanarate sila at ini-explain nila isa't isa ang features o kung ano ang nilalaman ng box nila. Pwede ring kung pano gamitin yung product, ano ang advantages o disadvantages para ma-guide yung iba if maganda yung produkto o hindi atbpa. So far, yung unboxing ko, pagbukas lang talaga ng boxes hahaha nahihiya kasi akong magsalita sa cam e. Bukod dun, di ako marunong mag-explain kaya silent unpacking lang.

Eto yung unboxing ng latest gadget ko. Sana di kayo mabitin hehehe.


video

Alam nyo ba na ang oldest video na ni-upload sa youtube gamit ang "Unboxing" ay noon lang June 12, 2006. Unboxing ito ng isang smartphone - Nokia E61. Doon nagsimula at naging trend ang "Unboxing". 

Eto yung link kung gusto nyong makita ang video na sinasabi ko. 

Link: http://www.youtube.com/watch?v=uJAYO0gxpdY

Kayo na-try nyo naba mag-unboxing? Kung dipa, try nyo na at maki-trend na rin ng Geek Porn :)

Comments

  1. Huwaw!!! may camera ka na madam!! bongga! ang creepy nun vid saken, haha, tinatakot ko sarili ko, feeling ko kasi may manggugulat, haha, adik lang.. dapat pinarinig mo na kasi ang mala-anghel mong tinig e! unboxing pala tawag jan, lol. congrats marse! more pics, more fun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha nasobrahan ka ata sa kape mareng jo. Hehe now you know :)

      Delete
    2. hindi naman, may hangover pa sa horror movie! yaman mo talaga mare, lol

      Delete
    3. Mayaman sa utang hehe wala nga ipon e. Basta hardworking lang marj. Bet kita kasama sa horror movie haha

      Delete
  2. wow bagong camera! ang saya ng idea ng unboxing - dahil masaya ang feeling ng pagbubukas ng bagong gamit, perfect na ma-capture mo ito. anyways, pasyal ulit kayo para more pics agad using your new cam :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga good vibes, kahapon joyride kami kaya dami kong amazing shots hehe charot!

      Delete
  3. wow "you already!" kainis nga lang nag headset pa ako eh tipong silent movie naman pala lolz.

    I agree with Juana, ang "susping" naman nung unboxing ang landi lang naman kasi nung kamay padahan-dahan pa he he. feeling ko din may lalabas na halimaw aha ha ha.

    kelan ba ako mapi-picturan ng hi-tech na yan ne?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha nalandian ka sa kamay ko? Owemgee. Binigyan nyo ko idea, sige next time meron ng lalabas dapat full volume ang speakers nyo ha? ;P

      Delete
  4. akala ko kung anu na ee haha nice nice nmn pla

    ReplyDelete
    Replies
    1. O diba ako lang yata ang merong unboxing sa blog ko hehehe.

      Delete
  5. wow, ang galing mo dearie my bagong toys ka ...bilib naman ako sa title mo hehhehe...akala ko kung ano.bwahhahahahha....can't wait to see some of your photos....pang prepare na yan sa France holiday, yehey!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akala mo ano??? Geek Porn...ography? Hahahahaha!

      Delete
  6. wow. grandma learned a new word. Hi hi. gratulerer med nye camera. Can't wait for your awesome shots:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po. Katas ng feriepenger hehehe.

      Delete
  7. WOW!!! Nakakainggit, may bago na ulit syang camera! Balik na ulit ng lofoten at ulitin ang photo session dun, haha. At post na agad ng bagong pics, saka yun may mga tuturials esp. macro photog, galing ng mga kuha mong ganon eh. :) Congrats gurl, good vibes na lagi ang tweet ha, may bago ka ng libangan ngayon eh. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha napangiti moko kanina sa work bigla kasing nagring cp ko ng magcomment ka nainspire tuloy ako at tama ka gustong gusto ko bumalik sa Lofoten! One of the reason bakit ako bumili ulit kasi nainis ako smartphone lang dala ko :D

      Delete
    2. hahaha, at ngayon ko lang napansin, ang galing ko sa spelling, *tuturials*, tsk!!

      Delete
  8. At di daw gumagana ang reply link..hehe! @Gracie: o diba, at least ngumiti ka. Pantanggal ng stress yan bago toy mo, kaya kapag nai-stress ka na, labas ka lang at mag-picture-picture. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gumagana kapag sa fon gamit gaya ngayon.

      Delete
  9. Ang sosi! Kumpletos rekados! may photoshop pang kasama!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sale kasi yan kasama lahat hehe yung photoshop sayo nalang diko ginagamit e ;)

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?