Kababata

Nung maliit pa ako naaalala ko may closefriend ako, lagi ko syang kasama at kami lagi ang magkalaro. Nakatira kami sa iisang bubong noon pero parehong nangungupahan lang, sa ikalawang palapag sila habang kami naman ay nakaukupa sa unang palapag ng bahay doon sa probinsya ng Samar.  

Kalaunan nakapagpatayo kami ng sarili naming bahay at sila naman ay nagbabalak na ding lumipat ng ibang tirahan noon kung saan 30 minutong biyahe ang layo mula sa lugar namin. 

Sobra akong nalungkot nung magkahiwalay yung landas namin. Hindi ko naintindihan kung bakit nung mga panahon na yun kelangan magkakalayo gayong masaya naman lahat at nagkakasundo. Pero yun lang ang alam ko bilang musmos. Malay ko ba.


Sa bawat paglipas ng araw at gabi, iniisip ko sya. May mga tanong na sumagi sa isipan ko at naghanap ng mga kasagutan.

1.Nasaan na kaya sya? 
2.Naaalala pa kaya nya ako? 
3.Ano na kaya hitsura nya ngayon? 
4.Naaalala pa kaya nya yung childhood moments namin?
5.Nalungkot din ba sya nung maghiwalay kami?
6.Nagkaroon ba ng pagkakataon na nangarap sya na makita nya ako kung saan by coincidence?
7.Ano kaya reaction namin pareho if magkita nga kami?
8.May communication ba yung family nya sa family ko?
9.Nagkikwentuhan ba sila about sa amin?
10.Bakit wala akong narinig mula sa family ko about sa family nila lalo about sa kanya?
11.Bakit kasi wala pang computer at cellphone noon eh di sana naging textmate nalang kami?
12.Sabagay uso na nga landline noon eh kaso wala eh mahirap lang kami kaya di afford magpakabit. 

Highschool, nag-enroll ako sa isang public school at naging bedspacer ako kasi malayo ang isang oras na biyahe mula sa probinsya namin. Kahit that time, ni-wish ko talaga sana pareho kami ng school, na sana magkatagpo ulit kami. Siguro kahit di ko sya maging classmate basta makita ko sya. 

Isang araw nakasabay ko sya sa bus! Anlakas ng kutob kong sya yun. 13 years old na kami pareho, magkasintangkad, parehong payat pero mukha syang bombay at ako naman ay mukhang siopao kasi bilugan ang mukha. Ibang uniform ang suot nya, blue dress, pangmayaman, pangprivate school habang ako maroon skirt at white blouse, tipikal na uniporme ng taga-public school. Antagal ko na palang nakatitig sa kanya, mukhang una pa lang napansin na nya kaya naman nailang siguro kaya tumalikod. 

Sa tagpong iyon nakabuo ulit ako ng mga tanong.

13.Namumukhaan kaya nya ako?
14.Siguro mahina memory nya kaya di nya makikita resemblance kung ano itsura ko noon at sa kasalukuyan.
15.Imposible naman, eh bakit ako tandang-tanda ko at anlakas ng instinct kong sya yun?
16.Baka naman familiar sya sa akin pero pareho sa akin di rin sigurado?
17.Eh bakit di nya try ngumiti o kaya magtanong?
18.Ako uuna? Yoko nga mahiyain ako eh.
19.Siguro nga nahiya din sya o siguro suplada lang?
20.Okay, hindi sya yun! Erase, erase, erase. Period. 

Dumating ang year 2005 fiesta sa amin, two years bago ako nabigyan ng chance makapag-abroad, pinuntahan ako sa house by surprise kasama nya mama nya. From there nasagot ilan sa mga katanungan ko. Nahiya pa akong humarap sa kanya pero kalaunan lumabas din ako ng room ko at nakipag-usap ng konti. Sayang effort eh nagbiyahe pa yun then another purpose nya was magpaalam din since magma-migrate na silang lahat that year to US. So happy for her, she and their family deserve it.

Hay nakaka-touch diba? Kayo anong karanasan nyo nung kabataan nyo? Meron din ba kayong naging childhood friend?


“You can go through life and make new friends every year - every month practically - but there was never any substitute for those friendships of childhood that survive into adult years. Those are the ones in which we are bound to one another with hoops of steel.” -  Alexander McCall Smith

16 comments:

  1. Nun bata pa ako, 2 lang kaming mag-pinsan na babae kaya kaming 2 yun lagi magkasama, kaya lang nun 10 na ko, lumipat sila ng Laguna, kaya all by myself ang drama ko sa paglalaro, haha.. Hindi na kami gano close ngayon, nagkakahiyaan na..

    In fairness dun sa kababata mo, nagpaalam pa talaga siya before umalis..

    ReplyDelete
  2. sana kung ngayon lang nangyari to, kahit bata pa kayo pwede kayo mag text or fb, e dati wala, chambahan lang para magkita kayo ulit. buti nagka chance na magkita kayo ulit :)


    ako walang childhood friend, puro kapatid at pinsan. bawal kasi lumabas ng bahay baka daw kunin ng intsik at gawing vetsin! haha

    ReplyDelete
  3. wala akong matandaang childhood friend sa lugar namin pero namimiss ko yung bestfriend ko nung elementary. nung naghigh school kasi kami nawalan kami ng communication at ayun di na kami ganun kaclose.

    ReplyDelete
  4. hay... naalala ko rin tuloy yung mga close kababata ko, pero never ko na talaga sila nakita... sana makita ko rin sila soon...

    ReplyDelete
  5. oo nakaka-touch kwento mo Gracie...

    napansin ko lahat ng naging close friends ko from my younger years nag-migrate sa ibang bansa...

    while ako walang plan to live somewhere else kahit may opportunity... so what happens is that I'm always around if they decide to come home for vacation and it's up to them if they will go looking for me for catching up. If they do, I always accommodate them, sometimes even filing for leave from work just to spend time with them...

    ReplyDelete
  6. @Joanne oo nga Marj nakaka-touch yung ginawa nya. Now she's married na rin at may isang anak na sya, ka-fb ko sya pero parang wala rin.

    @Zaizai ahaha naalala ko tuloy nung kabataan ko din bawal lumabas kasi pupugutan ng ulo at yung dugo ay iaalay dun sa San Juanico Bridge sa Leyte toinks! Pero kahit anong pigil e nagpupumiglas lumabas tumatakas :P

    @Superjaid isa lang masasabi ko friendly kang tipo.

    @Jep Buendia siguro naman naaalala mo pa names nila? try mo hanapin sa social networks.. good luck at salamat nakita ulit kita dito sa lungga ko.

    @Balut Mga bongga ang iyong mga close friends kasi lahat nakapag-abroad pero mas bongga ka kasi you seem such a loyal friend and very nationalistic to our beloved country. Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  7. Feeling ko nung bata ako lahat kaibigan ko, iba-ibang level nga lang, pero meron isa na akala ko eh kontra sa kin pero nung nagkita kami na malaki na at may isip, na-realize ko na ok pla sya, parang di kami nag hiwalay ng matagal sayang lang at nawala ko # nya, nadukot kase cel ko, hays kalungkot. Try ko fb pero di ko sya mahanap, hays sayang talaga. :(

    ReplyDelete
  8. Maybe matagpuan mo sya pag i google search mo Gracie. About me, la kong contacct mga childhood friends ko ngayon, pero I rememeber them once in a while. But I gained more friends now especially in blog world, and believe it or not na addict na ko sa inyo. Hi hi

    ReplyDelete
  9. @Tal wow another friendly type. Magkikita din kayo soon Glen, yaan mo pray ko yun for you :) Ako naman tahimik at mahiyain talaga lalo nung kid pa kaya napapagkamalang suplada. May isa nga nagme-make face pa aktong nang-aasar gaya-gaya lang ako. Then last week in-add ako sa fb, in no time nakita ko kaagad friend request sobrang gulat sya ambilis ko daw, e malay ko ba nagkataon lang na online ako e usually kasi it takes weeks or motnhs before i can approve requests dahil sa dalang na pag oonline o kinikilala ko muna sino add saken. Nagthank sya and asked if i remember her, siempre sabi ko i told her about nung kids pa kami kaso di nya maalala. So sabi ko okay let's forget it, ang importante yung present :)

    ReplyDelete
  10. @Joy magka-fb po kami mommy Joy so updated po kami sa buhay-buhay pero no private messages puro likes at taggings lang po.

    Bilib po ako sa dedication nyong magsulat at mag-update ng blogs nyo, at yun ang hinahanap ng mga readers at co-bloggers like me. Keep it up po. And believe it or not, addict din kami sa iyo! :D hugs

    ReplyDelete
  11. madame kame nakalaro noon ng kua ko peo mas madalas kaming dalawa lng haha

    ReplyDelete
  12. hehehe,natawa ako sa linya mo "sya mukhang bombay at ikaw mukhang siopao" grabe ka talaga mag describe my dear....

    about sa akin,nagkikita pa rin kami ng closed friend ko noong elementary ko the same school pa rin kami hanggang high school except noong ng college kami kasi Catholic School ako pinaaral ng parents ko-sunod ako pala ang demonyeta sa aming grupo.lol.

    ReplyDelete
  13. @MEcoy advantage talaga ng may kapatid at kuya. Ako din dati no choice minsan pagbawal lumabas kuya ko kalaro ko kami kasi magkasunod.

    @Mhie Lee ikaw lang nakapansin hehehe ang bagsik e noh? Ahehe wala naman sa itsura mo demonyita, super mommy at super wifey ka nga e.

    ReplyDelete
  14. bigla ko tuloy namiss ang kababata ko na bestfriend ko... klasyment kami nung elementary and after graduation nagkahiwalay na kami ng landas, nung una nagsusulutan kami gang sa biglang nalang tumigil..ewan ko kung bakit..nawalan na ko ng balita sa knya at dahil sa fb, nakita ko sya.. last january kami ngkita nung binyag ng anak ko...after 15 years nagkita rin kami at nakapag usap...
    sarap balikan ng nkaraan...

    ReplyDelete
  15. bigla akong kinabahan sa "nagsusulutan" hehe joke lang po i know typo. you're one lucky kid na nakahanap din ng bestfriend nung childhood days mo, sarap ng feeling may ka-partners in crime ka :D

    ReplyDelete
  16. ngek, nung 19kopong-kopong pa yun gurl, di na ngayon, masungit nga daw ako eh, hehe!

    ReplyDelete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.