Gracie On Vacay

Hvordan har du det? (Kumusta na?) Sana okay lang kayo dyan at patuloy na dumadalaw sa aking tahanan na walang hagdan hangganan kahit ito'y walang kalaman-laman nitong nagdaang linggo. 


Sensya naman at ipagpatawad po ninyo sapagkat subalit datapwat ako'y kasalukuyang nasa bakasyon. Yez, tama ang nabasa nyo at tama din ang aking sinulat dito, ako'y nagbabakasyon sa isang mala-paraisong lugar na kung tawagin ay "Lofoten". Weeh at Ows ka dyan!

Ahurrmm, oh di nyo alam san yan noh? Bakit di nyo i-google ng makita nyo? Sige nga subukan mo nga tas bumalik ka at saka ka magkomento kung ano ang meron sa lugar na ito at kung saan ito sa parte ng mundo. 

Anong premyo? Siyempre wala, to naman porke't nagtanong ako may premyo na kaagad pag sumagot? Diba pwedeng nagtanong lang ako kasi wala akong time magkwento? Oo, it's me already.

Ahehe ano kaba, napadaan lang talaga ang abang lingkod ninyo, eh siyempre namiss ko kayo noh! (alangan namang mamiss ko sarili ko hmm patawa ka) Anyway, since diko kayo namiss este matiis may I log in ang lola nyo ng malaman nyo namang Hey Jude, I'm alert, I'm alive in two chopsticks

O napapangiti kana, siguro naman okay na tayo? Lika, pa-hug nga! Ilang days nalang back to basic na ulit ang lola nyo (pagbigyan nyo na at ngayon lang ulit nakapagliwaliw at mag-enjoy ng konti) kaya mga bata kapatid fans (hong kafal), hanggang sa muli.. ingat kayo lagi, promise?

Comments

  1. Huwaw, ang yaman! at siyempre ni-check ko ang Lofoten (yun pics lang) at hong-ganda! sowsyals lang! it's you already talaga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha pasaway, ikaw kaya ang mayaman hmmn.. Ay fave talaga kita kasi you follow instructions hehehe. Hugs!

      Delete
    2. But of course! haha, masunurin ako e.. Hugs! Enjoy! :)

      Delete
  2. Enjoy mo lang ang vacay mo! Syempre google image ang ginamit ko para isang page e puro pictures! Ganda ng view ha!Sige dalhin mo na lang kami dyan sa magandang island na yan sa pamamagitan ng mga pictures na ishe share mo dito sa blog mo at para na rin kaming nakarating ng Lofoten!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa pang fave ko, masunurin din hehehe. Thanks Anney!

      Delete
  3. Lofoten (Norse Lófót f) was originally the old name of the island Vestvågøya. The first element is ló 'lynx', the last element is derived from Norse fótr m 'foot'. The shape of the island must have been compared with a foot of a lynx.

    And based on my research, may mga extreme activities na masarap gawin dito sa lugar, mountaineering & rock climbing. Maganda rin daw ang route dito ng cycling...

    About the weather naman, Winter temperatures in Lofoten are very mild considering their location north of the Arctic Circle...

    Hanggang sa muli mga kapamilya... ito po ang matang lawin, ang inyong lingkod... Si kuya Kim... joke... si super mario po ito...

    Hi Gracie... Enjoy sa Vacation mo... You deserve it!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dito ako magko comment kasi naman galing ako sa Google eh wala na daw natirang info at kinuha na lahat ni Kuya Kim este Super Maryo! he he

      Delete
    2. Hindi po ako sa google pumunta... nagwikipedia po ako hahaha... oh but I used google earth... to see where is Lofoten in a sattellite view... Para na rin akong nakarating sa Lofoten... Ikaw Ms Balut, anong address mo? I google earth kita para makita ko bubong ng bahay mo, stalker? Oo naman, kasi ayaw nyo makipag meet sa kin joke hehe

      Hi Gracie, ginawa na namin itong chatbox... enjoy ka lang dyan sa vacay mo hehe... kami na muna bahala dito wahahaha

      Delete
    3. O sige ituloy natin ang chat. Anyway bumalik na si Gracie from vacay at kasabay kong nagba-blog hopping he he.

      Ako rin nag Google earth sa Lofoten. Oist hindi ko ayaw makipag-meet sayo no, ako pa! Sige DM ko syo address ko. Pagha-handaan ko pagpunta mo at ipapasalubong kita sa lahat ng tambay at siga dito samin ha ha ha.

      Welcome back Gracie :)

      Delete
    4. Wow, ito na ang pinakapaborito ko sa lahat na paborito ko na nagkoment hehe, mahaba at malaman, kompletos rekados! Ikaw na ang tinaguriang "The Wiki-Blogger" hahaha wooot-woootttt!

      Naimpress ako, akala ko naligaw si Super Mario sa Gracie Goes Gaga blog at dito ipinost ang kanyang entry hehe. Pano yan, sinabi mo na lahat, ang akin nalang ay maipost ko ang mga piktyurs sa next post ko hehe.

      Hahaha okay na okay sa akin walang problema kahit gawin nyong chatroom to basta pakiusap Ms. Balut i-meet up mo na yang si idol Mar ko, para hindi lang bubong ang makikita nya sa mansyon mo hehehe.. gandang hapon sa inyo guys at sobrang salamat!

      Delete
  4. kaw na pang mayaman ang bakasyon haha ganda nung place pang movie haha ni google ko din ung images haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tipid nga kami dun e nagpaampon kasi kami sa kamag-anak ng hubby ko hehehe. Tama, pang discovery channel pa nga e over sa ganda!

      Delete
  5. enjoy your vacation gracie! ang ganda ng lofoten, nakita ko sya salamat sa google :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun o, at least parang nakarating kana din dun. So diko na kelangan magpost ng pics diba? :)

      Delete
  6. enjoy your vacay sis. patingin ng mga picture ng bakasyon nyo ah?=D ingat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sis. Uhm, kasya kaya sanlibong litrato dito? Hehe.

      Delete
  7. enjoy everyday :-) blog is always there nag-hintay sau... ingat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e sana di sya magsawa kakahintay hehe. Kaw din, ingat lagi!

      Delete
  8. ... pero eto ang tunay kong comment he he

    nakaka-relate ako dun sa short story by Edgar Allan Poe, nadaanan ko yung kwento nung college (194gotten?)

    at ang sarap naman ng buhay pavacay-vacay na lang (ikaw na!) ako hindi nakadalaw for ilang days dahil sa kangaragan waaah!

    kung walang premyo pasalubong na lang galing sa "Lofoten"! he he :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong short story yun Balut? Kelangan natin ng bakasyon para makapagrecharge :)

      Delete
  9. Di na ako nag-google kase explain na ni super mario, wait ko na lang update mo para sa mga pics, sigurado naman mas maganda kuha mo kesa sa makikita ko sa google eh. Enjoy your vacation Gracie, ingats! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha naks, we'll see ambagal kasi ng PC ko diba.

      Delete
  10. Replies
    1. I'll try my best mommy Joy, sana maupload ko kaagad.

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?