Twitter


Dati na akong may account sa twitter pero tahimik lang at di ito active, puro follow lang ako ng mga kilalang tao at karamihan celebrities pa (tsismosa lang). Nang maging aktibo ako dito sa blogosphere, sinubukan kong dalawin muli ang twittersphere (existing ba to?), nagfollow ako sa mga constant visitor at commentator ng aking blog pero di iyon lingid sa kanilang kaalaman. Yun nga lang di ako marunong ng katagang "DM" at kung anik-anik pa. 


So ng dahil sa twitter, first time kong makatanggap ng birthday greetings mula sa iilan kong mga idolo sa blogesperyo. Ang tatlong aking mga iniidolo na sina ThePinayWanderer, M1xtermind at BalutManila ang nagpadala ng kanilang kalugod-lugod na pagbati sa aking kaarawan. Nakakataba ng puso basta gusto ko mag-assume na nakahanap ako ng mga bagong kaibigan (assuming lang naman). Basta sobrang thank you sa inyo! 

Kahapon nagrehistro ako ng bagong account kasi nga engot ako sa katagang "DM". 

Sabi ni TPW, Gracie check mo may DM ako sa'yo. 

Wala naman, sagot ko.

Makigulo ka na rin dito sa amin sa twitter, pag-aanyaya naman nitong si BM.

Hay hindi talaga ako marunong, gawa nalang kaya ako bagong account, nyahaha.

So yun kanina kinarir ko nga nagregister ako at pinag-aralan ko nga pano style ng twitter. Ambilis ko namang natuto kaya't hayun sa loob ng isang araw naka 60+ ako ng tweets kaagad, tsaka nakakadaldal, nakakapanibago. Animo'y parang chatroom, kahit kanino pwedeng makigulo, makipagtalo, makipagpalitan ng kuro-kuro. 

Sabi nga nung isa, parang naka-unli daw :) Smart, Globe o SunCell ewan ko ano tinutukoy nya pero mukhang lahat yata. 

Masaya sa twitter pero hindi ko alam hanggang kelan ako dun. Kahit isang araw palang akong nananatili dun, feeling ko nakakaubos ng thrill. Namiss ko agad yung feeling na, maghihintay ako sa susunod na blog entry ng mga idolo ko. Yung tipong ano kaya pinagkakaabalahan nila ngayon at ano iniisip nila ngayon. Pero dahil sa twitter, you'll know it at once. 

But don't get me wrong, opinyon ko lang naman ito. We have our freedom of speech naman, ayt? Kung san ka naman masaya, suportahan ta ka. Tsaka I love the fact na, I'm enjoying the "DMs" and the interactions among these famous at mga mapagkumbabang bloggers. I'm overwhelmed.

Si Ms. Leah at si Sir Bino, nag-follow back sa akin then nakipag-interact, wow ang saya! Bakit? Kasi friendly sila kahit matagal na silang bloggers at kilala na. Si sir Bagotilyo, si Ms Superjaid.. yan salamat sa inyo hehe nakausap ko kasi yan kanina. Mga friendly din yan. 

We'll see, ano mga mangyayari in the future like i-continue ko pa or i-deactivate ko na twitter account ko, I still don't know yet. Pero while it's still there and you think it's cool then okay, you can even follow me if you want! (Hay magpo-promote lang dami pang sinabi)

Time check: 12 midnight. Time to sleep na, work na naman tomorrow! (kahit sa blog, style twitter na rin?) Tsk tsk. God natta alle sammen! (means goodnight all!)

29 comments:

  1. May magtyaga kayang magbasa nito? Maygas, sobrang nonsense! Eew. Warning nalang. don't read if you don't want to get bored hahaha!

    ReplyDelete
  2. I read more than half of the post! :D

    A few things:

    First: You are a classic, para ka lang yung nag status sa facebook tapos ikaw din ang unang nag comment, ni LIKE mo pa! Hahahaha! I make fun of those, I'm sorry. It's OK if you do that but I really make fun of them. Hahaha!

    Second: Twitter is good, it's where you blurt out your emotions to people you barely know but somehow what you twit is ALMOST the truth. Unlike on facebook, where people on your friends' list are people you actually know, but some people there aren't as truthful or honest. Well, that's not really exactly true (pardon my use of modifiers, was just trying to emphasize the gravity of the situation LOL!), people ARE who they are -- regardless whether it's on facebook, twitter, or even on their blogs.

    Third: Welcome back to Twitter!

    Have a great day!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha wagas ang komento, lurve it! Ako na nagpost, ako na nagcomment, nilike ko pa hahaha tomoh koh

      Delete
  3. Syempre meron ako! ha ha ha
    Ang rule ko kasi pag nag-roll sa top ang nasa blog roll ko binabasa ko talaga! Pagpapa-halaga yun sa inubos na oras ng taong nagsulat ng blog na yun. at hindi ako nagko-komento pag hindi ko nabasa - never! tulad neto ansabe mo? lol joke :P

    at ano naman ang inidolo mo saken? ang kakulitan ko? he he seriously, thank u sa appreciation :)

    at yang twitter, pabayaan mo lang yan jan. ako nga pag nayayamot hindi ko rin binubuksan.

    at ang comment ko sa twitter acct mo - mas type ko yung dating name "gumaGoddess" (hanep) ka dun lol. dito naman sa bago - wagas ang profile pic!

    good morning! sensya nakatulog na kagabi - o di ba parang twitter na rin ang comment? haist! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Love the first paragraph chapter 1 verse 13 to 21 ng comment mo, kakatats. Sayang di mo nakuha 1st place today kala ko mauuna ka ulit magcomment, vuket?!

      Delete
    2. hay naku delikado to pareho na tayo ng takbo ng utak. kasi muntik ko ng "awayin" kung bakit nauna yang si Mike sa comment ko "SECONDS" lang lamang nya sakin noh! LOL!

      kitang-kita kong pumasok ang comment nya habang nag-eedit ako ng comment ko dito hmp! ha ha ha. kasi naman may edit pa = OA sa drama ha ha ha

      sa totoo lang lagi kaming nagkakasabay nyang si Mike sa pagko-comment. pareho yata kami ng ugali pag nagising alanganin after midnight nang-i-stalk ng mga blogs. pati sa cbox naghahabuan kami ng araw na yan lol. at wagas din yan makabasa at maka-comment!

      o di ba may follow-up comment pa ko dito? para di nya ako malamangan sa content waha ha ha

      Delete
    3. bakit naman delikado? ayaw mo nun di na natin kelangan ng blogging o ng twitter, mental telepathy nalang, ganun.

      Delete
  4. Binasa ko, pero hindi rin naka-relate kasi hindi rin ako marunong gumamit ng twitter e! Pag nakikita ko sa mga friends ko, parang ang gulo lang, so wala akong account.. Ano nga ba ibig sabihin ng DM? hehe.. #pataykasapagigingfeelingcloseko! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, nakalimutan ko pala.. Happy birthday!

      Delete
    2. Hahaha Joanne natawa ako dun sa may hashtag, ang DM ay... DIOS MIO! Haha dyok leng.

      Delete
    3. Hindi ko pa birthday mga next year pa by April, yun.

      Delete
  5. Hi Gracie,
    Happy birthday Gracie-birthday mo pala sana ina-announce mo para alam ko, buti na lang nakabisita ako now dito sa lungga mo.hehheh...oo naman binabasa ko ang mga sulat mo, ikaw fah, gusto ko yong style ng writing mo may pag beki..hehehe..alam mo di din ako marunong sa twitter kagaya din ako sayo, tweet lang tweet pero di ko talaga alam paano ang style dyan.hehheh.buti at napag-aralan mo.Mas gusto ko yong facebook.heheheh.

    Happy birthday ulit. Hugs:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha isa ka pa, mhie.. hugs you nalang hehe. Nung April pa birthday ko sauce!

      Delete
    2. hahhaha....grabe late talaga ang reaction ko this time...I've been lazy talaga ngayon kahit sa blogging...haisssssttt.

      Delete
  6. Naks, i-enjoy lang ang twitter at wag mo deactivate kahit di ka active! ano daw?...hahaha, ang gulo ko lang. pwede mo sya gamitin to promote your site, kagaya ng ginagawa ng mga bloggers dun, you'll get lots of hits kapag mag-promote ka tulad ni bino, lagi ko naki-click site nya dahil sa mga tweets nya, though di naman lagi nakaka-comment, basa-basa lang. hehe...

    at lagyan mo na rin ng tweet button/bird tong site mo, para mai-tweet mo link sa twitter. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Really appreciate this Glen thank you so much. Yaan mo hanap ako button o widget para dito. Enjoy your weekend!

      Delete
  7. Ay! Wag mag deactivate dun. Masaya dun. Ako muna ang magpapahinga. lol.. Nakaka-adik kasi, mas madalas ako tumatambay sa twitter kesa sa facebook. Nagkakaroon kasi ng conversation, unlike sa Facebook na pa-Like like lang. :)

    Anywaysss... pahinga mode muna ako sa chwirrer. siguro mga 2days lang. para kunyari mamiss nila ako. hehe. joke. Follow mo pa yung mga bloggers. Member ka ng UBLOG sa Facebook diba? Halos lahat sila, andun sa Twitter. Try mo check yung profile ni Bino.. sa following list nya. :)

    Anywaysss ulit.. salamat sa pagfollow. Medyo madaldal lang ako dun, lalo na kasi nag_RP ako.. Role Play. So.. ayun.

    Gandang gabi!! :)

    P.S.
    Ngayon lang ulit nakadalaw. Tinamad ako buong bwan ng Abril, halos walang poste. Procrastination.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aay kaya pala ang boring ng twitter ngayon, wala ka kasi dun :( Mas gusto ko nga yung madaldal sa chwirrer, kwela nga e kesa sa tahimik at snob o nang-iignore. Sige rest ka muna, beauty rest ;)

      Delete
  8. nagustuhan ko ang twitter kasi instead na igogroup message ko yung nararamdaman ko ititweet ko na lang. kumbaga parang blog post ko tin ang bawat tweet ko kasi naman may pagkakataon na may nararamdaman ako pero di ko magawang blog post kaya itinitweet ko na lang tsaka di ako active sa FB. boring doon eh haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. maramdamin ka pala superjaid hehe joke lang. kumbaga outlet mo na ang twiturr, parang bestfriend nahihingahan ng sama ng loob o anumang emosyon na nararamdaman. nakakagaan ng loob, nabubunutan ka ng tinik kapag naipapalabas mo mga hinaing mo na minsan sa twiturr mo lang naisisiwalat at hindi kay nanay o kanino man, tama?

      Delete
  9. Hay, mga bagets talaga kayo ay maraming alam. hi hi. so maybe someone can help a lola like me. di ko rin alam ang DM at kung pano makipag chat sa others don. Anyway, sa blogs lang na pina follow ay ubos na oras mag basa.:)But I am learning:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. DM = Direct Message po ang meaning doon sa twitter. Parehas lang po ng sa facebook, inbox po. Nakakatuwa nga kayo mommy Joy e, hindi ka feeling lola o manang, hi-tech po kayo, bagets tsaka cool! Happy mother's day. MwaHugs!

      Delete
  10. Hello! After visiting your blog, I invite you to join us in the "International Directory Blogspot"
    For this is the very simple, just follow our blog, enter your Country, your blog url, and you will automatically integrate into the Country list.
    We are fortunate to be on the Blogspot platform that offers the opportunity to speak to the world to share with us the different passions, fashion, paintings, artwork, photos, poems and so be able to find in other countries people with similar passions.
    I think this community could also interest you.
    Have a great day with the hope that you follow our blog "Directory".
    After your approval to join us, you will receive your badge
    Regards
    Chris
    To find out, click on the link below:
    http://world-directory-sweetmelody.blogspot.com/

    ReplyDelete
  11. ako na ang huling mag react! Pasensya na busy sa work hehe #alibi... Seriously, gusto ko na magresign, istorbo sa blogging eh...

    about the twitter, mas magaling ka pa nga sa kin mag tweet eh... bilis mo maka adapt... #fastlearnerlang...

    Salamat pala sa mention, teka, ako nga ba yon? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga seriously?

      Walang anuman, siguro baka nga ikaw yun hehe.

      Delete
  12. haha .. parehas tayo .. ngayon lng ulit ako bumali ksa witter at nangangapa pa din ako ..

    DM= dirty man?

    hahaha...

    tweet-tweetan na !! :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe witter ka dyan. Hahaha hala ka dirty man daw o..

      Delete
  13. magtwitter-an tayo! I love twitter :-D and moreso, dahil magkalapit tayo ng timezone eh mas magkaka-abutan tayo at madaling magututang-dila hahaha. Tried to look for your twitter account on your blog pero nde ko ata makita... mine is @Spanish_Pinay... add me kung feel mo lang ;-)

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Follow na yata kita sis.. I'll send you DM pagnakonfirm ko.

      Delete

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Powered by Blogger.