Just Dropping By To Say Hi!


week, eto na siguro ang pangalawa sa pinakamatagal na wala akong entry sapagkat subalit datapwat kasalukuyang namamahinga sa hospital este sa kanyang garahe ang segunda mano kong desktop computer mula sa pagkadismaya nito ng biglang atakihin ng mapaminsalang spyware, malware, virus etcetera etcetera tse! 


Nagsimula ito nung yung mga contacts ko nagtatanong na sa akin about daw sa mga sinisend kong emails sa kanila. Kinonfirm ko na hindi ako yun at napag-alaman kong isang Hungarian at isang Japanese ang pilit na kumu-cross ng aking landas chos! Actually ayokong pag-usapan mga salot sila! Nakakairita lang kaso wala akong maisip na topic eh yaan mo na nga. 


Hay.. napapabuntunghininga nalang ako sa mga isiping ganito. Di ko tuloy matiis na hindi mangarap ng Apple Macbook laptop kaso maraming priorities na nagsusulputan. Ambisyosa yucks! Ayaw na ayaw ko namang mangutang, baka diko mabayaran. Baka mawalan ako ng work o kaya tumigil ako eh di baka magpatong-patong bayaran ko in the future katakot eww. Magtigil ako.


So far, yun lang naman ang problema ko ngayon. So nagpapasalamat pa rin ako kay God na maayos naman ang buhay namin dito kahit papano nakakaraos din tsaka my friends and family are well, healthy and safe din. 


Nakakamiss pala talaga. Nakakamiss pala yung pipihitin mo yung power button sabay pagkarinig ng long beep. Pinipress ko pa ang "F1" to continue then may I login pa with my username and password.  Alam mo yung ingay ng fan sa loob ng console o mas kilala sa tawag na CPU, parang music to my ears nalang. Weh? Ano kaba 10 years old gadget ang tsinitsismax natin here, don't say bad words. Umayos ka!


Nakakamiss tumunganga ng ilang oras sa harap ng computer until di namamalayan umaga na nga pala. Nakakamiss magbloghopping at magleave ng comments sa mga peyborit at idolo kong mga bloggers, at sobrang nakakamiss kayong nandyan patuloy na sumusuporta at bumibisita dito sa aking lungga, pwede ng umiyak? Hay nai-emo naman kasi ako. Wew este whew!


Salamat kay Pedro dahil sa maaga sya natulog tonight nabakante ang laptop nya at aketch ang umeksena. Madalas ko lamang gamit ang aking twitter via my smartphone kaya guys and gals see you there! xoxo

Comments

  1. Haha, ang kulit ng post mo! Hala ka, na-hack email mo? Change pw agad, alam na! Pangarap ko din ang macbook kaso mas sanay ako sa windows e! Mukhang namimiss mo nga ang pc at blogging!

    Haba ng sinabi ko, hi lang din naman pakay ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haruy ang gulo nga ng pagkakasulat ko halatang antok na talaga ako nyan makasingit lang. Yup pinalitan ko na pass. Actually "Ha" lang isasagot ko dito e kaso napahaba ulit.

      Delete
  2. yun oh naka-post kahit singit lang kay Per patawa pa ng mga dialog he he. Ang gleng gleng mo talaga. Natatawa ako sa image sa post na eto eh, ikaw nai-imagine ko dyan sa pic na yan hindi yung 10 yr. old na desk top lol :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyak, sige imaginen mo pa ako yan ng another 1 week and 3 months aguy ano kaya itsura ko?

      Delete
    2. Hiram ka ulet kay Per at wish kong makitang join ka dito sa giveaway ko PLEASE.... :)
      http://balutmanila.blogspot.com/2012/05/10-sunglasses-from-firmoo-optical-store.html#comment-form

      at bilhin mo na ang mac book na yan dahil kasama yan sa birthday wishes mo natatandaan ko pa :P. Diet in everything then buy the macbook! yey pagamit ha ;)

      Delete
    3. sure suportahan taka Balut, give me instructions mahina ang lola mo e pano ba?

      Ayieee naalala nya isa sa mga wishes ko.

      Delete
    4. sure sure. will email u soon just finishing up something.

      of course I remember my friends wishes :) pag nanalo ako sa lotto ako na mag-ga-grant ;)

      Delete
  3. Hay sana namn maayos na agad ang laptop mo! Pahamak talaga ang mga viruseseses na yan e!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha kaw talaga siseseses natawa tuloy ako. Wala po akong laptop, binigay ko sa bestfriend ko then after few months nasira lang sa kanya.

      Delete
  4. Pahamak na virus nga. Kaya ayoko mag-torrent at kung anu-ano pang downloads eh, ayoko mag-ayos, ala akong tyaga, hehe. Pag-ipunan na ang MacBook, pra mapalitan na si PC. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maingat nga ako e pero sige aaminin ko matitinik tong mga lintik nagwagi sila congrats! Sana nga this year, may awa din ang Diyos darating tayo dyan :)

      Delete
    2. Haha, sobrang inis talaga ha! Kaya yan MacBook, mukhang masinop ka naman eh, di tulad ko na gastador. Hehe...

      Delete
  5. kaya pala nawawal ka na sa limelight. Na mimiss ko na nga magbasa ng post mo para naman ma feel ko minsan na I am human. hi hi. joke only. Well, your honesty makes me laugh and para tuloy akong nakikibata na rin. WOw, si grandma feeling teenager. hi hi. Anyway , sori to hear na atake ka ng mga intruders. Hay, kainis talaga sila. mga wala magawa. anyway, I hope na di nila ko bisitahin. Di pa naman apple ang gamit ko kundi Asus lang. hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga po e. Mas nakakamiss magblog hop kasi bihira ko magawa kung smartphone lang gamit ko. I'm sure walang maglalakas loob umatake sa inyo malakas kasi kayo sa taas hehe yan ang matibay na backup.

      Delete
  6. Awww, sorry to hear my dear Gracie....BTW, bili ka na lang ng mac book,proven and tested wala talagang virus so far..4 years na itong Mac book ko wala talaga akong problema so far at di pa ako na virusan., kahit ano lang download ko..yong dating kong laptop ay iwan every month yong trojan virus lab nya ang laptop ko....nakakainis ang virus di vah...heheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pagpapatunay mo mhie, yun talaga ang advantage ng apple tas no need pa magprovide ng antivirus software di hassle. Prob lang if dumating time masira sa loob or need ko upgrademahirap yata.

      Delete
    2. ang problema mo lang sa mac ay di ka makagamit ng windows or any exe. na download dapat compatible sa mac ang download mo, yon lang limitation noon....kahit magamit ka o bili ng windows for mac ay pangit ang windows mahina masyado kaya yong software na binili ko di ko na ginagamit este free lang yong software na ginamit ko.lol..binigyan ako ng friend ko.hehheheh

      Delete
    3. Di pala mahirap mag upgrade ng mac nood ako sa youtube kahapon hehe same lang sa windows prob lang talaga ang software compatibilities at usually di sya free

      Delete
  7. hihintayin ko ang iyong pagbabalik este ang pagbabalik pala ng computer mo ( ay parang ganun din anamn pla yun) hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang di ako makapagcomment sa site mo, bago ba yun? Na-hack ka din.

      Delete
    2. bat di k mkpagcomment??? ayun balik loob ako sa wordpress .. hehehe ba bye dot.com na.

      Delete
  8. Replies
    1. Sige po ba hehe bukod sa wala akong oras e tinatamad ako ayusin

      Delete
  9. Awwww.... Sad naman.... Kaya 'yan! Maayos pa 'yan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sad at nakakainis. Salamat po napadalaw po kayo rito sir..

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?