In-Laws

Biglang nakadama ako ng kakaibang dampi ng malamiiiig sa kanang braso ko kagabi habang nakatutok sa computer.. ah 2 AM na pala, makatulog na nga. 

Naabutan ko pa si hubby nagbabasa ng crim book nya sa kwarto namin. Free ko naman kasi kinabukasan kaya pareho kami late na natulog.


Bigla lang ako nagising sa kalagitnaan ng kasarapan ng tulog ko, wala lang. Pero may kasabihan sila, kapag ganitong bigla kang magigising sa kalagitnaan ng gabi o kasarapan ng tulog mo, sigurado daw may matamang nagmamasid sayo. Well.. hello there! Si Pedro kamo? Hindi, naghihilik pa yun e hihihi.


Nagising naman ako bigla kaninang umaga, pagkakita ko sa phone ang aga pa 7:30 AM palang. Gising na din pala ang katabi ko, nilingon ko at nagsmile lang ako then talikod ulit at nagtalukbong ng kumot. Huh! Teka sya ba talaga yun? Masilip nga ulit. Sya nga. Pilit ang ngiti naramdaman nya kasing nakatingin ako sa kanya habang nakapikit pa sya.


He reached out his hand para abutin ang likod ko, alam nya kasing gustong-gusto ko yun bilang sign na "I'm here for you" or "I care for you" pwede ring "Jeg elsker deg", (means I love you) naks! Kinarir sa pagki-kwento ang lovestory.


Anyway, behave na ang lola nyo, ayaw ng mga "bata" ng ganyan masyado na daw maselan ang aking mga kinikwento at nilalason ko ang kanilang "murang isipan". Hahaha san dun? Sorry naman, wholesome naman talaga ako noh, kayo lang naman tong iba mag-isip. 


Det er så tidlig! (Ang aga pa!) I want to sleep more.


BOG! Bigla akong napabalikwas at nagkatinginan kami pareho ng hubby ko sa pintuan ng kwarto naming sarado. 


Ang lakas ng ingay na nagawa ay animong may tao sa kabila nito at sadyang binundol ang saradong pinto. Tao nga ba ang nasa likod nito?!


Hva var det? (What was that?) Kibit balikat lang ang tinuran ko. Wala akong ideya, pero noong bago lang kami mag-asawa, madalas kong marinig sa may kitchen na nagkakandahulog ang mga utensils o kaya gumagawa ng ingay na pareho naman kaming nasa sala o nasa kwarto, sino naman kaya gagawa nun e kami lang nakatira dito? Ikaw may ideya kaba?


Baka si tita ko yun, sambit ni Pedro. Mabait naman yun wag kang matakot, tagabantay ko sya, pati na rin sayo. Isang gabi yun ng maging paksa namin ang mga "kababalaghan" dito sa apartment.


Ah, nakakatuwa naman.. Teka sigurado ka sa mga sinasabi mo? Tanong ko habang bilog na bilog ang mata kong nakatitig sa kanya.


Oo, minsan na yang nagpakita sa akin pero hindi dito. Malamang parents-in-law mo yan, wine-welcome ka lang nila. Hinintay kong ngumiti sya pero ala talaga seryoso si manong sa mga tinuran nya.


Lang'ya to kakaiba.. wala ka na ngang in-laws pero gagala-gala naman sila nagmamasid at nakikiramdam. Sauce! Maniwala ako sayo, tigilan moko sa mga kalukohan mo Pedro! Hindi ka na nakakatuwa.


Biglang namatay ang ilaw, tas sumindi ulit. Nyay! Tara na tulog na tayooo.. hatak ko kay Pedro eeehh ano ba yan kinilabutan na akooo..


Yan kasi matatakutin ka kaya tinatakot ka tuloy. Sige na mauna kana, susunod ako, magpapaalam lang ako sa kanila. Don't worry sasabihin kong behave na sila, mamaya kasalanan ko pa kapag hinimatay ka sa takot e. Konsensya ko pang malupet.


Tse! In one minutes magpaalam kana. Hmmp! Mwesit.

Comments

  1. Hva var det? (What was that?) nga ba?
    Is it true? (pano ba to sabihin sa Norwegian para mas effective ang tanong ko?)

    hay naku, ang sabi nila ang mga in-laws tunay man or RIP is not fun to be around. lol lagot ako kay Pedro.

    heto na... nagsimula na ang tunay na versatile blogger na si gracie... nakakaiyak, nakaka-info, ngayon nakakatakot... nakakaaliw!

    teka, hindi kaya si Karolina yan???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Er det sant? (Is it true?)

      Oo totoo lahat yan, wala pa akong kinwento dito na gawa-gawa e. Yung kalabog kaninang umaga lang yan hehe. Hahaha not fun talaga totoo yan, agree ako dyan. Teka, lagot ka kay lady ghost lagi mo sya mention, nangha-haunting yan, mahilig dumalaw, madalas NPA, no permanent address haha

      Delete
  2. Haha, basahin ko sana 'to kaninang madaling-araw pero umpisa pa lang, iba na dating, tulog na lang ako..,hehe.

    Sisihin mo si Mar Unplog, sabihin ba namang may maselan kang post, nagpaka-lola ka tuloy ngayon. Basta ako, "no comment" lang ang drama ko. :D

    ReplyDelete
  3. katakot naman yun ganito. ayoko ng usapang kababalaghan hehehe

    ReplyDelete
  4. sus maryosep. kung dito sa akin yan, di na ko makatagal, I remember non g first time ko dito sa bahay, they told me na young may ari ng house before ay nagpakamatay dito mismo sa house: so yong room na kinamatayan nya ay palantsahan ko na lang. SO nong umpisa, takot ko lagi lalo na nasa barko ang asawa ko. mag isa lang ko sa bahay. So, nilagyan ko ng mga bible ang buong bahay. pati pagtulog kokatabi ko bible at nakikinig pa ko ng preaching from may cassete tapes before. Then ngayon di na ko takot. Pero I still have my bible in every part of the house, para everytime na gusto ko basa ay di na ko maghahanap. It makes me peaceful and stronger lalo na pag bumabagyo ng problema. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas nakakatakot po pala dyan sa inyo pero agree po ako sa inyo prayers talaga ang matinding panlaban sa takot at sa mga masasama. minsan naman talaga nasa isip lang natin ang takot natin. pero minsan totoo rin yang mga nangyayaring kababalaghan. pag mahina ka lalo kang panghihinaan ng loob at sukob ka ng takot sa buong pagkatao mo. pero pagpinakita mong matapang ka at may pananalig sa diyos, sila na mismo ang iiwas at di ka na gagambalain pa. salamat po sa pagshare nyo po ng karanasan nyo mommy joy, hugs po sa inyo!

      Delete
  5. Pakitanong nga Ms Gracie este Gracie na lang pala (dahil close na tayo nyahaha) sa mga in-laws mo kung kilala nila yong mga andito sa 44th Floor haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakiki-close lang idol Mar hehe, masyado namang formal kong Ms Gracie e. Nyahaha pasaway yoko nga mag usisa si TPW nalang kasi matapang hahaha peace idol Glen! Pakitanong din pala sabi ni Balut kung si lady ghost yung naglalaro ng bote sa cr dun sa 44th flr at baka idol ka nun gusto kunin ihi mo remembrance nya daw, regards mo rin daw! Tenks.

      Delete
  6. oh no... hehe mas wala kang ligtas ngayon kasi pwede na silang omnipresent! haha joke :)

    Spanish Pinay

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?