Zipper

Warning: Ayan na naman si warning.. actually wala akong maisip basta ha winarningan na kita. 

Ang totoo di pa ako naka-get over mula kahapon sa kaemohan eh, pero gusto ko na namang magkwento. Weeh, anong nakain mo teh?

Umpisahan ko na teh? Gora.

Sweetie, kan du fikse glidelåsen i bukse mi? (Gracie, can you fix the zipper of my pants please?)

He took off his pants and gave it to me. I sat on the sofa, which is bihira kong gawin pagdadating ko sa bahay mula sa trabaho, mataman kong pinag-aralan ang  mga hooks na bumubuklod ng kanyang zipper ng pantalon.. Naiisip ko pa, galeng naman ng gumawa nito kaso mahirap yata ayusin to kapag sira na. Limang hooks ang tila nasira o ayaw sumara dahilan sa pwersang pagbukas nito. 

Per went on to the kitchen, only with his shirt and boxers (panigurado ako may magrereact na naman). While he was preparing our dinner: marinated porkchop with brown sauce, surkål, boiled carrots and cooked rice, I was busy fixing his zipper. Honey, ingat baka mapaso! Pabiro kong kantyaw kay Pedro (Si Per, si Pedro at si Honey ko ay iisa, wag kang ma-confuse teh ha?).

Ilang minuto lang, voila! Naayos ko ang zipper, yey! Hehe. Hungry na much e. Nakakagutom ang dagens meny (today's menu). Buti di ako pinahirapan. 

Nagbihis na ako ng pambahay, actually ayokong gumagala sa buong kabahayan na naka-scrub suit mula sa work kaya first time kong umupo sa sofa ng nakasuot ng ganun dahil sa pag-aayos ng zipper. 

Naghugas ng maigi ng mga kamay sa maligamgam at dumadaloy na tubig mula sa gripo, nagpunas then umupo at kumain na kami. Masaya naming pinagsaluhan ang masarap at mainit na hapunan. 

Samahan pa ng pakindat-kindat at pahimas-himas ng kamay habang kumakain ay aabutin talaga kami ng isa, dalawa o tatlong oras na dinner namin kadalasan. Sa loob ng kotse, sa hapagkainan at sa kwarto kami madalas (may iniisip ka teh?). Nag-uusap lang kami. Dito talaga kami madalas masarap mag-usap, minsan dito rin kami nagbabangayan, dito rin mainit na nagpapalitan ng kuro-kuro at dito kami nauubusan ng hininga sa kakatawa ng wagas at walang kamatayang mga jokes nya na kahit paulit-ulit di ka magsasawa at matatawa ka talaga. Ganun talaga pagmahal mo at ganun ang buhay may-asawa. Tanong mo ulit kay Lolo ha.

Pagkatapos kumain naghugas na ako ng pinagkainan namin habang si Pedro ay naghahanda para sa kanyang on-line conference, secretary sya ng isang maliit na partida dito sa Norway. Once a year lang sila nagkikita-kita sa personal ng mga co-politicians nya pero dahil sa on-line conference, minsan twice a week nilang ginagawa ang political conferences nila. Actually, habang sinusulat ko ito sa kasalukuyan, on-going ang conference nila, anlalakas ng boses, over!

Ako naman tahimik na, busog, pagod at inaantok pero pinili kong tunguhin ang aming guest room na ginawa kong home office ko (naks, may home office talaga?) Dito ako nag-eemote, este nagtatambay at malayang nagsasayang ng oras habang busy sya (busy rin ako lol). Una kong ini-open ang facebook na matagal ko ng di ina-update (mga 10 hours ago), YM then blogger. Naggoogle din pala ako, at ito ang tumambad sa akin:


A giant zipper runnin' down the center of the Google's homepage. The latest Google doodle marks the date of birth of Gideon Sundback, a Swedish-American electrical engineer. Siya ang likod ng isang wagas na zipper na talaga namang wagas sa laki ng binibigay na tulong nito sa atin sa araw-araw. E kung di ka ba naman.. lalabas ka ng bahay na bukas ang pantalon? Kung wala sya, wala kang zipper. Butones pwede, pero sa ibang blog entry na yan, haba na nito.

Ang galeng naman, it answered my puzzling questions kanina about sa glidelås (zipper).


Sayo pareng Gideon happy birthday, pa-canton ka naman!

Comments

  1. mas matalino tlaga ang mga tao noon kesa sa mga tao ngayon kasi yung mga nadidiskubre o naiimbento nila noon puro from scratch. astig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo tama at mas kilala at mas maraming inventions dati na talaga namang tunay na kapaki-pakinabang until now. ngayon karamihan puro imitations at upgrade nalang yata madalas. salamat superjaid sa patuloy na suporta dito, have a nice day!

      Delete
  2. ha ha ha mula sa ka-emuhan biglang naging comedy-romantic-trivia! kagaling mo talaga sistah. aliw na aliw ako pano ka naki-trending kay google at kay sundback. at may Norwegian language lesson pa! ha ha ha

    at talagang marami sana akong "violent reactions" sa "only shirts and boxers", "himas at kindat-kindat" at kung anik anik pa. sa PM na lang ha LOL!

    LOVE this post! isa pa nga :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahaha o diba kompletos rekados! Medyo pinoprovoke mo pa nga yata akong magkwento ng mga kababalaghan, at tinanong ba naman ano name ng lady ghost?! nyahaha. o sya hintayin ko violent reactions mo hahaha kaloka

      Delete
  3. wow naman. naaliw ako. haha. nasa norway ka pala? hahah. and salamat pong talaga sa trivia na makuleeet. haha. gideon sundback, i know you nah ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nasa Norway ako Orange Pulps atin atin lang ha? hehe ganda talaga ng blog name mo, naaliw din ako :D Good thing this entry helps. Ingat!

      Delete
  4. Ipinapaubaya ko na yong pag re- react kay Ms Balut at TPW sa mga maseselang bahagi ng post na ito... hahaha... Don na lang ako kay Google Zipper at Gideon Sundback... nabuksan ko din itong google na may zipper pero di ko pinansin... salamat naman at binigyan mo ng linaw kung bakit zipper ang design ng google ngayon... actually madalas na na a-amaze ako sa papalit-palit na design ng google pero di ko masyado pinag tutuunan ng pansin... may trivia pala sometimes sa likod ng design, ang galing mo Ms Gracie!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e ako din nakakatuwa rin tsaka di nakakaumay ang google kahit simpleng doodle pero kung makapgpalit ng tema cool! ano, alin ang maseselan dun idol? hahaha wholesome na wholesome nga tong post ko eh. Thanks naappreciate mo, Gracie nalang po ;)

      Delete
  5. Excuse me naman Mar Unplog at bakit ako nasali sa reaction sa maseselang bahagi ng post na ito?! Bata pa po ako, hindi ko po nauunawaan ang mga nilalaman nito, wag nyo pong lasunin ang utak ko...hahahaha! Ay mali, #HA lang pala! No comment sa post na ito, yan ang comment ko. ;) Pero masaya ko na ala ng emo sa post ni Gracie, at least masaya na ulit sya, dahil sa zipper ni google. Thanks google...hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahaha palaban na kung sumagot si Glen dear, love it nakakatuwa! Hay naku, for sure namimiss kalang nyan ni Mayong, diba idol? Makipag-EB na kasi anuveh!

      Delete
    2. o sya sige sige ako na ang bahala sa maseselang bahagi na mga tanong. alam ko namang inosente pa etong si TPW at Unplog na walang ginawa sa araw araw kundi uminom at kumain ng ice cream, halo-halo, frap, carrot cake etc! ha ha ha

      EB na kasi kayo! at ikaw Mar wag ka naman mag-invite habang nasa Benguet ka lol!

      talagang nag-comment pa ako dito eh no?

      Delete
    3. Hehehe hilig sa food trip magkakasundo talaga. Oks lang balut at least naupdate ako dito sa dalawa, di kasi ako masyadong nag i stalk tulad mo ehehe fish tayo! may twiturr nga ako di naman ako marunong eww

      Delete
    4. Hala, anong kaguluhan ito? hahaha... Balut, binibisto mo naman ako na puro pagkain post ko sa twitter, minsan minsan lang yun, haha!

      Gracie, di mo pa accept twitter follow ko at mag-tweet ka na rin, madali lang sya. Ask mo si Balut, hehe!

      Delete
    5. Nyak, wala naman akong natanggap na request dun or bobo lang me much :(

      Delete
    6. may DM ako sa 'yo sa twitter, check mo na lang. CP ba gamit mo? Di mo kase makita follow request kung CP eh...:)

      Delete
  6. So happy na may post ka uli. You really make me laugh and it was really worth waiting for your post. Buti na lang nakilala kita:) naks parang nanliligaw ano? hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm so happy naman din at nadalaw kayo lagi sa blog ko mommy joy. Walang problema po, kahit ligawan nyo po ako ng ligawan araw-araw hehehe mas matutuwa pa po ako at lalong maiinspire.

      Delete
  7. Hindi ako pwede sa post na ito sis , never been kiss never been touch pa kc ako... but totally damage LOL...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakagulat.. nakakagulantang.. nakakawendang naman sis ang comment mo hahahahahaha lumalabas pagka-komedyanteng blogger e. Papunta na ulit ako sa blog mo sis.. Have a nice day!

      Delete
  8. sarap ng romance! mabuhay ang pagiging inlab! :-D miss na miss ko na yan haha dahil nang dumating ang aming chikiting eh puro nakaw na lang ang mga labing-labing namin ni hubby haha pero mas ok naman kasi exciting yung panakaw-nakaw... para lang teenager LOL

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakow eggciting talaga yan, kiligggg! ;)

      Delete
  9. timing naman ang zipper na yan... ang saya naman ng araw araw na meron kayo ni per, pedro at ni hubby na iisa lang naman...lol..

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?