Chaos

Napadaan. Gusto kong magkwento pero di ko yata kayang simulan.. ah pwede na siguro tong panimula. Promise maikli lang. Wala kasi ako sa modus ng pagkikwento, mixed emotions ulit ako ngayon. 

Chaos. Toxic. Stressed. Heavy. Ganito ang work ko.. naguguluhan ako, andami kong iniisip. Hindi ako makapagdesisyon, para akong nasa "rundtkjøring" yun bang paikot ikot lang kasi di mo alam which way ka magdadrive. Alam mong may choices ka pero para ring wala. Alam mong may gusto kang gawin pero di mo alam san ka mag-uumpisa. Alam mo kung saan-saang direksyon ang gusto mong puntahan pero bakit andaming harang, andaming ewan, nakaka-stress..


Sa workplace ko, pinupuri ako ng mga boss ko kasi calm daw at pino akong magtrabaho. Magaling daw ako, sign na lagi akong on-call kahit free ko kelangang magwork para magsub sa mga nagkakasakit o nasa bakasyon. Pero wala akong "boses" dun, hindi kasi ako nurse o caregiver, computer science grad ako eh working as care assistant. Hay daig ko pa ngang magwork ang iba, kulang na nga lang mag-inject ako at magkutingting ng mga gamot at makipagcoordinate sa mga nurses at doctors. 


Kahapon, may nalaglag na pasyente sa wheelchair bumagsak, sino ang tinawag? 


May humihingi ng mga assistance, tawag na naman ulit, kabilaan pa.


Pasyenteng nasa terminal stage, sino ang sinasambit? Sabi ng mismong pasyente, wag daw sya iwanan at hawakan lang daw kamay nya. 


Kanina, ng makita ko ang kabiruan at malapit kong pasyente, nalaman ko na kaagad na dina sya magtatagal. Hayun nga, ilang minuto lang after namin syang linisan at bihisan, nag-agaw buhay na sya. Marami na sila actually na malalapit sa akin at tunay na napamahal sa akin sa loob ng humigit-kumulang isang taong paninilbihan ko sa institusyon na aking pinagtatrabahuan ang lumisan na. Lahat sila nagdulot ng lungkot sa akin pero panandalian lang, trabaho lang walang personalan ika nga. Ang ginagawa ko, yung masasayang moments nalang iniiisip ko para di ako malungkot, dami naman din kasi may kailangan din ng tulong ko kaya go serbisyo lang!


So kanina sa unang pagkakataon nahawakan ko ang malamig nyang katawan, wala ng hininga, nakadilat pa ang mata.. dahan-dahan ko itong hinawakan upang ipikit o isara. Naawa ako... sa loob ng humigit kumulang isang taon, di ko pa nakita pamilya nya, kapitbahay oo isang beses binisita sya. Feeling ko ako nalang pamilya nya.. malungkot pero hindi ako umiyak. Masaya na rin ako para sa kanya at least di na sya mahihirapan pa, sigurado ako mas masaya na sya sa piling ng Diyos. Andun na sya para igabay ako, sana.. baka sakaling makita ko na ang daan na gusto kong tahakin sa buhay, yung tamang career na gusto ko. Ayoko na ng paikot-ikot nalang.


Pano yan napahaba tuloy ang kwento ko sorry.. Salamat ha nandyan ka.. pa-hug nga ng malupeeeetttt!

Comments

  1. i admire you for doing such job Gracie..kaya nga ako still thinking if i will also do this kind of job..it's been a long time na iniisip ko pero parang wala talaga sa linya ko ito...the difficult thing is hindi kc nila acknowledge ang diploma at job experience natin..kaya stay at home pa rin ako..ingta dyan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll say just try. I never wanted to work such pati ayoko magnurse kasi takot ako but after all what i encountered naman kaya ko pala it's just that it's not my passion

      Delete
  2. Waah delete ko tong kaemuhan ko :(

    ReplyDelete
  3. wag sayang!!! ito nga ang purpose ng blogging e, so wag mahiya, anyway blog mo naman to :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ako nahihiya idol Mac, nawala na hiya ko e nung magstart nako mag-open up dito sa blog ko. naiinis lang ako sa kaemohan.. akala ko pwedeng itago, pero kahit anong tago di rin kaya. kailangang ilabas, kailangang may mahingahan, may masabihan. kailangang may karamay, kailangan ng may makikinig, ng may magbibigay payo.. kailangan ng mga tunay na kaibigan. at yun ay wala ako ngayon, hay ang hirap ng malayo..

      Delete
    2. naku for sure kaya mo yan, meron akong nabasa dati na kapag nai-emo ka daw, mag-emo ka lang, e nai-emo ka anong magagawa mo, just do it for yourself kasi gusto nya mag-emo, lilipas din yan, enjoy mo lang ang emoness :)

      Delete
    3. hehe idol Mac talaga, hindi man ako enjoy sa pagka emo, enjoy naman ako sa mga comments nyo, nakakatats. salamat po!

      Delete
  4. You do an important job. It may not be to other people na sa tingin nila ang importante ay ang mga execs o politician, pero ang true heroes ay ang mga taong asa ganitong services. Iba ang hirap both physically and minsan pati emotionally pero di naman financially rewarding. But you are there for a lot of people when it truly matters.
    I hope you find the direction you are looking for & the answers to your questions. And wag magdelete - you can look back at this later and see how far you've gone... take care x

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman, biruin mo mapangiti mo ang naghihinagpis sa sakit? ang mapahagalpak mo sa tawa ang may taning ang buhay? ang mapaluha mo sa halakhak yung kahit di makapagbigkas ng anong salita? ang mapasaya mo ang mga taong bawat tingin, higpit ng yakap at paglalaanan mo ng panahon - sobrang laking halaga nito para sa akin para umabot ako ng isang taon. pero kung di ka naman masaya sa mga katrabaho mo.. sadya kasing may mga pasimpleng insultador at di maiwasan ang rasismo.. nakakapuno! alam ko nakakarelate ka sis pero mas maswerte ka dyan, english salita nyo e hehe.

      Delete
  5. unang basa ko... di ako maka-comment. hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. so siguro unahin ko na lang sa "wag mo i-delete". Tama si McRich eto ang purpose ng blogging, blog mo to. dagdagan ko na lang ng "nakikibasa lang sila" (lol pero seryoso ako).

    sa totoo lang ang hirap ng work mo, tapos malayo ka pa hindi maiwasang madalas maging emotional. ako nga pusa lang naapektuhan pag may nangyayari yun pa kayang kapwa mo na naalagaan mo na.

    ewan ko kung makakatulong eto sayo, relate na relate ako dun sa paikot-ikot at sa "Alam mong may choices ka pero para ring wala". mahabang kwento kung bakit, pag kinuwento ko dito baka matalo ang "longest comment" ni unplog at baka sabihin inagaw ko na ang pag-e-emote mo(lol ulet but seryoso pa rin).

    take it easy gracie. prayers and faith can solve everything. at sabi nga ni bob marley sa kantang "3 little birds"
    ♫don't worry about a thing, coz every little thing's gonna be alright♫

    eto na ang aking hug na malupeeeet!

    ReplyDelete
    Replies
    1. iba ka talaga balut, lagi mo ko napapangiti. yung mga hirit mo, ngayon ang wagas mong payo, completo at may kanta pa! na talaga namang napa wide smile ako kanina pagkalabas ko ng trabaho na sobrang stress na naman, pero gumaan loob ko pinatulan nyo tong kaemohan ko ngayon. tinatanggap ko ang iyong malupeeeet na hug!

      Delete
  6. eto malupet na hug *super tight*

    mahirap maglet go ng tao kapag napalapit ka na sa kanya o kahit na nga sa kaso mo na lagi mo lang nakikita. pero ganun talaga sabi mo nga atleast ngayon di na siya mahihirapan pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka superjaid, sila pa yung mga taong nagdadagdag ng saya't sigla mo sa araw-araw, sila pa yung nababawas.. kaya yun ang mahirap. nagkataon pang isang buwan ko ng di nakakausap bff ko, feeling ko i need a tight hug from her :( salamat superjaid, hugs you back!

      Delete
  7. Kawawa naman yung pasyente na di man lang nadalaw until sa huli nyang hininga. Buti na lang nasa tabi ka nya kahit papano e meron syang nakasama. Mag unwind ka namn minsan pangpa alis ng stress. Minsan sa sobrang daming ginagawa nakakapagod din. You deserve a break. Big hugs para sayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo sis wala rin syang anak, wala rin syang asawa pero isa ang sigurado ako - meron syang gintong puso! mabait, palabiro at talaga namang madaling mapamahal pero bakit ganun.. buti nga nandun ako nung huli nya nakita ko pa sya, kaya tuwa ko din. kasi kung pumasok ako sa work na diko sya naabutan, magtatampo ako ng konti maghahanap ako, magtatanong ako bakit pero ang mag unwind? isang araw o dalawa lang na free, ok na ko balik trabaho ulit, wala eh ganun ang life. Oi may hugs din ako, salamat Anney, hugs you back!

      Delete
  8. Hirap mag-work sa di mo talaga hilig, mas ramdam ang stress, mas ramdam ang pagod. Naramdaman ko rin yan dati, yun nagpapadala lang sa agos ng buhay kung san dalhin, go lang. Pero malalampasan mo rin yan, be strong and have faith and do something about your passion, kahit paunti-unti lang, maaabot mo rin pangarap mo. Sa IT ako ngayon pero bago ko nakalipat dito, daming hardships, daming trials pero kung gusto, may paraan sabi nga nila. Tuloy mo lang yan work mo ngayon pero do something about your dream, makakalipat ka din. Good luck and big hugs! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Getsung mo talaga ang hinagpis ko ngayon Glen. Tama lahat sinabi mo.. gusto ko ang mga sinabi mo, may laman at ewan ko nakakapagbigay sigla saken at pag-asa, bilang isa ka sa nagdaan ng ganitong pagsubok na ngayon ay tinatamasa ang tagumpay sa larangan ng karera, hinahangaan kita, isa kang inspirasyon. Payakap!

      Delete
  9. awww... gosh, mahina ang loob ko sa ganyan. Isa kang bayani! Pareho tayong com sci grad and I really can't imagine (yet) doing something else... kasi wala naman akong ibang talent... pero iba ka! versatile. Ganyan talaga ang pinoy ano? Marunonng talaga mag-adjust at mag-excel. I do hope you find the path you are looking for.. the path that is right for you and will make you happy. In the meantime, it looks like your path is to help your patients and give them care they need while they're still hanging on here on earth. God bless you!

    Spanish Pinay

    ReplyDelete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

One of the Finest Church in Norway

EMOTIONS

Pano nga ba ulit magblog?