Sweldo


Sino dyan ang nagsweldo na? Paburger ka naman. Pero tanong ko lang, dumating ba sa time na uminit muna sa mga palad nyo ang inyong sweldo pagkatanggap nyo nito o diretso kaagad ito sa mga bayarin? O ni hindi man lang nagtagal na parang naghello lamang sa inyong mga bank account at parang magic sa isang iglap lang ay naging 2-digit nalang o kadalasan ay naging itlog balance pa. Goodbye sweldo, see you next month ulit(hopefully pagsinwerte pa din). Tsk tsk tsk.. masaklap. 


Kahapon sumakit ang ulo ko. Katatanggap ko lang ng sahod pero ni isang kusing wala ng natira. Pambihira nga naman. Paano andami kong pending na bayarin. Di ko na iisa-isahin basta gaya nyo meron din akong mga bayarin na ngayong taon lang nag-umpisa. Huhay. 

Di mawawala siyempre ang mga gastusin dito sa bahay at pagpapadala sa Pinas, lalo't magbibirthday ang mahal kong ina at binyag ng aking inaanak, yan naman ang mga importanteng bagay na di dapat balewalain. 

Teka bakit ko nga ba naisip gumawa ng entry tungkol sa sweldo?

Actually dahil ito sa Adsense na sinet-up ko kahapon. Dahil sa pagkaubos ng aking sahod bigla kong naisipang kumita ng extra(as if naman kikita). Oo nilagyan ko na ng ads ang aking blog(paumanhin kung medyo magulo sa paningin), dahil naisip ko gusto ko na din ng kumikitang kabuhayan. Siguro naman karamihan sa inyo kumikita sa blogs nyo diba? O pagbigyan nyo na din ako. Kahit walang masyadong traffic(buti pa sa EDSA) at mga walang kwenta(buti pa ang utang may kwenta) ang aking mga pinagsusulat dito sa blog ko. 

Malay nyo after 5 years, mababasa nyo ang aking blog entry na "Ang Una Kong Sweldo Mula Sa Google Adsense" naks. Pagkatapos nun grand EB tayo yey, pero sagot nyo :D

Comments

  1. di ako makarelate... kasi sweldo ko di nababawasan hahaha... joke lang yon... ilang bank account ko na nga nagsara dahil na zero balance eh hehehe Pag kumikita ka na sa bago mong kabuhayan, ikaw na magpa burger!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha joke pero half true? hmmm.. buti kapa. sige ba kung gusto mo with cheese pa with fries :D

      Delete
  2. Wow, na-inspire ako, parang gusto ko na rin mag-adsense, kaya lang sobrang bago pa lang ng blog ko, baka i-reject nila ko. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. di nga nireject yung blog kong walang kwenta yung sayo pa kaya na maganda, di lang isa, dalawa pa hehe i-pa-follow ko din yun galing mo dun congrats, ohver!

      Delete
  3. Wow adsense pano ba kumita dyan, pangarap ko rin magkaron ng kabuhayang swak na swak! Congrats pala!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sign up kalang ng adsense account, mas swak sayo yan idol kasi mas matraffic pa blog mo kesa sa EDSA hehe, salamat napadaan ka ulit!

      Delete
  4. +1!
    ang bilis ng pera. haha kaya dapat auto deduct na ang savings para di nagagalaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa tips Ms Chyng, I'll take that into consideration hirap na baka wala ng pambakasyon hehehe importante yan para marelax :)

      Delete
  5. naka relate ako sa story mo. yong bang pag suweldo ay nawawala agad dahil sa bayaaran at money to send to phil. Anyway, good that we have money to spend. hi hi. Will, I will try adsense too. Need to learn how first.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po, ang mahirap kung wala kang matatanggap buwan-buwan habang palaki ng palaki ang expenses at necessities mo. Ang pagpapadala sa Pinas ay hindi naman obligado pero after kong magbakasyon last year ay naawa ako sa mother ko since nagretire sa being a elem teacher, di pa sya nakakatanggap ng pension nya kaya nabubuhay sya sa kakarampot na pension ng father ko.

      Delete

Post a Comment

A Penny For Your Thoughts?

I would like to know what you guys think, so please don't hesitate to leave comments. Thank you so much!

Popular posts from this blog

EMOTIONS

One of the Finest Church in Norway

Pano nga ba ulit magblog?